ㅡㅡㅡㅡㅡ
Kokoy's POV:
"Wala na! baka kung ano-ano ng iniisip nung tao sakin!" inis na inis kong wika sa harapan ng aking laptop.
Napapasabunot pa ako sa aking buhok dahil sa frustration na aking nararamdaman.
"Aba siyempre! dapat lang na mag isip siya ng kung ano-ano, sino ba namang matinong nilalang ang mag me-message ng ganung kabastusan?" pang aasar ni Brent sa akin at nagawa pa akong bigyan ng dirty finger.
Kung nasa tabi ko lang itong lalaking ito ay nakatikim na siya sakin ng sapak.
"Fuck!" pagmumura ko sa harapan nila "Eh sino ba naman kasing gago ang mag uutos ng ganoon ha?!" patukoy ko sa isa pang ulupong na naka flash sa screen ng aking laptop.
Nasa kanang bahagi ng screen si Brent samantalang nasa kaliwa naman ang isa, naka video conference kami.
"Wala akong alam diyan ha, hindi ako nag utos ng ganoon Kokoy trust me!" pag tanggi nito sa katotohanan habang busy siya sa panonood sa kanyang cellphone.
"Tatanggi ka pa! Eh ikaw nga ang promotor ng kagaguhan natin nung isang araw!" inis na inis kong wika sa kanya sa harapan ng screen.
"Alam mo Dick kasing baho talaga ng tite mo 'yang ugali mo!" dahil sa inis na nararamdaman ko ay kung ano-ano ng nasasabi ko sa kanya.
Kita kong itinigil niya ang panonood sa kanyang phone na alam kong isa yung porn dahil rinig namin ang pag ungol dito, itinigil niya muna ang panonood bago humarap sa kanyang camera.
"Hoy Kokoy! Oo ako nga ang promotor! Pero sino bang sumunod sa utos ha?! sino bang ginusto na i-message mo siya ganun?! sino bang sineryoso yung dare na binigay sa kanya ha!? tarantado to! Pati bago ka magsalita diyan amuyin mo muna 'yang sarili mong tite dahil baka mas mabaho pa 'yan sakin!" sunod-sunod na pagmumura at pagsigaw sa akin ni Dick bago siya muling bumalik sa panonood ng porn.
"Fuck you! Tangina mo talaga Dick! Mukha kang uten!" malaswang pagmumura ko sa kanya.
Walang ibang ginawa si Brent kundi ang tawanan kaming dalawa ni Dick sa aming diskusyon.
"Alam ko tangina ka! Pati wag ka ngang maingay iniistorbo mo sa pagbabasa si Samuel!" patukoy pa nito sa isa naming kasamahan na nasa gitnang bahagi ng screen.
Kaya napatingin ako sa pwesto ni Samuel na busy sa pag babasa libro.
"Samuel thank you nga pala doon sa address na binigay mo, sobrang laki ng tulong mo sa akin thank you sobra thank you!" nakangiti kong pasasalamat kay Samuel at binigyan pa siya ng limang flying kiss kahit na hindi naman ito nakatingin sa camera.
Hinihintay kong tumingin si Samuel sa camera para mapakinggan ang kanyang tugon.
Dahan-dahan siyang humarap sa kanyang camera at doon nagsalita ng walang kagana-gana.
"Sa pinsan ko ikaw mag pasalamat Koy, pasalamat ka dahil kaibigan niya yung tao" walang buhay nitong tugon na ikinangiti ko na lamang.
"Kaninong address Kokoy?" nakangiting pagtatanong ni Brent sa akin kaya binalingan ko ito ng tingin.
Nginitian ko naman siya ng may kahulugan "Alam mo na kung kanino Brent" tugon ko dito habang nagtataas baba ng kilay.
"Hmmm... I see, tama nga yang ginawa mo para makabawi ka doon sa tao" nakangiti nitong pag sang-ayon sa akin.
"Thank you Brent, Thank you Samuel" makahulugan kong pang-aasar sa isang ulupong.
Kita kong muli ang pagtigil nito sa panonood ng porn.
"Ako hindi mo ba pasasalamatan?" wika ni Dick na ikinatawa ni Brent.
"Bakit naman kita papasalamatan? Eh ikaw nga ang dahilan kung bakit bad shot at dalawang araw na akong hindi pinapansin nung tao! Tinawag pa nga akong psycho nung isang araw at ilang beses kong chinachat pero hindi naman ako pinapansin!" tuloy-tuloy kong wika sa kanya na ikinatawa lang nito.
"Gago ka pala Kokoy eh! Kung hindi tayo nag laro ng truth or dare nung isang araw edi walang first move na mangyayari! Tama ba ako Samuel?" humanap pa ito ng kakampi.
"Dick is right Kokoy" gulat naman ako ng sumabat si Samuel sa aming usapan.
"Hoy! Sam! Akala ko ba ako ang kakampi mo ha!?" inis kong pagbaling sa kanya at doon ko ito nakitang bumalik ng tingin sa kanyang pagbabasa.
"Tama si Dick Kokoy" gulat din akong bumaling kay Brent ng kampihan niya din ang nag sasalitang tite.
"Brent? Pati ba naman ikaw!?" inis kong turan sa kanya na tinawanan lang ako.
"Kokoy tama si Dick dahil kung hindi ka pa niya binigyan ng dare nung isang araw ay hindi ka magkukusang mag first move, diba matagal mo na din siyang hinahanap? Mag mula pa noong nag pu---"
"Ewan ko sa inyo! Pinag kakaisahan niyo ako! Mga gago kayo!" pagputol ko sa sinasabi ni Brent.
Naka flash sa screen ng aking laptop ang tatlo kong mga gagong kaibigan.
Si Brent Fernandez na walang ibang alam kundi ang pag a-adik sa basketball na siya din ang naging tulay kung bakit ako napasama sa kanilang team.
MVP ang gagong ito sa university namin kung kaya't lapitin siya ng mga girls and gays, siya din ang tinatawag na chickboy sa aming samahan.
Si Dick Sorerra Junior na puro kalaswaan ang alam sa isipan na nag pa intindi sakin ng mga makamundong bagay tulad ng bdsm,bondage,fisting at iba pang mga erotic exercises.
Kabaliktaran ng pangalan niyang Dick Junior ay hindi mo aakalain na isa siyang loyal sa kanyang girlfriend. Kung titingnan mo ang asta ni Dick ay sasabihin mong isa siyang fuckboy na manloloko pero kabaliktaran iyon dahil siya pa yung niloloko ng mga naging girlfriends niya dati.
Kaya siya ang tinatawag na loyal na fuck boy sa aming grupo.
Si Samuel Tolentino naman ang pinaka matalino sa aming grupo, siya ang aming lakas pag dating sa mga homeworks at projects. Bibihira mo lang siyang makakausap dahil libro at laptop lang ang palagi niyang kaharap.
Pero wag mo siyang mamaliitin dahil maniwala ka sa salitang silent killer, girlfriend ni Samuel yung model sa Nursing Department na pinaglalawayan at pinag aagawan ng mga kalalakihan sa loob at labas ng university.
Kahit ako ay nagagandahan sa babaeng iyon, ngunit ng malaman kong pag mamay-ari na siya ni Samuel ay itinigil ko na.
Ako?
Ako naman si Kokoy Broilette sabi nila ako daw ang kolokoy at kengkoy sa aming grupo. Kung tatanungin mo yung mga nakakakilala sa amin kung sinong pinaka gwapo at angat sa grupo ay wala silang ibang babanggiting pangalan kundi si Kokoy.
Hindi ko nalang pinapansin ang mga papuring iyon dahil kung ako nga ay angat sa kanilang paningin ay kabaliktaran naman kung paano ako nila tratuhin.
Tinatrato nila akong tatlo na parang bata at may kapansanan, labis ang kanilang ginagawang pag aalala sa tuwing ako ay may kakaibang nararamdaman.
"Nag iingat lang kami"
"Baka pagalitan kami ni Tito"
"Habilin sa amin ito ni Tito, kaya wag kanang tumanggi"
Ang mga salitang iyan ang sinasabi nila sa akin tuwing may kakaiba akong ginagawa lalo na kapag sobra ang pawis sa aking katawan.
Madami akong gustong gawin sa buhay tulad ng manood ng iba't-ibang movies mahilig ako mag netflix and chill, mahilig akong makinig ng mga music, I love hiking and star gazing lalo na sa bundok nila Lolo Densyo.
Madami akong alam na sports pero kadalasan swimming at basketball ang ginagawa ko, I'm a good cook too natuto ako dahil ko iyon kay Papi.
I love sweets tulad ng chocolate moist cake, red velvet at ube cheese cake kaya ganoon nalang din ako natutong mag bake ng mga pastry.
Adventurous daw ako sabi nila Papi, pero alam niyo ba?
Sa dami ng mga gusto kong gawin sa buhay ay ganoon din kadami ang mga hindi pwede, nagagawa ko naman sila pero may mga limitations at break time ang kailangan kong gawin.
Tulad nalang kapag mag lalalaro ako ng basketball dahil kadalasan butas banko ako sa grupo, hindi sa hindi ako magaling maglaro pero bawal sa akin ang magtagal sa loob ng court.
Palaging naka bantay si Samuel sakin kapag may kung ano akong nararamdaman kapag nasa laro kami.
"Bahala kayo diyan! Pinagkaka-isahan niyo akong tatlo!" inis kong baling sa screen ng aking laptop patukoy sa tatlong gago.
Pare-parehas na Architect ang aming kurso sa Eulji Univeristy of the Philippines Manila campus at nasa ikalawang taon na kami.
"Hindi ka namin pinagkaka-isahan, sinasabi lang namin yung katotohanan" gatong ni Dick sa akin.
Galit na galit ako sa titeng ito mag mula pa nung isang araw dahil sa ibinigay niyang dare na naging dahilan kung bakit ako na bad shot doon sa tao.
Sino 'ba naman kasing hindi susunod kung ang parusa ay ikakalat ang nude photos ng bawat isa sa internet, wag na kayong magtaka kung bakit may mga larawan kaming ganoon na kaming apat lang ang nakaka alam.
"Awit talaga sayo inyo pinagkakaisahan niyo ako" pagtatampo ko muling wika sa harapan nila.
Pagtawa lang ang itinutugon ni Brent at Dick sa akin samantalang si Samuel naman ay tila walang pakiealam at tuloy parin sa pagbabasa.
"Oo na, awit na kung awit" pag awit ni Brent at binigyan ko nalang ito ng dirty finger.
"Bahala kayo! Hindi na kayo makakatikim ng luto ni Papi! Sige pag kaisahan niyo ako mga gago kayo!" pananakot ko sa kanila na tumalab naman dahil sabay-sabay silang tatlong sumigaw sa akin.
"Gago joke lang Koy!" si Brent.
"Oo na! Ako na ang mali Kokoy! Ako na ang mali! Pero wala namang gamitan ng tatay! Alam mo namang diyan lang kami nakakatikim ng masarap na lutong bahay!" si Dick.
"Kokoy sayo ako kampi ha, gago kasi 'tong si Dick eh mukhang tite!" si Samuel.
Close kasi itong tatlo kay Papi at ganoon din naman siya, lunod na lunod kasi si Papi sa mga papuri tuwing pinag luluto niya ng pagkain itong tatlo kapag pumupunta sila dati dito sa bahay.
Pinagluto pa sila ni Papi noon ng caldreta bago magkaroon ng lock down.
"Ge! Bahala kayo diyan! Isusumbong ko kayo!" tila bata akong tinatakot sila at ganoon nalang aking pagtawa.
Ganoon nalang ang ginawa nilang pag sigaw sa akin na wari'y pinipigilan nila ako sa gusto kong gawin.
"Koy! May suggestion ako!" napatigil kaming tatlo sa tawanan ng mag salita si Brent.
"Ano yun?" nakangiti ko namang tugon sa kanya.
"Diba tutor si Nathaniel?" pagtatanong nito sa akin na ikinatango ko naman.
"Oo, bakit?" tugon ko at doon hinintay ang kanyang sasabihin.
"Bakit hindi mo subukang mag pa tutor sa kanya" suhestiyon nito sa akin at doon nagsalita si Samuel.
"Oo nga Koy, everyday nights may tutor class siya sa mga senior high at sa ibang colleges" paglalahad ni Sam.
"I know, I know" tugon ko sa kanilang dalawa "Ano namang lesson ang ipapaturo ko sa kanya?" pagtatanong ko dito.
Kita kong ngumiti si Dick bago nagsalita "English! Mag paturo ka ng English!" suhestiyon niya.
"Anong akala mo sakin hindi marunong mag English?" pagmamayabang ko dito "Ikaw nalang kaya magpaturo ng English Dick since palagi kang lumalapit kay google translator" panunuya ko sa kanya na ikinatawa ng dalawa.
"Gago! Pero kung ayaw mo ng English edi ibang exercises!" muli na naman nitong suhestyon.
"Ano namang exercises?" turan ko kay Dick.
"Edi mga erotical exercises! Mag paturo ka sa kanya kung paano mag foreplay tapos pwede ding kung paano mag finger ta---"
"Eh kung ikaw kaya ang fingerin ko diyan!?" inis kong pagputol sa mga kabastusan niya na muling ikinatawa ng dalawa.
"Diyan na nga kayo! Wala kang magandang dulot Dick!" dahil sa inis ay sinarado ko na ang aking laptop.
"Hays!" tila frustrated kong wika at napasabunot pa ako sa aking buhok "Ang tanga-tanga mo Kokoy! Ang tanga-tanga mo!" napapikit pa ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.
May mga bagay talaga tayong nagagawa na pinagsisisihan natin sa huli.
Tulad nalang ng pagsunod ko sa dare ni Dick, pinagsisisihan ko iyon dahil dalawang araw na niya akong hindi pinapansin.
Hindi pa nga ako nakakapag-pakilala ng maayos tapos ganoon nalang ang nangyari? Baka kung ano-anong isipin niya sakin!
"Baka isipin niya na rapist ako!"
"Baka isipin niya na manyak ako!"
"Baka isipin niya na ano, na...na ano basta! Ahh! Tangina mo Dick!" tila nababaliw kong pag kausap sa akin bago ako makarinig ng pagkatok sa aking pinto.
"Koy! Kokoy!" pagtawag mula sa labas habang patuloy na kumakatok.
Pinaikot ko ang swivel chair paharap sa pintuan "Kuya bakit?!" tugon ko habang nakatingin sa pinto.
"Si Papi tumatawag, bumaba ka muna!" wika ni Kuya Ernest ng marinig kong papalayo na ito.
"Sige Kuya sandali lang!" tugon ko bago tumayo sa upuan at tinumbok ang walking closet sa aking kwarto.
Puro pang lalaki ang makikita mo dito sa loob ng aking kwarto, puro figurines at collections ng laruan sa mga movies at series na aking napapanood tulad nalang ng Star Wars, Harry Potter,Marvels, Avengers at iba pa.
May dalawang gitara din ako dito sa kwarto na madalas kong gamitin tuwing kakantahan ko si Papi.
May isang parte din sa dingding ng aking kwarto na puro larawan na kuha ko mula sa iba't-ibang tao. Mahilig ako sa photography lalo na kapag mga nature at stolen shots ang aking kukuhanan.
Mayroon akong isang shot na pinaka paborito sa lahat, pina-frame ko pa iyon dahil napaka espesyal sa akin ng larawang iyon.
Nag suot lang ako ng gray shirt bago tuluyang bumaba sa unang palapag ng aming bahay.
Doon ko nakita si Kuya Ernest na nanonood ng balita habang nakapatong sa binti niya ang laptop na naka flash sa screen ang mukha ni Papi.
Video call not vidjakol.
Mabilis akong tumabi kay Kuya Ernest at doon ko kinuha ang laptop sa kanyang binti.
"Hi Papi!" masigla kong pagbati sa aking Papi at doon pa kumaway sa kanya.
"Hello Baby Boy!" nakangiting pagbati ni Papi sa akin taliwas sa aking edad.
Baby boy parin ang tawag niya sakin sa loob ng sampung taon.
"Anong ginagawa mo Papi? Nasaan ka po? Si Daddy nasaan?" sunod-sunod kong pagtatanong sa kanya.
Bago ko marinig ang sagot ni Papi ay napatingin muna ako sa telebisyon dahil doon ipinapakita ang mga head lines sa tanghaling ito.
"Kanlaon Volcano alert level one up"
"Dalawang milyong bagong sanggol ang inaasahang ipapanganak sa susunod na taon"
"Caller na nakahiga lang, nakatanggap ng twenty thousand sa Tutok to Winit"
"Buti nalang hindi ko natapakan video ng isang batang babae, trending ngayon sa social media!"
"President Romano Dutertle Wang says, If there is anybody who wants to be out and enjoy and live life normally, it's me. I don't like this lockdown... I hate it"
"Over thirty two thousands confirmed cases. Expect Covid-Nineteen cases to continue to rise in the Philippines, with easing of restrictions and increase in testing capacity, the health department says"
Pagkatapos kong marinig yung mga headlines ng balita ay muli kong binalingan si Papi sa screen ng laptop.
Nakangiti lang ito bago sumagot sa tanong ko kanina "Nandito ako sa Doctors Room nag papahinga lang ako sandali ang sakit na kasi ng likod ko nangangalay na, si Daddy mo naman nandoon pa sa Immunology Department nag aasikaso pa ng mga covid patient" tugon ni Papi.
Hindi ko mapigilang malungkot dahil sa ibinalita ni Papi sa akin, pagod na pagod na silang dalawa ni Daddy sa trabaho.
"Don't worry Baby Boy kaya naman namin ni Daddy mo, konting pahinga lang ayos na" batid siguro ni Papi na nalulungkot ako.
"I love you Papi always take care and rest ha, kayong dalawa ni Daddy ay matanda na kaya kailangan niyo ng sapat na pahinga" sweet at mula sa puso kong wika kay Papi.
Papi and Daddy is in mid forty's na and they are so cool together dahil parehas silang matatag at malakas.
They are both gay and I love them so much, they are both professional Neurosurgeon Doctors sa sarili nilang ospital kaya ganoon nalang ang malaking suporta nila saming dalawa ni Kuya Ernest.
Hindi ko sila kadugo dahil inampon nila ako ten years ago at hinding-hindi ko pinagsisihan na sumama sa kanila.
"Do you have a new bruises sabi sakin ng Kuya mo" pag aalalang wika sa akin ni Papi at napatango naman ako.
"Nahulog kasi ako kagabi sa higaan, Papi" tugon ko naman bago ngumiti sa kanya.
"Nako Kokoy ha, anong sabi ko sayo? Remember?..."
"...always take care forever and ever"
"Always take care forever and ever" sabay naming wika ni Papi sa mga katagang palagi niya sa aking sinasabi.
"Good Boy" natatawang wika ni Papi at rinig ko namang tinatawanan din kami ni Kuya Ernest sa aking tabi na patuloy lang nanonood ng balita.
"Papi na receive niyo na ba yung pina-deliver kong cookies?" pagbabago ng usapin sa kanya.
"Yes Baby sabi sakin ni Kuya mo na maaga ka daw gumising ah para mag bake ng cookies, am I right?" nakangiti nitong tugon.
"Yes Papi"
"Sabi din sakin ng Kuya mo na madami ka daw ginawang cookies ah, kami lang ba talaga ang pinadalhan mo? Or may iba pa?" tila panunuya sakin ni Papi na ikinahiya ko naman.
Matalim akong bumaling ng tingin kay Kuya Ernest at doon ko ito pinagtaasan ng kilay "Kuya! Bakit kailangan sabihin mo pa kay Papi kung gaano kadami ang ginawa ko?" madiin at mahina kong wika sa kanya na sapat lang para marinig ni Kuya.
"I heard you Baby Boy, naririnig kita" napasapo nalang ako sa aking noo dahil sa pagtawag ni Papi sa akin.
Hiyang-hiya akong bumaling ng tingin kay Papi.
Ayaw na ayaw ko kasing aasarin ako nila Papi at Daddy patungkol sa aking love life.
"Baby Boy listen to me" natatawang pagtawag ni Papi sa akin at doon ko naman ito sinunod.
Kahit may hiya sa aking mukha ay doon ko pinakinggan ang sasabihin niya.
"Ano yung palagi kong sinasabi sayo patungkol sa Love? Remember?..."
"...love is love and love knows no gender"
"Love is love and love knows no gender" muli ko na namang pagsabay kay Papi.
Hiya parin akong nakatingin sa kanya kaya ganoon nalang ang pagbungisngis ni Kuya Ernest sa aking tabi.
"Baby Boy" muling pagtawag ni Papi sa akin.
"Yes Papi?" hiya kong tugon sa kanya at doon hinintay ang sunod niyang sasabihin.
"So tell me, sino pang binigyan mo ng cookies?"
ㅡㅡㅡㅡㅡ