ㅡㅡㅡㅡㅡ
Nathaniel POV:
"Ma nakita mo ba yung wallet ko?!" sigaw ko kay Mama Ruth mula dito sa loob ng aking kwarto habang patuloy na hinahalughog ang mga gamit ko dito.
Bukas ang pintuan ng aking kwarto at tanaw ko mula sa labas ang living room kung saan doon naka upo si Mama sa sofa habang ka-video call si Papa.
"Anong wallet?!" wika ni Mama habang kaharap niya parin ang phone.
"Yung personal wallet ko ma, yung lagayan ko ng mga I.D's" tugon ko sa kanya habang paulit-ulit kong sinisilip ang itim kong string bag.
Kanina ko lang kasi naalala yung vinyl ng Ben and Ben na binili ko noong isang araw sa Blue Records Market at kanina pa din ako naghahanap ng aking personal na wallet.
Nawawala kasi.
Huling pinaglagyan ko nito ay yung itim kong string bag na ginamit ko noong lumabas nung isang araw.
Personal wallet ko iyon na naglalaman ng iba't-ibang I.D's.
Voters I.D, School I.D, Lisensya at iba pang I.D's na ginagamit ko sa pamimili.
"Hays! nasaan na yun?" inis kong turan at kaliwa't kanan ang ginagawa kong paghahanap dito sa loob ng kwarto.
"Wag mong hanapin! Lalabas din yun!" sigaw ni Mama na ikinakamot ko ng ulo.
"Paano lalabas Ma kung hindi hahanapin!" inis kong wika sa kanya at rinig kong ikinatawa niya ito.
"Nasaan kana ba?! nasaan kana?!" pag kausap ko sa nawawalang wallet ko.
Ilang minute pa akong inis sa paghahanap ng bagay na iyon ng marinig ko ang pagtawag ni Mama sa akin.
"Halika na muna dito Nathaniel! Gusto kang kausapin ng Papa mo!" rinig kong sigaw ni Mama na sinunod ko naman.
Humakbang ako papalabas ng kwarto at doon tinabihan si Mama sa sofa.
"Oh kausapin mo muna si Papa mo ako ang maghahanap ng wallet mo at kapag nakita ko yun makakatikim ka sakin ng pingot, bata ka" tila bata akong tinakot ni Mama bago ibigay sakin ang kanyang phone.
Tumayo si Mama sa sofa at doon niya tinumbok ang aking kwarto.
"Nat" rinig kong pagtawag ni Papa Lester bago ko siya balingan ng tingin sa screen.
"Hi Pa!" nakangiti kong tugon sa kanya at kinawayan pa ito.
"Kumusta?" nakangiti nitong wika sa akin.
"Ikaw ang dapat tanungin ko niyan Papa, ikaw? Ikaw ang kumusta Pa? Ilang positive cases na ba ng covid diyan sa UAE Pa?" nakangiti at may pag aalala kong wika sa kanya.
"Fourty six thousand plus na Anak" tugon naman nito na ikinabigla ko.
"Weh? Dito Papa thirty two thousands na, mag ingat ka Pa diyan ha wag na wag kang lalabas ng walang suot na mask palagi ka ding mag alcohol at disinfect" mula sa puso kong pag-papaalala sa kanya.
"Salamat Anak" nakangiti nitong tugon sa akin na ikinangiti ko ng malapad.
Mahal na mahal ko si Papa ng sobra dahil buong puso niya akong tinanggap, buong puso niya tinanggap ang pagkatao ko.
"Love you Pa" hirit ko sa kanya.
"Love you too Anak, mahal na mahal ko kayo ni Princess" patukoy niya sa kapatid kong natutulog ngayong tanghali sa nursery room.
Ilang minuto pa kami nag uusap ni Papa tungkol sa mga bagay-bagay, miss na niya daw yung pag vivideo-oke namin dito sa bahay ng mga makalumang kanta.
Kay Papa Lester ako nag-mana pagdating sa kagustuhan sa music lalo na sa mga old songs.
Palagi din kaming nag jajaming ni Papa at sinasadya pa naming pumunta sa mga jam studio para lang magpatugtog ng iba't-ibang instrumento.
Nasabi ko ba sa inyong gitarista si Papa? At isa siyang miyembro ng isang sikat na banda dito sa Pilipinas?
Alam niyo ba noong ikinuwento sakin ni Papa ang love story nilang dalawa ni Mama nung mga binata at dalaga pa silang dalawa ay labis ang kilig at saya na aking nadama.
Ayaw na ayaw ng mga magulang ni Mama kay Papa Lester dati at dumating pa sa puntong sinugod nila Lolo at Lola yung mga magulang ni Papa Lester, kumbaga madaming tutol sa relasyon nila Papa at Mama.
Kung mapaglaro ang tadhana ay ganoon naman katibay at katatag ang pagsasama nila Papa at Mama.
They fight for each other, they fight for their love, they fight for the things that they need to have at pinatunayan nilang dalawa kila Lola at Lolo ang kanilang totoong pagmamahalan na naging dahilan para magkaroon sila ng happy ending.
"Eh ikaw nga kasi Anak, Kumusta ka?" muling pangangamusta saki ni Papa.
"Maayos ako Papa, safe naman ako kapag lumalabas ng bahay pati walang positive cases dito sa Pililla kaya wag kang mag alala" tugon ko sa kanya na ikina-iling nito.
"Hindi yun ang ibig kong malaman Nathaniel, ikaw kumusta ka? Yung puso mo kumusta? Okay na ba?" nakangiting wika ni Papa sakin na ikinatango ko naman.
Isa pa sa minamahal kong katangian nila Mama at Papa ay yung malaki ang kanilang suporta sa akin, nandiyan sila sakin kapag lumuluha ako, nandiyan sila kapag sobrang saya ko, nandiyan sila sa lahat ng mga achievements ko sa buhay.
"Maayos na ako Pa, naka move on na kahit na minsan dumadalaw parin siya sa panaginip ko para bigyan ng advice, sabi ko nga sa kanya na dalawin niya kayo minsan ni Mama eh" pagbibiro ko sa huling wika ko sa kanya na ikinatawa ni Papa.
"Wag naman Anak! Alam mo namang matatakutin si Papa eh!" natatawa nitong sagot bago muling sumeryoso ang kanyang mukha.
"Basta siguraduhin mo lang na okay ka ha? Wala ng iyak-iyak baka umuwi na naman ako diyan sa Pinas ng wala sa oras" kita mo na? handang lumipad ni Papa mula pa sa Dubai para lang patahanin ako.
Napatango naman akong nakangiti dahil sa sinabi sa akin ni Papa, mahal na mahal ko si Papa Lester.
"Tingin ka sa likod mo Anak" wala sa usapang wika ni Papa.
"Ha?" taka kong tugon sa kanya at doon dahan-dahan na lumingon sa aking likuran.
Nang tuluyan akong makalingon ay nakita ko si Mama doon at nagulat sa kanyang ginawa.
"Aray ma! Ah!" hiyaw ko ng mabilis niyang pingutin ang aking kaliwang tenga.
Rinig ko ang pagtawa ni Papa doon sa kabilang linya.
Pagkatapos ng ilang segundong pagpingot ni Mama ay doon niya binitawan ang aking kaliwang tenga.
"Aray ko naman Ma! Sakit kaya!" inis kong wika sa kanya habang hinihimas ang aking tenga.
"Anong sabi ko sayo? Makakatikim ka sakin ng pingot kapag nahanap ko yung wallet mo" taas kilay at tila proud na wika ni Mama sa akin.
Tila naglaho naman ang sakit sa aking tenga dahil sa sinabi ni Mama.
"Hala! Saan mo nakita ma?" napahigpit ang pagkapit ko sa cellphone dahil sa galak na aking nadama.
"Nandoon sa ibabaw ng vinyl player mo, naghanap ka ba talaga Nathaniel? ginamit mo ba 'yang mata mo? o bibig ang ginamit mo sa paghahanap?" panunuya nito sa akin na ikinatawa ko nalang naman.
Napahinga ako ng malalim ng malaman kong hindi pala iyon nawawala.
Nasa ganoong posisyon kami ni Mama ng sabay kaming makarinig ng sunod-sunod na pag doorbell sa aming gate.
Napatingin pa kaming dalawa ni Mama doon, mabilis akong tumalikod sa kanya at muling hinarap si Papa.
"Ikaw na ang pumunta doon Ma, kausap ko pa si Papa" wika ko sa kanya dahil tinatamad akong pumunta doon.
Hindi ko na narinig na nagsalita pa si Mama at kita ko sa peripheral vision ko na papalabas ng bahay si Mama.
"Nathaniel Anak" muli akong napabaling sa cellphone dahil sa pagtawag ni Papa Lester.
"Pa" tugon ko.
"Ano yung sinasabi sakin ng Mama mo? Totoo ba yun o baka OA lang mag kwento ang Mama mo?" tila curious na tanong sakin ni Papa.
Napataas ako ng kilay dahil sa pagtataka "Ano pa? Ano namang kinukwento sayo ni Mama?" taka kong wika sa kanya at napakamot pa ako ng ulo.
Napatango si Papa bago magsalita "Wala, wala Anak...baka OA lang talaga ang Mama mo" nakangiti na niyang wika.
Ganoon parin ang pagtataka ko kaya muli ko itong tinanong "Ano nga yun Pa? Sabihin mo sakin hindi kita isusumbong kay Mama" pangungumbinsi kong wika.
"Wala nga Anak" natatawang pagtanggi nito sa akin "Basta ingatan mo lang ang puso mo ha, hindi porket quarantine eh pwede ka ng magpapasok ng kung sino-sino diyan sa puso mo" segunda pa nito.
Muling napakunot ang aking noo dahil na gets ko kung anong ibig iparating ni Papa.
"Papa! Parang hindi mo naman ako kilala ah! Lahat ng mga lumalandi sakin sinasabi ko sa inyo! Ahm...yung iba, pero Pa! Hindi ako lumalandi ngayong quarantine ha! OA lang talaga mag kwento si Mama" inis at tuloy-tuloy kong pagtanggi dito na ikinatawa niya.
"Pa! wala akong ibang ginawa dito sa bahay kundi ang mag basa, kumain, makinig ng musics at mag tutor ng mga student!" segunda ko pa at doon bumaling sa labas ng bahay na ngayon ay kita ko si Mama na papasok na ulit.
"Wag kang maniniwala basta-basta kay Mama Pa!" hirit ko pa dito habang nakangitin kay Mama na may dala-dalang box.
"Nag padeliver ka ba Nathaniel?" bungad ni Mama ng makapasok siya ng bahay.
"Ha? Hindi ako nag pa deliver Ma? Pati ano namang ipapadeliver ko?" tugon ko sa kanya at doon siya humakbang papalapit dito sa sofa.
"Eh kanino 'to?" wika ni Mama ng maka-upo siya sa sofa, inilagay niya ang brown na box na may puting ribbon sa lamesita.
Napatingin ako doon sa may kalakihang box "Sino bang nag deliver Ma? Saan daw galing?" takang pagbaling ko sa kanya.
"Grab food eh, galing ng QC" tugon nito na mas lalo kong ikinataka.
"Grab food Ma? Dito sa Pililla may Grab Food? Galing pa ng Quezon City?" sunod-sunod kong pagtataka sa kanya.
"Ewan ko ba hindi naman sinabi sakin ng driver kung kanino galing, basta dito daw ide-deliver eh" wika ni Mama at doon ako muling bumaling sa kahon.
"Anong laman Nathaniel?" rinig kong pakiki-usyoso ni Papa sa kabilang linya.
Napatingin ako sa kanya at doon nag wika "Hindi ko alam Pa, teka buksan ko" ibinigay ko kay Mama yung phone at doon ako kumilos para kunin ang box.
Ipinatong ko ito sa aking hita.
"Baka bomba 'to Ma" biro kong pagbaling kay Mama na ikinatawa nilang dalawa ni Papa.
Hawak-hawak ni Mama Ruth ang phone papaharap sa akin para makita ang pag u-unbox ko ng misteryosong kahon.
"Baka naman galing sa secret admirer mo 'yan Nathaniel" rinig kong pang aasar sa akin ni Papa kaya binalingan ko ito ng tingin.
"Ewan ko sayo Pa, dumali ka na naman diyan!" natatawa kong tugon sa kanya bago tumingin sa kahon.
"Buksan na 'yan! Buksan na 'yan!" rinig ko pa ang pagpalakpak ni Papa doon sa cellphone.
Habang nakatingin ako sa brown na kahon na may puting ribbon ay hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba.
Sino bang hindi kakabahan kung may magpapadala sayo ng ganitong bagay na hindi mo alam kung kanino galing.
Malay mo ngang bomba ito? O kaya puro daga at ipis?
"Open it Nathaniel, open it" muling wika ni Papa at doon ako nagdesisyong buksan ang box.
Kaba akong tinatanggal ang puting laso sa misteryosong kahon.
Napahinga pa ako ng malalim ng matagumpay kong natanggal ang ribbon sa kahon.
Muli kong inilagay ang aking kamay sa takip ng kahon para ito naman ang buksan.
"Bilisan mo na Nathaniel!" dahil sa pagmamadali ni Papa ay doon ko mabilis na tinanggal ang takip ng kahon.
"Ahhh!" malakas kong sigaw ng tuluyan kong mabuksan ang box.
"Taragis ano 'yan! Ano 'yan ha!? anong laman ng box Nathaniel!?" kita ko ang pagkataranta ni Papa sa kabilang linya dahil sa aking pag sigaw.
"Joke lang pa! It's a prank!" sabay kaming malakas na nagtawanan ni Mama dahil sa aking inakto.
"Bwisit ka Nathaniel baka magising mo si Princess" natatawang pagsuway sakin ni Mama na ikinatawa kong muli.
"Nathaniel ha! Pinakaba mo ako doon!" tila pagod na wika ni Papa na ikinahingi ko ng pasensya.
"Sorry Pa" natatawa kong paghingi ng dispensa.
"Puro ka talaga kalokohan Nathaniel, akala ko kung ano na!" natatawa ding wika ni Papa na muling ikinatawa namin ni Mama "Pero ano talagang laman niyan?" pagtatanong ni Papa bago ako muling mapabaling sa kahon.
"May takip na parchment paper Pa, teka tanggalin ko" wika ko at doon tinanggal ang papel sa ibabaw ng laman ng box.
"Woah"
"Wow" sabay naming pagkamangha ni Mama ng matanggal ko ang taklob.
"Anong laman?! Anong laman?" tila excited na wika ni Papa sa kabilang linya.
Hinawakan ko ang box sa ilalim at doon hinarap sa camera ang laman ng kahon.
"Wow ang sarap naman niyan, saan galing?" pagkamangha ni Papa bago ko muling ibaling ang kahon sa aking hita.
Punong-puno ng cookies ang laman ng malaking kahon na ito.
"Galing daw sa QC Pa, hindi lang namin alam ni Mama kung sino ang nagbigay" pagbaling ko kay Papa bago nagsalita si Mama.
"Anak, may nakasingit na papel sa gilid oh tingnan mo" wika ni Mama at doon pa niya tinuturo ang kahon.
Napabaling akong muli sa kahon at doon kinuha ang nakasipit na papel sa mga cookies.
Isang puting papel ang naka tupi.
"Sino daw? Anong nakalagay?" muling pakiki-usyoso ni Papa.
Binuksan ko ang papel at doon ito binasa sa harapan nilang dalawa.
"Sorry Tutor Nat" dahan-dahan kong pagbasa sa nakasulat "Sorry Tutor Nat?" taka akong bumaling kila Mama at Papa.
Kita ko ang pagngiti nilang dalawa.
"Sabi ko na eh! Galing 'yan sa secret admirer mo!" panunukso sa akin ni Papa na ikinailing ko.
"Sayo pala 'yang cookies Anak eh, baka isa sa mga istudyante mo?" wika ni Mama at muli akong napabaling sa cookies.
"Sorry?" pagkausap ko sa aking sarili dahil iniisip ko kung sinong student ang magpapadala nito.
"Sorry with cookies, ano kayang ibig sabihin niyan Anak?" rinig kong wika ni Papa.
Nag desisyon akong tumayo sa pagkakaupo.
"Pasok lang po muna ako sa kwarto" huling wika ko sa kanila at doon humakbang papaalis sa sofa habang bitbit ang kahon na naglalaman ng cookies.
Hindi ko na pinakinggan pa ang kanilang sinabi at dali-dali ng pumasok sa aking kwarto.
Nang isasara ko ng ang pintuan ay narinig ko pa ang sinabi ni Mama "Sabi ko sayo Mahal eh, may secret admirer na ulit si Nathaniel".
Tuluyan ko ng isinara ang pinto at doon humakbang papunta sa study table kung saan nakapatong ang laptop.
Ipinatong ko doon ang box ng cookies bago ako humakbang papunta sa walking closet ng aking kwarto.
Kinuha ko doon ang asul na towel at isinukbit sa aking leeg dahil maliligo ako pagkatapos kong itanong sa mga student ko kung sinong nagbigay ng cookies na iyon.
Mabilis lang ang aking kilos at natagpuan ko nalang ang aking sarili na naka upo sa swivel chair habang nakaharap na sa aking laptop.
Pumunta ako sa messenger ng aking facebook, pinindot ko ang group chat na aking ginawa para lang sa mga estudyante ko.
Inilihad ko ang aking kamay sa keyboard at doon tumipa ng mga letra, sinasabi ko pa sa hangin ang aking tinitipa.
"Guys sino sa inyo ang nagpadala ng cookies? Bakit may nakalagay na so...."
Hindi ko na naituloy ang aking pagtipa sa keyboard dahil sa rumehistrong pangalan sa aking messenger.
Hindi ko alam kung bakit napataas ang aking mga kilay.
Mabilis kong pinindot ang pangalan ng isang tao na dalawang araw na akong ginugulo, hindi ko siya kilala pero patuloy ang kanyang pangungulit.
Hindi ako stalker.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko parin siya ina-unfriend.
Nang mapindot ko ang kanyang pangalan ay doon ko binasa ang kanyang pinadalang mensahe.
"Hi, dumating na ba yung pina deliver ko?" mensahe niya na ikinataka ko.
Hindi ko siya nirereplayan dahil nag ta-type pa siya.
"Hello?" sunod nitong mensahe at doon siya muling nag type.
Taas kilay akong hinihintay ang kanyang message.
"Yung pina deliver kong cookies dumating na ba diyan?" napalaki ang aking mata dahil sa mensaheng iyon.
Mabilis akong nagtipa ng mga letra sa keyboard.
"Sayo galing yung mga cookies? Bakit ka nagpa...." muli akong napatigil dahil sa sunod niyang mensahe.
"Sagutin mo call ko" pagbasa ko at doon ako nagulat ng rumehistro ang kanyang pangalan sa screen.
'Kokoy Buenaobra Broilette is calling' iyan ang rumehistro sa aking laptop.
Hindi na ako nag alinlangan pa at doon ko pinindot ang answer button.
"Hi" sexy at baritong boses ang sumalubong sa pagsagot ko ng tawag.
"Hi Tutor Nat" tila naka plaster ang magandang pagkakangiti niya sa kanyang mukha.
Naka flash sa screen ng aking laptop ang lalaking dalawang araw na akong ginugulo.
Message siya sakin ng message tungkol sa paghingi niya ng despensa sa ginawa niyang kabastusan.
Sino ba namang matinong nilalang ang mag memessage ng ganoon?
"Vidjakol?"
"Libre ka ba? Jakolan tayo gusto mo? No face okay lang, malaki ba 'yan?"
"Sagutin mo call ko vidjakol tayo o kaya sop? Usto mo yon?"
Muling napataas ang aking kilay dahil naalala kong muli ang mga kabastusang iyon.
Hindi porket gwapo siya ay gagamitin niya na yung excuse para mangbastos ng kapwa tao, hindi porket maganda ang pangangatawan niya ay pwede na siyang manapak ng puri ng kapwa tao.
"Teka?! sinong may sabing gwapo siya?!" napabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ng isang psycho.
"Uy! Natulala kana diyan, sabi na eh...gusto mo din ako" si Kokoy.
"Ha?" tanga kong tugon.
"Hatdog" nakangisi niyang wika na nagpabalik muli sa aking ulirat.
"Umayos ka Nathaniel! Umayos ka!" pag kausap ko sa aking sarili habang pinipilit kong hindi ngumiti.
"Oo na gwapo na ako, kaya hindi mo na kailangang matulala pa" muli niyang banat na ikinataas na ng kilay ko.
"Kapal mo ha!" una kong pagsusungit sa kanya na muli niyang ikinangisi.
"Makapal talaga 'to, gusto mo ipakita ko pa sayo?" manyak at bastos nitong tugon na i-kinainis ko.
"Hindi ka lang pala psycho! manyak ka din manyak!" pangalawa kong pagsusugit na muli niyang ikinangisi.
"At least sayo lang ako ganito" hirit niya na lalo kong i-kinainis.
Ano bang trip ng isang 'to?
"Alam mo kung wala kang matinong sasabihin papatayin ko nalang 'to" mabilis kong inilahad ang aking daliri sa cursor para patayin ang tawag.
"Uy joke lang! Binibiro lang kita! Wag mo namang seryosohin" sigaw niya na nagpatigil sa gagawin ko.
Walang gana ko siyang binalingan "Lahat sakin seryoso, ayoko ng nagbibiro" taliwas sa katotohanan kong wika sa kanya.
"So kapag umakyat ba ako ng ligaw, seseryosohin mo?" walang muwang niyang wika.
Tiningnan ko nalang siya ng mukhang nagsasabihing 'hindi ka nakakatuwa'
"Ito naman masyadong galit na galit, hindi pa nga ako umaakyat ng ligaw ganyan ka na agad sakin" kita ko sa camera ang pag papa-kyut niya.
"May sasabihin ka 'ba? Papatayin ko na 'to" wika ko na lamang dahil pinipigilan ko ang aking sarili.
"Cute mo pala kapag nag susungit ka ano?" hindi na ako nakatiis at doon ko pinindot ang end call dahil sa kawalang hiyaan niya.
Napatitig ako sa screen.
Napahinga ako ng malalim at napahawak ako sa aking dibdib.
"Shet...sandali lang naman" wala sa ulirat kong pagkausap sa hangin at doon tila hinahabol ang aking paghinga.
Ilang segundo lang akong nakatitig doon sa screen ng aking laptop ng muling rumehistro ang kanyang pangalan.
'Kokoy Buenaobre Broilette is calling'
Hindi ko alam sa aking sarili kung bakit mabiis kong sinagot ang tawag niya.
"Ano? Bakit? May sasabihin ka'ba? Bilisan mo kasi nakaka istorbo ka sakin" wala sa wisyo kong bungad sa kanya.
Iba na ang ekspresyon ng mukha niya na ipinapakita sa akin.
Kung kanina ay puro ngisi at pang aasar ang kanyang mukha.
Ngayon ay seryoso at tila may importeng sasabihin.
Nakatitig lang siya ng diretso sa camera.
"Wala kang sasabihin?" muli kong pag susungit "Sige papatayin ko na sa---"
"Yung nangyari nung isang araw ano...ahm hindi ko yun sinasadya kita mo naman na dinelete ko diba? Ano kasi yun...ahm ano dare kasi yun ng kaibigan ko na sinunod ko naman kaya gusto ko lang humingi ng sorry sayo kasi alam kong mali at hindi tama yung ginawa ko" tumigil siya at kita kong lumunok ng laway.
"Sorry kung minessage kita ng ganun alam ko na ikinagalit mo yun kaya humihingi ako sayo ng sorry, nagpadala din ako ng cookies para iparating na sincere ako sa sinasabi ko." pagtatapos niya sa kanyang wika.
Napatango ako sa kanya dahil sa sinabi nito.
"Dare? Anong klaseng dare? mag message ng kabastusan sa stranger?" taas kilay kong paglilinaw sa kanya.
"Hindi lang kasi dare yun, dare with truth kasi yung napunta sakin kaya ganoon yung nangyari" tugon niya sakin.
"Dare with truth?" taka kong wika.
"Dare with truth, i-message ng kabastusan yung---"
"Bakit nga pala kita pinag eexplain? hindi mo na naman kailangan pa, hindi nga kita kilala eh but still thank you sa pinadala mong cookies magkano ba 'to? Babayaran ko" hindi ko alam na lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon.
"Pati saan mo nalaman yung address ng bahay namin?"
Kita ko ang pagkamot niya sa kanyang ulo kaya doon bumuyangyang ang kanyang kili-kili.
Napalunok ako sa aking nakita.
"You are not a stranger for me" kita ko sa mukha niya ang lungkot "You don't need to pay me for that cookies ginawa ko 'yan hindi para ibente, ginawa ko 'yan para sayo lang talaga" seryoso nitong wika sa akin.
Muli akong napalunok dahil sa sinabi niya.
"Pinapaliwanag ko yung side ko para malinis ang pangalan ko, baka kasi kung ano-anong iniisip mo patungkol sakin" seryoso niya muling wika.
Gusto ko sanang sumabat na "Bakit hindi ba talaga? Hindi ka ba talaga ganun?" pero pinili ko nalang hindi umiik dahil baka masira ko ang momentum niya.
'Ang gwapo niya kapag seryoso'
"Maliban sa paglinis ng pangalan ko sayo, gusto ko din sanang magpakilala at magsimula ng bago"
"Eh?" tanging nasabi ko sa huli niyang wika.
"Mag papa-tutor ako sayo" seryoso niyang tugon sa akin.
"Tutor? Bakit? Anong tutor? Pati anong ituturo ko sayo?" sunod-sunod kong pagtatanong sa nagtatakang boses.
Ang seryoso niyang mukha ay unti-unting nagbago, kita ko ang mumunting pagngisi sa kanyang labi.
"Exercises" nakangisi niyang tugon.
Napalunok ako ng laway, ilang ekspresyon ng mukha ba ang kaya niyang gawin!?
"Ano namang...ano...ahm exercises? English exercises? Filipino Exercises? Media Lit---"
"Erotical Exercises" tugon niya na ikinalaki ng mata ko.
"Ano!?" wika ko kahit naintindihan ko ang kanyang sinabi.
Kita ko sa mukha niya na nagulat din siya sa kanyang binigkas.
"Ha? Ano...ano! Sabi ko ano! English! Oo! English exercises!" muli namang bumalik ang awra niya noong una siyang magpakita sakin.
"Iba yung narinig ko, bastos ka talaga!" natatawa kong tugon sa kanya at kita kong napatawa din ito.
"Ikaw ha, pwede din naman ganung exercises ang ituro mo sa---"
"Gusto mong sakalin kita?!" pagputol ko sa kawalang hiyaan niya.
"Yes Daddy! Choke me Daddy!" bastos niyang wika at doon pa umarteng sinasakal ang sarili.
Inisnaban ko nalang siya sa kanyang pustura, seryoso? Magpapaturo siya? Baka abutin ako ng siyam-siyam kung ganitong klase ng estudyante ang tuturuan ko!
Natapos siya sa kanyang kagaguhan bago muling bumaling sa akin "Pero seryoso mag papaturo talaga ako sayo, English or Filipino lessons okay na sakin, basta turuan mo lang ako" ngumiti siya bago hintayin ang sagot ko.
"Bakit ba kita tuturuan?" tanging tugon ko.
"Gusto ko lang, pati bakit ba? Gusto kong matuto eh pati kaya binigyan din kita ng cookies para paunang bayad sa session ko sayo" nagmamayabang niyang wika sa akin na ikinainis ko.
"Hindi ako nagpapabayad sa tutor ko" paglilinaw ko sa kanya.
"Nabasa mo ba yung pinost ko sa facebook? Sabi doon free! Libre! Nag comment ka nga din ng kabastusan doon eh, ano nga yung comment mo doon? 'Hi! Pwede mo ba akong turuan sa kama?' oo yun nga!" segunda ko.
Inaabangan ko kung anong sasabihin niya pero tanging pagtawa lang ang natanggap ko.
"Sabihin mong kasama din yun sa truth or dare na nilaro niyo? Dare na mag comment ng kabastusan sa isang educational purposes na po---"
"Hindi kasama yun sa dare, ako lang talaga ang nag comment" pagputol niya sakin at doon ko siya binigyan ng nandidiring mukha.
"Kita mo na? Puro kabastusan at kalaswaan ang laman ng utak mo, diyan ka na nga! Humanap ka ng ibang makakausap!" aktong papatayin ko ulit ang tawag ng sumigaw ito.
"Teka lang uy! Teka lang! Wag mo munang patayin!" natatawa nitong wika sa akin.
"Ano!? bilisan mo papatayin ko na 'to?" inis kong turan sa kanya.
"Hindi mo ba itatanong kung anong meaning ng nagpapadala ng cookies? May meaning yun" nakangiti nitong wika sa akin.
"Ano!?" inis ko muling turan na ikinangisi niya.
"Giving cookies to others means seeking for an attention or sexual things like sex" walang pakundangan nitong sabi sakin na mas lalo kong ikinainis.
"Bastos! Diyan kana nga!" inis kong sigaw sa kanya at doon ako muling pumindot sa cursor para patayin ang tawag.
"Turuan mo ako ha! Ayusin mo na schedule ko!" huli niyang hirit.
"Pag-iisipan ko!"
ㅡㅡㅡㅡㅡ