What is my nickname?

ㅡㅡㅡㅡㅡ

Kokoy POV:

Saturday morning and rain is falling.

Nakakatamad tumayo dahil sa lamig ng temperatura ng aking kwarto kaya nakahiga parin ako dito sa kama habang hawak-hawak ng aking kaliwang kamay si manoy, only boys know what morning wood is.

Sa kanang kamay ko naman ay hawak ang aking cellphone dahil doon ko ka video call sila Papi at Daddy na magkatabi sa higaan, kagigising lang din nila at doon sila sa Doctor's Room natulog.

"So what's your plan on your birthday Kokoy?" nakangiting wika ni Daddy sa akin.

"Makauwi lang po kayo dito sa bahay ni Papi okay na sakin yun" mula sa puso kong sagot sa kanila na ikinangiti ng mga ito.

"But you already know the answer with that Kokoy" tugon sa akin ni Daddy na ikinatango ko.

"I know Dad, mas kailangan kayo diyan ng mga pasyente" nakangiti kong sagot sa kanila.

"Besides nandiyan naman sila Dick and my other friends at kung mawala na yung covid dito sa Pilipinas next month na alam kong malabo invite ko sila dito sa bahay para mag party" salaysay ko sa mga ito.

"I see, that's good" tugon ni Daddy at doon ako muling nagsalita.

"If ever lang na mawala yung covid Dad, invite ko sila Dick and i-invite ko din si ano...si Nathaniel" napangiti ako ng matamis sa huling pangalang aking sinabi.

Kita ko ang panunuyang mukha ni Papi sa screen ng phone.

"Hmmm, Nathaniel? Siya ba yung lalaki na naka portrait sa kwarto mo? Na ikinukwento sakin ni Dick?" tila panunukso sa akin ni Papi at doon ako napatango.

"Kinukwento ni Dick? May sinasabi sayo si Dick Papi?" taka kong turan kay Papi.

"Nagsusumbong sakin yung kaibigan mo last Wednesday na sabi mo daw na hindi ko na sila ipagluluto?" pagtatanong ni Papi na ikinasimangot ko.

"Yeah right, eh kasi Papi! Na bad shot ako doon sa Bibi ko!" pagsusumbong ko sa kanya na ikinatawa nilang dalawa.

"Dick is right Baby Boy, kung hindi ka pa nga daw nila binigyan ng dare then you will not hesitate to make a first move and you tell me diba na matagal mo na siyang hinahanap? And frankly speaking bestfriend pala siya ng pinsan ni Samuel tama ba?" sunod-sunod na wika ni Papi na muli kong ikinatango.

Ang kaliwang kamay ko na nakahawak sa aking manoy ay napunta sa aking ulo dahil doon ako napakamot.

"Tama Papi, pero kasi Papi ano...alam mo naman na mahiyain ako pagdating sa mga ganyan may pag ka torpe ako Papi at alam niyo ni Daddy yun" taliwas sa katotohanan kong wika sa kanya.

"Torpe-torpe" singhal ni Papi "Ilang beses ko nang na i-kwento sayo yung kwento ng Tito Ash mo diba?" dahil sa sinabi ni Papi ay napatingin sa kanya si Daddy.

"Ba't naman nabanggit mo na naman ang pangalan ng gagong iyon, Babi?" tila batang pagseselos ni Daddy sa sinabi ni Papi.

Kita kong nakatikim si Daddy ng pag-pitik sa kanyang ilong.

"Aw" daing ni Daddy at doon ako napatawa sa kanilang kalandian.

"Nako Mike Broilette fourty six years old kana ganyan parin ang asta mo! kita mo nang may asawa yung tao eh! Ay nako ha nako! Ewan ko ba sayo! Doon ka matulog sa kabilang kwarto mamaya!" tila pasigaw na pagtatampo ni Papi at doon ko kita ang masugid na pagsusuyo ni Daddy sa kanya.

Nasaksihan ko sa screen ng aking cellphone ang pilit na paghalik ni Daddy sa leeg ni Papi.

"Tigilan mo ako Mike ha! Kausap ko pa ang anak natin!" natatawang pag pigil ni Papi "Aray ko Mike! Aray! Nakikiliti ako! Tigilan mo na!" si Papi.

"I love you Babi, I love you so much" panunuyo ni Daddy kay Papi.

Dahil sa pagmamahalang ipinapakita nilang dalawa ay doon ako nagdesisyong patayin nalang ang video call, inggit ako eh.

Ipinatong ko ang aking cellphone sa dibdib, ipinatong ko ang aking dalawang kamay sa aking ulo at doon pumikit.

Bukod sa malamig ang panahon at tinatamad akong bumangon kailangan ko ding mag isip-isip ngayong oras na ito.

I'm glad na tanggap nila Papi at Daddy ang sexual preference ko at wala naman silang magagawa dahil ganoon din naman sila katulad ko.

But the only thing that they always said to me na palagi akong maging handa sa mga sasabihin at criticism ng ibang tao, kasi sa panahon ngayon hindi mo na alam kung sino yung totoo sa hindi totoo.

Habang nasa ganoon akong pag iisip ay muling pumasok sa aking isipan yung sinabi ni Papi kanina 'Ilang beses ko nang na i-kwento sayo yung kwento ng Tito Ash mo diba?'

Si Tito Ash na isa ding Doctor, si Tito Ash na rival dati ni Daddy kay Papi magmula pa noong college sila.

Kahit naman ngayon ay pinagseselosan parin ni Daddy si Tito Ash kahit na may happy ending na din yung tao.

Palaging kinukwento sakin ni Papi ang kwento ni Tito Ash dahil napakadami daw ng lessons ang mapupulot ko doon.

Mga lessons na magagamit ko lalo na kapag mag co-confess ako ng feelings sa isang tao.

Si Tito Ash kasi ay may gusto dati sa bestfriend niya and hindi niya magawang mag confess doon sa tao dahil sa hiya, takot at pagkatorpe, tinago nalang ni Tito yung nararamdaman niya towards doon sa bestfriend niya na dahilan para mas lalong lumago.

Fast forward nine years ago that time ay umattend si Tito ng kasal ng kanyang bestfriend and before daw ang ceremony ay nag-usap pa silang dalawa.

After daw ng pag-uusap nilang dalawa ni Tito Ash at ng bestfriend niya ay doon nagalit si Tito, hindi dahil sa kasal kundi dahil sa ginawang pag confess ng kanyang besftriend.

Nagpasalamat yung bestfriend niya sa ten years nilang pagiging mag bestfriend and she said to my uncle na nag kagusto din siya sa kanya for five years pero takot at hiya din yung babae kay tito kaya ganoon nalang niya tinago ang feelings niya.

Mapaglaro ang mundo diba? Mapaglaro ang mundo at tadhana pagdating talaga sa pag-ibig.

Ang lesson na palaging sinasabi sakin ni Papi na napulot niya din sa kwento ni Tito Ash ay hanggat kaya at makakaya kong mag confess sa isang tao ay gawin ko ito.

'So please, while you can express, express it! express your true feelings to that person so that in the end you won't regret anything'

Who know's diba? na may magandang future at lifetime pala ang naghihintay sa inyong dalawa.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng maalala ko na naman ang sinabi ko kay Nathaniel noong nakaraang araw 'Maliban sa paglinis ng pangalan ko sayo, gusto ko din sanang magpakilala at magsimula ng bago'

Tama! Ngayon ang tamang oras! Ngayon ang tamang araw na nakatakda para magpakilala at magsimula ng bago!

Dali-dali akong bumalikwas ng bangon sa higaan at doon ako nagpunta sa study table.

Tanging puting brief lang ang aking suot ng maka-upo ako sa itim na swivel chair.

"This is it pansit!" masigla kong wika habang binubuksan ko ang aking laptop.

Nasa ganoong pagbubukas ang aking laptop ng muli ko na namang maalala ang pinagsasabi ko sa kanya noong nakaraang araw.

"Giving cookies to others means seeking for an attention or sexual things like sex" well that is true dahil nabasa ko iyon sa isang adult magazine, pero wag kayong mag isip ng kung ano-ano dahil si Nathaniel palang ang ibang taong binigyan ko ng cookies.

"Turuan mo ako ha! Ayusin mo na schedule ko!" yeah right! Mag papa-tutor ako sa kanya hindi para matuto kundi para makilala at makausap ko siya.

Nasa ganoong pagpindot ako sa aking laptop ng tumbukin ng cursor ang aking messenger.

Nang mapindot ko ang messenger at mabasa ang ang ilang message ay doon ako napasigaw.

"What the hell!? yes! Shet! Shet! Shet! Yohoo!" walang mapagsidlian ang abot langit na tuwang aking nararamdaman dahil sa isang notification-message na aking nabasa.

"Wait! Wait! Is this for real!? Is this for real!? Yes! Yes yes!" doon ko pinapakalma ang aking sarili habang sinusuring mabuti ang screen ng aking laptop para tingnan kung totoo nga at hindi ito nagloloko.

"Totoo nga shete" bulong ko sa aking sarili at doon dahan-dahan na binasa ang nakalagay sa messenger.

"Nathaniel Guerero David added you to Tutor Nat Family" nanginginig ang aking mga kamay habang doon binabasa ang mga message dito sa group chat na aking kinabibilangan.

"Good morning Tutor Nathaniel!"

"Hello Tutor Nat! Good morning!"

"Magandang umaga Tutor Nathaniel"

"Annyeong Tutor Nat!"

"Swadee krap P'Nat"

Nakangiti ako habang binabasa ang mga ilan pang mensahe dito sa group chat, natutuwa at kinikilig din ako sa mga reply ni Nathaniel sa kanila.

Ilang minuto pa akong nakiki-usyoso sa mga mensahe ng magpalit ang aking pagkakangiti, dahan-dahang napalitan ng pagtataka at pag kainis dahil sa mga nicknames na naka lagay sa ilang kasapi dito sa group chat.

'Ako si Steph girlfriend ni Tutor Nat'

'Tutor Nat's girlfriend #2'

'Asawa ni Nathaniel'

'Tutor's Nat Wife #3'

'Tutor's Nath Underwear'

"Tutor's Nat Underwear?" taka kong wika ng mabasa ko ang isa sa mga nicknames "Mga baduy! Mga jejemon! Mga korni!" inis kong wika sa aking mga nababasa.

"Ano kayang magandang nickname?" pagtatanong ko sa aking sarili at doon tinumbok ang edit setting ng group chat para baguhin ng malupit ang aking nickname.

"Panis sakin 'yang mga babae na 'yan" proud na proud kong wika sa aking sarili.

ㅡㅡㅡㅡㅡ