ㅡㅡㅡㅡㅡ
Nathaniel POV:
Umaga ng Sabado at kasalukyan akong naka upo sa sofa ng aming living room habang naka bukas ang telebisyon at doon ibinabalita ang kaliwa't-kanang nangyayari dito sa Pilipinas.
"Philippines positive Covid cases now at 34,803"
"Misis, nagawang ipamigay ng asawa sa ibang lalaki dala ng kahirapan"
"Bagong panganak na misis, buking si kabit at mister dahil sa tiktok"
"Panoorin kung paano humantong sa pag-aresto ng 20 LGBTQ advocates ang mapayapang Pride March sa Mendiola"
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga napapanood ko dahil ang gusto ko lang na mangyari na palagi kong ipinagdadasal ay matapos na ang pandemyang ito.
Madaming mga trabahador at empleyado ang nawalan ng trabaho dahil sa Covid-Nineteen, full force power ang ilang mga kompanya sa kanilang mga trabahante na ikinababahala ng ilang mamayanan.
Hindi ko lang alam kung bakit imbis na pagtuunan ng pansin at gawing top priority ang pagpuksa sa virus na ito ay mayroong mga plataporma ang mga nag-uusbungan sa gitna ng pandemyang ito tulad nalamang ng pagpapalit ng pangalan ng NAIA, pag phase out ng mga traditional jeepneys, pagpapatupad ng batas na nagpapawalang bisa sa ating kalayaan at madami pang iba.
Napapailing nalang ako sa tuwing pumapasok ang mga senaryong iyon sa aking isipan.
Tama nga yung isang komento na nabasa ko sa social media na walang magaling na Presidente dito sa Pilipinas dahil kung mayroong ngang magaling ay hindi magbibigay ng mga kritisismo at hindi magagandang komento ang mga Pinoy sa nasabing gobyerno.
Makukuntento at makakahinga lang ang mga Pinoy kung may maayos na patakaran at magandang serbisyo ang inilulunsad ng gobyernong ito.
Nasa ganoon lang akong panonood ng muling mag ring ang aking cellphone tanda ng may tumatawag.
Kinuha ko ang phone sa gilid, hinarap ko sa aking mukha at doon mabilis na sinagot ang video call.
"Bakla sorry! Kainis kasi si Kuya Sam pinatay yung wifi!" pagsalubong ng aking Bestfriend sa camera.
"Eh bakit kasi nandiyan ka sa bahay ng pinsan mo? Ano bang ginagawa mo diyan?" tugon ko sa kanya.
"Wala akong kasama sa bahay Bakla, umalis sila mothertechikels" sagot sa akin ni Bebang.
Si Bebang ang bestie ko mula pa noong college palang naman, magkaklase kaming dalawa sa parehas na kursong Education.
Magandang babae si Bebang pero kung kami ay magkasama siya ang mapagkakamalan mong bakla sa aming dalawa dahil sa kanyang asta, babaeng bakla kumbaga.
Si Bebang ay nagtataglay ng napakadaming talento at hangang-hanga ako sa kanya dahil bukod sa kanyang talento sa pagkanta ay madami ding nakakakilala sa kanyang mambabasa sa mundo ng industriya ng mga manunulat.
Si Bebang ang madalas kong kapares sa tuwing may special number ako sa Eulji University.
Si Bebang ang nakakakilala sa akin ng buong-buo dahil sa mga sikretong nasabi ko na sa kanya, palagi din siya dito sa bahay na kulang nalang ay dito siya manirahan.
"Ang sabihin mo, ayaw mo lang talaga ako kausap bastos ka!" pagtatampo ko sa kanya na ikinatawa nito.
"Ay wow! Sino kayang totoong bastos sa ating dalawa?" panunuya niya sa akin at doon ako sumagot.
"Sino pa ba? Edi si Bebang Tolentino!" taas kilay kong tugon sa kanya na mas lalong ikinatawa nito.
"Hoy Bakla! Sino kaya sating dalawa ang sumusubo ng tite ha!? sinong mas nauna sa ating dalawa na sumubo ng tite ha?!" dahil sa sinabi niya ay doon napalaki ang aking mata.
Napaka straight forward talaga ng bruhang ito.
"Hoy! Parang hindi ka din sumusubo ah! Mas nauna lang ako sayo bruha ka!" huling panunuya ko at doon kami tumawa ng tumawa.
Kausap ko kasi ito kanina pero bigla nalang naputol dahil nga daw namatay ang kanilang wifi.
And guess what kung anong pinag uusapan naming dalawa?
Walang iba kundi yung psycho at manyak na lalaking ginugulo ako sa loob yata ng ilang araw.
Habang pinaguusapan naming dalawa iyon ni Bebang ay nagulat ako na naikwento niya na pala sa akin ang samahan na kinabibilangan ng pinsan niya.
"So tulad nga ng kwento ko sayo kanina ay miyembro 'yang si Kokoy ng Ace Four na kinabibilangan ni Kuya Samuel" muli niyang pagsasalaysay sa akin.
"Ace Four? So apat sila?"
"Natural Bakla! Hindi ka marunong magbilang?! hindi marunong magbilang?! hindi ka marunong umintindi?!" muli niyang pagsusungit sa akin na ikinatawa ko nalang.
Tama nga naman Ace Four, so apat sila.
"Na ikwento ko na sayo yung grupo nila Kuya Samuel dati pero alam mo ba kung anong sinabi mo? Ano yung reaksyon mo?" muli na naman niyang wika sa akin.
"Ano? Anong sinabi ko? Hindi ko na din kasi matandaan" katotohanang sagot ko sa kanya at doon siya napailing.
"Wala Bakla, wala kang reaction sabi mo pa na hindi ka interesado dahil nasa iba ang attention mo nasa ibang tao ang priority mo, nakay Ga---"
"Wag mo nang banggitin ang pangalan nung tao, wala na kami,tapos na kami" pagputol ko sa kanya at doon ito inisnaban.
"Ay taray fierce si Bakla, ganda ka? Ganda ka diyan!?" muli niyang panunuya sa akin at muli ko siyang inisnaban.
"Ewan ko sayo Bebang" tugon ko at doon niya muling itinuloy ang kwento.
"Back to topic, ayun na nga hindi ka interesado doon sa kwento ko sayo dati pero one time pinakita ko sayo yung picture ng Ace Four at doon ka natameme doon ka may nakitang gwapo" nakangisi nitong wika sa akin.
Ba't hindi ko na matandaan?
"Alam mo ba kung sino yung tinuro mo? Alam mo ba kung sino yung sinabihan mo ng gwapo that time?" dahil sa sinabi nito ay doon ako kinutuban.
Napapapikit pa ako ng kaunti na wari'y inaalala kung sino yung pinili ko dati, bakit hindi ko na kasi matandaan yung kwento ni Bebang?
"Sino?" tugon ko sa kanya at doon niya sinabi kung sino nga ang pinili ko, kung sino yung sinabihan ko ng gwapo.
"Si Brent, si Brent Fernandez yung basketball player sa Ace Four yung tinatawag na chickboy sa grupo nila" dahil sa sinabi nito ay doon ako napahinga ng maluwag.
Buti nalang.
"Ahhh" tugon ko at doon ako tumango.
"Ba't parang hindi ka natuwa?" wala sa katinuang wika ni Bebang.
"Ha?" taka kong wika.
"Sabi ko ba't parang hindi ka natuwa, siguro nag eexpect ka ng iba ano? Nag eexpect ka na siya ang pinili mo ano?" kita ko sa mukha nito ang pang aasar.
"Anong pinagsasabi mo diyan? Naka inom kana ba ng gamot mo?" pagtanggi ko sa gusto niyang iparating.
"Nako Bakla! Wag kanang tumanggi! Kilala kita! Kilalang-kilala na kita mula diyan sa dumi ng talampakan mo hanggang sa pinakatuktok ng anit mo! Kilala ko! Miski amoy ng kulangot mo kilala ko!" tuluyan niyang pang-aasar sa akin.
"Ewan ko sayo Bebang! Kung ano-anong pinagsasabi mo diyan" muli ko na namang pagtanggi sa pinag-uusapan.
"Ewan ko din sayo Bakla ka, hindi ko ba malaman sayo kung nagpapakipot oh nag iinarte kalang diyan!" pagsasabi niya ng totoo.
"Hindi naman kasi!"
"Anong hindi naman kasi?! kitang-kita diyan sa mukha mo na nag eexpect kang si Kokoy ang pinili mo! Si Kokoy Broilette ang sinabihan mo dati ng gwapo! wag ako Bakla ha! Wag ako!" sunod-sunod niyang pagsigaw sa kabilang linya.
Hindi ako nakasagot.
Natameme ako.
"Ano? Natameme ka na diyan?! hindi ka makasagot kasi totoo?!" bukod sa kanyang talento ay may natatagong kakayahan si Bebang na magbasa ng iniisip ng ibang tao.
Hindi ko alam kung bakit ako napatango sa kanyang sinabi.
"Ini-stalk mo na ba siya? Gusto mong ikwento ko pa sayo kung sino si Kokoy? Gusto mo bang malaman kung ano pa yung ibang mga baho nila sa grupo?" hindi na ako nagtaka kung bakit alam ni Bebang ang mga bagay na iyon sa grupo ng Ace Four.
Remember? Pinsan siya ng isa sa mga member ng Ace Four.
"Ha? Ba't ko naman siya i-istalk? Hindi ako stalker ano!" pagtanggi kong muli dito na ikinataas niya ng kilay.
"Ewan ko sayo Bakla! Yung lalaki na nga yung lumalapit sayo tinatanggihan mo pa" pagsasabi niya ng totoo.
"Eh hindi ko naman kasi siya kilala, malay ko ba na rapist pala yung tao kita mo na yung comment niya doon sa post ko? Tapos yung minessage niya sa akin na kabastusan?" pagsasalaysay kong muli.
"Dare nga lang daw kasi yun Bakla" kita mo na? Si Bebang ang pinagsasabihan ko ng mga nangyayari sa buhay ko.
"Alam kong dare lang yun pero bakit sa akin pa? Ano pating klaseng dare yung mangbastos ng kapwa!" inis kong turan sa kanya dahil naalala ko na naman yung comment at chat niya sa akin.
"Aba malay ko Bakla kung anong dare yun! Nagpaliwanag na nga sayo si Kokoy diba? Hindi mo ba pinakinggan kung anong dare yung binigay sa kanya?" tugon ni Bebang.
"Hindi ko na kailangan pang malaman, basta kabastusan yung laro na ginawa nila" dahil sa inis ay na-isnaban ko si Bebang.
"Oo nalang Bakla oo nalang" walang gana niyang tugon sa akin "Pero ano gusto mo ba siyang makilala? Kwento ko kung anong buhay meron sila" muli na namang sumilay ang matamis niyang ngiti.
"Bakit mo ba kasi pinipilit ang ayaw Bebang, ayaw ko nga" taliwas sa katotohanan kong wika sa kanya.
"Bakla! Manok na ang lumalapit sayo! Manok na ang lumalapit sa itlog!" hiyaw nito sa akin na ikinataas ng kilay ko.
"Gaga! Palay yun hindi itlog!" pagtatama ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Ganun din yun basta si Kokoy na yung lumalapit sayo, ahm pero oo...malaki yung itlog niya kasi minsan noong pumunta sila dito sa bahay nila Kuya Sam---"
"Wag mo nang ituloy ang kwento mo Gaga ka!" pagputol ko sa kabastusan niyang kwento.
Napatawa siyang muli "So ano na kasi! Kwento ko na siya sayo! Pinadalhan ka pa nga ng cookies nung tao tapos wala kang balak na kilalanin siya?" pang-aalo niya sa akin.
"Eh Gaga ka kasi! Kung hindi mo binigay yung address ko edi walang cookies na mangyayari Gaga ka!" kanina kasi ay kinuwento niya sa akin na siya pala ang nagbigay ng address ng bahay namin doon sa psycho.
"Eh kasi nga diba! nagulat ako that time na tinanong ka sakin ni Kuya Samuel, nagulat ako nung pinakita niya sakin yung isang picture mo na nasa Ben and Ben concert tayo tinanong ko pa nga siya kung saan galing yung picture mo na 'yun eh pero sabi niya hindi na importante yun---"
"Kaya mo binigay yung address" pagputol ko sa muling pagkukwento niya.
"Oo Bakla, pati kilig na kilig kaya ako!" tugon niya at doon pa siya tila kinikilig.
"Ba't ka naman kinilig? Binigay lang mo lang yung address kinilig kana" pagtataka ko sa katangahan ng babaeng ito.
"Eh para kasing nagiging real life yung sinusulat kong novel na kayong dalawa ni Kokoy ang bida!" muli niyang pag-wika.
"Tigil-tigilan mo nga Bebang yung pag gamit ko ng name diyan sa sinusulat mo! Hindi pa nga ako pumapayag diyan eh! Burahin mo 'yan!" inis kong turan sa kanya.
Sino ba naman kasing matutuwa na gamitin yung pangalan mo with no consent?
Okay lang sana kung first name lang yung gamitin niya eh! Pero hindi! Full name ko! Buong pangalan ko ang ginamit ni Bebang!
"Hindi ko yun buburahin Bakla ka! Dahil nasa hundred thousands na ang nagbabasa! Pati ang ganda-ganda kaya ng title ng story ko! 'Connected with a Bad Boy' isang bad boy na matagal ng hinahanap ang first love niya na parang kayo lang dalawa ni---"
"Wala akong pakiealam Bebang! Burahin mo pangalan ko diyan! Wag mo akong idamay diyan sa kasikatan mo! Pati hindi siya Bad Boy! Psycho yun! Connected with a Psycho! Burahin mo ang pangalan ko diyan ngayon na! Burahin mo!" sigaw kong pagputol sa kanya.
"Sabihin mo muna Bakla, salamat shopee" dahil sa kanyang katuan ay doon ako napasuko.
Kung malakas ang tama ko ay mas malakas ang tama ni Bebang, madalas niya akong pinapahiya sa public places dahil sa kanyang pag he-hestrical.
Sino ba namang matinong kunwaring sasapian in public?
Sino ba naman manghahawak nalang basta-basta ng kamay in public?
Tapos sasabihin niya sa mga nakakasaksi na "It's a prank?".
Kaya madalas na kinakahiya ko siya pag magkasama kaming dalawa.
"Sabihin mo na Bakla bilis!" pang-aasar niya sa akin pero hindi ako tumugon.
"Kita mo na? Wala ka talagang laban sakin Bakla, kaya kung ako sayo kilalanin mo na 'yang si Kokoy mabait 'yung tao Nathaniel kaya sana wag mo namang paasahin" seryoso niyang wika.
"Hindi ko pinapaasa yung tao, pati baka bored lang siya kaya ganun yung ikinikilos niya" seryoso ko namang tugon sa kanya ay doon kita ang kanyang pag-iling.
"Bakla listen to me! Bored ba yung tawag mo sa pag papadala ng cookies?" seryoso niyang tanong at doon ako tumugon.
"Oo, mayaman sila nakita ko yun sa facebook so kaya niyang gawin lahat ng gustuhin niya kasama na doon ang magpadala ng cookies" tugon ko.
"So ini-stalk mo siya?" saglit niyang panunuya at doon ko ito inirapan "Okay fine-fine! Back to my question, bored ba yung tawag mo sa pangungulit niya sayo ng ilang araw?" seryoso niyang wika.
"Ano ba naman tanong 'yan Bebang? Siyempre kaya niya ako kinukulit dahil bored na bored siya at wala siyang makausap!" tugon ko at muli siyang umiling.
"Kung bored siya bakit ikaw pa?" tanong nito na ikinatawa ko.
"Aba! Malay ko sa kanya!" natatawa kong wika at doon ko muling nakiya ang pagkaseryoso ng mukha ni Bebang.
"Last question, bored ba ang tawag mo doon sa pagtatanong ni Kuya Samuel sa akin kung saan ka nakatira? Yung pagpapakita ng picture ni Kuya Sam sa akin na hindi mo din alam kung saan nanggaling?" wika ni Bebang na ikinatahimik ko ng ilang segundo.
"Picture mo yun Nathaniel noong umattend tayo ng Ben and Ben concert" hindi ko alam na kung bakit tila nangungunsensya si Bebang.
Natahimik ako.
"Kwento ko sayo yung isang plot scene doon sa sinusulat ko Bakla" nakatingin lang ako ng diretso kay Bebang.
"Si Kokoy isa siyang bad boy doon sa kwento and one time may nakabunggo siya na isang lalaki doon sa mall na ang pangalan ay Nathaniel at ikaw yun, mga cliche na story alam mo na" una niyang pagkukwento.
"Fast forward, si Kokoy ilang araw, linggo at buwan siyang hindi makatulog ng maayos dahil na curious siya doon sa lalaking nakabangga niya at ikaw yun" pangalawa niyang pagkukwento.
"Fast forward ulit, one time nakita ni Kokoy sa library ng kanilang university ang taong hinahanap niya sa loob ng ilang buwan sobrang saya niya that time na nakita ka niya" ikatlo niyang pagsasalaysay habang tahimik lang ako sa kanyang nakikinig.
"Nag research si Kokoy patungkol sayo, hinanap niya kung anong pangalan mo, kung anong status mo sa school, kung anong mga ginagawa mo and nalaman niya doon na isa ka palang tutor ng ilang student so hindi na siya nag aksaya pa ng oras at doon siya gumawa ng paraan para maturuan mo siya" huli niyang pagkukwento bago ako nito tanungin.
"Eh ikaw Bakla, bakit mo sinali si Kokoy sa group chat ng mga student mo?" pagtatanong nito sa akin, kasama din kasi si Bebang sa group chat na iyon.
"Gusto niya daw mag pa-tutor eh so sino ba ako para humindi diba?" napatingin ako sa kaliwa ng sabihin ko sa kanya ang sagot ko.
"Yun lang 'ba ang dahilan mo?" muli kong siyang binalingan ng tingin.
"Oo" tanging tugon ko sa kanya at muli kong nasaksihan ang tila pagbabasa ni Bebang sa aking reaksyon.
Napalunok ako ng mga dalawang beses bago ko narinig ang tugon ni Bebang.
"Ay wait, may notification ako" doon ko kita ang pag ka-distract ng mukha ni Bebang dahil sa natanggap niyang notification.
May natanggap din naman akong notification pero hindi ko iyon pinansin.
"Omaygad Bakla!" kita ko ang tila kinikilig na turan ni Bebang sa kabilang linya.
"Bakit na naman ba?" tugon ko sa kanya at doon ko kita ang pag he-hesterical ni Bebang na madalas niyang gawin kapag magkasama kami.
"This is not real! This is not for real putangina! Bakit parang nagiging totoo yung sinusulat ko Mama! Hutangina! Chug-chugan na itey!" over reacting na turan ni Bebang sa akin.
"Ano ba kasing nangyayari sayo!? para kang baliw talaga jusko!" tanging tugon ko sa kanya at doon niya ako pinagsisigawan sa camera.
"Bakla ka talaga kahit kailan! Si Kokoy! Pumunta ka sa group chat ng mga student mo! Nag kaka-gulo na sila dahil sa kanya! Tingnan mo dali! Tingnan mo Bakla ka!" dahil sa sigaw ni Bebang ay mabilis akong pumunta sa group chat na ginawa ko para lang sa mga student ko.
Doon ko nga nakita ang ilang mga message na galing sa aking mga student.
"Isa kang taksil Tutor Nat!"
"May boyfriend kana pala Tutor Nathaniel!"
"Sinuway mo ang ika-anim na utos ng Diyos Tutor Nat! Ang sakit-sakit!"
"Si Kokoy ba yun? Yung member ng Ace Four?"
Pagbabasa ko sa mga mensahe ng aking mga student.
Hinanap ko ang dahilan kung bakit ganoon ang kanilang asta at doon ako nagulat sa aking nabasa.
"Ano 'to" wika ko at doon binasa ang kanilang pinagkakaguluhan.
"Kokoy Buenaobra Broilette changes his nickname to Tutor Nat's Property" dahan-dahan kong pagbabasa at doon nagkasalubong ang aking dalawang kilay.
"Ano na namang katangahan 'to?" inis kong wika bago ako nagdesisyong tumayo sa sofa.
Mabilis kong pinatay ang tv at doon naglakad papasok sa aking kwarto.
Mabilis kong isinara ang pinto bago humakbang papalapit sa study table at umupo sa swivel chair.
Taas kilay kong binuksan ang aking laptop at doon tinumbok ang messenger.
Pinindot ko ang pangalang ng isang psycho na kasalukuyan na din palang nag ta-type.
"Ano na namang problema mo?" mabilis kong sinend sa kanya ang aking mensahe at ilang minuto lang ay nagsend din ito ng message.
"Nagustuhan mo ba ang nickname ko? Pinag-isipan ko 'yan kaya sana wag kang magalit" mensahe mula sa kanya at doon ako mabilis na tumipa sa keyboard.
"Para kang tanga, baguhin mo yun!" reply ko sa kanya.
"Okay po" mensahe mula dito at doon ako pumunta sa aming group chat.
Ilang segundo akong naghintay bago ko nakita ang pagpapalit niya ng nickname doon sa nasabing group chat.
Ngunit mas lalong tumaas ang aking kilay dahil sa ipinalit nito.
Pinindot kong muli ang pangalan ng lalaking iyon at doon nag type ng message.
"Pinag ti-tripan mo ba ako?!" message ko sa kanya at doon ito mabilis na nag reply.
"Hindi kita pinagtripan, seryoso ako sa pinalit kong nickname uwu" gago niyang reply sa akin.
'Ako ang legal na kasintahan ni Tutor's Nat'
Iyan ang ipinalit niya sa kanyang nickname.
"Ayusin mo yun! Kung ayaw mong i-kick out kita sa group!" pananakot ko sa kanya.
"Okay po" muli niyang reply at doon ako muling pumunta sa group chat namin para tingnan kung anong ipapalit niya.
Ilang segundo lang ulit ang lumipas bago ko nakita ang ipinalit niyang nickname.
"K love N? nang-gagago ba siya?" inis kong turan at doon ako pumunta sa edit setting ng grupo para tanggalin ang kanyang pangalan.
Ngunit bago ko palang magagawa ang bagay na iyon ay doon na rumehistro ang kanyang pangalan sa screen ng aking laptop.
'Kokoy Buenaobra Broilette is calling'
ㅡㅡ���
Kokoy's POV:
Kasalukuyan ko nang hinihintay ang pag sagot ni Baby, Honey, Mahal, Love, Bibi Nathaniel sa akin.
What do you prefer?
What is your choice?
Love nalang siguro ano?
Sige love nalang.
Kasalukuyan kong hinihintay ang pag sagot ni Love sa aking tawag dahil gusto kong makita ang reaction niya sa ginawa kong nickname.
K love N, stands for Kokoy love Nathaniel uwu.
I decided to clarify my true intention to him para hindi niya isipin na pinaglalaruan ko lang siya.
Tama yung lesson na natutunan ko kay Tito Ash na hanggat kaya kong aminin ang totoo kong hangarin ay aamin ko, para wala akong pagsisihan sa huli.
Hubad baro parin ako dahil tinatamad akong magbihis, naulan parin sa labas tanda na malamig ang temperatura ng aking kwarto.
Ilang segundo ang tinagal ng pag-ring na iyon bago ko nasilayan ang mukha ni Love sa screen ng aking laptop.
"Ano na na---"
"Hi Love" nakangiti kong pagbati sa kanya.
Nakasuot siya ngayon ng gray na sweater at may nakasabit sa kanyang leeg na blue towel.
"Nagustuhan mo ba yung nickname ko Love?" hindi ko alam kung bakit natutuwa ako kapag babangitin ko ang salitang Love.
Hinihintay ko ang sagot ni Nathaniel sa aking tanong.
"Love?" pagtawag ko dahil hindi siya nagsasalita.
"Love?" muli kong wika at doon tinitigan ang screen, nag baba-kasakaling log lang siya.
Pero hindi siya log, gumalaw kasi ang kanyang mga mata.
"Love?" pagtawag ko ulit sa kanya.
Tiningnan ko kung saan naka-paling ang kanyang mga mata at doon ko ito nakitang nasa dibdib pala.
Binigyan ko siya ng ngiting nakakaloko at doon ito inasar.
"Yieh si Love tinititigan ang katawan ko, macho ko'no? Macho?" pang aasar ko sa kanya at doon ako nag flex ng muscles sa kamera.
Si Dick at Brent ang nag impluwensya sa aking mag gym na ikinagagalit nila Papi at Daddy, pero kapag sinasabi ko naman sa kanila na may limitations at hindi ganoon ka muscle wrecker ang mga binubuhat ko ay doon ko sila napapakalma kahit papaano.
Nag-iingat lang din sila, ganun din naman ako.
"Ha? Ano...hindi...Oo hindi! Kapal mo ha! Pangit! Oo pangit 'yang katawan mo! Puro taba! Pati hindi ako diyan nakatingin baliw ka!" kita ko ang pagkatarantang sagot ni Nathaniel.
"Weh talaga ba? Ayaw mo lang sabihin na nagagandahan ka eh, Love ha" hindi ko mapigilang kiligin sa mga salitang binibitawan ko sa kanya.
"Gago! Hindi nga ako nakatingin diyan! Parang sira! Pati bakit ba Love ka diyan ng Love Ha!?" taas kilay nitong wika sa akin kahit na kita kong nakatingin parin siya sa aking dibdib.
"Eh sa Love kita eh! Kaya kita tinatawag ng ganun" tanging nasagot ko sa kanya at kita ko ang pag-asim ng kanyang mukha.
Nakangiti lang ako sa kanya ng parang aso bago ito nagsalita ng seryoso "Pero ano seryoso, bakit ka nakahubad?" wika ni Love sa akin.
Ngumiti ako sa kanya bago sumagot "Wala lang kagigising ko lang kasi kaya nakahubad ako" tugon ko sa kanya sa seryoso nitong mukha.
"Ha? Eh ang lamig-lamig kaya, pati ano bakit ganyan 'yang dibdib mo? Bakit ano...ahm bakit puro ano ahm ano" nakatingin lang si Love habang doon siya utal-utal na nagsasalita.
"May sasabihin ka Love?"
"Bakit may malaking pasa ka sa dibdib?" doon sinabi ni Love ang kanina pa niyang tinititigan magmula noong sagutin niya ang tawag.
Expected ko nang mapapansin niya iyon dahil pinagalitan din ako kanina nila Papi at Daddy sa pagkakaroon ko ng bagong pasa sa katawan.
Ngumiti ako sa kanya bago sumagot "Nalaglag kasi ako kahapon sa higaan ko" tanging paliwanag ko dito at doon ko kita ang kanyang mukhang pagtataka.
"Masakit? Siyempre oo" tugon niya sa sariling tanong.
Muli akong ngumiti dito "Hindi siya masakit, tingnan mo pipisilin ko pa" aktong pipisilin ko ang malaking pasa sa aking dibdib ng marinig ko ang kanyang pagpigil.
"Ha? Wag! Kokoy! Baka mas lalong lumala 'yang pasa mo!" sigaw niya na ikinangiti ko.
Ngumiti ako sa kanya ng ubod ng tamis bago nagsalita "Yieh concern siya" tugon ko.
Inisnaban niya ako bago muling nagsalita "Gago! Hindi nakakatuwa, seryoso ako" tiningnan ako nito ng tingin na may pagbabanta.
Binigyan ko siya ng mukhang seryoso dahil totoo naman talaga ang sinasabi ko "Seryoso din ako, hindi naman kasi talaga masakit eh" pagsasabi ko sa kanya ng katotohanan.
"Oh edi ikaw na! Ikaw na ang hindi nilalamig tapos hindi pa nasasaktan sa pasa!" tila pagsuko nito sa akin na ikinatawa ko nalang.
"Ganda ba ng nickname ko?" nakangiti kong pagbabago sa kanya ng topic.
"Baguhin mo yun! K Love N?! ano bang trip mo ha!?" inis niyang turan sa akin at doon ako ulit napatawa.
"Assuming ka naman Love, akala mo ikaw yung letter N doon sa initials na 'yan?" patukoy ko sa nickname na binago ko.
"Eh sino pa bang letter N ang nagsisimula ang name doon sa group chat? Ako lang ang letter N doon gago 'to" tugon niya na ikinailing ko.
"Masyado kang assuming Love" nginisian ko siya.
"Tigil-tigilan mo nga yang pagtawag sakin ng Love!"
"Wag kanang basag trip pati hindi naman ikaw yung letter N doon sa nickname ko, dahil ibang tao yun" nakangisi kong wika sa kanya at doon ko kita ang pagbabago ng kanyang mukha.
"Ah ganon? Sige humanap ka ng ibang makakausap mo, humanap ka ng ibang ka---"
"Ako kasi yun! Ako yung letter N! masyado ka namang galit, wag ka naman mag selos bumibilis tuloy yung tibok ng puso ko" umakto pa ako sa kanyang bumibilis talaga ng sobra ang puso ko.
Pero seryoso bakit parang rinig ko dito sa aking kwarto ang tibok ng puso ko?
"Gago!? ako mag seselos?! bakit naman ako magseselos ha!? pati walang dahilan para magselos ako!? tell me bakit ako magseselos?" taranta nitong wika sa akin na mas lalong ikinabibilis ng tibok ng puso ko.
"Ba't parang defensive ka? Nalaman mo lang na hindi ikaw yung letter N sa nickname ko nagagalit ka agad" nakangisi kong pagsasabi sa kanya ng totoo.
Hindi siya nakaimik kaya napangiti nalang ako.
"Ako kasi talaga yung letter N, pangalan ko yun" wika ko na ikinataka niya.
"Kokoy Buenaobra Broilette? Kokoy? Nasaan ang letter N doon aber? Oo sa Buenaobra meron pero bakit ano...bakit N?" taka niyang wika sa akin.
"Mga special na tao lang ang nakakaalam ng true name ko, stage name ko lang kasi yung Kokoy derive sa Kolokoy at Kengkoy" pagsasalaysay ko at kita ko ang kanyang pagtango.
"Mga special person lang ang nakaka alam ng true name ko at kamasa ka---"
"Wag mo nang sabihin dahil ayaw ko naman ding malama---"
"Noah" pagputol ko sa kanya.
"Huh?"
"Noah Buenaobra Broilette, iyan ang totoo kong name" wika ko sa kanya at doon ko ulit ito nakitang tumango.
"Ganda ng name ha, Noah? Masyadong biblical yung name mo pero ikaw hindi dahil napaka demonical mo! Bastos!" galit na galit niyang wika sa akin.
"Bakit ikaw din naman ah!" segunda ko sa kanya na lalo niyang ikinagalit.
"Anong ako din!? kailan kita binastos ha!? gago ka ah!" pagsusungit ni Love sa akin na ikinatawa ko.
Umiling ako dito bago nagsalita.
"I mean ikaw din masyadong biblical yung name mo...Nathaniel? Isa siya sa twelve disciples ni Jesus tama ba ako?" paglilinaw ko sa kanya na ikinamangha niya.
"Yeah you're right, Maka-Dyos ka pala eh" tila mangha niyang wika sa akin.
"Hindi lang Maka-Dyos kundi Maka-Kalikasan, Maka-Tarungan, Maka-Bayan at Maka---"
"Oo na! Oo na! Maka-Gago! Oo maka-gago ka!" natatawang pagputol nito sa akin.
Napatawa ako dahil sa sinabi niya "Gago! Ginawa mo naman akong vlogger!" natatawa kong wika sa kanya.
Doon kami tumawa ni Love ng mga five seconds.
"Pero pwede din naman tayong maging vlogger, anong maganda name ng channel natin?" pagtatanong ko sa kanya pero mura lang ang natanggap ko sa kanya.
"Gago! Para kang sira!"
"Ay maganda 'yang suggestion mo sa name ng channel natin, Gagoparakangsira YouTube Channel! Oo! Tama! Yun nga! Tapos yung intro natin ganito 'Hi mga cookies! Welcome back to our channel!' ganyan yung intro natin ha!" lumalabas ang pagka-isip bata ko dahil kay Love.
Doon ko nasilayan sa camera ang mga matatamis na pagngiti ni Nathaniel.
"Mas cute ka pala kapag naka smile?" kinikilig na naman ako sa sarili kong salita.
"Ewan ko sayo" tangingn tugon niya habang doon pinipigilan ang kanyang tawa.
Sumeryoso ako ng mukha sa kanya "Love, alam mo ba yung kwento ni Noah? yung inutos sa kanya ni God? Yung God chose Noah to build a great ark that kept him, his family, and animals alive during the Great Flood, alam mo yung kwentong yun?" seryoso kong pagtatanong sa kanya.
"Tigilan mo yung pag tawag sakin ng Love, oo alam ko yung kwento ni Noah bakit?" taka niyang wika sa akin at doon ko sinabi ang dapat kong sabihin.
"I don't know but I think God chose me, God chose Noah to build a great ark to save myself and to save my special someone named Nathaniel who is disciples of Jesus" seryoso kong sagot sa kanya na ikinatawa nito.
"Ginawa mo namang gay's yung dalawa" natatawang sagot niya pero kita ko ang mukha niyang nag aalinlangan.
Seryoso lang ang aking mukha "Sabi ng Uncle ko na umamin ako sa taong gusto ko sa lalong madaling panahon" wika ko kay Nathaniel na lalong ikina-ilang niya.
"Ahm, Kokoy Tuesday night yung first class mo sakin and just bring yellow pap---"
"Can is ask you something?" pagputol ko.
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo diyan Ko---"
"Liligawan kita" muli ko ulit pagputol sa kanya.
"Alam mo kung wala kang matinong sasabihin humanap kana---"
"Yes or Yes?"
ㅡㅡㅡㅡㅡ