"Hindi ba nanakit na ang likod mo kyle. Masyado na kong mabigat sayo upang buhatin mo habang ikay sugatan mula sa hiwa ng espada sa iyong katawan at braso." Ang tinig na narinig ni Kyle habang siya'y natutulog. Nagising si Kyle na humahabol hininga habang kinakapa buong katawan.
*Kyle P.O.V
Ako nga pala si Kyle. Isa akong estudyante at lieutenant sa ilalim ni Colonel Raven sa Kaharian ng Feraria. 17 yrs old pa lng ako pero nagtataka kayo kung bakit isa na akong lieutenant ng Palasyo. Dahil isang araw nung 10 taon pa lang ako sa Gubat ng Tera natagpuan ko ang prinsesa(halos mag kaedad lang ata kami nun) na napapaligiran ng mga Leon na nanggigil sa kanya at handa siyang sakmalin ano mang oras. Kaya nagmadali akong kunin ang pana ko sa likod dahil mangangaso sana ako upang may makain dahil sa hirap. Pinana ko Yung Leon sa harap niya habang siya'y nangingiyak sa takot. Agad akong lumapit at kinuha ang dagger ko sa bulsa. Tumalon ako at sinaksak ko ng dagger sa leeg ang isa pang Leon. Kinabahan din ako sa oras na iyon dahil may isa pang Leon ang handang manlapa saming dalawa. Buti na lang ang dumating ang gwardya ng prinsesa. Yun ay si Colonel Raven. Ginamit nya ang espada nya upang hiwain ang leeg ng Leon. Nilapitan ko ang prinsesa at agad akong ngumiti sa harap niya upang ipaalam na ayos na ang lahat. Nakita ko ang saya sa mga mata niya mula sa pag kakaiyak. Nagulat ako dahil inakap niya ako at nagpasalamat. Lumapit Ang Colonel sa amin at sinabi sa akin sumama daw ako sa Palasyo.
*Sa Palasyo ng Feraria
Lumapit ang Hari at niyakap ang anak at sinabi. " Saan ka naman nanggaling anak kong gala ng gala. Ano na naman ang ganap ngayon at nagreport ang mga kawal na nawawala ka raw". Palambing na nag aalala na pagsabi ng Hari. "Patawad Ama at muntik na naman akong mapahamak sa pinagagawa ko". Paiyak na pakiusap ng Prinsesa. " Ang mabuti nasa maayos ka ng kalagayan ngayon".
Pahabol ng Hari kay Raven. " Salamat at iniligtas mo siya mula sa kapahamakan Colonel."
" Ang totoo po niyan Mahal na Hari huli na po ako sa eksena. Ang Batang Lalaki po na yan ang nagligtas sa Prinsesa." Sabay turo Kay Kyle ng Colonel.
Nagpasalamat ang Hari kay Kyle at Sinabihan si Colonel na parangalan si Kyle ng position bilang pagpapasalamat sa pagligtas sa Prinsesa. Agad na hinila ni colonel so Kyle palabas upang kausapin tungkol doon. Syempre lumingon na ngumiti pa rin si Kyle sabay kindat sa Prinsesa habang hinihila siya palabas. Napangiti ang Prinsesa sa kengkoy na si Kyle.
* Opisina ni Colonel Raven
" Kyle ba ang yong ngalan, nais kitang maging lieutenant sa opisisang ito dahil sa ipinamalas mong katapangan lalo na't ang buhay ng Prinsesa ang iyong nasagip.
"Salamat po colonel pero may bigas po ba at ulam na kasama Yun?". Sabi ni Kyle.
Tumawa ang colonel at sinabi. " Meron naman isama mo na Yung salaping ito" ( halagang 10000 pilak). Pambihirang bata to di niya ata alam kung ano ang posisyon na binigay sa kanya". Kasama na din ang papel na binigay sa kanya upang tanggapin sa magandang paaralan ang "Gravia Academy". Kung saan tinuturaan ang mga estudyante ng siyensya, matematika, mahika at pag hawak ng patalim, pana, baril, at pana.
Agad na umuwi si Kyle bitbitbit ang isang sakong bigas kasama ang hati ng baboy.
------ Mga Pangalan sa Chapter na ito-------
* Kyle Rovvy
* Col. Raven Gerry
* Princess Steffy Ferrow ( in this chapter Kyle doesn't know what the princess name)
* King Francis Ferrow ( same Kyle doesn't know what's the king's name.)
----- Karagdagan -------
Si Kyle ay halos walang alam tungkol sa kalakaran ng kaharian ng Ferraria sa edad na 10. Kaya pati Prinsesa di niya natukoy sa simula. Mahilig din siyang mangaso kaya sanay na siya sa pag gamit ng sandata sa murang edad. ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA. COMMENT YOUR OPINIONS AS WELL😅
MARAMI PA AKONG ILALABAS SA SUSUNOD MGA KAIBIGAN😅😅😅