Chapter 2: Si Panget at Si Rabbit Maliit.

" Bago niyo paslangin ang buhat- buhat ko paslangin niyo muna ako. Hanggat ako'y buhay di niyo maaring dampian ng kamay ang aking minamahal." Ang tinig na sinasambit ni Kyle sa kanyang panaginip.

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHH ano na namang klaseng panaginip yun bat parang yun pa din yung pangyayaring napanaginipan ko nung nakaraan. At sino namang babae ang minamahal ko. Buti naman may nagmamahal sakin kahit sa panaginip man lang". Si Kyle habang nagliligpit ng higaan niya.

Si Kyle ay magisa nang namumuhay mula nung 8 taong gulang siya. Dati may kasama pa siyang misteryosong matandang lalaki na sa halos 50 yrs old na ang edad. Nung iniwan siya nung lalaking yun ay magisa nang namumuhay si Kyle. Makikita kay Kyle na siya'y isang mahusay na mangangaso. Nakuha niya ata sa misteryosong lalaki ang kakayahang yun bago man lang siyang iwan mag isa.

*Kyle P.O.V

Naalala ko aking guro na si Master Ranji. Halos paluhudin ako sa pagod ng pinagagawa niya sakin sa pagsasanay. Yung matandang yun di ko matalo- talo sa pagsasanay ng labanan. Ewan ko bakit iniwan niya na ko simula nung natutunan ko na sa kanya ang pag gamit ng dagger na bigay niya sakin. Buti na lang nakilala ko si Col. Raven at nabigyan muli ako ng tsansa na matuto sa Gravia Academy. Saya dun eh. Makaligo na nga nangangamoy na ko eh. Ang layo pa naman ng gusali na Yun mula dito.

* Naglalakad patungo sa " Gravia Academy si Kyle.

"Lalalalalalalalala.... Ang buhay ng ibon ay buhay ko din🎶🎵🎶🎶🎵... Lalalalalalalalala" Pakanta- kanta si Kyle ng bigla siyang nabangga ng isang babaeng naka uniporme ng Gravia Academy.

"Aaaaahh.. Ano ba naman yan pangit bat harang ka sa daanan" sambit ng babae habang hawak ang ulo sa sakit ng pagka bangga Kyle.

"Aba- aba sino naman ang pangit na tinutukoy mo binibining rabbit na maliit ( maliit na babaeng may rabbit teeth tulad ni nayeon ng twice hehehe). Payabang na pabawi ni Kyle sa babae.

Tumakbo ang babae at namataan ni Kyle na may  apat na lalaking humahabol sa babae. "Hayyyysss mukha pa lang niya, mukha nang habulin ng lalaki pano ba naman kyut ehh kaso masungit. Kahit ganun kyut naman talaga siya kahit papano". Pabulong ni Kyle sa sarili.

Hinabol ni Kyle ang mga lalaking sumusunod sa babae. "Ambilis naman nilaaaaa napapagod na ko. Ayyyy bat ko nga ba kase sila hinahabol? Ahhh basta habulin ko na lang nga". Pagtataka at naghahabol hiningang sinabi ni Kyle.

Nakita ni Kyle na huminto na ang mga lalaki sa kalyeng mukhang dead end na ng eskinita. Nakita ni Kyle na may hawak ng kutsilyo at pamalo ang mga lalaki. Nag duda na si Kyle. " Nagmumukhang may masamang balak tong mga gunggong na to ahh."

Nakita niya ang babaeng mukhang lalabanan din ang mga lalaking pumapaikot sa kanya. Nakikita ni Kyle  sa mata ng babae na natatakot na talaga ang ang babae.

"Siguro pwede akong sumali sa laro niyo kuya? Ano ba yang laro niyo? Pwede bang ako muna taya." Sabi ni Kyle sa mga lalaking pumapaikot sa babae. " At sino ka ba sa tingin mo bata?". Pagkatapos sabihin ng leader ng mga lalaki kay Kyle agad nilang sinugod si Kyle.

Hinampas ng lalaki si Kyle at inilagan at hinampas niya sa leeg, tulog. "Taya ka. Ay tulog na". Biro ni Kyle. Lumapit ang 2 lalaki na handang saksakin si Kyle. Tumalon si Kyle at sinipa sa ulo Yung 2 lalaki, tulog din. " Eyyyy double kill". Sinabi niya ng payabang sa leader ng mga lalaki. Nilapitan ng lalaki ang babae upang gawing hostage. " Sige subukang mong lumapit at mamatay tong babae mismo sa harap mo." Pagbanta ng lider ng mga lalaki. " Ahh ganun ba nagbago na ba ang laro? Siguro aayaw na ako. Gawin mo na ang gusto mo aalis na ko". Sabi ni Kyle sa lalaki sabay talikod.

" Hoyyyyy pangiiiiiit ansama mo sakin, Pangiiiit mo talaga." Sigaw ng babae habang tinututukan siya ng kutsilyo ng lalaki. Huminto si Kyle at humarap na nakangiti sa kanila. " Narinig mo ba yun kuya pangit daw ako totoo ba Yun?". Tanong ni Kyle sa lalaki. Kinuha ni Kyle ang suklay at salamin niya. " Saglit kuya wag mo muna siya patayin gusto ko, makita niya muna tong pogi kong mukha bago man lang siya lumisan." Pangiti- ngiti na Sabi ni Kyle sa lalaki. " O sige bilisan mo Basta umalis ka na kaagad pagkatapos mo niyan." Sagot ng lalaki na akala niya vibes na sila ni Kyle. Nagsuklay si Kyle at buti na lang matirik na ang araw kaya naisipan ni kyle na itutok ang silaw ng salamin sa mata ng lalaki. Nasilaw ang lalaki, at binato ni Kyle ang suklay niya, na iyon pala ay dagger kung paiikotin lang mula sa hawakan. Tinamaan ang lalaki sa sa kamay kung saan hawak- hawak ang kutsilyo na nakatutok sa babae. Nabitawan niya ang kutsilyo at agad na pumiglas ang babae patakbo malapit kay Kyle. Tumakbo si Kyle patungo sa lalaki at binunot niya ang dagger mula sa kamay ng lalaki. Di na pinuruhan ni Kyle ang lalaki kaya tumakbo na ito kasama ang mga lalaking nakatulog kanina. Nanduwag ang lider kaya sumunod na ang iba.

" Pangit minsan pogi ka din no?". Kaso minsan lang. Sinubukan mo pa akong iwanan sana. Pangit mo talaga" Sabi ng babae kay Kyle habang natulo ang luha sa kaba.

Kinuha ni Kyle ang panyo niya at pinunasan niya ang luha ng babae.

" Rabbit na maliit, alam mo kyut ka din minsan eh.Kaso minsan lang." Pabiro ni Kyle sa babae. Niyakap ng babae si Kyle at sinabi. " Salamat pa rin pangit na minsan pogi sa pagligtas sakin. Akin na muna ang kamay mo." Sabay niyang binigay ka Kyle ang isang kwintas at sinarado niya ang kamay ni Kyle. Bigla siyang tumakbo at iniwan si Kyle. Tiningnan ni Kyle ang hawak sa kamay at ito ay kwintas. Nakita niya na may ngalan ang kwintas na hugis dyamante. " Aba Pauline pala ang kanyang pangalan. Mukhang may pera talaga yung babaeng yun ah. Habulin talaga ng mga magnanakaw. Habulin ko kaya.... magnanakaw di naman ako ehh......kung nakawin ko kaya puso niya.... Wieeeeee... kasoooo...sungit nya sakin ehhh... Peroooo kyut naman siya. Minsan nga lang." Agad na naglakad muli si Kyle patungo sa Gravia Academy.

-------- Mga karagdagang kaalaman ------

*Si Kyle ay may dark maroon na buhok, ma panga, Dark brown eyes, Matangos ang ilong, Pinkish ang labi, makinis na balat, kayumanggi ang balat at makapal na kilay.

Height: 178 cm

Weight: 65 kg

*Si Pauline ay may maikling buhok abot hanggang leeg, Pinkish ang labi, May mala rabbit na ngipin, Manipis ang hugis ng mukha, Bluish yung mata, maputi ang balat, manipis ang kilay at matangos ang ilong. Basta imagine lang na teen nayeon yung image niya.

Height: 150 cm

Weight: 45 kg

* Ang misteryosong lalaki ang nagsilbing guro ni Kyle nung bata pa lamang siya hanggang sa mag walong taon na siya. Sa susunod ka kabanata pa ang ibang impormasyon ukol sa kanya.

------- ABANGAN MULI ANG IKATLONG KABANATA . SA UULITIN MGA KAIBIGAN.---------