Kristan's POV
Ano nang gagawin ko?
"Hey Kristan, 2020 na ganyan pa rin mukha mo?"
Sasabihin ko ba sa kanila?
Baka hindi sila maging masaya sa balita ko.
"Hoy Kristan!" sigaw ni Cassie na nagpabalik sa akin sa realidad.
Umayos naman ako ng upo at tumingin sa kanya.
"Bakit? Am I missing something?" sabi ko at uminom ng juice na binili ko.
Andito kaming apat sa cafeteria ng school at kumakain ng snacks. Break time kasi namin ngayon.
"Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin." Sabi ni Cassie ng naka-pout.
"Oh, I'm sorry. May iniisip lang ako." Sabi ko iniwasan ang mga tingin nila.
For sure magtatanong na naman sila.
And I'm not ready to answer those questions.
"Ano namang iniisip mo?" sabi ni Mikay habang kumakain ng sandwich. "Mukhang may mabigat kang problema." Sabi niya at kumagat sa sandwich niya.
"Wala, huwag niyo akong intindihin." Sabi ko at tumayo na. "Punta lang akong cr."
"Sama na ako Kristan. Maghuhugas ako ng kamay." Sabi ni Oliver at tumayo na. tinignan niya rin yung dalawa. "Mauna na kayo sa classroom. Ayaw pa naman ni Sir Angeles sa mga late." Sabi niya at nagsimula na kaming maglakad papuntang cr.
_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_
"Ano na kasi yung problem mo Kristan? Akala ko ba walang sikreto." Sabi ni Mikay habang nag-aayos ng gamit.
Tapos na kasi yung classes namin at naghahanda na kami pauwi.
"Uhmm.....a-ano hindi ko kasi alam kung ayos lang sa inyo." Sabi ko at napakamot ng ulo.
Napatigil naman sa pag-aayos ng gamit yung tatlo at nagkatinginan. Nagulat na lang ako ng bigla silang umupo sa mga upuan nila.
"Okay Kristan sabihin mo na." sabi ni Cassie na seryosong nakatingin sa akin.
Bigla naman akong kinabahan sa mga tingin niya dahil hindi ako sanay na seryoso siya given sa attitude niya.
Huminga na muna ako ng malalim at ikinuwento yung nangyare kaya ako namomoblema.
-START OF FLASHBACK-
Tahimik kaming kumakain sa living room. Sanay naman na ako sa ganitong atmosphere pero parang may iba ngayon. Ang tangi mo lang talagang naririnig ay ang mga utensils na gamit namin.
"Kristan" basag ni papa sa katahimikan.
"Balak naming pumunta tayo ng States after ng recognition mo. At kasama natin si Mom doon." Sabi niya at napa-angat naman ang tingin ko.
Well, that was the first time na isasama ni dad si lola sa States. Ever since my Grandfather died, hindi na niya isinasama sa States si lola.
"That's great. Finally makakapagbakasyon na ulit si lola sa ibang bansa." Sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Uhm no, doon na magi-stay si Mom for good." Sabi ni papa at uminom ng tubig.
"And you will continue your remaining studies." Sabi niya na nakapukaw sa attention ko.
"Wait, what dad? I don't understand. Why do I have to continue my education there?" sabi ko at hindi ko na natapos ang kinakain ko. Tinignan ko na lang si dad, waiting for answers.
"It is to focus our training handling the business there." Sabi ni Kuya Greg at napatingin ako sa kanya. "Hands-on dapat tayo sa pagmamanage ng business natin dahil mamanahin rin natin ito sa future." Sabi niya at nagpatuloy kumain.
Nanaig muli ang katahimikan pero hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayare.
"But, I have my friends here. And I want to finish my studies with them." Sabi ko na nagpatigil sa kanila sa pagkain.
"But anak...." sabi ni mommy pero pinutol ko yung sasabihin niya.
"And besides, I want to pursue Medicine and help our community." Sabi ko.
"HAHAHAHAHAHA Medicine? Hay, that was a big joke." Sabi ni Kuya Greg at hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Huwag ka nang mag-ambisyon ng kung ano-ano Jacob. Andiyan na nga ang yaman sa mga negosyo natin, tapos gusto mo pang mag-aral ng medicine? HAHAHAHAHA you've got to be kidding me." Sabi niya at umiiling siyang napatingin sa kinakain niya.
"Eh ano bang pake mo?" sabi ko at tumitig sa kanya. Hindi ko na nagugustuhan ang pupuntahan ng usapang ito. Kaya tumayo na ako.
"Kaya gusto kong mag-medicine ay dahil dati ko na itong pangarap." Sabi ko. "Tapos na po ako. Aalis na muna po ako dito." At tumalikod na.
"Pangarap mo? O pangarap ng mga kaibigan mo?" pahabol na sabi ni Kuya Greg. Hindi ko na siya sinagot at pumunta na akong kwarto.
Pagdating ko sa kwarto ay nagpalit ako ng damit at kinuha yung car keys ko.
Bumaba ako sa kwarto at pumunta sa garage para kunin yung car ko at umalis na ako ng bahay para magpalamig ng ulo.
-END OF FLASHBACK-
"Eh anong gagawin mo ngayon?" tanong ni Mikay sa akin. Nandito na kami ngayon sa Nick's Dine para pag-usapan yung problema ko. It's already 6 pm and magsasara na yung school.
"I don't know. Ayaw kong iwan kayo." I said while sulking.
Ayaw ko talaga silang iwan. We promised to each other na kung ano man ang kukunin ng bawat isa ay magsusuportahan kami.
Ako, pangarap ko talagang maging doktor. Kaya balak kong magkuha ng Medical Technology para maging pre-med ko, si Cassie gusto niyang maging architect. Ang galing niyang mag-isip ng mga disenyo ng bahay. Si Oliver naman, Civil Engineering, kaya parang mag-partner na sila ni Cassie. Si Mikay naman, gustong kumuha ng Medical Technology. Pero ayaw niyang ituloy ng Medicine. Mailap kasi siya sa tao, kaya gusto niyang sa laboratory lang.
"Pero Kristan, hindi naman sa nangingialam ako sa desisyon mo pero....." Sabi n Mikay at tumingin ng diretso sa mga mata ko.
Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita. "Parang magandang offer na ipagpatuloy mo yung studies mo sa States. Kasi mas advanced sila roon kaysa dito sa Pilipinas."
Hindi na lamang ako kumibo at nag-isip. Hindi nagtagal ay naisipan na naming umuwi sa mga bahay namin. Sa kotse ko na pinasakay yung tatlo. Wala naman kaming kibuang apat hanggang sa naihatid ko na si Cassie at Mikay sa mga bahay nila.
"Salamat Kristan, mag-iingat kayo pauwi." Sabi niya at bumaba na ng kotse.
Nakangiti naman akong tumango at pinaandar na yung sasakyan. Tahimik pa rin kami habang nasa biyahe ni Oliver.
"Uhmm.....Oliver" sabi ko na nagbasag sa katahimikan.
"Bakit Kristan?" tanong niya nang hindi humaharap sa akin. Nakatingin lamang siya sa bintana ng kotse, tinatanaw ang tanawin mula sa labas.
Huminga muna ako ng malalim bago mag-salita.
"Pwede ba akong makitulog sa inyo ngayon?"