CHAPTER ELEVEN

Kristan's POV

"Bakit? May problema ba sa bahay niyo?" tanong ni Oliver sa akin habang nasa daan kami papunta sa kanila.

"Wala naman, gusto ko sanang makausap ka tungkol sa magiging desisyon ko." Sabi ko sa kanya.

Lumiko naman ako sa isang kalye papunta sa subdivision nila.

Pagkarating namin sa may gate ng subdivision nila Oliver ay sinalubong naman kami ng guard.

"Sir saan po kayo pupunta?" tanong ng guard sa akin. Tumingin naman ako kay Oliver at sumilip naman siya sa nakabukas na window ko. "Kuya, Good evening po. Sa may Ramos residence po kami." Sabi niya ng nakangiti.

"Ikaw pala yan Sir Oliver! Good evening po!" sabi ng guard at pinatuloy na niya kami.

"Salamat kuya." Sabi ko at pinaandar na yung kotse ko papuntang bahay nila Oliver.

Ilang beses na akong nakapunta sa bahay nila Oliver. And masasabi ko talagang napakaganda ng bahay nila kahit na simple lamang. It is a two-storey house na may veranda. Meron rin itong open space sa may harap. Kulay brown ito na may mis ng white.

Pagpasok namin sa kanila ay ipinark ko yung kotse ko sa garage nila. Bumaba na rin kami ni Oliver at kinuha yung mga gamit namin. Pumunta na rin kami sa may pinto ng bahay namin at nagdoor bell.

"Buti naman at nadirito ka na Oliver....Oh! Andito ka rin pala Kristan!" sabi ni Kuya Marco pagkabukas niya ng pinto. "Sakto magdidinner na tayo. Dito ka na rin mag-dinner Kristan!" dagdag niya at pinapasok na kami ni Oliver.

Pagkapasok ko ay nakita ko naman yung parents ni Oliver. Lumapit naman ako sa kanila at nagmano. "Good evening po tito Ralph, tita Agatha." Sabi ko sa kanila.

"Good evening rin Oliver. Salamat sa paghatid kay Oliver." Sabi ni Tita Agatha. "Kayong mga bata kayo lagi na lang kayo ginagabi." Sabi niya at nagpout.

"Ma, dito raw matutulog si Kristan ngayong gabi. Doon na siya matutulog sa kwarto ko." Sabi ni Oliver at hinila na ako papunta sa kwarto niya.

"Mag-aayos lang muna kami ng gamit tapos bababa na rin po kami para mag-dinner." Dagdag niya.

Pagkapasok namin sa kwarto niya ay nag-baba kami ng gamit namin.

Habang nag-ayos kami ay napapangiti naman akong tumingin kay Oliver.

Napaka-organized talaga nito. Tinignan ko yung mga naka-ayos na mga libro niya sa book shelf niya hanggang sa mga  naka-ayos na mga damit niya sa walk-in closet niya.

Ilang minutes lamang ay natapos na kaming mag-ayos kaya bumaba na kami sa dining room nila pra mag-dinner.

Nag-enjoy naman akong kumain dahil masarap magluto si tita Agatha.

After naming mag-dinner ay nag-hugas ng pinggan si Oliver. Wala kasi silang maid kagaya namin, sabi ni Oliver paraan daw iyon ng parents niya para matuto sila sa gawain bahay. Hindi nagtagal ay natapos na rin si Oliver kaya nandito kami ngayon sa kwarto niya.

"Ano nga pala ung pag-uusapan natin?" tanong ni Oliver habang nag-babasa ng libro niya. "Bakit hindi mo pa sinabi kanina nung kasama pa natin yung dalawa?"

"Hindi ko kasi alam kung tama ba itong magiging desisyon ko." Sabi ko at ibinaba na muna yung phone na hawak ko at tumingin kay Oliver. "Ikaw kasi ang mayroong tamang desisiyon kaya alam kong matutulungan mo ako." Sabi ko sa kanya.

Napabuntong hininga lamang siya at sinara yung libro niya at inilaga sa side table ng kwarto niya.

"Kung ako lang rin naman ang nasa katayuan mo, sa palagay ko dapat sundin mo sila." Sabi niya at humarap sa ma bintana ng kwarto niya. "Oo, mahirap pero isipin mo ah. Kahit na hindi mo kami kasama sa grauation ng SHS, meron namang possibility na magagawa mo iyon sa college." Sabi niya na ipinagtaka ko.

"Huh? Anong ibig mong sabihin Oliver?" tanong ko sa kanya. Pero nakita ko lamang siyang ngumisi at nahiga na sa kama niya.

"Well, it's for me to know and for you to find out." Sabi niya at ipinikit na ang kanyang mga mata. Ako naman ay napa-facepalm na lang at nahiga na rin sa tabi ni Oliver.

Kahit kailan Oliver ang dami mong sikreto.