Chapter 3

Chapter 3

Dikit na dikit ako sa bintana, maiwasan lang na hindi maglapat ang balat ko kay Primo.

Usog kasi siya ng usog palapit kapag may dadaan sa passageway ng bus kahit sobrang luwag naman. Nagpapansin.

'Yung mga kaibigan niyang nasa likuran namin, sobrang ingay. Inaasar nila si Primo and I don't feel comfortable anymore.

Ang hindi lang siguro maluwag ang turnilyo nila ay ang nakabanggaan ko noon sa Park. He was so silent. May headphone din kasi siya sa tainga niya pero minsan tinatanggal ng katabi niyang blonde ang buhok.

"Babe, busy ako. Mamaya na lang. Oo, tatawagan kita. Kahit naliligo ako, tatawagan kita. What do you want? Call or Video call? Yes, yes, habang naliligo. "

Gosh, Primo's voice were annoying. Who were he talking to? 

At pwedi naman siyang lumipat ng ibang seats kung maglalampungan naman pala siya sa girlfriend niya!

They need privacy especially if they will talk something vulgar.

"Oo nga. Ang kulit mo naman. You want break up? I'll give you break up."

Napaubo ako bigla.

"Come on, you know me. I'm gonna hang up, Gina. Tapos na tayo."

Inis na tiningnan ko siya.

Akala mo kung sinong gwapo. Sabihin na nating gwapo siya, no wonder why many girls are drooling over him. Kasi ang gwapo talaga niya! Kapag tinaas at inayos niya ang buhok niya, I swear you would say he's a Korean!

Sobrang cute pa niyang mag-smile, parang hindi makabasag pinggan pero siyempre pag nabobo ka sa kaniya, hindi mo makikitang gago siya.

Naririnig kong panay click ang camera nila Isacc at ni Chaz na siyang nasa likuran namin. That Isacc guy has red hair at may glasses pang suot. The other one, bright green naman ang kulay ng buhok ni Chaz.

Tabing-tabi sila kaya mapapahalintulad mo nalang sila sa tree ng apple.

Tumahimik nalang si Primo pero panay ang sulyap sa'kin. He seemed annoyed.

His annoyed face were irritating, nailabas ko tuloy ang earphone ko para hindi na mapabaling sa kaniya ang mata ko.

"You're jealous, aren't you?"

I have this feeling to intentionally puke at him pero may nakapa pa naman akong respeto sa kaniya at sa sarili ko.

"Moi?" I pointed myself.

"Moi? " he mocked my french word.

"Moi? Me? Ako? Jealous? Bakit naman ako magseselos? "

"Bakit nga ba? Bakit ka nga ba magseselos, eh ex-girlfriend ko na 'yun."

Masama ang tingin na napasinghap ako sa harapan niya. Hindi ko na pinatulan ang pagka-feeling niya.

Hindi pa kami kumpleto sa bus, may sinusundo pa kaming mga Pinoy.

Nakaidlip ako habang buma-byahe kami papuntang Paris. Nagising lang ako nang may parang flash ang tumama sa mukha ko.

Umayos ako ng upo sa gulat. Nakita ko ang blonde guy na si Aiken na nakaluhod sa unahang seat at nakatutok pa ang DSLR sa'kin.

Ngayon ko lang din napansin na nakasandal pala ang ulo ni Primo sa'kin habang nakatulog ako kaya nang umayos ako ng upo, dumeretso ang ulo niya sa pwet ko.

"Aray!"

"Pervert!" bulyaw ko sa kaniya at lumingon kay Aiken na tumakbo pabalik sa tabi ni Acel, 'yung nakabanggaan ko.

"How dare you accused me of something I couldn't afford to do? "

"Your face went to my ass! Bakit ka ba nakasandal sa'kin?! Lumipat ka sa ibang seat! "

"I gave you a 20 Euro, a-arte ka pa ba? Kung hindi ka lang kumilos, hindi ko maaamoy ang pwet mo. "

Inis akong kumuha ng pera sa wallet ko at hinagis sa pagmumukha niya.

"What? Pervert. Ayan, 20 Euro! Baka gusto mo dagdagan ko pa? " umakto akong kukuha pa ng pera sa wallet ko pero natigilan din. "20 Euro lang binigay mo kaya 20 Euro lang din ibabalik ko. "

He mocked my words habang binibilang ang hawak na salapi.

"Stay away from me! Lumayas ka na! Doon ka sa panghuling seat!" tinutulak ko na siya pero ayaw talaga magpatinag.

Isang libo at higit din 'yun sa Philippines tapos naging bato na naman.

"Excuse me, Mr. Yuchengco and Ms. Mercado?" lumapit sa'min ang babaeng tour guide namin.

Natigil ako sa pagtutulak ko kay Primo. I feel embarassed.

Ngayon ko lang napansin na sa'min nakatutok ang paningin ng mga kasama namin.

"May naabala kasi kayong mga batang natutulog. You can just continue quarelling once we arrive to Paris. But don't shout. Tourists and French might be upset and distracted. "

"I'm sorry..." mahinang sabi ko kay Ate Bianca.

"Ayusin niyo ang hindi pagkaka-intindihan. Baka sa Paris pa kayo mauwi sa hiwalayan. "

I quickly waved my hands at her but she just smiled and went back to her seat.

Napamaang ako at hindi makapaniwalang umiiling-iling na humarap kay Primo.

"Look at us, we are basically a couple."

"You're imagining things. "

Nang tuluyan na kaming makarating sa Paris, napadaan kami sa Boulevard Haussman. Huminto kami saglit pero hindi na lumabas.

I took pictures at the view outside habang nakamaang sa mga gusali.

Kumukuha din ng picture sila Primo. Tiningnan ko siya ng masama nang lumapit siya sa'kin para mag-picture sa nasa labas.

I pressed my lips and decided not to yell at him.

Ang daming sinasabi si Ate Bianca, kung saan-saan niya tinuturo ang mga kamay habang buma-byahe kami.

Before we get to see the monuments of the City, huminto kami sa isang Restaurant para kumain.

Nahati kami sa dalawang table at kasama ko ang lima. Ang colorful nilang tingnan habang magkakatabi dahil sa kulay ng mga buhok nila. Acel's hair's a bit dark violet. Si Primi lang ang may natural na itim na buhok. Doon lang siya nagmukhang matino.

"Ang aesthetic ng kuha ko sa litrato niyo kanina tapos dalawang Euro lang ibibigay mo? Nadelete ko na nga 'yung picture mong nakasubsub sa likod ni Madame tapos-"

Agad tinakpan ni Primo ang bibig ni Aiken. I know what they're talking about!

"I'll buy you a croissants. Just shut up."

"Gago, anong croissants? Babaeng lasang croissants? 'Yun? Sige, sabi mo, eh. "

We went to Eiffel Tower after. Saglit lang kami doon dahil sabi ni Ate Bianca, mas maganda ang Eiffel 'pag gabi.

Nagpunta kaming Notre-Dame Cathedral at sa Seine river. I was enjoying the whole time.

We went inside the Seine River Cruises, mula sa loob, natatanaw namin ang Eiffel Tower, Seine River bridges, Notre-Dame Cathedral at ang Louvre Museum.

Ang iba ay kumain ulit sa loob pero hindi na ako sumama. I stayed leaning on the railings while my camera's phone is focusing in the view.

Binaba ko ang phone nang mapagod. Nabigla lang ako nang may tumabi sa'kin. Napatikhim ako habang tinitingnan ang side profile ni

Acel.

Kung may mas igaganda pa sa kulay kahel na langit ngayon dahil papagabi na, si Acel 'yun.

"Bonjour. " I greeted.

Sumulyap siya sa'kin saglit at ngumiti lang ng bahagya. Napahiya ako ng kaonti doon.

"Hi, ikaw pala 'yung nakabanggaan ko noon sa Park. " pagsasalita ko ulit.

He looked at me and his forehead creased, mukhang hindi naaalala ang tungkol doon.

"Where? Dito sa France?"

"Oo. Akala ko nga French ka."

Ngumisi siya at hindi na nagsalita ulit. Ngumuso ako at tinutok ulit ang Camera sa dagat.

Kunwari nililibot ko ang camera sa paligid pero kinukuhanan ko na talaga ng picture ang katabi ko. He looked so stunning. Mula sa buhok, sa mukha, hanggang sa damit.

Mabilis kong binaba ang camera nang makitang naglalakad palapit sa amin si Primo.

"Acel, tawag ka ni Aiken. " sabi niya at tinulak pa palayo si Acel.

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

"Acel, tawag ka sabi. " ulit niya nang hindi man kang kumilos si Acel sa kinatatayuan. "Baka iiyak 'yun. Ikaw nagdala sa kaniya dito, e-baby sit mo siya. "

Nasamid ako. What is Aiken? Sanggol? Talagang may saltik sila sa utak.

Napabuntong-hininga si Acel at naglakad na palayo.

Tiningnan ko siyang lumalayo habang nakanguso, ni hindi man lang sumulyap sa'kin.

"Crush mo 'yun?"

Inikot ko ang mata at hindi siya pinansin. Naglakad ako pabalik. Hindi naman siya sumunod.

Nang tingnan ko, may kasama na siyang French Girl at humalik pa sa pisngi. Napailing-iling nalang ako sa kaniya.

Sa riverboat kami kumain ng dinner. Pagkatapos, nagpunta na kami sa hotel na pina-booked ni Ate Bianca para sa'ming lahat.

Nagtawagan kami ni Mama bago ako lumabas sa hotel. Naabutan ko pa si Isacc sa lobby kasama si Aiken at Chaz. Kumaway sa'kin ang tatlo.

I stopped in front of them. They were all wearing shades habang nakaupo sa couch.

Para silang mga spy na tanga-tanga sa trabaho.

"Hi, Madame. " bati ni Aiken.

"Bonsoir, Chen. (Good evening.)" binaba ni Isacc ang shades niya.

"Tayo kayo!" sabi ni Chaz at pilit pinatayo ang dalawa. "Did you know that French people kiss when they meet each other? Halik tayo kay Madame."

Nang magtangka silang hahalik sa pisngi ko ay mabilis akong lumayo.

"Hindi ako Pransesa at hindi kayo Pranses. Mga baliw. Nananapak ako ng mga feeling Pranses. " sabi ko.

Naupo silang tatlo pabalik sa couch at sabay-sabay na nag-suot ng shades.

"Anong trip niyo sa buhay? Bakit kayo naka-shades? "

"Sight-seeing." nagdekwatro si Isacc

"Naghahanap ng croissants. " si Aiken.

"Matino ako kaya nakapikit ako ngayon. " pinakita pa sa'kin ni Chaz ang pikit niyang mga mata.

Hindi ko sila maintindihan. Naalala ko si Primo noong nasa Park ako. He was wearing a shades and he coughed when I bent dahil nakita niya ang cycling sa loob ng skirt ko.

Nang tumingin ako sa harapan at may nakitang babaeng naka-palda habang nakayuko dahil parang may kinukuha, doon ko lang napagtanto ang ginagawa ng tatlong 'to. Iniwan ko silang tatlo habang pailing-iling.

I went outside, wearing my new trench coat. May nakita akong outdoor coffee shop kaya doon ako pumunta.

"Monsieur. " I slightly lifted my hand at the waiter nearby. I only ordered a cup of tea.

Kailangan kong magtipid ngayon dahil may mga shops pa'kong pupuntahan!

Nang dumating na ang tsaa ay siya namang pagdating din ni Primo.

Hindi ko alam kung nakita niya ba ako dahil deretso lang ang lakad niya papunta sa table ng isang babae. The girl doesn't look like a French, parang Pinay pero may lahi.

Mas mukha parin akong French.

Pinanood ko silang mag-usap at magtawanan. Tinapos ko agad ang tsaa saka mabilis na tumayo. Nang-uusok ang dugo ko habang tanaw na tanaw sila.

"Hey, hey! The tip! " hinuli ako ng waiter.

Nanlaki ang mata ko nang maaalalang hindi pa nga pala ako nagbabayad. Sumulyap ako kat Primo na nakatingin sa'kin ngayon, gulat na gulat habang nakatingin sa'kin.

"Here! Je suis désolé! (I'm sorry!)" binigay ko agad sa waiter ang bayad.

Kahit may sukli pa, hindi ko na hinintay.

It was embarassing. People were looking at me, the others were murmuring something on me.

Sa ginawa kong 'yun, para akong magnanakaw, masamang tao, o walang karespet-respeto.

Habol ang hininga na huminto ako sa may Park. May bench doon kaya naupo ako saglit.

God, that was really a humiliating moment. Mas lalo kong naramdaman ang hiya nang maalala ang mukha ni Primo at ang reaction ng kasama niyang hilaw na foreigner.

"Ayos ka lang?"

Napaigtad ako sa gulat. Masama kong tiningnan si Primo na nakatayo sa harapan ko.

I avoided his gaze. Kung bakit siya nandito, hindi ko alam.

"Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka pala doon?" tanong niya at biglang lumuhod.

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Alam mo, bumalik ka na do'n. Gusto kong mapag-isa. "

Hindi siya tumugon. Nataranta ako nang kunin niya ang paa ko.

Sinipa ko siya sa tuhod pero agad ding pinagsisihan nang tumama ang takong ng heels ko sa tuhod niya.

"What are you doing?!" muli ko siyang sinipa ng kaonti pero hinuli na naman niya ang paa ko saka tinanggal ang ankle strap heels na suot-suot. "Primo! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!"

"Why do you like heels so much?"

Natigilan ako at napamaang nang makita ang namumula kong paa.

Sunod na kinuha ni Primo ang isa ko pang heels. He both placed my feet at his lap while massaging the other one.

"Stop that! I don't need your help! Uuwi na ako!"

"Did you run? Does it hurt?" tanong niya na parang totoo ngang may concern siya sa'kin.

"Why are you being so nice to me all the sudden?" my forehead furrowed. "I said, stop that! Natural na mamula ang foot ko. "

"You can just wear sneakers or something without heels. Dumb. " binulong niya ang huling salitang sinabi.

'Ano?!"

"Bobo. "

Napapikit ako ng mariin, nagtitimpi na hindi siya masuntok. Nang bigla siyang tumayo ay nataranta ako.

Ayos lang na umalis na siya pero nang maglakad siya ay hawak-hawak niya ang isa kong heels.

"Gago, 'yung takong ko! Oh my god, what the hell is wrong with you?!"

Hinabol ko siya, hindi na ininda na nakapaa lang ako.

Bitbit ko ang isang takong at bag ko habang hindi maayos ang lakad, natatakot na baka makatapak ako ng something blunt.

"Primo!"

Bakit ko nga ba naisip na naging mabait siya bigla? He couldn't possibly do anything nice!

Mangingiyak na huminto ako kakahabol sa kaniya. I can't stand his rudeness anymore.

Alam naman niyang masakit ang paa ko tapos e-gaganito niya ako!

Hindi talaga siya huminto. Naupo ako sa may bangko at hinayaan na siya. Bukas ako gaganti. Mahigit pa sa  masama ang igaganti ko!

Naiyakap ko ang bag ko sa sobrang inis. Natigilan lang nang may maramdamang presensiya sa harapan ko.

Si Primo ang nakita kong nakaluhod na naman. Sa galit ko ay naihampas ko sa kaniya ang bag ko.

"Are you stupid or stupid?! Hindi ka na nakakatuwa!"

I was stunned when he took off her Vegan Gryphon sandals at pinasuot sa'kin.

I couldn't stir any parts of my body or even utter a single word. Napamaang lang ako hanggang sa tumayo siya na walang sapin sa paa.

"I should've told you to stay there. Bibilhan lang kita ng tsinelas, eh. Tatanga-tanga. "

"You really should've told me! No'ng hinabol kita, hindi ka man lang huminto!"

"I was just teasing you. "

"Gago!"

"Chill. " ngising-ngisi na tugon niya at naglakad palayo.

Bumaba ang tingin ko sa paa ko at sa paa ni Primo. Dahan-dahan akong tumayo at mabilis na sumunod sa kaniya.

Medyo may kabigatan ang sandals niya kaya hirap ako sa pagtakbo. I just realized he's holding my two ankle strap sandals.

"Merci. " mahinang sabi ko.

He looked at me and stared a bit longer. Nag-iwas siya ng tingin at nagpatiunang maglakad pabalik sa Hotel.