Chapter 4

Chapter 4

On the 2nd day of our tour package, we went to Cathedrals, mga monuments at iba pa. Katabi ko parin si Primo sa bus pero hindi naman siya nanggugulo.

I scanned his dress secretly. Busy din kasi siya sa pagtingin-tingin ng mga pictures sa DSLR niya kaya hindi naman siguro niya mapapansin ang tingin ko.

Suot niya ang short pants niyang above the knee. My eyes stopped at his knee. May sugat doon pero kaonti lang. Then I remember what I did last night. Nasipa ko nga pala siya gamit ang takong ko. I somehow felt sorry. 

"What? Staring is rude. "

Naiwas ko agad ang tingin sa kaniya.

"Assuming ka. "

"Kailan mo balak ibalik sa'kin ang sandals ko? "

"Nasa Hotel! Kunin mo mamayang gabi. "

Hindi na'ko tumingin sa kaniya dahil titig na titig siya sa'kin. I don't know why I felt uncomfortable with his stares.

"Isacc, narinig mo 'yun? Mamayang gabi daw. "

"Narinig mo ba kung anong gagawin nila, Chaz?"

"I'm not sure. Pero mukhang gagawa sila ng croissants na walang filling. "

Naikot ko ang mata sa mga bulungan nila Isacc at Chaz sa likuran namin. Ang sarap ipag-salpok ang ulo nilang dalawa. Isali na rin si Primo. God, they're so obsessed with croissants!

Nagpunta kaming Notre-Dame Cathedral na hindi namin nagawang puntahan kahapon. Nasa likuran ako ni Ate Bianca habang panay kuwento at salita siya. Ang dami ko pang nalaman at napuntahan sa France dahil sa kaniya. Minsan, siya pa ang kumukuha ng mga pictures ko.

Napahinto kami sa facade ng Cathedral, kitang-kita namin ang mga kahali-halinang sculptures, gragoyles at iba pa. Naiangat ko tuloy ang phone ko para kumuha ng litrato pero full storage na pala ako!

"Madame Chen, picture-ran kita. " lumapit bigla si Aiken sa'kin.

Napangiti ako. He really took photos of me. Nang tingnan ko ay ang ganda ng mga shots. May mga candid pa ako doon. Nang maglahad siya ng kamay sa'kin ay natigilan ako.

"3 Euro. Pambili ng memory card."

Napamaang ako. Dumating si Primo at tinulak palayo si Aiken. Ang ungas na 'yun, pine-perahan pa'ko!

"Doon ka kay Acel mangulit. Bantayan mo 'yun, baka mamaya bumalik na 'yun sa bus. " tinulak ulit ni Primo si Aiken.

"Ayoko. Ang tahimik masyado ni Acel! Mapapanis saliva ko sa kaniya. "

"Aiken, doon ka na sabi. " inis na pamimilit ni Kade.

Nakangusong lumingon si Aikem sa'kin at naglahad na naman ng kamay sa'kin bago tumalikod. Nanghimutok ako at iniwanan si Primo. Nagkahiwa-hiwalay kaming lahat at sa facade na kami magkita-kita after 20 minutes.

Napunta ako sa sanctuary. I'm unable to take pictures kaya naglakad-lakad at tingin lang ako ng tingin.

"Pwesto ka do'n. "

Napabaling ako kay Primo na nasa tabi ko na. I blinked twice.

"Don't worry. I won't ask a payment for taking you a pictures. "

"No thanks. " nagkibit-balikat ako at tumalikod.

Naglakad ako palayo pero sumunod naman siya. Nang huminto ako sa north transept ay nakabuntot parin siya. May naririnig pa'kong tunog ng pag-click panay ang lingon ko sa kaniya. Ang loko ay kunwari sa iba nakatutok ang camera.

"Stop that. " I hissed.

Salubong ang kilay na nilingon niya ako ako.

"Stop what?"

"Ayokong pinipicture-ran ako." pagsisinungaling ko. "And go away. Ayokong may asungot na buntot ng buntot sa'kin."

Madramang humawak siya sa bibig niya at tumawa. Napapatingin sa'min ang iilang mga foreigners kaya umakto akong hahampasin siya.

"You're assuming things so much. Sino may sabing ikaw ang kinukunan ko?" tumawa na naman siya. "Ayos lang naman mag-assume. 'Wag lang papasobra. "

Tinapik-tapik pa niya ako sa balikat ko kaya tuluyan ko siyang hinampas gamit ang sling bag. Naglakad siya palayo habang natatawa at napa-iling iling. Naiwan ako sa kinatatayuan ko na masama na ang tingin sa kaniya.

Nang hindi ko na makita si Primo sa sanctuary ay kinabahan ako. Hindi ako sure kung alam ko ba ang daan papuntang facade o kahit makita man lang ang mga kasama ko. Kabadong bumalik ako sa north transept, nagbabaka-sakaling nandoon si Primo.

Isang minuto na lang ang natira bago kami magtipon-tipon ulit sa facade. At wala si Primo sa north transept. Nag-pasya akong maglakad-lakad hanggang sa makabalik ako. I almost jumped in gladness when I found Primo at the south transept.

"I thought I was lost. " sabi ko nang makalapit ako sa kaniya.

Nahinto siya sa pagtingin-tingin at bumaling sa'kin. Ni-head to foot niya ako at saka nagtaas ng kilay. Sungit.

"Tapos?"

"You should not have left me! "

"Sabi mo tumigil ako kakabuntot sa'yo. Biglang changed of mind, eh?" he's raising his brows back and forth.

"Dapat nag-insist kang samahan ako! Paano kung nawala ako? Hindi ka gentleman. Gosh. "

Hindi siya tumugon. Nang tingnan ko siya ay nakababa na ang tingin niya sa paa ko. Napatingin tuloy ako doon. I pressed my lips. He surely saw my cuts there. Naka-sandals lang ako ngayon pero masakit parin sa paa.

"Ang tigas talaga ng ulo. " narinig kong bulong niya habang iling-iling.

Nagsimula siyang maglakad palabas, hindi man lang ako inaya. Sumunod ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa facade. Naroon na ang lahat at mukhang kami nalang ang hinihintay nila.

Nakatingin silang lahat sa'min. Then I realized they must be thinking of something special between me and Primo. Maging si Acel ay bahagyang nakataas ang kilay habang nakatingin sa'min.

"Bati na ba kayo? " bulong ni Ate Bianca habang naglakakad kami pabalik sa bus.

"We're not friends para magbati."

"But you two were together kanina. Saan kayo nagpunta?" she giggled.

"Sa Sanctuary. " bumuntong-hininga ako at humarap sa kaniya. "And ate, we're not a thing. I don't know bakit siya nangungulit sa'kin. 'Yang mga ganyang tactics, panis na 'yan. You think I'm dumb enough to fall for that supid move?!"

Inangat niya ang dalawang kamay habang natatawa sa'kin. Gosh, I blurted out.

"Bakit parang galit ka? Wala naman akong sinabing ganoon." she said while shaking her head. "You could be right but you could be wrong. "

Hindi na'ko tumugon at nagkibit-balikat na lang. Sa bus ay tahimik lang ako. Hindi rin naman nagsasalita si Primo dahil abala siya sa cellphone niya. Nang tingnan ko kung anong ginagawa niya ay nagsco-scroll lang siya sa Instagram niya.

Pasulyap-sulyap ako sa kaniya. Puro mga babae pa ang dumadaan sa newsfeed niya. Hanggang sa may sinearch siya at tinype ang pangalan ko.

"Hey, anong ginagawa mo? Are you stalking me?" sinubukan kong kunin ang cellphone niya pero iniwas niya sa'kin palayo 'yun.

Lumayo ako nang masyado na kaming malapit sa isa't isa.

"Yes, is it illegal?" he raised a brow. "Tss. Naka-private pa. E-public mo. "

Nakangusong sumilip ako sa cellphone niya. Finollow niya ako at hindi nga niya kita ang mga pictures ko.

"Why would I do that? Makakapag-stalk ka naman ng maayos pag finollow back na kita. "

"Follow back na. Bilis. "

"What do you think I would do that? Anong gagawin mo sa mga pictures ko?"

"Ipapakulam ko, bakit?" inis na sabi niya. "Syempre, titingnan ko! Magha-heart pa'ko. Ah, nevermind. You already got my heart, Chen. "

"Cheesy." I rolled my eyes.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-Instagram. Nakatingin si Primo sa'kin habang nagpipindot ako sa phone ko.

"Hey, follow back!" angal niya nang makitang deniclined ko ang request niya. "Stop being childish, Chen. Finollow kita at required na e-follow back mo ako. "

"I don't want to. And don't make it a big deal. "

Masama na ang tingin niya nang tingnan ko siya. Ngumisi nalang ako habang nililinis ang feed ko. Ang kalat kasi, may mga throwback pictures pa'ko doon at ilang pictures ng ex-boyfriend ko.

I typed Primo's name at madami ang lumabas. Pinindot ko ang unang name na lumabas at mukhang sa kaniya nga 'yun dahil marami ang followers.

Ako na mismo ang nag-follow sa kaniya. Nang sulyapan ko siya ay napairap lang siya habang nakatingin sa phone niya. Hanggang sa makarating kami pabalik sa Hotel ay hindi pa rin niya ako fina-follow back. Halatang gumaganti.

Sa lobby ko na naman naabutan sina Isacc, Aiken at Chaz. Tumayo sila nang makita ako.

"Madame, nasa kuwarto pa si

Primo. Hindi ko alam kung bakit ang tagal niya. Puntahan mo kaya?" bungad ni Aiken sa'kin.

The side of my lips turned up.

"Hindi ako nagtanong. "

Nakasunod sa'kin ang tatlo habang naglalakad papuntang Restaurant na tinutukoy ni Ate Bianca kanina. Nahati na naman kami sa dalawang table at kasama ko na naman ang tatlo. Acel arrived together with Primo. Sa harapan ko pa mismo naupo si Acel kaya nailang ako bigla.

"Madame Chen. " pagtawag bigla ni Chaz sa'kin.

"Stop calling me Madame. " napangiwi ako.

"Sir Chen. "

Sinamaan ko siya ng tingin at si Chaz kasama si Aiken na tumawa. Sila 'yung tipo ng mga lalaking may croissants sa loob ng ulo.

"College ka na next school year, Chen? Anong kukunin mo? Parang mas bagay sa'yo mag-Nurse. " sabi ni Isacc at kumumpas pa sa katawan ko.

"Mage-grade 11 pa lang. "

Tumango sila, maliban kay Acel at

Primo, as expected. Nakikinig na din sa'min ang mga kasama namin dahil sa sobrang ingay nila.

"Ouch!" We all looked at Primo who winced while holding his finger. "My forefinger is bleeding. I need Nurse."

"Nurse daw. Tumawag kayo." kalmado kong sabi habang nakatingin sa umaarteng Primo.

Masama ang tingin niya sa'kin. Aarte na nga lang, hindi pa ginalingan.

Kung anu-anong tinatanong ng tatlo habang kumakain kami. Nalaman kong sa kanilang lima, si Primo ang pinakabata. Hindi ko alam kung bakit hindi halata 'yun. Sa kilos kasi, si Aiken ang isip bata, kailangan pang bantayan.

Nakahilata na'ko sa kama ko nang makatanggap ng notification sa Instagram. Primo messaged me there at mukhang finollow back na nga niya ako. Agad kong binuksan 'yun at bumungad sa'kin ang mga pictures ko kanina sa Notre-Dame.

Marami ang candid shots at may mga pictures pa'ko habang nasa bus. Napamaang ako sa gulat at saya.

I typed for a reply.

chenmercado:

I told you I don't like someone taking pictures of me! Kulit.

Bigla siyang nag-online. Napabangon ako at sinave ang mga pictures habang naghihintay sa reply.

primorfos:

welcome

primorfos:

sandals ko

chenmercado:

I'm tired. Bukas na.

primorfos:

tamad naman diz gurl

Hindi na'ko nagreply. Nag-upload ako ng mga pictures ko sa Instagram bago natulog. I didn't put credits. Baka may mag-hysterical pang mga babae ni Primo pag nakita niyang minention ko siya.

Kinabukasan, nagpunta kami sa mga Museum. Una naming pinuntahan ang Musée d'Orsay, ang mga obra maestra ay gawa ng mga dalubhasang artist ng Impressionism.

Nasa lesson namin ito noon sa Arts kaya galak na galak ako habang nagmamasid at nakikinig sa mga sinasabi ni Ate Bianca.

Naghiwalay ulit kaming lahat. Pero kailangan may required na kasama. Nagulat ako nang lumapit si Acel sa'kin, naunahan niya si Primo na nagtangka ding lapitan ako.

"I'll be with Chen. "

"Alright. Doon tayo sa may upscale restaurant magkita-kita kapag tapos na ang 20 minutes. " sabi ni ate Bianca at pumalakpak pa.

Ate Bianca tapped my shoulder before pushing me towards Acel. Naunang maglakad si Acel kaya nataranta ako. Hindi ko na pinansin si Primo na mukhang nagtataka din sa kilos ni Acel. Hinila naman siya nila Aiken palayo.

Kabadong sumunod ako kay Acel. Nakasuksuk lang ang kamay niya sa pantalon niya at nagpalinga-linga.

"Where do you want to go?" biglang tanong niya.

"Ha?" nataranta na naman ako. "Ah, kahit saan. Baka maligaw pa tayo pag lumayo tayo. "

Hindi siya nagsalita. Nakasunod lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa may pamilyar na portrait. It's Vincent Van Gogh's self-portrait and the famous Starry Night.

It's so overwhelming to see the well-known masters of Impressionism's materpieces this close. Kung may igaganda pa sa mga monuments ng France, ito 'yun.

Tahimik lang kaming dalawa habang tumingin-tingin. He was talking pictures when I gazed at him. Nang lumingon siya sa'kin ay nag-iwas ako ng tingin.

"Pagod ka na? "

Bumaling ulit ako sa kaniya. Bakit siya nagtatanong?

"Hindi pa naman. Ikaw?" I answered, slight trembling.

"Hindi pa din. " he smiled a little. "Doon ka. Kunan kita ng litrato. "

Tinuro niya ang canvas ng The Magpie ni Claude Monet. Napatingin ako doon, kunot ang noo at nagtataka kung bakit all the sudden... ganito na siya makakilos.

"Libre ba 'yan?" tumawa ako.

"Hindi pa naman ako namumulubi kaya libre pa. "

Napamaang ako nang ngumisi siya. Pumunta ako sa tinuro niya. I posed a lot. Nang tumingin siya sa mga kuha niya ay lumapit ako. Tumingkayad pa'ko dahil matangkad siya.

"This is nice. " sabi niya at zinoom pa ang nakangiti kong mukha.

Hindi makita ang mata ko doon. Zinoom pa niya hanggang sa dalawang mata ko na lang ang nasa screen ng DSLR niya.

"You looked like a French the way you dressed pero pag nakangiti ka na, para kang Chinese. "

I never saw that coming. Napalunok ako.

"Is that an insult?" I laughed.

"Why? You don't like Chinese?"

Huwag ka ng magtanong. Ikaw ang like ko, Acel.

"I like French more. " ngumisi ako.

"Bonjour. "

Natigilan ako. Bakit siya nag French? Gulong-gulo na'ko.

Nang tumalikod siya ay napasinghap ako. Ang laki ng ngiti ko hanggang sa makarating kami sa Restaurant ng Museum. Nakita ko na doon ang mga kasama namin, maging si Primo na nakatitig sa'kin habang naglalakad kami ni Acel palapit sa kaniya.

I was surprised when Acel pulled a chair for me. Naiilang na napaupo ako.

"Thank you. " bulong ko sa kaniya.

Ngumiti lang siya. Napabaling ako kay Isacc, Chaz at Aiken na nakamasid kay Acel. I avoided Primo's gaze and nag-focus nalang sa magandang ambience ng Restaurant.

I looked up and opened my mouth in astonishment as the gilded ceiling appeared in my eyes.

"Wala kaming nakitang croissant na painting. Mabuti nalang pintor din 'tong si Primo, magpipinta daw siya ng croissant sa Hotel. "

"Aiken, gago, shut up. " masama ang tingin ni Primo na bumaling sa katabi.

"Chen, panoorin mong magdrawing si Primo. Gayahin niyo 'yung nasa Titanic. Go strip and lay down in a couch."

Nasamid ako sa sinabi ni Chaz. Ang mga ungas na'to, wala ng magandang ginawa habang nasa tour package kami.

Nang matapos ay bumalik na kami sa bus. We stopped at the monumental boulevard and parted ways again. May kaniya-kaniya na kaming gagawin at pupuntahan at ayos lang daw kahit wag na'kong magsama.

Mag-isa akong naglalakad sa mga luxurious na mga buildings. Nahinto ako sa boutique ng Louis-Vuitton at pumasok. Lumabas akong may hawak-hawak na paper bag pero nagulat ako nang makita si Primo sa labas, nakasandal sa poste.

"Ang dami-dami mong pera pero nasa labas ka lang ng Louis-Vuitton? " pang-aasar ko.

"I like saving my money for something so beneficial. " tugon niya at tumingin sa hawak-hawak ko.

"Hey!" agad kong tinago sa likod ang paper-bag. "This hand bag I bought could also benefit me! Hindi mo maiintindihan dahil hindi ka babae. Diyan ka na nga. "

Inis akong naglakad palayo. Nang tingnan ko siya ay nakasunod lang siya sa'kin. Natigilan ako nang makita ang hawak-hawak rin niyang paper bag. May Dior na naka-print doon.

Hindi ko pinansin 'yun at nagpunta sa Park. Nakasunod pa rin siya sa'kin at naupo pa sa tabi ko.

"Nakakabili ka ng bag pero sapatos, hindi? "

"Wala kang pakialam!" I hissed.

"Tss. I don't understand girls. Really. Parang araw-araw, may regla. "

Nagkibit-balikat ako. I don't also understand myself.

"Bakit hindi ka doon sa mga kaibigan mo ikaw sumama? I want to be alone. Umalis ka na. " pagtutulak ko sa kaniya.

Nabigla ako nang tumayo siya at lumuhod sa harapan. Just like what he did before when he took off my strap sandals. At tama nga akong mauulit ang nangyari noon.

Tinanggal niya ang suot kong sandals at binuksan ang box na nasa loob ng hawak-hawak niyang paper bag kanina.

"What are you doing? Mahal 'yan! Tumayo ka, Primo!" angal ko.

"Masakit na naman ba ang paa mo?" sinuot niya sa'kin ang loafers.

Hindi na'ko makaangal. Nakatitig ako sa paa kong suot-suot na ang mamahaling sapatos na bili niya.

"Bakit ka pa gumastos ng malaki para lang maging komportable ang paa ko? Ang bait-bait mo ngayon pero maya-maya, gago na naman. "

Hindi makapaniwalang nag-angat siya ng tingin sa'kin.

"Is that how you thank me? Grabe. Ibang klase ka talagang hilaw na Pransesa ka. "

"E'di thank you. Ano? Okay na?" nag-thumbs up pa'ko sa kaniya pero umiling siya.

"Kulang. " sambit niya at tumayo. Nilagay niya sa loob ng paper bag ang sandals ko.

Tumayo na rin ako at tinitigan ulit ang sapatos ko, iniisip kung anong magagawa ko para bayaran siya. Mukha namang ayaw niyang magbigay ako ng pera bilang utang na loob sa kaniya. And he's rich! He has a lot of money so why would I give him a return?

Pero parang ang sama-sama ko naman. I'm not like him and won't be like him.

"Doon tayo. " may tinuro akong bakery.

"What? Sa Starbucks mo'ko dalhin, 'wag sa mumurahin. "

"Walang mura sa France! Mag-isip ka nga! Tara doon, hanapan kita ng macarons. "

Hinila ko siya at nagpahila naman. I let go of his hand when I felt he was trying to intertwined our fingers together. Nag-iwas siya ng tingin nang lingunin ko siya.

"Don't fall inlove with me, Primo. Sinasabi ko sa'yo, 'wag sa'kin. "

Marahan siyang lumingon sa'kin. His eyes were serious. Napalunok ako at parang gusto kong bawiin ang sinabi ko.

"You should have told me that when we first met. Pero 'wag kang mag-alala, hindi sa tulad mo ako babagsak. "