Chapter 8
Para hindi ako mabulok kakahintay na may maglahad sa'kin ng pads sa loob ng CR, tinext ko si Ate Bianca. I guess she was busy but still managed to type a reply. Ngayon, hinihintay ko na siya.
Inayos ko ang tali sa roba ko habang nakatanaw sa bathroom mirror. Napailing-iling ako nang maalala si Primo at ang sinabi niya kanina. Grabe talaga ang isang 'yun.
Why would he acted like he likes me pero hindi naman pala? Kung hindi lang ako si Cheyenne ay baka kahapon palang, inlove na'ko sa kaniya.
"Mabuti nalang ako si Cheyenne. " bulong ko at ngumiti sa salamin.
I almost jumped when I heard loud knocks. Mabilis akong naglakad papuntang pinto para pagbuksan si Ate Bianca. Nagtataka ako kung paano siya nakapasok sa room ko pero bahala na.
It's so good to have a Tour guide who is willing to help.
Napamaang ako nang si Primo ang nakita ko sa labas. Ngayon, binabawi ko na ang sinabing Ate Bianca is willing to help. Talagang ipagkakanulo niya ako sa lalaking ito!
"Bakit ikaw ang nandito?" inis kong tanong nang may maalala na naman.
Punta-punta siya dito pero hindi naman pala ako ang gusto.
"May inaayos ang Tour Guide. Ako ang nakita niya kaya sa akin niya pinagawa ang utos mo. " umirap pa siya. "Ano pang hinihintay mo?"
Masama ang tingin kong hinablot ang dala-dala niyang paper bag. Pinanood ko siyang pasadahan ako ng tingin, mula ulo hanggang paa. Ngayon ko lang naalalang naka roba pa rin pala ako.
"Lumabas ka na. " tinulak ko siya pero hindi siya nagpatinag. "Labas ka na sabi. Salamat nalang dito. "
Hindi siya umimik. Nakatingin lang siya sa'kin at maya-maya nag-iwas ng tingin. Sumenyas ako sa kaniya na umalis na. Nang tumalikod siya ay malutong na mura ang narinig ko.
Mabilis kong sinarado ang pintuan ng banyo. Napangiwi ako nang makita ang hindi maintindihang letters sa nakapack na pads. Did he really bought this? Hindi man lang siya nainis dahil siya ang inutusan ni Ate Bianca. He looked more tense earlier.
Nakabihis na ako nang lumabas ako. Ganoon nalang ang gulat ko nang makita si Primo sa stipa, nakadekwatro at nag-aabang sa paglabas ko.
"Bakit ka pa nandito? Sabi ko sayo na lumabas na, eh. Ano bang ginagawa mo dito?"
"Naghihintay. " tipid niyang sagot at umismid na naman.
"Alas syete pa, oh! Mamaya pakong alas otso lalabas. 'Wag mo na'kong hintayin. Labas ka na, Primo!"
Nagkibit-balikat siya at mariin akong tiningnan.
"Mamaya na rin ako lalabas. Sabi mo, eh. "
"Ibang klase ka talaga! Ano nalang kaya iisipin ng mga kaibigan mo pag nakita ka nila dito sa loob?" inambahan ko siyang sasabunutan pero mabilis siya umilag.
"I locked the door. Ano bang problema mo?" natatawang tanong niya.
Kinuha ko ang nakitang sling bag sa kama at hinagis sa kaniya. Nasalo niya iyon at mabilis tiningnan ang laman. Hinayaan ko nalang saka ako naghanap ng isusuot na sapatos.
Muli akong sumulyap sa kaniya habang sinusuot ang ankle boots. Nagba-bag raid lang naman siya. Plano ko sanang saka na lalabas para panoorin ang light show sa Eiffiel Tower pag bandang alas otso na. But I better leave than stay here with the smug-faced Primo Yuchengco.
"Wow, may condom."
Mabilis akong lumingon kay Primo. He's checking my wallet.
"Ano? Wala akong ganyan!" inis akong naglakad palapit sa kaniya at hinablot ang wallet.
"Susi ng condominium. Hindi mo'ko pinatapos, eh. "
"Parang gago. Wala akong condominium. "
Ang sarap niyang bigwasan. Kung hindi lang siya nagmamagandang-loob kanina ay hinila ko na ang buhok niya palabas dito.
"Oh, aalis ka na?" tanong niya nang makitang nilalagay ko na sa loob ang mga gamit ko sa handbag.
This was I bought at the boutique of Louis-Vuitton. Nagsisisi akong nag-aksaya ako ng pera para dito.
"Wala na'kong rason para mag-stay dito. May asungot kasi..." binulong ko ang huling sinabi.
Naglakad si Primo papunta sa tabi ko at pinanood ako. I faced him when I noticed him getting closer to me. Tumambad sa'kin ang mata niyang mariing nakatingin.
"Inis ka parin sa'kin kahit kahihiyan ang inabot ko kanina dahil sa sudden period mo?"
Nahugot ko ang hininga. May nakapa na naman akong konsensya para sa kaniya. I'm sure I'm not annoyed with him mismo. I'm annoyed at myself.
"Sorry, masakit lang puson ko. " pagsisinungaling ko.
"What?" mabilis bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. "Are you sure you want to go out? Sobrang sakit ba niyan?"
Kinuha ko ang hand bag at umiiling-iling sa kaniya.
"I'm used to it, Primo. Ilang taon na'kong nagkaka-period cramps, sanay na'ko. At nasa Paris ako, walang liban-liban. "
"Take a pain reliever before we go out. Bibili ako. " madiing sabi niya saka naglakad palayo.
Nataranta ako. Humabol ako sa kaniya at hinila siya bago pa siya makalabas.
"'Wag ng matigas ang ulo. Kaya ko na'to. "
He snorted, hindi naniniwala sa sinabi ko. "Whatever you say, I won't be convinced. Hintayin mo'ko dito. Babalik ako agad. "
"'Wag na sabi, Primo. Hindi naman masyadong masakit ang puson ko. Baka bukas pa mas masakit. " napakamot ako sa ulo ko.
"E'di bibili ako para bukas. " ngumisi siya, talagang hindi magpapatalo.
Ayoko ng makipagtalo kaya hinayaan ko na. Saglit lang akong naghintay. Nang bumukas ang pintuan ay mabilis akong tumayo. I can't help but to pout when I saw a small paper bag on his hand.
"Uminom ka na. " aniya. Pinanood ko siyang magbukas ng isang tableta. "Wait, would this be effective?"
Kinuha ko sa kamay niya ang pain reliever at napaikot ang mata sa tanong.
"Hindi ako umiinom ng gamot pag umaatake ang sakit sa puson ko. I tried once but it somehow lessened the pain. Pero mapilit ka, eh. Iinom nalang ako. "
Hinuli niya ang pulso ko bago pa'ko makainom ng tubig.
"Paano kung lalala lang ang sakit? Are you sure... about this?" kabadong tanong niya, nasa pulso ko parin ang kamay niyang mahigpit na nakahawak.
"Maluwag talaga turnilyo mo, Primo. Parang kanina lang gusto mo 'kong painumin nito tapos ngayon, umuurong ka na? Gaguhan ba 'to?"
"Nevermind what I said." binitawan niya ako at napailing-iling na lumayo.
"Ano ang dapat kong e-nevermind sa sinabi mo?"
"Inumin mo na 'yan!" inis niyang sabi at naglakad palayo. Pinagmasdan ko siyang buksan ang pintuan, hanggang sa wala ng Primo sa paningin ko ay nakamaang parin ako.
Tiningnan ko ang hawak na bote ng tubig at ang tableta. Ni hindi ko pa nga nababayaran ang pads na binili niya, dumadagdag pa'tong mga gamot na'to. He was overacting. As if namang mapipigilan ako ng period cramps ko sa paglabas.
But what was that? Why was he acting so confusing? Parang siya pa nga 'tong may period, pabago-bago ang mood. Mamaya niyan, mangungulit na naman 'yan.
Sumunod ako kay Primo matapos kong inumin ang pain reliever. Nakita ko siya sa labas, pero hindi mukhang nag-aabang sa akin dahil may katawagan siya. He's facing his back on me and he seemed annoyed. Ginugulo niya kasi ang buhok.
"Where are you? 'Wag ka ng lumabas pa sa kuwarto mo, Isla. Ako ang mapapatay ng kapatid mo 'pag may mangyaring masama sa'yo. No, I'm in need of rest. Ayaw ko munang lumabas. Fine, let's meet once we're in the Philippines. "
Nang ibaba niya ang cellphone at humarap sa'kin ay nagmamadali akong maglakad palayo. Humabol siya at tumabi sa akin.
"That was Chaz's sister. " biglang sabi niya.
"Ha? I'm not asking. "
"Tss. " umismid siya kaya napalingon na'ko sa kaniya.
Gulong-gulo na ang buhok niya. Hindi tulad kanina na ayos na ayos at nagmukha siyang Koreano. He maybe has Chinese blood because of his surname, ang mata niya ay hindi rin gaanong instik katulad ng ibang half-chinese. I remember when he laughed, his eyes dwindled. Mas maputi pa rin ako sa kaniya pero napapansin ko sa balat niya, mas mabilis mamula pag natutukan ng araw.
I don't really like someone who has better skin than me, iyong hindi bulky ang katawan at makulit. Primo Yuhengco is far different from my standards for men. Mas maganda ang kutis ng balat niya, hindi rin siya bulky type at nangungulit.
May nakakapa akong ibang nararamdaman sa dibdib ko kaya kinakabahan ako.
"Don't stare too much. You're making me shy..." madramang tinakpan niya ang mukha.
"May dumi ka lang sa mukha. " pagsisinungaling ko. "Don't assume too much. Why would I stare at you?"
"Bakit parang tunog defensive ka? Sanay na'ko diyan, Chen. Mas malala pa nga sa pagtitig ang ginagawa ng ibang babae sa'kin. Pero alam mo, kapag ikaw na tumitig, ayos lang kahit hubaran mo pa ak-"
"Gago. " mabilis kong hinablot ang buhok niya. "Kung sa tingin mo huhuwaran ko ang mga lanturay mong mga babae noon, ibahin mo'ko. I would never be one of your girls, Primo. "
Hindi ko naramdaman ang pagsunod niya sa akin. Hindi ako lumingon at mabilis nalang naglakad. Sa lobby ng Hotel, doon ko nakita sina Ate Bianca at iba pa. The three smugs waved at me while Acel just smiled.
"Oh, hindi mo kasama si Primo?" Ate Bianca asked.
Lumingon ako sa hagdanan at hindi pa rin bumababa si Primo. Was my words were too offensive?
"Baka susunod 'yun. " sagot ko sa kaniya. "About kanina, iba nalang sana ang inutusan mong bumili ng pads. Nakakahiya kay Primo. "
Bumungisngis siya at lumapit para bumulong.
"Siya nagpresinta, eh. Kasama naman niya sina Aiken at Chaz kanina. "
"Where was Isacc then? Huli ka! Nag-date kayo, 'no?" tinaasan ko siya ng kilay.
Ngumuso lang siya at hindi na'ko sinagot. Naghintay kami ng ilang minuto bago kami nakompleto lahat. Dumating na rin si Primo na may katawagan na naman. Habang naglalakad kami ay nasa likuran lang siya, may kausap sa phone.
Nang makarating na kami sa Eiffiel tower ay saka ko na nilingon ulit si Primo. Nasa pinakahulihan siya sa grupo at nakapamulsang nakatanaw sa'kin. Nagulat pa'ko sa titig niya.
"Picture?"
Lumingon ako kay Acel. Inangat niya ang hawak na DSLR.
"Thank you. " ngumiti ako sa kaniya. Hindi pa nga ako nakapag-pose ng maayos pero kinunan na niya ako ng litrato.
Dinala niya ako sa pinakagitna ng Tower saka siya lumayo para makunan ako at ang nasa likuran ng buo. Nang lumingon ako sa gilid ay nakita ko si Ate Bianca at Isacc na magkatabing nagpi-picture. Acel took the chance to captured me for stolen shots.
"Upload it in your Instagram. " aniya nang tingnan ko ang mga kuha niya.
"Sobrang ganda. Ice-credits ba kita?"
"It's up to you. " he smiled.
"Ikaw naman kunan ko. Baka mamaya niyan puro mukha ko na nasa memory card mo. "
He pursed his lips, trying not to show his smile. He then nodded. Binigay niya sa'kin ang camera. Hinila ko siya papuntang magandang spot.
"You would look more handsome if you smile, Acel. " sabi ko sa kaniya nang makitang lumingon lang siya sa gilid, magpapa-stolen shots lang.
"Not that I'll upload it in any socmed accounts, Chen. No need to smile."
"Walang masamang mag-smile." pamimilit ko pero ngumisi lang siya.
Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya at hinila pataas ang magkabilang pisngi.
"Ang daming matatandang gustong mag-smile pero hindi magawa dahil wala na silang mga ngipin. Why don't you donate your teeth, Acel?"
Natatawang hinawi niya ang kamay ko. Nang matawa siya ay mabilis kong cinlick ang camera. Mabilis naming tiningnan 'yun. It doesn't look bad. Nakapikit pa siya at kitang-kita ang ngipin.
"Wow, Acel, akala ko si Lee Min Ho. " I tittered.
He opened his mouth for a response pero bigla nalang may tumabi sa'kin. Hinawakan ni Primo ang DSLR na hawak-hawak ko at saka binigay kay Acel.
Nagulat ako nang hilahin niya ako palayo. Nang lingunin ko si Acel ay blangko na ang pagtingin niya sa'min. I saw how Aiken tapped his shoulder. Bumaling ako kay Primo na hila-hila ako palapit sa tower.
"Ano bang problema mo? Nanghihila ka nalang agad. "
"Gusto ko rin ng photographer. " sabi niya lang.
Hindi makapaniwalang napasinghap ako. I tried getting my arm away from him but his grip tighten. Huminto kami at humarap kaagad siya sa'kin, hawak-hawak parin ako.
"Hindi pa'ko tapos kay Acel sa pagpicture sa kaniya. Hinintay mo nalang sana kaming matapos kung gagawin mo rin naman pala akong photographer. "
I rolled my eyes. He can just bring Isla with us. Nagsinungaling pa siya sa babae, makikipag-date parin naman pag nasa Pilipinas na.
"May Evan na siya kaya 'wag ka ng mag-alala. Ano? Kukunan mo ba ako ng picture o hindi?" inis niyang tanong.
"Akin na!" tinuro ko ang camera na hawak niya.
Ngumisi siya at agad binigay sa'kin. Nagpalinga-linga ako para maghanap ng magandang spot at kung saan makukuha ko ng buo ang Eiffiel tower. Sobrang lapit kasi namin kaya tanging nasa baba lang ng tower ang makikita sa camera.
"Doon tayo. " tinuro ko ang hindi kalayuan.
Tumango siya at saka ako naglakad. Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"Photographer ako, hindi ka-date mo." agad kong sabi at hinila ang kamay.
"Ako si Primo, hindi sugar daddy mo." he frowned. "Isipin mo nga, binilhan kita ng mamahaling sapatos, pads at gamot. Tapos eto isusukli mo? Why can't you be nice? 'Yung nagpapanggap na mabait lang, matatanggap ko pa. "
"I'm nice, Primo. Pero hindi kailangang hawakan ang kamay ko. We're not an item. "
Hindi siya umimik at nagpalinga-linga nalang. Mabuti hindi na niya hinawakan ang kamay ko. Pinapuwesto ko siya sa isang tabi habang nasa likuran ang napakagandang tower. Binaba ko ang camera nang makitang nakapamulsa lang siya at nakatingin sa malayo.
"Hey, ngumiti ka!"
Hindi niya ako pinakinggan, kumumpas lang siyang ituloy ko ang pag-picture.
"Hindi uso ang fierce pag nasa magandang lugar ka katulad nito Kade. Leche, ngumiti ka!" pamimilit ko. May common pa rin pala sila ni Acel.
"How?" he pointed his lips.
Sinukbit ko ang camera sa leeg at lumapit sa kaniya. He chuckled when he saw me marching towards him in bad temper.
"I don't know how. Model ako, Chen. Madalas sa photoshoot, hindi rin uso ang pagngiti. "
"Pwes, wala tayo sa photoshoot. Isipin mo nalang na nakita mo crush mo. Or think about naughty things or remember how you fooled your girls. 'Diba masaya 'yun? At saka ayaw ko ng lalaking hindi ngumingiti sa camera. "
Sinamaan niya ako ng tingin saglit. Hanggang sa ngumiti siya at nag-iwas ng tingin habang bahagyang tinatakpan ang mukha. He's kind of laughing.
Tumalikod na'ko para simulan ang pagpi-picture pero hinila niya ako paharap sa kaniya.
"Hindi ko na kailangang isipin na nakita ko ang crush ko, Chen. Nasa harapan na kita, bakit ko pa iisipin kung pwedi namang pagmasdan?"
"I don't have time for your corny thoughts, Primo. "
"Totoo nga. " he sighed.
Tinitigan ko ang nakangiti niyang mukha at nag-iwas ng tingin. He's so close and I couldn't figure out why my heart is pounding so fast.
"Gusto mo pa bang kunan kita ng litrato o ano? Nananakit na ang binti ko. Gusto ko ng maupo, Primo. 'Wag ka ng makulit. "
"I told you not to wear shoes with heels. Ano bang silbi ng binigay kong sapatos?" inis niyang tanong at hinila ako papunta sa kung saan.
"What? Hindi pweding 'yun nalang palagi gamitin ko. My ankle boots looks so good on me tonight. Sa binti lang naman nananakit, hindi na sa mismong paa ko. "
"Tss. Let's sit for a while. "
Tumango ako. Napatingin ako sa kamay niyang dumudulas sa kamay ko. Para akong nanghihina na hindi ko magawang hilahin ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Saka lang niya ako binitawan nang maupo na kami sa isang bench.
"Give me your leg. "
"What?" napalingon ako sa kaniya.
"Akin na ang binti mo. Ipi-prito ko. "
Inambahan ko siyang hahampasin sa braso. Hindi ko sinunod ang sinabi niya at tinanaw nalang ang tower. Maging sa gabi ay may mga tao parin dito.
"I'll massage your leg, Chen. 'Wag ka ng OA. " pamimilit ni Primo.
"It's not that painful. Ikaw ang 'wag ng OA. Baka pag naging mean ako sa'yo, sasabihin mong wala akong utang na loob. "
"Hindi na. " he chuckled.
Marahan niyang hinila ang binti ko at inangat sa kandungan niya. Nanlaki ang mata ko sa gulat.
"We're in a public place, Primo! Stop it!"
Hindi siya nagpatinag at inangat na pataas ang trench coat ko. He's slowly massaging my leg. I stared at him, unable to speak.
"I never stood a chance, right?" biglang sabi niya.
"Ha?"
Lumingon siya sa'kin saglit at saka lumingon sa harapan. Hindi ko iniwas ang tingin sa kaniya. Ang mukha niya ay parang replica ng mga incomprehinsible arts, hindi ko siya maintindihan sa paraan ng pagtingin lang. Sobrang labo niyang intindihin.
"What are your stares for, Chen? Kanina ko pa napapansin ang titig mo."
"You have something in your hair. " nakagat ko ang labi sa palusot na nasabi.
"Wala na?" he asked after he threaded a hand through his hair.
"Wait. Ako na. Kukunin ko. " dagdag spice sa palusot ko.
Hinawakan ko ang buhok niya at kunwaring may kinuha saka nilaglag. Pinagpag ko ang kamay pagkatapos.
"Wala na. " I smiled cutely.
"You're fooling me, aren't you?" dinakip niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. "Bakit mo ako tinitigan kanina? Do you like me now, hmm?"
"Don't make it a big deal, Primo. And I don't like you. Naalala mo ang sinabi ko kanina? Hindi ako magiging isa sa mga babae mo. "
"Who said I'll let you be one of them? Iba ang turing ko sa mga babaeng nilalandi ko sa mga babaeng nirerepesto ko, Chen. "
Mas nilapit pa niya ako sa kaniya. I can't move, seemingly paralyzed by Primo's smooth words and moves.
"Sabihin mo nga sa'kin, gusto mo ba ako?" matapang kong tanong.
He rested his hand on my hip, leaning more closer until his nose touched my cheek.
"By now, I don't want to boast about my feelings. Ibang lalaki ang gusto mong mag-confess sa'yo ngayon. Saka na..."