Chapter 9

Chapter 9

"Tara sa Pont des Arts. Pabalik-balik nako dito, eh. " Primo stood up and sretched his arms afterwards.

Nilingon niya ako nang makitang nakaupo parin ako. Nakatingala ako sa kaniya. Kahit hindi niya diretsong sabihin sa'kin ang tungkol sa isang bagay, alam kong totoo na siya.

I could feel his sincerity. I could feel that he likes me... but at some point, there was a little sadness on his voice.

"Kalimutan mo na ang sinabi ko." kinuha niya ang kamay ko at pinatayo. "Sasama ka ba sa'kin sa Pont des Arts?"

"Anong gagawin natin doon?" I asked, letting his hand intertwined on mine this time.

"Ang daming romantic places sa Paris pero sa Pont des Arts ang gusto ko. You can come with Chaz if you don't want to go with me. "

"Sasama ako. "

Tumitig siya sa'kin bago tumango. Hawak-hawak parin niya ang kamay ko nang lumapit kami kila Ate Bianca. Nagsibabaan ang tingin nila sa kamay namin ni Primo kaya agad ko ng inalis ang kamay ko sa kaniya.

Ang kibit-balikat na si Acel ay nasa malayo ang tingin. I don't want to assume but what if Acel likes me too? We went out for a date, does that mean he likes me?

"Umuwi kayo before 11, okay? Inform niyo rin ako kung gusto niyo pang magpunta sa ibang lugar. " sabi ni Ate Bianca nang magpaalam si Primo sa kaniya.

Tumango si Primo. Pinanlakihan ako ni Ate Bianca ng mata, nginuso niya pa ang tahimik na si Acel nang hindi nakatingin si Primo sa'kin.

"Hindi tayo kasama?" tanong ni Aiken kay Isacc.

"Bakit hindi tayo kasama?" parang tangang tanong naman ni Chaz sa dalawa.

"Wala sa'ting apat ang sasama kila Madame at Primo? Ano meron? Acel, pare, kilos-kilos din. " si Isacc na hinampas ni Primo dahil siya ang nasa malapit.

"Gago, Isacc. " I saw how Primo glanced at Acel who's also looking at him. Nagsusukatan sila ng tingin. "May pupuntahan lang kami doon. Kapag kayo sumunod, malilintikan kayo sa'kin. "

Umismid ang tatlo. Napamaang ako sa kayabangan ni Primo. Kung makapagbanta siya sa kanila ay parang siya ang pinaka-matanda. He's the youngest yet he acted like a superior to them.

Sa pedestrian bridge ng Pont des Arts kami huminto, kung saan nakapwesto sa sikat na Seine River. There's some riverboats floating, tanaw din namin ang Île de la Cité, nag-iilawang mga buildings at ang ingay ng mga musicians hindi kalayuan.

And here's Primo, silently watching me while I'm busy appreciating the view.

"Nananakit pa rin ang binti mo? Sana pala hindi na kita dinala rito. " iling-iling na sabi niya.

"It still hurts but the picturesque view of the river could cover up a little of my pain if we stay longer, Primo. 'Wag muna tayong umalis. "

He slowly nodded. Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Hindi kami nagsasalita pero naririnig ko ang pagci-click ng camera niya at ang flash na tumatama sa'kin.

Ngumuso ako nang mapadami na ang kuha niya.

"Stop that. Baka pagbayarin mo pa'ko pag wala ng laman ang memory card mo. " sambit ko at hinawi ang nakatutok na camera sa'kin.

"I don't mind. Mag-thank you ka nalang. "

"Primo, " I called and pointed the river. "May mas maganda pa sa'kin kaya 'wag sa'kin ka puro picture. Baka ma-inlove ka pa lalo sa'kin niyan. "

Natigilan siya. Nakagat ko ang labi nang mapagtanto ang sinabi ko. Pero ganoon nalang ang gulat ko nang kunin niya ang braso ko at hinapit palapit sa kaniya.

Bumaba ang paningin ko sa isang braso niyang pumulupot sa baywang ko at ang isa ay nakahawa sa leeg ko.

"You're the best view, Chen. And I don't mind falling inlove even harder with you. "

Naramdaman ko ang pamumula sa pagtitig niya sa'kin. I wanted to utter a word. May bumabara sa lalamunan ko. I don't like Primo, pero nagtataka ako kung bakit gusto ko pang ihapit niya pa'ko palapit sa kaniya.

"Halatang-halata ka na masyado, Primo. Bakit hindi ka umamin sa feelings mo sa'kin ngayon din?" anas ko at tinulak ang dibdib niya pero hindi man lang siya natinag.

"Ayokong dito ako umamin. Babalik tayo dito kapag nakuha na kita. "

I grimaced and rolled my eyes. Ang OA niya. Ang ganda ngang lugar to para mag-propose. Not that I want him to propose. Ni hindi ko pa nga alam kung ano 'tong nararamdaman ko sa kaniya.

Lumayo si Primo at biglang hinatak ako. Lumapit siya sa isang foreigner na lalaki at nag-usap ng hindi ko maintindihan.

"Yes, right there. " tumango si Primo.

Saka niya kinuha ang camera at binigay sa lalaki. Naintindihan ko na ang pakay niya. Naglakad kami ni Primo papuntang gitna ng bridge at muling hinapit ang baywang ko.

"Look at me, Chen. "

Naka-smile na'ko nang magsalita ang katabi ko. Hindi na'ko nabigla nang mag-flash ang camera nang lumingon ako sa kaniya.

"Tumingin ka na parang inlove na inlove ka sa'kin. " he then lifted my chin.

"Prim-"

"Kahit scripted lang. "

I stared at him longer. I tittered inside when he cupped my face, still looking at me with affection on his eyes.

Kung makatingin siya sa'kin ay para akong isang babasaging painting na kailangang ingatan, na hindi nabibili ni kahit sentimo.

Nakakatakot sumugal sa lalaking ito. Lalo na dahil hindi maganda ang una kong impression sa kaniya.

"To add romance, can you two kiss?"

Sabay kaming napalingon sa foreigner. Mabilis kong tinulak si Primo at umiiling-iling sa lalaki.

"No, no. There's no need. Merci. " agaran kong sabi.

Nang mawala ang lalaki ay saka na'ko humarap kay Primo. Hawak niya ang baba habang nakangising nakamasid sa'kin.

"Baka hindi ko matiis ang labi mo, Chen. Mabuti nalang tinulak mo'ko."

"We're not a couple yet. You can't kiss me. "

"Yet? What do you mean yet?" nanunudyo ang boses niya.

Natigilan ako sa pagtangkang pagkuha ng camera niya para tingnan sana ang mga pictures namin. Hindi ko nalang siya pinansin at umismid nalang.

Nag-aya siyang maupo kami malapit sa nagtutugtugang mga musician. Sabay namin tiningnan ang mga kuha. It was all perfect. Kahit ang sabi niya'y tumingin ako sa kaniya na parang siya ang mahal ko, hindi ko ramdam ang pagka-scripted ng tingin ko.

May nakita akong kuha niya sa isang Museum. Nakatalikod sina Aiken, Acel, Chaz at Isacc habang kaharap ang self-portrait ni Van Gogh.

"Look, ibalik mo picture ng apat na mokong. " utos ko sa kaniya. He frowned and followed what I said. "It's beautiful. Sayang, wala ka diyan."

"You're beautiful, you know that?"

Ayan na naman siya. Umismid nalang ako at nakitingin pa sa ibang kuha. Madalas kong makita ang mukha ko doon. Pati noong nakaidlip ako sa bus ay may kuha rin siya.

"You're creepy, you know that?" sambit ko.

Ngumisi siya. Hanggang sa nag-aya na siyang umuwi. I looked at my wrist watch and it's still ten o'clock. Napapansin kong gumiginaw na rin ang paligid. Malamig na ang kamay ko at ramdam na iyon ni Primo dahil hawak-hawak niya ako.

We talked a lot until we arrived at the Hotel. May bakery shop hindi kalayuan kaya hinila ko siya papunta doon.

"Gutom ako, Primo. Libre ko naman, eh. "

Tumango siya sa'kin. Someone suddenly called him. He excused so he could have his privacy. Tapos na'kong bumili at yapos-yapos ko na ang paper bag nang lumabas ako.

Ginugulo ni Primo ang buhok habang may katawagan parin.

"What? Where is she then? Chaz, hindi ko sinabing magkikita kami ngayon. Can't you see? I'm with Chen. Hindi ko sana kasama si Chen ngayon kung makikipag-kita ako kay Isla. Damn it!"

Isla must be missing. Naupo nalang ako sa may bench na nasa labas ng bakery shop habang pinapakinggan si Primo.

"Pauwi na kami ni Chen. " sabay lingon ni Primo sa'kin.

I avoided his gaze and just got my phone to distract myself. Nasaan ba kasi ang Isla na 'yun? Palaging si Primo nalang ang na-aagrabyado niya.

Nang matapos ang tawag ay lumapit siya sa'kin.

"I'm sorry. Umuwi na tayo, Chen. "

"Okay..."

He stared at me, parang tinatantya ang nararamdaman ko. Maya-maya ay kinuha niya ang hawak ko. Tahimik siya at malalim ang buntong hininga habang naglalakad papaakyat kami sa floor namin.

Kinuha ko ang susi ng room ko nang makarating kami.

"Hindi ka kakain ng croissants?" tanong ko.

"I'll find... Isla. " marahan niyang sabi.

I pursed my lips and bobbed my head. Kinuha ko sa kamay niya ang paper bag.

"Pasok na'ko. Mag-ingat ka sa paghahanap. "

Hindi siya tumugon, nanatili lang ang tingin sa'kin. Pumasok na'ko pero naghihintay parin na may sasabihin siya.

"Good night, Chen. " he said, finally.

"Thank you for bringing me to Pont des Arts. Good night."

Pagkatapos, basta nalang siyang tumalikod at nagmamadaling naglakad palayo, like he was ready to leave me for her.

Napamaang nalang ako, hindi maintindihan ang nararamdaman.

Sa huli, kinain kong mag-isa ang croissants na binili ko. Wala pang fillings. They usually don't put fillings like jam, cream, chocolate o ano pa na mayroon sa Philippines.

Alas onse na nang magpasya akong humiga at bumisita sa Instagram, nagbabaka-sakaling nag-dm si Primo pero wala. I posted some of my pictures before I went to sleep. Nagising lang ako kinabukasan nang tumawag si Ate Bianca.

"Madame!" kumaway sa'kin si Aiken nang makapasok ako sa bus.

Napahigpit ang kapit ko sa handbag ko. Nagtataka ako kung paanong mag-isa si Aiken sa upuan niya at tinuturo pa niya ang tabi, sinasabing do'n ako maupo.

Magkatabi sina Isacc at Chaz, as always. Si Acel ay nasa likuran ng dalawa at si Primo na nasa madalas kong inuupuan. Natigilan ako nang makita ang buong mukha niya.

Mahimbing siyang natutulog habang kibit pa ang balikat at magkasalubong ang kilay. Aside from that, I saw a wound beside his lips.

Saka ako napatingin kay Chaz na nag-iwas ng tingin sa'kin.

"Madame, ang kupad mo. " sabi ni Aiken at hinila ako papunta sa upuan niya.

"What happened?" pabulong kong tanong.

"Nasuntok ni Chaz kagabi. "

Hindi na'ko nabigla sa narinig. Tumayo ako para tingnan ulit si Primo pero hinila ako paupo ni Aiken.

"Shhh. Maupo ka nalang diyan. Bad trip kanina pa si Primo. Wala pa naman 'yang sinasanto. " aniya.

"What do you mean? Pati ako, kaya niyang pag-initan ng ulo?"

Naningkit ang mata niya sabay hawak sa chin. Pinasadahan niya ako ng tingin.

"Kahit gusto ka niya, mag-iinit parin ulo niya. Saka mo na kausapin kapag wala na siyang sayad, Madame. "

Inismiran ko siya. Akala mo wala rin siyang sayad, eh.

Pinanood at pinakinggan ko na lang si Ate Bianca habang papunta kaming Luxembourg Gardens na tinutukoy niya. Panay ang sulyap ko kay Aiken dahil bumubungisngis siya habang may ka-text sa cellphone.

Agad akong tumayo nang huminto na ang bus. Nang tingnan ko ang inuupuan ni Primo ay wala na siya.

"I saw Primo last night. Girl, sobrang wasted ng mukha niya habang akay-akay siya nila Isacc at Aiken. May putok pa sa labi. Anyare?" tanong ni Ate Bianca habang hinihintay pa namin ang iba na makababa.

"Nasuntok daw ni Chaz. "

Nilingon ko si Primo na tahimik at kibit-balikat na nakamasid sa'kin ngayon. Hindi siya makangiti pero hindi rin naman siya nag-iiwas ng tingin sa'kin. Hindi nga lang namamansin.

"Bakit kaya? May alam ka, eh. Sabihin mo. " pangungulit pa ni Ate Bianca.

"Gosh, hindi ko talaga alam. Hindi ako chismosa. Sorry."

Hinampas niya ako agad. Balik trabaho siya nang makumpleto na kami sa labas. Sinundan namin siya papasok sa Luxembourg Garden.

Ayon kay Ate Bianca, it's the best known park in Paris. Sobrang daming tao. Facade palang ng lugar ay kahali-halina na.

May walong sulok na fountain pool akong nahagilap. Doon ay may umaagapay na dalawang terraces na may linya ng mga statues, rows of flowerbeds that are methodically arranged, kasama pa roon ang marikit na shrubbery. This exemplifies French classical style which really adore by many.

Hinila ako nila Aiken papuntang fountain. Siya ang kumukuha ng picture ko dahil wala talagang imik si Primo.

"May isa pang fountain na nakatago, katapat ng east front ng palasyong tinayo ni King Henri IV para sa asawa niyang si Marie de Mecidi. Puwede tayong maghihiwalay pagkatapos nating bisitahin ang Palais du Luxembourg o ang palasyo. Marami ang tao ngayon dahil hindi open lugar bukas. " si Ate Bianca.

I got my polaroid camera at kinunan ang picture ng fountain bago kami pumunta sa isa pang fountain. Nagpahuli ako at kasama ko si Acel sa paglalakad.

"Do you know what happened last night? " he asked.

"Hindi. Hindi rin ako pinapansin ni Primo. "

Sumulyap pa'ko kay Primo. Umismid siya nang makitang sabay kami ni Acel.

"Bakit siya nasuntok ni Chaz, Acel? Is it about Isla? Anong nangyare?" tanong ko sa kaniya.

I can still remember what Chaz said. Chaz love Primo enough not to lay hands on him. Well, boys will be boys parin pala sa huli.

"Hindi naghahabol si Isla kay Primo para sa wala, Chen. I know Primo likes Isla. I don't know what happened now. Chaz didn't like how Primo treated Isla last night that's why he was punched. "

Para akong nanlamig nang marinig ang sinabi ni Acel. Primo likes Chaz's sister?

"Let's go, Chen. Don't worry about Primo. Deserve niya 'yun. " Acel said and held my hand.

Sumunod kami kila Ate Bianca. Hawak-hawak ni Acel ang pulso ko at napapansin ko ang panay pagsulyap ni Primo sa'min. Matapos libutin ang palasyo ay nagpunta kami sa maliit na café hindi kalayuan. I was again mesmerized.

"Welcome to Pavillon de la Fontaine." masiglang bati ni Ate Bianca habang winawagayway ang dala-dalang flag.

Nagsalita pa siya tungkol sa lugar. Balak na sana naming pasukin pero nahagilap ng atensiyon namin ang tumatakbong babae papunta sa gawi namin. Napalingon si Acel sa'kin bigla.

"Isla, what are you doing here?!" gulat na tanong ni Chaz.

The gorgeous woman was wearing a long-sleeve top, partnered with a skirt and cone heels. Ngumiwi siya nang huminto sa pagtakbo. Masakit panigurado ang paa sa heels.

"Primo invited me, Chaz. May I join you?" Isla asked Ate Bianca.

Iniwas ko ang tingin ko kay Primo. Sa sunod kong nakita ay humawak na siya sa braso ni Isla at hinatak palayo.