Chapter 10

Chapter 10

"Eat, Chen."

Nilingon ko si Acel at ang sandwich na nakahain sa harap ko. Hindi ako nagugutom.

May iba sa amin ang piniling gumala nalang sa loob ng Luxembourg. Pero heto ako kasama ang lima, si Isla at si Ate Bianca.

"Why didn't you treated your wound, Primo? Mabuti nalang may dala akong ointment para diyan. " ngumiti si Isla sa katabi.

Napasubo ako sa sandwich ko bigla.

"Malayo sa bituka ni Primo 'yan, Isla." umismid si Chaz.

Hindi nakinig si Isla. May kinuha siya sa handbag niya at saka humarap kay Primo. Pinagmasdan ko ang dalawa.

Kanina ko pa naalala na si Isla ang nakita kong kasama ni Primo na hilaw na foreigner noon sa Coffee shop. I gotta say... she's incredibely beautiful. Mula sa tuwid na buhok, makinis na mukha, malaking hinaharap at ang mahabang binti.

"There's no need. Just eat, Isla. Masama ang tingin ng kapatid mo sa'kin. " inis na sabi ni Primo.

"Hayaan mo siya. May sumpong lang ang matanda. "

"Isla. " banta ni Chaz sa kapatid na may ngitngit sa boses. "Napag-usapan na natin ang tungkol dito kagabi, 'diba? Why are you here? I know Primo didn't invite you. Ano ang gusto mong gawin ngayon?"

"Chaz, let Isla enjoy. Walang masama kung sa atin siya sumama. " si Acel.

Tumango sina Isacc at Aiken na kanina pa tahimik. I don't think it's a good idea to stay with them here. Si Acel din naman kasi ang naghila sa'kin na sabayan sila sa pagkain dito.

"She should've stayed on her room. Hindi iyong lumalabas siya ng walang paalam. Wala ka sa Pilipinas, Isla. Ayokong maulit ang nangyari kagabi."

Tumango ulit sina Isacc at Aiken sa sinabi ni Chaz. May saltik na naman ang dalawa.

Isla secretly rolled his eyes. Umamba siyang lalagyan ulit ng ointment ang labi ni Primo nang pigilan siya nito. Muli akong napasubo sa sandwich ko.

"Ayos na. Eat up, Isla. " mariing sambit ni Primo.

Hindi ko na kaya ang atmosphere dito. Sa pinong kilos palang ni Isla ay sobra na akong naa-outcast. Hindi ko alam kung napansin na ba niya ako wala lang talaga siyang pake sa'kin?

Gosh, kahit pa mas mukha akong Pransesa sa kaniya, mas maganda parin siya.

"Inumin mo ang tsaa mo, Chen." biglang sabi ni Acel.

Agad akong tumango sa kaniya at hinawakan ang tasa ng tsaa. Muntikan na'kong masamid nang makita ang tingin ni Isla sa'kin. Primo's eyes were also on me, sinusuri ako.

Agad kong binaba ang tasa nang mapaso sa sobrang init.

"I'm sorry. Shit, it's still hot. " anas ni Acel at nagawa pang pahiran ang bibig ko.

"Ayos lang. " pilit kong iniwas ang mukha sa kaniya.

Natigilan siya at tiim ang bagang na napabuntong-hininga. Hiyang-hiya ako.

"I'm sorry. Ayos ka lang? Does your tongue hurts?"

"Hindi naman. 'Wag ka ng mag-alala. "

He nodded again and pursed his lips. Nang tingnan ko ulit si Isla ay naniningkit na ang mata niya habang nakatingin kay Acel.

While I heard Primo's snorted. He cocked his head to one side when he caught me looking at her. Hindi niya ako kinakausap ngayon dahil nandito pala ang totoong gusto niya.

"Chen, right?" tanong ni Isla sa'kin.

"Yes, Cheyenne Mercado. "

Sa ilalim ng mesa ay humigpit ang hawak ko sa palda na suot.

"Hindi pa nagpapakilala si Acel sa'kin ng babae. Hindi pa rin siya nagka-girlfriend. Can I ask what's the score between you two?"

Umawang ang bibig ko sa tanong niya. Umiling ako pero hindi na nakasagot dahil sa padabog na paglapag ni Primo sa kamay niya.

"She's not my girlfriend. " sagot ni Acel.

"Hindi ako naniniwala. But you're currently courting her? Or papunta palang doon?" Isla raised a brow.

Naramdaman ko ang pagsiko ni Ate Bianca. Until she silently excused herself. Gusto kong sumunod sa kaniya pero pinipigilan ako ng mga tanong ni Isla at ang titig ni Primo.

"Hindi uso kay Acel ang panliligaw, Isla. Tamad 'yan. Maaga 'yan makakabuntis dahil pati paglagay ng protection, tinatamad din. " siraulong sabad ni Isacc.

"Gago ka. " natatawang suway ni Aiken.

"Wow, coming from you?"

Malutong na mura ang narinig ko kay Acel habang si Isla ay amused na amused habang nakatingin kila Aiken at Isacc.

Mabuti nalang hindi na nagtanong pa ng nagtanong si Isla tungkol sa'min ni Acel pero panay ang pagbaling niya sa'min ng may nanunudyong tingin.

Pinagmasdan kong bumulong si Isla kay Primo. Primo looked at her and smirked.

Sinubukan kong inumin ang tsaa pero mainit parin. Mabilis kong nilapag 'yun pabalik.

Ganoon nalang ang gulat ko nang itulak ni Primo ang tasa niya papunta sa'kin saka siya bahagyang tumayo para kunin ang akin. Napakurap-kurap ako sa ginawa niya.

"Inumin mo. Hindi na'yan masyadong mainit. " aniya.

I can't utter a word. When I looked at Isla, there's a glimpse of pain on her eyes. Narinig ko ang pag-singhapan nila Aiken at Isacc at ang pagmura ni Chaz.

"Chen, inumin mo na 'yan. Aalis tayo pagkatapos. " sabi ni Acel.

Wala akong choice kung hindi ang tumango. Natahimik si Isla at hindi na nagsalita pa. Hindi ako makatingin sa kaniya pero ramdam ko ang paninitig niya at malalim na pagbu-buntong hininga.

"Let's go?" Acel asked when I finally emptied the cup.

Walang salitang kinuha ko ang handbag at sumunod kay Acel sa paglabas. Para akong nakalabas sa hawla. Malaki ang ginhawang pinakawalan ko habang naglalakad kami ni Acel.

Nagpunta kami kahit saan. Huminto kami sa playground nang mapagod then sa park. It's a nice spot for relaxing and picknicking. Mainit din kaya tama lang na naka-floppy hat ako. 

When he pointed the miniature sailbots, I immediately went to its direction. Agad niyang tinutok sa'kin ang camera.

Nakasalubong pa namin sina Primo at Isla nang manood kami ng Puppet show. Nang makita ako ni Isla ay agad siyang pumulupot sa braso ni Primo.

"Restroom ako saglit. " pagpapaalam ko kay Acel.

"Samahan na kita. " he stood up.

"Dito ka nalang. Hindi pa tapos ang show. Saglit lang naman ako d'on."

"Hindi mo alam kung saan ang restroom, Chen. You'll be lost. "

"Magtanong-tanong ako. Sige na, saglit lang talaga ako. "

Tumitig siya sa'kin saka dahan-dahan tumango. Nagpaalam na rin ako kila Aiken. Masama ang tingin ni Primo sa'kin. Nakita ko pang binalak niyang tumayo pero pinigila siya Isla.

Seriously? He's getting obvious. Baka iba pa ang iisipin ni Isla sa mga kinikilos ni Primo sa'kin.

May CR hindi kalayuan kaya doon ako nagpunta. Nang lumabas ako sa cubicle ay nakita ko si Isla, nag-aayos sa harap ng salamin. Lumingon siya sa'kin, hindi magawang makangiti.

"Alam mong gusto ko si Primo. " sambit niya.

Tahimik akong naghugas ng kamay. Nang sulyapan ko siya ay nagli-lipstick na habang nakatingin sa'kin sa salamin.

"Hindi maayos ang relasyon namin ngayon ni Primo, Chen. Stay away from what's mine. I know Acel likes you so don't give him false hope. Kung wala kang gusto sa dalawa, lumayo ka na. Pero kung gusto mo si Acel, sa'yo na. Huwag mo ng isali si Primo sa mga gusto mo."

"What are you talking about?"

"Lumayo ka kay Primo at sa'yo na si Acel. Ngayon, naiintindihan mo na?" she folded her arms.

I expected this to happen. Halata namang ayaw sa'kin ng Isla na'to. Naalala kong iniwan ni Primo ang babaeng 'to nang mapahiya ako sa coffee shop.

Doon palang, alam na niyang threat na ako sa lovelife niya kay Primo.

"Wala akong gusto sa dalawa at sa'yo na si Primo. "

"I don't think so, Chen. " humakbang siya palapit sa'kin. "Kumikislap ang mata mo kapag tumitingin ka sa Primo ko. Ngayon palang, papaalahanin na kita. Don't dare burn the bridges. "

"Excuse me? Kahit pa ako ang gusto ng Primo mo, hindi ko sisirain ang relasyon niyo. Sa'yong sa'yo na, Isla. 'Wag ka lang masyadong magmukhang desperada. "

Bumagsak ang braso niya sa narinig. Masama na ang tingin niya sa'kin and was breathing hard. Nang tumalikod ako at balak ng umalis, bigla niyang hinila ang nakatali kong buhok.

"Cheap ka!" she exclaimed and pulled my hair again with full force.

Napapikit ako sa sakit. Bago pa'ko manlaban ay tinulak na niya ako palayo. Naupo ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkatulak niya.

She's crazy! Bigla nalang siyang tumakbo palabas habang ako ay nakaupo parin dito at nakamaang.

Maayos na'ko nang lumabas ako ng Restroom. Hinihilot-hilot ko pa ang sentido dahil masakit talaga ang pagkahila ni Isla sa'kin sa buhok kanina.

She's a desperate bitch! Kaya siguro nagpapa-missing kagabi para hanapin siya ni Primo! No wonder why Primo couldn't like her.

Kung hindi lang nagmamadali umalis ang babaeng 'yun, baka nakalmot ko na siya at nasuntok na rin ako ni Chaz.

"Chen. "

Natigilan ako nang makita si Primo sa labas. Agad siyang lumapit sa'kin at sinuri ang katawan ko.

"Are you okay? Did you two had fight? Sinaktan ka ba niya?" sunod-sunod na tanong niya.

"Wala. Bumalik na tayo."

"Chen..."

Iniwas ko ang braso sa kaniya nang magtangka siyang hawakan ako. Nagpatiuna akong maglakad pero hinila niya ako pabalik.

"I'm sorry. I didn't know Isla would show up. Last night, hinanap niya ako hanggang sa mawala siya. Responsibilidad kong hanapin siya dahil sa'kin kaya nawala siya. "

"Bakit ka nagpapaliwanag?" napasinghap ako.

Kitang-kita ko na ang sugat niya sa gilid ng bibig. I slightly touched it and he winced a bit.

"Because I have a feeling I should lend you an explaination. " ngumiti siya. "I told her I like someone else. Kilala ko si Isla at nag-aalala ako sa'yo. Sinaktan ka ba niya?"

"Nag-usap lang kami. " pagsisinungaling ko.

Naningkit ang mata niya sa'kin. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa sugat niya at binaba iyon.

"I'm not convinced. Hindi ganiyan ang  pagkatali mo sa buhok kanina. Tell me what happened inside, Chen. "

"She pulled my hair. Kinakabahan siya sa'kin dahil akala niya aagawin ko siya sa'yo! Really, Primo? Pagsabihan mo 'yang girlfriend mo na 'wag masyadong selosa! I don't mind breaking her nose if she do it again."

Inis kong kinuha ang kamay niyang nakapulupot sa baywang ko. Pero mas lalo lang siyang ginanahang hapitin pa ako sa kaniya.

"My baby's even more harsh on her period. Resbakan natin?"

"Resbakan mo girlfriend mo. " singhal ko.

"Who's my girlfriend?"

"Bakit mo sa'kin tinatanong? Hindi ko nga alam kung si Isla lang ba ang girlfriend mo o mayroon pa. "

"Ilan ka ba?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Marahan siyang tumawa. Nang lumingon siya sa gilid ay nakita ko ang nunal sa mismong panga niya.

"I don't have girlfriend but I have you. Sa'yo ako may gusto at hindi sa iba. Hindi mo na kailangang agawin ako kay Isla, Chen, dahil kahit wala kang gusto sa'kin, sa'yo mo na ako."

Napahawak ako sa dibdib ko. He tucked a hair behind my air before embracing me on his arms.

"Primo, may nakatingin. Hindi pa ba tayo babalik?" tanong ko sa kaniya.

"Let's stay like this for a while. I'm longing for this lately. "

"Primo..."

Napabuntong-hininga nalang ako. Hinayaan ko siyang yakapin ako pero nang makita sina Isacc, Chaz at Aiken ay awtomatiko ko siyang naitulak. Nagmamatigas siya.

"They're here. Isla might see us. Primo, bumitaw ka na. " pamimilit ko.

"I wonder why you can't like me. " kumalas siya. His longing eyes became apparent. "Pero simula ngayon, you're not allowed to go out with Acel. Not even with Chaz, Aiken and Isacc. Utos ito ng future mo kaya 'wag kang sumuway. "

Lumayo siya pero hinawakan din ang kamay ko. Hindi na'ko makapagsalita nang hatakin niya ako palapit kila Chaz.

"Prim, nandito pa si Isla. Baka kung ano na naman ang gagawin niya pag nalaman niya 'to. " bumaba ang tingin ni Isacc sa kamay namin.

Si Isla at Acel nalang ang wala ngayon dito.

"I informed her already last night. Chaz, hindi ko kasalanan kung hindi kayang maintindihan 'yun ng kapatid mo. Paulit-ulit na'kong nagpapaliwanag." naramdaman ko ang pagpisil ni Primo sa kamay ko.

"Talk to your sister, Chaz. Mukha namang seryoso na'tong ungas na'to kay Madame, eh. " ngumisi si Aiken sa'kin.

Tumango si Chaz at nanghimutok nalang.

"Weh? Seryoso na'to?" lumapit sa'min si Isacc. Inangat niya ang kamay namin ni Primo at pinaghiwalay. "Ay, nabubuwag pa rin. Hindi masyadong strong. Kailangan ng matinding glue."

"Siraulo ka."

Mabilis lumayo si Isacc nang umambang susuntukin siya ni Primo. Primo quickly held my hand again. This time, it's tighter.

Naglakad na kami pabalik sa bus nang tawagin kami ni Ate Bianca. Last day na ng package tour. Pagkatapos bibisita sa ilang destinations ay pwede ng gumala kahit saan.

Nakita ko si Isla sa loob ng bus, kibit ang balikat. Si Acel naman ay nakaidlip na, mukhang kanina pa naghihintay.

"Primo!" sigaw ni Isla.

Naupo na'ko at si Aiken ang tumabi sa'kin. Nang tingnan ko si Primo ay magkatabi sila ni Isacc. Mag-isa si Acel sa upuan niya habang si Chaz ay tumabi sa kapatid. Isla pouted and glared at me.

Masakit pa rin ang ulo ko sa ginawa ni Isla kanina. Iidlip na sana ako pero naisip kong mag-Instagram muna. There, I saw his message.

@primorfos:

san ka mamaya?

Lumingon ako kay Aiken na nakasilip sa cellphone ko. Sumubo siya sa croissants niya nang mahuli ko siya.

@mercadochen:

shopping lang.

I waited a reply.

@primorfos:

sama ako :)

@mercadochen:

I can pay my expenses.

@primorfos:

wala akong sinabing ako ang magbabayad sa bibilhin mo. Pero kung gusto mo, willing ako :)

Biglang nasamid si Aiken. Nang lingunin ko siya ay lumapit siya sa'kin para bumulong.

"Noon, hotel lang ang binabayaran niya. Ngayon, iba na?"

"Hotel?"

"Joke lang. " tumawa siya.