Chapter 11
"Pinagmaneho mo ako pero wala ka pang naisip na pupuntahan natin? Tsk, ano ba 'yan, Chen!" singhal ni Primo.
Nahinto ako sa pagbo-browse at masama ang tingin na binalingan ang katabi.
"Nago-google pa ako! At sino bang may sabi na magmaneho ka? Pwedi naman tayong mag-commute! Nag-rent ka pa ng kotse. " umismid ako at napa-preno siya bigla.
"For your information, I don't rent cars. Akin tong Sedan na'to. "
"Yeah, yeah. Whatever!"
Inikot ko ang mata nang gayahin niya ang boses at sinabi ko. I then continued to browse. Kagabi ko pa pinag-isipan kung saan kami magsha-shopping ni Primo pero madalas sa mga nagustuhan kong shop, sobrang high-class.
Naguguluhan ako kung saan kami pupunta. Hindi ko gamay ang Paris.
"What about in Champ-Élysées, Primo?" sambit ko.
"Louis Viutton ang plano mo?"
"No. I've been there. " nagkibit-balikat ako at umismid. Baka kung ano na naman ang mabibili ko do'n, ayokong bumalik kay Mama na butas na ang bulsa.
"Jimmy Choo? Givenchy? Where? "
"Magwi-window shopping tayo doon o ikaw magbabayad sa mga gastos ko?" sinamaan ko siya ng tingin dahil sa mga suggestions niya.
"Ako magbabayad? Sure. "
I pouted and didn't mind his arrogance. Sumisilip ako sa labas habang bumabyahe kami. Hindi ko alam kung tama ba ang daang tinatahak ni Primo pero may Wiz naman siya kaya napanatag ang loob ko.
I scanned his outfit. He's currently wearing a trouser partnered with a black sweater vest. I looked down on his shoes and found out that it was a Dior monkstrap.
Hindi ko suot ang sapatos niyang bigay sa'kin dahil naka Denim catsuit ako kaya ang puting stiletto ko ang gamit. Umangal pa siya dahil baka sumakit na naman ang binti ko.
"I told you not to wear heels. Kailan ba lalambot ang ulo mo?" anas niya nang muntikan na'kong mapatid dahil may natapakan na something.
Inalalayan niya ako at mahigpit na hinawakan ang kamay habang papasok kami sa boutique ng Dior.
Hindi ko nga rin alam kung bakit dito niya pinili. He really loves Dior. Ngayon ko lang din napansin na maging ang luggage niya at backpack ay Dior din.
The boutique is a three-floored building. Hindi masyadong maraming tao, sapat lang para makapili kami ng maayos. Hindi rin tulad sa Pilipinas na sunod ng sunod ang mga saleslady.
I went to the Cabinet of Curiosities. May mga naka-display doong perfumes, accessories, illustrated books, and other exclusive collections. Hirapan ako sa pagpili dahil hindi ko naman alam kung anong bibilhin ko.
Nagpalinga-linga ako dahil nawala bigla si Primo sa tabi ko. Umalis ako sa lugar at sumubok sa area ng mga clothes.
Hindi parin ako makapili at wala parin si Primo. Hinanap ko siya hanggang sa napahinto ako sa mga accessories. May nakita akong black diamond wrist watch na katulad ng kay Primo.
I automatically stepped back when I saw the prize. May nakabanggaan ako bigla kaya lumingon ako sa likuran.
"Saan ka ba galing?" hinampas ko si Primo ng handbag ko.
"Sa tabi-tabi lang. "
Inabot niya sa'kin ang dalawang paper bag na hawak-hawak. Hindi ako kumilos para tanggapin iyon.
"Lalaki ba ako para humawak sa mga binili mo?"
"What? This is for you. Hindi mo tatanggapin?"
"Primo..." napasinghap ako. "Ayan ka na naman sa pinag-aaksayahan mo ang pera para sa'kin. "
"Pagdating sa'yo, hindi nauubos ang pera ko. Let's go. "
Wala na'kong nagawa nang hawakan niya ang kamay ko palabas sa boutique. Ni hindi niya napansin na wala akong nabili sa loob.
Baka isipin niyang naghihintay lang talaga akong siya ang magbayad ng mga luho ko. I appreciate what he was doing but at some point, naiinis ako dahil baka masanay siyang palaging gano'n ang ginagawa.
"Kakain tayo? Bakit hindi sa Champ-Élysées nalang tayo namili ng restaurant?" tanong ko nang makitang papalabas na kami sa avenue.
"Nasa Le Marais ang gusto ko. "
Sumilip nalang ako sa labas. Nasa Le Marais pala ang gusto, bakit hindi siya doon jumowa?
I hate it when I'm on my period. I usually overthink something like that. Pero mabuti nalang at hindi malala ang period cramps ko.
Sa restaurant na pinili niya, nakatikim na naman akong hindi pasado sa panlasa ko. I couldn't complain dahil sarap na sarap naman si Primo sa kinakain niya.
"Eat up, Chen. Ubusin mo ang inorder mo. " aniya habang nagpapahid ng bibig.
"I'm full. "
Bigla siyang sumenyas sa'kin na lumapit. Para akong tuta niyang napasunod agad.
Pinahiran niya ang something sa gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya lang.
"May tissue! Yucks!" mabilis kong angal at lumayo sa kaniya.
"I don't mind. "
Pinanood ko siyang ngumisi at saka tumayo. Hawak-hawak niya ako habang naglalakad kami papunta sa sinasabi niyang boutique.
Nang makarating, may karatulang Bring France Home ang nakalagay sa itaas. He said we can buy 100% made from France for souvenirs. It's somewhat affordable so I was able to buy anything.
"Thank you!" sabi ko sa kaniya nang makalabas kami.
"Para saan? Dahil hindi ko binayaran ang mga 'to?" saka niya tinaas ang mga paper bag na dala-dala.
"Oo and I won't let you pay my expenses again. Baka mamaya niyan may kapalit. "
Ngumisi siya. Nagpatiuna akong maglakad at mabilis siyang humabol. Nilipat niya sa kabilang kamay ang dala-dala niya para mahawakan ako.
Natigilan ako. We've been holding hands lately and I know what his motives are.
Gusto niya ako pero nang maalala ang reputasyon niya sa mga babae ay nakakapangamba. What if he's just using me? What if he really likes Isla?
"Are you doubting me?" tanong niya nang makapasok na kami sa sasakyan.
"Bawal ba titigan ka?" inis kong sabi.
"With that look of yours? Alam kong pinagduduhan mo parin ako. "
"Primo, you can't just like someone whom you just met. "
"Elsa, ikaw ba'yan?"
Tiningnan ko siya ng masama. Nang sinubukan kong maglagay ng seatbelt ay inunahan niya ako.
He leaned closer and stared at me intently while fastening my seatbelt. Ramdam ko ang init sa hininga niya kaya hindi na'ko mapakali.
When his amber eyes went down to my lips, I cocked my head slightly to one side.
"Kung ira-rank ko ang sarili ko sa pagiging babaero, Chen, mga nasa 4 percent lang ako. " parang tangang sabi niya.
"Kalokohan."
"It's true! I'm not Isacc. "
"You're not Isacc because you're Primo. Of course, iba-iba ang tactics niyo kung paano manloko!"
He smirked and licked his lips while still leaning closer to me. Napausog ako palayo.
"Trust me, Chen. Minsan lang ako ma-inlove. Hindi ko pa nga nagagawang mag-shopping kasama ang babae at ako pa ang nagbabayad." he frowned.
"Sa Hotel ka lang nagbabayad, eh. Sinong niloloko mo, Primo?"
"Hotel?" umawang ang bibig niya.
"Bakit hindi sa Condo mo dinadala ang mga babae mo? Makakatipid ka pa. "
"Damn it, Aiken!" bulyaw niya at lumayo saka niya hinampas ang manibela. "Ang gagong 'yun. Ano pang sinabi niya sa'yo?"
I folded my arms and raised a brow at him. Hindi pa rin siya nagsisimulang mag-drive, though mag-aala-una pa lang naman. Wala na'kong naisip na pupuntahan dahil pagod na rin ako.
"Ano?" atat na atat si Primo.
Ngumuso ako at kunwari nag-iisip para mas lalo siyang kabahan.
"Sasabihin ko ba? Baka ide-deny mo lang, eh. "
"Ampota, Chen. Kinakabahan ako sa'yo. "
I tried to hold on my laugh. Habang tinitingnan siya ay napapaisip ako sa sex life niya. I don't doubt if he's active. Kung nagbabayad 'to ng Hotel dahil sa mga babaeng dinadala niya doon, natural active talaga!
So how could I settle on him kung papalit-palit siya ng babae? He can't blame me if I'm still hesitating to give him my trust.
Maybe time will come where I'd fully give it to him. Hindi ko pa ramdam na kailangan ko siyang pagkatiwalaan ngayon.
Lalo na ngayon, last day na ng tour package. Walang kasiguraduhang magkikita kami sa Philippines.
"Bakit? May gusto ka pa bang malaman ko tungkol sa'yo?"
Napabuntong-hininga siya at muling lumapit sa'kin.
"Just trust me, okay? Alam kong hindi pa sapat itong mga ginagawa ko ngayon. Ano bang silbi ng bukas at sa mga susunod na bukas? May bukas pa'ko para iparamdam sa'yong seryoso ako. "
"Playboy ka. How could I trust you?"
Madramang humawak siya sa dibdib niya.
"Iniwan ko sa Pilipinas ang ugaling 'yun. Chen naman..." lumabi siya.
"Kapag bumalik ka sa Pilipinas, babalikan mo rin ang naiwan mong ugali, Primo?"
Like a baby, he shook his head.
"Lalandi ako pero sa'yo lang. Ano? Ayos ba?" he gave me the thumbs up.
Pinagmasdan ko siyang maging isip bata. Ngumisi siya at mabilis hinalikan ako sa pisngi. Hindi ko siya mahampas dahil nanigas ako sa inuupuan ko.
Ngising-aso siyang nagmaneho. Hindi na'ko nagtanong kung bakit pabalik na kami sa Hotel. My feet hurts but I won't tell it to Primo so I would be not scolded.
Siya parin ang nagdala ng mga paper bag habang naglalakad kami papasok sa Hotel. Hindi ko nakita sina Aiken dahil baka nagkaniya-kaniya talaga kaming lakad lahat ngayon.
"Magpapahinga lang ako dito. Ikaw? Susunod ka sa mga kaibigan mo?" tanong ko sa kaniya nang nasa loob na kami ng room ko.
Ingat na ingat niyang nilapag isa-isa ang mga dala sa kama ko.
"Magpapahinga na rin muna. " ngumisi siya at nag-inat.
Tumango ako at iniisa-isa ng sinilip ang mga pinamili ko. Naupo siya sa kama at pinagmasdan ako.
"Ilan ang nagastos mo ngayon?" he asked. I shrugged. "Bibilangin ko. Akina ang mga resibo mo. "
Pinigilan ko siya nang magtangka siyang kukunin ang cellphone para kalkulahin ang mga pinamili ko.
"Wag na! Makokonsensiya lang ako kapag nakita ko kung ilan ang nagastos ko. "
"Is that so? I told you I don't mind if you use my money. Hindi naman kita sisingilin. " he crossed his arms over his chest.
"Akala ko ba ginagamit mo lang ang pera mo for something so beneficial? Gastador ka rin naman pala. "
"Motibo 'yan na nagbago na talaga ako, Chen. Itong Primong nakikita mo ngayon, ibang-iba sa Primo na nasa Pilipinas noon. What did you do to me? Hmm?"
Natigilan ako sa paghahalungkat nang pumwesto siya sa likuran ko. Kinalma ko ang sarili ko nang dumantay sa baywang ko ang kamay niya.
"Magkikita parin naman tayo pagkatapos nito 'diba?" nanunuyo ang boses niya.
Humarap ako sa kaniya. I couldn't resist him back-hugging me. Pero mas lalo atang hindi ko kayang kaharap ko na siya at pumupungay ang mga mata.
"Malayo ang lugar namin sa Manila, Prim. " mahina kong tugon.
"Where?" humigpit ang kapit niya sa baywang ko.
"Mindanao. "
He licked his lips and nodded. Napabuntong-hininga siya.
"Hindi ka sa Manila mag-aaral?" tanong niya.
"May bahay sa subdivision doon ang hinuhulugan ni Mama ngayon pero ayaw niya pang tumira ako do'n. Saka na raw kapag fully paid na, Prim. "
"Babayaran ko ang kulang. "
Mabilis ko siyang tinulak palayo. Ngumuso siya nang makita ang inis at pagkagulat sa mukha ko.
"Don't do that. "
Ngumisi lang siya at niyakap ako bigla. Umangat ang magkabilang kamay ko para yakapin siya pabalik.
"Anong mangyayari sa'tin kapag natapos na ang tour package, Chen? Wala ka pa ngang feelings sa'kin, maglalayo na tayo?"
Hindi ako umimik. I also don't know. Hindi ko alam kung para saan ang takot ko para kay Primo. Am I afraid he'd get another woman after me?
Nahihirapan akong magtiwala sa kaniya kahit magkasama kami ngayon, at mas nakakatakot magtiwala kapag nasa Manila siya at ako sa Mindanao.
"I'm so smitten. I don't think I could still feel butterflies inside my stomach with another girl. "
"Corny mo, Prim. "
"I'd be the corniest for you, you know that?" he let go and cupped my face.
Nang magtangka siyang halikan ako ay hinigit ko ang kwintas niya. Noon ko pa napansin ang kulay pilak niyang kwintas, may nakaukit na pangalan sa pendant doon.
I never had a chance to look at it before so I took a closer look now.
"Omorfos Band. Banda? Nagbabanda kayo?" gulat kong tanong.
He licked his lips once again. Napalunok ako sa paulit-ulit niyang ginagawa iyon.
"Taga Probinsiya ka nga. Bakit hindi mo alam?" saglit niya akong sinamaan ng tingin.
"Hey, hindi probinsiya ang Cagayan! Malay ko ba! Seryoso ka? Kayo ni Aiken? "
"Ha? Walang kami. Baka sila ni Acel."
"Magseryoso ka! Puro kayo kalokohan, kaya siguro hindi kayo sumisikat. "
"Ouch!"
"Anong posisyon mo sa banda? Taga-gulo? "
"Bakit ang judgemental mo? Wala akong ginagawang masama sayo, ah."
Tinulak ko siya palayo at inabala nalang ulit ang sarili sa pagtingin-tingin ng mga binili ko. Hanggang sa nagpaalam si Primo. Naiwan akong mag-iisa at nagtataka tungkol doon sa banda nila.
Naupo ako sa sofa at naisipang e-google ang Omorfos Band.
Ang daming article na lumabas tungkol sa kanila. May nakita akong sinabi ni Chaz sa interview na hindi sila sumasali sa mga Battle of the Bands. Madalas lang silang nagpe-perform sa mga bar na pagmamay-ari lang din ng mga parents nila.
Hindi ko masasabing sikat sila at kilala sila sa buong Pilipinas. Kumbaga, parang trip lang nilang tumugtog. They also missed a lot of opportunities. I don't know what had gotten into them why they refused every chances that could make them shine even more.
Mga maluluwag talaga ang turnilyo ng mga 'yun. Hindi ata opportunities ang kinakagat, mga babae yata.
I stood up when I heard knocks. Si Primo ang bumungad sa'kin.
"Dito ako magpapahinga. " aniya at basta-basta nalang siya naglakad sa loob.
Nang makipag-video call si Mama ay sinabihan ko siyang 'wag magpakita. Nasa tapat ko lang siya at tahimik naman.
"Sa Martes na ang flight mo pabalik sa Pilipinas. "
Kagat ang labing tumango ako.
"At hindi kita maihahatid sa airport, Cheyenne. I'm sorry, anak. Hectic ang schedule ko kapag martes. Wala rin ako pag uwi mo dito. Mamaya, aalis kami ng mga katrabaho ko papuntang Marseille. Muli kaming na-shift sa isang Hotel doon. "
"Mama, naiintindihan ko po. "
"I'm sorry, anak. "
Marahan akong tumango. I never hated my Mom. When she left me at young age, I was just hurt. Palagi kong iniintindi ang trabaho niya.
"I love you. Take care of yourself, Chen. " kumaway siya sa'kin.
"Yes, I love you. "
I awkwardly looked at Primo who's preventing himself not to smile.
"I love you, too. " he muttered.
Inikot ko ang mata sa kaniya at kumaway na kay Mama. The call ended and Primo inmediately closed my laptop.
Sa gabi, muli kaming nagtipon-tipon lahat para kumain bago nagkahiwa-hiwalay ulit. Kasama ko ang mga kaibigan ni Primo nang manood kami ng Cabaret Show.
Hindi ko nakita si Isla at Aiken. Nakalimutan kong magtanong sa kanila.
"I enjoyed all your company. After this, go somewhere you've never been before, guys. Don't forget to bring your hearts with you. Iba parin kasi kapag nagta-travel ka na may nararamdaman sa dibdib. I hope you all enjoyed because I really am. Thank you for the memories. "
Nagsi-ingayan kami sa loob ng bus nang maluha si Ate Bianca. I felt my heart crumpled. Pinaulanan siya namin ng pasasalamat bago nagsimula kaming bumyahe paalis sa Paris.
Hinatid namin ang ilan sa airport. Ngayon na din pala ang uwi ni Isacc. Maiiwan sa France sina Primo, Acel, Chaz at Aiken.
"Where's Aiken? At bakit naunang umuwi si Isacc?" I asked Primo. I never saw Aiken since yesterday.
"May inaasikaso ang dalawa. "
"So kailangan ang balik niyo sa Pilipinas?"
He shrugged. "It depends. Baka sa martes na rin. Sasabay na'ko sa'yo. "
"Paano sila Acel?"
Humarap siya sa'kin at nanlisik ang mga mata.
"Chen, hindi na sila bata. Don't worry about them. O kay Acel ka lang nag-aalala?"
The side of my lips turned up and just snorted. Nang marating na namin ang five-star hotel na kung saan magste-stay sila Primo ay lumukot ang mukha ko.
"Let's go. " hinila ako ni Primo.
"Ha? Hindi pa dito ang apartment ni Mama, Prim. "
"Ako ang maghahatid sa'yo papunta doon. Pinagpaalam na kita kay Bianca."
Lumingon ako kay Ate Bianca at ngumiti siya sa'kin. Tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap siya.
"Thank you, Ate. You've been a good tour guide to us. "
"'Wag mo akong paiyakin, Chen. Ikaw talaga! Basta alagaan mo si Primo."
"Opo, aalagaan ko po ang sarili ko. " I sarcastically replied.
Tumawa siya at muli akong niyakap. Napabitaw lang kami nang hilahin ako ni Primo.
Kumaway ako kay Ate Bianca hanggang sa makaalis na ang bus. Maya-maya pa ay biglang dumating ang itim na Sedan ni Primo. Si Aiken ang nakita kong nagmamaneho.
"Nakita mo ba?" I heard Acel asked.
Nakita kong seryosong lumingon sa'kin si Aiken saka siya umiling.
"Malamang nagtatago na 'yun. " anas ni Chaz.
Tinulungan ako ni Primo na ilagay sa sa loob ng sasakyan ang mga bagahe ko.
"Hindi ka sasama sa'min pabalik sa Pilipinas, kung ganoon?" tanong ni Primo kay Aiken.
"Titingnan ko pa. "
Hindi ko naintindihan ang pinag-usapan nila. Is Isla missing again? I don't think so. Hindi naghe-hysterical si Chaz.
Nang saglit lumayo si Primo, kinuha ni Acel ang pagkakataon para lapitan ako. Nasa bulsa ng trouser niya ang mga kamay at malamig ang tingin sa'kin.
"Can we talk?"