Pero saan?
Ibalik sa dati na hindi na maibabalik?
Ibalik sa araw ng hinanakit, at kasinungalingan?
Ibalik sa pagmamahal na may katapusan?
Hindi na maibabalik yon.
Pero bakit ganun?
Bakit nakatingin padin ako sayo? Bakit sayo parin ako nahuhumali? Bakit sayo padin ako nahuhulog?
Bakit pagtapos ng lahat ng pinagdaanan, sayo padin ako napupunta?
Bakit nga ba?
Alam mo kung ano mga sagot sa mga tanong ko?
Kasi mahal ko siya.
Oo, nagsakitan lang kayo. Nagwalangyaan at lokohan.
Pero nagtawanan din kayo. Binukas ninyo ang buo ninyong pagkatao sa isa't isa. Binukas ninyo ang mga braso ninyo at tinanggap nyo isa't isa.
Gumawa kayo ng sarili ninyong mundo kung saan kayo lang nandoon. Kung saan pwede ninyo gawin lahat ng gusto ninyo.
Minahal mo siya ng buo at ganoon din siya.
Siguro nabawasan ng pa-unti unti habang dumadaloy ang panahon pero hinding hindi mawawala.
Hinding hindi mawawala yung pagmamahal ninyo sa isa't isa. Kahit giyera pa ang maghiwalay sainyo, kahit paghiwalayin ang mundo sa dalawa. Gagawa at gagawa parin kayo ng paraan para mapagana ang kung ano man ang mayroon kayo.
Ganyan ang pagmamahal.
Kahit gaano man kasakit ang ginawa sa iyo ng mahal mo, kahit ikakasira pa ng pagkatao mo at ng pagiisip mo, mamahalin mo parin siya.
Pero ibalik saan?
Saan nga ba?
Ibalik sa braso ng isa't isa, kung saan lahat ng mundo ay titigil pag nakayakap sayo. Sa titig mo na nakakatunaw at nakakaginhawa. Sa tawa mo na nakakatindig balahibo.
Ibalik sa ngiti na may kasiyahan at halik na may katotohanan. Sa pagmamahal na may kasamang pagunawa at hindi dalawang dila. Sa hawak mong kay higpit na ayaw mo ako bitawan.
Ibalik sa ating walang hanggan.