Kasalukuyan akong naglalakad sa napakalaking hallway ng school na kinaroroonan ko ngayon.
I contacted Lhei and she said, magkita kita raw kami ng iba pa naming kaibigan sa cafeteria house kaya doon ako papunta ngayon.
Lumabas ako mula sa SHS building at dumeretso sa mahabang pavement papunta sa cafeteria na kung saan ay nakahiwalay sa mga buildings.
Medyo nagmamadali ako kasi feeling ko late na ako dahil tanghali na ako nagising kanina at sabi ni Lhei, kanina pa at halos isang oras na silang naghihintay doon sa meeting place namin. Tiyaga nila ha.
Nang makarating na ako sa malawak cafeteria, sila ang agad kong hinanap at naginhawaan naman ako ng makita ko sila.
Halos kakaunti nalang ang estudyante rito dahil marahil ay nagsisimula na ang klase. Kaya dali dali ko silang nilapitan.
"Oh bat ngayon ka lang? Akala ko ba aagahan mo" wika ni Freeda.
"Oo nga" nakapout na sagot naman ni Ysabelle.
"Akala niyo lang iyon" pabirong sabi ko.
"Hayst! Malelate tuloy kami dahil sayo, tsk!" bulyaw ni Lhei na may matching sapak sa aking balikat. Arooch! Bigla akong napahawak sa balikat ko. May pasa nga pala ako dito.
Tulad niya, ginantihan ko din siya ng mahinang sapak sa balikat. "Hehe sorry na. Sino ba naman kasi may sabi na hintayin nyo ko?"
Binatuhan ako ng masamang tingin ni Lhei "Kaming lahat" wika niya at napangiti naman ako dahil doon.
Lhei Bartolome. John is actually her first name but she prefers us to call her Lhei (which is her second name) kasi nga panlalaki daw yung 'John'. She's not wrong though. Eh sino ba naman kasing mga magulang ng magpapangalan sa babae nilang anak na John? Kakaiba na talaga mag isip ang mga tao ngayon.
"Bakit naman?" I asked them.
"Syempre namiss ka namin" nagulat ako nang bigla niya akong niyakap at sumunod din ang dalawa pa naming kasama. Wow, that was unexpected pero nakakakilig naman ang mga ito. Kaya mahal na mahal ko sila kahit minsan may mga saltik din. You just have to love them despite their abnormalities.
Bumitaw na kami sa aming matagal na pagkakayakap. Muntik na nga mahulog yung salamin ko sa mata but luckily I managed to snatch it. Buti pa ko sanay sumalo sa mga nafa-fall.
Napagdesisyunan naming pumunta na sa aming klase sa ganitong oras kahit alam namin na late na late na kami. Late is better than absent, diba?
"Nga pala, nabalitaan niyo ba yung nangyari kagabi?" nabaling ang atensyon namin kay Lhei na biglang nagsalita.
"Bakit ano bang nangyari?" takang tanong naming lahat.
"It's the news about that Benjamin guy. You know, the wanted drug dealer? Haven't you guys heard?"
Bigla akong napatigil sa sinabi niya. So mukhang naibalita na nga yung nangyari kagabi. I just hope na hindi na sinama doon yung part na kasama ako. Maygash, madadagdagan lang yung sakit sa ulo ko kapag nangyari pa iyon. Plus, my boss would think that I'm inept at this job.
"What about it?" tanong ni Freeda.
"His mansion was burned last night at nahuli na daw siya ng mga pulis" Lhei then explained while still walking our way towards the SHS building.
"Edi ayos pala. Ang tagal na kasing hinahabol ng mga pulis yung Benjamin na iyon but now he's finally caught. That's obviously a good news, right?" masiglang wika ni Ysa sa tabi ko.
"Oo that's a good news but strangely, something occured kung bakit nangyari iyon. And it's been bugging me last night"
"Huh? And why's that? Its not like you to be affected by the news, Lhei" tugon ni Freeda.
"Oo nga. Baka masyado ka lang OA" pagsingit ko sa usapan. Now I'm getting curious on what's been bothering her.
"No, I'm not over reacting. According kasi sa news, arson daw ang dahilan ng pagkasunog ng mansion. And right before na mahuli si Benjamin ng mga pulis, they saw a masked girl na kasama niya but she then escaped. Don't you think it's strange?" pagpapaliwanag ni Lhei. Parang siya pa yata ang makakahuli kay Spade ah. She's quite sharp.
"Looks like it. Now that you've mentioned it, that is really strange. I have a feeling that the masked girl may be the rumored killer or rather, a hitman of some sort." Grabe naman yung hitman huhu. Again, I'm a vigilante. I don't kill for no reason.
"Remember what happened to the late senator that mysteriously died?" dagdag pa ulit ni Freeda. Now they're digging deeper from the news. Daig pa nila ang mga newscasters na puro kasinungalingan lang naman ang ibinubuga hahaha. But I'd like to see where this conversation goes.
"Oo at tulad sa ibinalita kagabi. A staff working for that senator saw a masked girl right before the senator died" Oh? That really happened? Hayst, that explains why boss ordered for backup to clean some mess that day. Akala ko trip niya lang. Iyon pala ang dahilan.
Interesadong nakikinig si Ysa habang napatango naman si Lhei sa sinabi ni Freeda. Naks, nagkakasundo sila.
"But that's just a rumor, right? Pero gosh ang creepy nga naman kung totoo pala yun. But don't you think na--"
"I think it's better if we shouldn't stress ourselves with this issue. Let's just leave this to the authorities" pagputol ko sa sinasabi ni Ysa.
"Yeah the useless authorities" Diba? Parehas din pala kami ng pananaw ni Lhei.
"Oy, hindi naman lahat noh! My brother's a part of the police force!" angal ni Ysa.
"Edi except nalang sa kuya mo. Iyak ka pa diyan hahaha" Napapout nalang si Ysa sa sinabi ng aking kaibigan.
Medyo nakaramdam ako ng panunuyo sa aking lalamunan kaya kinuha ko muna ang tumbler ko sa bag at ininom ang lamang tubig dito. Dapat pala hindi maalat ang kinain ko kanina.
"But guys, there's really something I'm thinking about this whole week" muling salita ni Lhei.
"Ano" tanong ni Freeda.
"I think I have an idea who's that rumored killer might be--"
PWEEEHHHH!!!! Ano daw?!
"What the?!" gulat na sabi ni Freeda.
"Geez ano ba yan Race! Kadiri ka!" reklamo ni Lhei.
"Yahhh yung uniform ko huhuhu!" pagpupunas ni Ysa sa blouse niya.
"Oh shocks! Sorry sorry sorry! Sorry talaga guys!" pinunasan ko ang bibig ko nang hindi ko sinasadyang bugahan sila ng tubig. Si Lhei naman kasi eh.
Hirap naman talaga ng may kaibigang tila detective kapag inaalam ang mga ganitong bagay. I didn't expect that she would go this far.
Hindi na natuloy ang paguusap namin nang sa wakas ay makarating na kami sa aming mga patutunguhan. Finally!
We parted ways dahil magkakaiba kami ng strands. Si Ysa at Freeda ay nasa ABM class which is nandito sa second floor while kami naman ni Lhei sa STEM na kung saan ay nasa pinakatuktok pa na palapag.
Both Lhei and I climed up the stairs to the fourth floor until we arrived in front of our classroom. It's a great thing that both of us ended in the same section. Mahirap kasi kung magkahiwalay pa kami.
Our eyes laid at the signboard indicating our strand and section, '11 STEM-A'. Nang makapasok na kami, naabutan naming wala pa ang instructor at apura daldalan ng mga kaklase namin.
Some were looking at us but some just don't care kaya dire-diretso nalang kaming naglakad papunta sa mga bakanteng upuan ng silid.
Few minutes passed at may pumasok na babae sa classrom na nakasuot ng teacher's uniform. As she got inside, she flashed her dashing smile.
By her appearance, I can tell that she is still in her early 20s. She has a long waist length hair at maputi siya. She also wears glasses that complements her beautiful eyes.
Apparently, many would mistake her as a student here when in fact she is actually an instructor. Malayo lang talaga kasi sa hitsura. Baka nga mas mukhang estudyante pa siya kaysa sa akin. Even my male classmates look interested at her.
We started the class pero nagpakilala muna siya. Her name is Karyll Mendoza, aged 29 years old. Well, I honestly thought that she's still in her early 20s.
Nagsimula ang klase at nalaman ko rin na siya pala ang aming adviser plus ang may hawak rin ng aming first subject. Hindi ko akalain na sa kabila ng mahinhin niyang mukha, tila leon pala siya pagdating sa pagtuturo.
Medyo mahaba-haba ang duscussion namin at medyo nakaka-antok rin para sa akin. Sa akin lang. Kung titignan kasi si Lhei, gising na gising pa. Samantalang ako, konti nalang at bibigay na.
Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Bwisit kasi yung kuyang kalbo na nanabunot sa akin. Halos minasahe ko na't lahat yung ulo ko pero ang tagal pa rin talaga mawala nung sakit. Mukhang yun pa nga ang mas masakit kesa sa mga sugat ko.
But atleast I got my revenge. Sobra-sobra nga lang. Pero ganun pa rin yon. The only thing left to do is to kill Benjamin while he's still in prison. Malay natin makawala pa yun, diba? I just have to do that before I get back to the agency and receive a ton of disappointed remarks from my boss.
To think of it, it's almost been three years since I started doing this. And despite everything I do in this job, I dont regret anything. Criminals would get what they deserved and be punished, so I'm completely alright with it. It's simply just like what they say "If destiny doesn't act to give the rightful judgements to people, you have to do it yourself". It's my boss's motto by the way.
I actually enjoy my job although I also hate it. I enjoy it because of the adventures, the killing and hurting parts but I hate it when my clothes get stained of blood.
It's only sad that I work alone. Pero ayos na din iyon para iwas distraction.
Speaking of distraction, "Care to introduce yourself? I hope hindi kami nakakaistorbo sa pagdadaydream mo" nagising ako sa katotohanan nang magsalita si miss Karyll na ngayon ay nakatingin sa akin at nasa harap ko na pala.
Nagsitawanan ang mga kaklase ko at nakita kong napaface palm nalang si Lhei.
Yeah, talk about me hating first days. Feeling ko nagsisimula na ang kamalasan ko ngayong araw. As usual.
I fixed my glasses then stood up at nagsalita "Racilyn de la Vega po. I'm a transferee from Evergreen High School" nakangiting tugon ko.
Medyo naging hindi ako komportable nang makita siya na pinagmamasdan ako. Maybe she's enchanted by my looks? Well, di ko naman siya masisisi kasi maganda naman talaga ako, diba?
"Parang pamilyar ka. I think I've seen you somewhere before"
I don't know what's on her head pero tila medyo kinabahan ako sa sinabi niya. Who do I remind her of? Why do I look familiar to her. Teka sandali, masyado lang siguro akong nag o-overthink.
"Ahh, wait no. I thought you looked like someone I know but nevermind" sabi niya.
Hindi na ako nagsalita pa at naupo nalang. Bumalik naman sa harapan ang aming instructor at nagsimula na ding magturo. I grabbed my notebook from the bag beside me and placed it on my table to write some notes. Ito ay para na rin maiwasan ko ang pagkaantok at malibang man lang ako.
We started the first half of the morning period na puro introduce yourselves. Typical naman kasi sa isang school iyon.
I found out na oviously, karamihan dito ay mga lumang estudyante na. Transferees like me are only few.
We also had an orientation about certain places around the campus, those which are prohibited and not. They also told us about the rules and regulations that we must follow and it made me realize na hindi naman pala ganoon ka-istrikto dito. Clubs, associations, and such are also briefed by the teachers.
The morning period ended quickly dahil mag re-recess na kami.
Paglabas namin ni Lhei galing sa aming silid, bumaba kami at inabangan muna namin sila Ysa at Freeda sa second floor since sabay naman ang time gaps ng mga subject period namin for this day's schedule.
"Hindi naman sa sinasabi kong naiinip na ko sa kakuparan ng dalawa pero parang ganoon na nga" biglang saad ni Lhei sa tabi ko.
"Oho, matuto ka namang maghintay. Malay mo medyo late lang silang pinalabas" sagot ko naman.
"Hayst sige, pero pre gutom na gutom na ako!" pag angal niya ulit pero hindi na ako nakasagot nang marinig na namin sa wakas ang umaalingawngaw na boses ni Ysa.
"Hoy ano ba kasi yon? Sabihin mo na sakin Freeda. Para namang ewan toh!"
Hinarap namin sila mula sa aming likuran pero wait, parang may kakaiba hmm..
"Anyare kay Freeda? Mukhang badtrip yata" tanong ko sa kanila nang mapansin kong nakasimangot siya. I mean, oo normal lang sa kanya ang laging nakasimangot pero parang may something kasi ngayon. May dalaw ba siya?
"Hindi ko rin alam. She won't tell me. Kanina pa nga siya ganyan e" napailing-iling nalang si Ysa.
Eh? What happened?
"Spill it Freeda we're your friends remember? We usually don't keep secrets from each other" sabi ni Lhei.
Yeah, secrets are meant to be kept but sometimes, reasonable when shared. There are certain things talaga na kailangang itago pero kailangan mo ring sabihin. Gulo noh? I may be unfair to them with my secrets but it's for their own good. Dami kong alam huhu.
Napabuntong hininga nalang si Freeda at sabi niya, sasabihin niya nalang daw sa amin sa cafeteria ang mga nangyari kasi gutom na rin daw pala siya.
Nang makapunta na kami sa cafeteria house, umorder na kami ng aming mga kakainin at namili na ng bakanteng mauupuan although medyo mahirap kasi napakaraming tao dito.
"So ano na ba kasi ang nangyari sayo Frids?" tanong ni Ysa.
Halata sa mukha ni Freeda na medyo nagdadalawang isip siya kung magsasabi ba siya sa amin or hindi. "Well it's not likely a big deal but.." panimula niya.
"Masyado lang akong minalas ngayong araw and unfortunately, I happened to cross paths with an evil bitch"
"Wait, sino ba ang tinutukoy mo?" pagputol ni Lhei kay Freeda.
"I don't exactly remember her name but that slut is actually.. uhh what do you call that again? Ah, yung tipong feeling reyna dito. Ang yabang-yabang niya kasi"
"Ah, akala ko si Lhei" komento ko na dahilan para samaan ako ng tingin ni Lhei.
"Ansama mo" bato niya pabalik sa akin na siyang tinawanan ko nalang.
The rest also giggled hanggang sa magsalita ulit si Freeda. "So where was I? Ah iyon, palamat siya hindi ko siya pinatulan even when she and her henchman attempted to threaten me"
I gotta say, those girls are surely mistaken na gawin iyon kay Freeda, unknowingly that our friend here is one of the people na kinakatakutan sa dati naming school.
"Kaya pala ang tagal mo sa cr kanina. Tapos, ano pang nangyari?" sabi ni Ysa.
"I found out na kaya siya ganun, ayon sa mga naririnig ko ay anak pala siya ng may ari ng school na ito"
"Oh?! Seryoso??" halos sabay naming sabi ni Ysa.
"Lol no, I'm only kidding. Jowa lang niya yung anak ng may ari ng school na ito. And it looks like that she's the one that benefits from that reputation" natatawang sabi ni Freeda.
"Parang mga typical na bully lang sa mga movies ah" sabi ni Lhei.
"Oo, parang ikaw lang" mahinang sabi ko pero narinig pa rin nila kaya napatawa sila at sinamaan naman ako ng tingin ni Lhei.
But yeah, she's right. Sino kaya yung babaeng iyon? Porque jowa niya anak ng may ari ng school gaganyanin niya na si Freeda. Aba subukan pa niya, makakatikim ito sakin-- ay hindi pala pwede.
I just realized that I can't risk my life making others doubt my identity because of my capabilities. And worst, I might kill that poor girl.
Sinimulan na naming lamunin ang mga pagkain sa harap namin nang makarating na ito.
In fairness masarap yung pagkain. Lalo na yung coffee jelly na dessert. Ok, heto na ang paborito ko ngayon. I should buy this thing everyday.
"Hoy" siniko ako ni Lhei pero di ko pa rin siya pinansin dahil syempre focus muna ako dito sa kinakain ko ko.
"Hoy Race" ulit niya pa. Hmm pano kaya kung hindi ko siya pansinin? Hehehe
"Race pag hindi mo ako pinansin, ibubunyag ko yung kasalanan mo kay Freeda" Wait, what? Wala namang ganyanan Lhei.
"May kasalanan ka sakin?" tanong sa akin ni Freeda nang marinig niya ang sinabi ni Lhei.
"Huh? W-wala noh!" pagmamaang maangan ko habang pasimpleng binabatuhan ng don't-you-dare-tell-her-look si Lhei.
"Dudududunnn!" pagsingit ni Ysa.
"Lhei, ano kasalanan ni Race sa akin?" tanong ulit ni Feeda. Lhei wag mo sabihin please.
"Guys, may ishe-share ako sa inyo" Lhei said, completely ignoring Freeda. Nice!
I felt relieved nung hindi na naisipan ni Lhei sabihin sa kanila ang kasalanan kong yon. Maygash! Tiyak na mapapatay ako ni Freeda pag talaga nalaman niya.
If your wondering kung ano ang kasalanan ko na iyon, don't worry balang araw malalaman niyo rin.
"Hoy Lhei--" pagtawag ulit ni Freeda pero pinutol iyon ni Lhei.
"Alam niyo ba, kanina kasi narinig ko lang sa mga babae na nagdadaldalan sa tabi ko na may haunted daw na lugar sa school na toh" Woah, haunted talaga?
"Nako baka naman eme-eme lang iyan" sabi ko sa kanya sabay subo sa kinakain ko na parang walang nangyari.
"Maybe, pero sabi nasa rooftop ng back building daw iyon"
"Teka, diba iyon yung nasunog dati?" tugon ni Ysa na ikinagulat ko.
Bakit parang wala akong alam dito. Pero ngayon ko lang narealize na kaya pala restricted area yung sa may back building at medyo warak warak pala iyon dahil sa nangyaring sunog dati. Well, makes sense dahil mukha namang sunog iyon.
"Yeah, and that's the point kaya nga haunted eh. Malay niyo may mga labi doon ng mga namatay dahil sa sunog dati" Tugon ni Lhei na parang tinatakot kami. Geez so creepy nga naman.
"But there's one way to find out" napunta sa akin ang kanilang tingin na para bang iniintay nila ang susunod ko pang sasabihin. Nginitian ko naman sila at base sa kanilang reaksyon mukhang napagdesisyunan na din nila ang gagawin namin ngayong recess break.
**
"Wahh nagsisisi na ko na sumama ako sa inyo huhu. Nakakatakooot!" mangiyak ngiyak na sabi ni Ysa.
"Kawawa ka naman" natatawang sabi ko habang inaalalayan si Ysa paakyat ng marupok na hagdan papunta sa rooftop.
Medyo mahirap pero nakaya naman naming matiis iyon dahil 2 storey lang naman ang back building na ito.
Ang matapang na si Lhei nga pala ang nasa harap namin ni Ysa habang si Freeda naman ang pachill-chill lang na naglalakad sa likod. Sana all chill lang.
"Malapit na ba tayo guys? Nakakapagod na eh" sambit ko.
"Shush ka nalang baka marinig ka ng multo pfft"
Sinamaan ko lang ng tingin si Lhei sa sinabi niya dahil mas lalo tuloy natakot ang kawawang si Ysa. Tumawa lang siya dahil dun at nagpatuloy sa paglalakad.
"Uy guys malapit na tayo!" tila excited na sabi ni Lhei. Hays buti naman. Ang sakit na ng paa ko e.
Bumungad sa amin ang halos sira-sirang bahagi ng building. The walls were blackened and charred and the place was a complete ruin.
Halos tanaw na rin mula dito ang buong campus. Mula parking lot hanggang sa malawak na quadrangle, at ang mga naglalakihang buildings pati na rin ang kakahuyan sa paligid ng malawak na lupain na sakop ng school.
I guess this place is too beautiful for a haunted building. Parang ako lang.
"Woahhh ang ganda! Lhei sabi mo haunted tong building na toh" nasisiyahang wika ni Ysa.
"Oonga haunted nga. Mukha namang haunted kahit papaano eh" sagot naman ni Lhei habang naglilibot-libot sa baku-bakong part ng rooftop sa likod. "Fun fact guys. Alam niyo ba na ang back building na ito ay dating auditorium ng school?"
Oh? I wonder kung bakit ito nasunog dati. Ang laki-laki pa naman ng building na ito although it only has 2 floors.
I have to admit. Ang ganda nga dito kahit na masasabing sunog na ang lugar. Siguro hindi siya mukhang haunted ngayon na maaliwalas ang araw pero sigurado kung gabi kami pumunta dito, baka hindi pa kami nakakatapak sa tuktok ng building na toh nanginginig na kami sa takot.
Inilibot ko din ang paningin ko sa lugar at nagpadala sa sariwang hangin na sumalubong sakin.
I closed my eyes and felt every gush of the wind touching my skin. This is somewhat soothing.
Lumingon ako sa direksyon nung tatlo at napangiti nalang ako habang nakikita ko silang nagtatawanan habang pinagtitripan si Ysa.
Tinawag ko sila at humarap naman sila sa akin. Lumapit ako sa kanila at nagsalita "Guys, cutting classes tayo" pagyayaya ko.
Nanlaki naman bigla ang kanilang mga mata dahil sa hindi inaasahang sinabi ko sa kanila. Grabe, ganun ba ko kabait para magulat sila kung magsuggest ako na magcutting? "Dali minsan ko lang itong gawin. Well, actually ngayon ko pa lang talaga ito gagawin" sunod ko pang sabi sa kanila.
"Wow Race anong nakain mo?" nagtatakang wika ni Lhei sa akin. Malamang yung coffee jelly. Ay, so ganito pala epekto nun sa akin?
"Oo nga. That's bad but your right and that's a good idea" nakangiting tugon naman ni Freeda. Yii pasaway din siya.
"Ang bad niyo! First day na first day ehh. Hindi ako sasama sa inyo" pagrereklamo pa ni Ysa. Nako, nag bait-baitan pa siya!
"Pshh KJ naman neto" wika ni Lhei pero ilang segundong katahimikan lamang ay napangisi siya na para bang may naisip. "So kung hindi ka sasama sa amin, mag isa ka lang bababa sa nakakatakot na hagdan. Who knows baka may makakita sa yong multo--"
"SHUSHH! Oo eto na, eto na just shut up ok?" nagmamadaling lumapit sa amin si Ysa at naupo nalang sa tabi ko. Hehe good one.
Mga ilang minutong pagkukwentuhan at pagtatawanan ang itinagal namin nang maisipan kong maglakad at lumibot dito. Nakakangawit din kasi at masakit na ang pwet ko kauupo. Tsaka gusto ko rin muna mag adventure.
Bumangon ako at pumunta sa likod na bahagi ng rooftop since hindi ko pa iyon nadadatnan and I think I have a feeling about something strange in there.
I went there out of curiosity at hindi na ako nag abalang magsabi pa kina Lhei na busy sa pagkukwentuhan.
I roamed my gaze around the area and the sight is still the same except for this wall na nakaharang sa gitna, blocking my view of my friends. But its all the same charred walls, broken objects, debris and others.
I was about to go back when I scented something foul.
I covered my nose with my palm at naglakad hanggang sa maging matapang ang amoy.
My face contorted as I continued to walk towards the vile odor covering the area. Medyo malayo layo na rin ako kina Lhei dahil sa lawak na rin ng rooftop.
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makatapak ako ng kung anong malapot na likido.
My eyes widened when I saw blood.
I followed it's trail to where it came from at laking gulat ko na lamang nang makita kung saan ito nanggaling.
A dead man wearing the same uniform as ours and he is now bathing in his own blood.