HAJI"S POV
Ano ba yan ang raming kalat kahit ang bilis lang ng naging meeting ang mga tukmol na mga yuon din man lang namulot kaya nga mag cocoastal para makatulong sa kalikasan pero tinamo ang ginawa nag iwan pa ng basura.
Tingnan mo itong gagong ito, sorry for the words pero nakakapikon lang eh.
"Ako nagpapakahirap sa paglilinis tapos yung ISA diyan may dekwa dekwatro pa," pagpaparinig ko at lalo ko pa itong nilapitan , "Ang rami namang basura at ang LAKI laki pa" pagtataboy ko rito para makaramdam. Pero ito tumingin lang ng masama, lumayo layo na lang ako at knowings na at ma jumbag pa ako ng patpating ito. Kaya ang kinalabasan puro pagpaparinig na lang ang ginawa ko.
"Ang taong makakapal talaga ang mukha, hindi alam ang salitang hiya ano?" panganga usap ko sa sarili ko, para mabawasan ang galit ko dito. " Nakaka lerki dapat tala--"
"Hay, bwiset talaga ang lalaking yun pagkatapos akong paglinisin ang kapal, kapal talaga ng feslak ng lolo mo hindi man lang nag paalam na aalis, kanina pa ako dito ako nag sasalita tapos wala naman pala akong kausap ay bastos talaga ang lalaking yun. "
"Arghhh!!! " sabay gulo ng buhok ko at saka tinapos ang paglilinis ng makauwi na. Dapat di ko na lang tinaguan si Kath, yan tuloy ang rami pa tuloy na nangyari at may nalaman pa akong dapat di ko na lang nakita.
Pagkauwing uwi ko pa lang naabutan ko si Kath na nanunuod ng modelling dahil mahilig siya dun. Inaalis ko pa lang ang sapatos ko ng
"Saan ka pa ng galing pag katapos ng meeting hindi kita mahanap kaganina ah?!" nanggawa pa ako ng idadahilan sa kanya dahil baka magalit siya pag sinabi ko. At baka may masabi akong di ko dapat sabihin.
"Ah pinag usapan pa kasi kami ni Ethan tungkol sa Coastal ba yun?" sabay kamot ko sa batok at sana ay hindi niya mahalata. Pinagpapawisan ako ng malala bukod sa pawis ko kaganina ng naglilinis ako.
"Eh ba't pawisan ka?"
"Ah ito ba, naglinis pa kami ng court kaya.. yun.. ka-ya ganun" Nagsimula na siyang iassess ako simula paa hanggang ulo." tumango tango naman siya na parang naniniwala.
"Ligo muna ako at ang baho kuna!" di ko na siya hinintay pa. Umakyat na akong kuwarto, ibinaba ang mga gamit at saka ako dumiretsiyong banyo para makapag linis ng katawan. Naghanda ako ng tubig sa bathub at humanap ng bath bombs sa cabinet. at saka ito pinatunaw sa tubig at saka ko hinubad ang saplot ko naghanap ako ng music na babagay sa atmosphere para makapag relax dahil sa nakaka stress na mga nangyari.
Dahan dahan kong inalis ang wig ko na cucutan talaga ako dito kahit para sa iba ay baduy mahilig kasi ako kay dora yan tuloy pati buhok niya na tipuhan ko. Isinunod kong burahin ang fake na pang panipis ng kilay. Natural na kasing makapal ang kilay ko, Awan ko ba kung bakit kailan ko pang gawin ito. Lagi kong sinasabi na huwag pahirapan ang sarili sa iba tapos ako mismo pinahihirapan ang sarili. kinuha ko yung clamp saka inipit ang mahaba at itim na itim kong buhok at saka kunuha ang salamin. Makinis nga ang balat ko maganda naman ang mukha ko pero ba't ganun hindi ko magawang maging masaya.
Pinatuyo ko muna ang buhok ko saka bumaba at kumuha sa ref ng makakain pagkatapos kong makakuha dumiretso ako sa sala at tumabi kay Kath.
"Ibang chanel naman!" anang ko dito "Anong movie ba ang gusto mong panuodin?" tanong nito sa akin.
"Horror!" na pa ihhh naman siya.
"Ayaw gabi na at saka baka bangungutin ako girl!"
"Mas maganda nga pag gabi eh may thrill!" kaya sa huli siya ang nasunod at Hello, Love Goodbye ang pinapanuod namin habang nanunuod biglang may nag doorbell.
DING! DONG!
"May hinihintay ka bang bisita?" tanong ko dito pero umiling lang ito tapos nag doorbell nanaman ito.
DING! DONG!
"Sandali lang!" lumapit si Kath sa pinto para tingnan ito. Sinenyasan ko ito kung sino pero wala naman daw kaya binuksan niya ang pinto.
"Oh my G!" may patakip takip pa ito sa bibig sabay tinawag ako nito "Mars parini ka bilis you won't believe what I am seeing right now" pagpapalapit nito sakin.
"Ano sino ba yan?" paglapit ko nakita kong isang batang lalaki
Agad namang pinapasok ni kath ito. Sasabihin ko pa sanang huwag at malay namin kung pakulo lang ito. Tiningnan ko kung may tao pa bang iba at kung nalimutan pati sariling anank pero mukhang wala. Kaya sinarhan ko na ang pinto.
d^_^b Kath
d-_-b ako
Umupo kami sa sofa tapos itong minion na ito dun sa solo sofa nakatapat namin.
"Hey baby where is your parents and why were you here? "Pero hindi pinansin ng bata ang sinasabi niya. Kumuha pa ako ng pagkain dahil ubos na ito. Saka ako bumalik ng sofa at habang nag iinterrogate itong babaeng ito ako'y kain lang ng kain.
"Haji saiyo na talaga siya nakatingin!" Ng sabihin niya ito tumingin ako at bigla naman ako nitong minions na ituro.
"Oh anong itinuturo turo mo diyan?" anang ko dito pero ngumuso lang ito
"Ha?"
"Baka gusto nita yung kinakain mo. " Kumakain kasi ako ng cereal na may gatas wala lang nag cracrave kasi ako.
"Ano ka sinusuwerte?"
Sabay pinalo naman ako ni Kath "Aray ano ba"
"Ang sungit mo kasi sa bata"
"Kawasat siya" napanguso din tuloy ako ng paluin ako nito
"Napaka isip bata mo talaga."
"Excuse me mukha lang dahil baby face ako."
"Awan sayo girl, share mo na lang yan sa sarili mo. At baka kaawan pa kita ", inilapit nita sa akin ang bata "Ano ba ilayo mo nga sa akin yan!"
"Ano ba huwag ka makulit kung hindi ikaw ang maghuhugas." pananakot niya dahil siya ang tagalinis at ako naman ang taga luto pero di hamak na mang mas masipag siya dahil ayaw niya kasing magpalinis dun sa maid na pumupunta dito para maglinis kada 3 days.
Nilagay niya ito sa may kandong ko. Hinawakan ko ang likod nito at sinubuan ng kinakain ko. Ah at mukhang nabusog naman ito ng dumighay napatawa nga kami dahil ang lakas dumighay may ka tapat na daw ako sa lakas ng pagdighay
Kanina pa nakatingin sa akin si Kath
"Ano Yun ? Bat ka sa akin nakating--"
"Ouch!" Kasi naman pinagdikit niya ang mukha namin ng bata kaya halos maipit ang mukha namin pero itong batang ito mukhang tuwang tuwa pa.
Inalis ko naman ang kamay nito
"Oh my god!"
"Anong oh my god ka diyan!"
" Haji magkamukha kayo hindi lang basta hawig."
Napakamot naman ako sa pisngi na siya pang ginaya ng minion na ito.
"Hala, tapos-"
"Ginagaya mo ba ako?"Pero hindi ito sumagot at nag pout lang.
"Ano ka cute?"
"Ano ka ba hah akina nga yang bata."Sabay inalo Alo Niya ito
"Haj bat ganun para talaga kayong mag momshie you knows!"
"Di kaya-"
"Huwag mong ituloy sasabihin mo"
"De joke lang masiyado ka namang seryoso pero aminin mo Mars ang cute ng batang ito 'no"
"Ano bang cute diyan?" iniharap ko naman sa akin ang bata."
"Ano bang pangalan mo ha?" ipinakita niya yung bag niyang may burda na 'Jian'
"HoY! bata asan magulang mo--"
Sabay may iniliabas itong sulat mula sa jumper niya tapos dalawang kamay niyang iniabot ito Ng basahin ko ito bigla na lang ako nitong niyakap sa may leeg. Kaya ang kinalabasan nahila ako pababa dahil ang liit niya.
"Mowmmy" bulol niyang saad.
Ano?