HAJI'S POV
Nabigla talaga ako sa minion na jian na yun, hindi ko akalaing tatawagin niya akong ganun. Dahil sa totoo lang naawa ako sa kanya. Dahil ang bata bata niya pa. Nabasa ko kasi sa sulat na patay na daw magulang niya at iniwan lang siya ng nag aalaga sa kanya dahil sa hindi na daw kayang alagaan kaya ayun, Pinaaampun pero walang tumatanggap kaya sa huli napag desisyunan nitong iwan na lang. Nakakalungkot man pero hindi namin alam kung paano mag alaga ng bata pero hindi rin naman naming kayang iwan ito ng basta basta na lang.
Tinanong ko nga ito kung bakit niya akong tinawag na mommy pero nakatulog na pala siya sa pagkakayakap sa akin.
Bibili ako ngayon ng mga pagkain. Dahil hindi sapat
"Kath hello! ano nga ulit yung pinabibili mo?" Sabi ko kay kath sa kabilang linya
"Hay naku naman Mars napakamalilimutin mo talagang babae ka. Kanina pa kita pinaaalalahanan na ilagay mo agad ng di mawala. Sinabi ko na saiyo yun ng paulit ulit di ka naman pala nakikinig sakin sayang lang and laway ko kakapaliwanag at kadadada sayo at..."
"At ano nanaman?"
"Yan yan ganyan ka sa tuwing pinagsasabihan mas lalo kang nagiging matigas ang ulo!"
"Katulad na lang nung grade 6 tayo sinabihan kitang huwag mong paglalaruan yung pellet gun dahil bukod sa delekado ito hindi satin yun. Pero alam mo ba nasa halip na makinig ka sa mga pangaral ko. Alam mong ginawa mo?"
"Ano? "tanong ko nalang ng matigil na siya dahil paniguradong hahaba na naman ang usapan.
"Siyempre di mo alam"
d-_-b
"Pinaglaruann mo parin inakyat mo pa yun sa kapitbahay at ang malala pa dun FEEL na FEEL mo ang pagiging ninja ninja gago mo ng walang pag dadalawang isip para lang makaganti dun sa Kylangot na yun. Ipinanakot mo pa sakanya kaya tinesting mo pang itutok sa sentido niya ng di man lang inaalam kung may bala ba o wala tapos, Ikaw feel na feel mo pa ang paghalakhak na akala mo kontrabida lang sa isang teleserya kumbaga mala Marco ng probinsyano na may sapak sa ulo. Naaalala ko pa kung paano ka humalakhak noon eh ganito pa nga yun"
"BWAHAHAHAHAHA!"
"O Tapos,"
"BOOM!"
"Ipinutok mo tapos akala mo walang bala kaya ayun bullesye! si Kyla iyak eh tapos. Ako! Ako ang umako lahat ng responsibilidad mo na dapat ikaw ang nagdusa ibinalik ko lang naman yung pellet gun tapos ako ng napagbintangan sakin napunta lahat ng sisi kahit ikaw naman ang may gawa (sniff) huhuhu! Tapos sakin mo rin ibinintang Yung pagputok nung pellet gun tinakot mo pa si Kyla na kapag nag sumbong gagawin mo ulit yun. pabayaan niyo na at kalalabas lang niyan ng mental
"Sorry po sa ginawa ng KAIBIGAN ko nabigla lang po talaga siya kaya niya yun nagawa ako na po ang humihingi ng tawad sa nagawa niyang pagkakamali di napo mauulit...!"
"Na akala mo ay daladalawa ang halo mo sa ulo ah!"
mahabang pagsusumao niya
d-_-b
Ayan na nga ba sinasabi ko eh! Eto nanaman po kami nakagawa lang ako ng konting pagkakamali kahit kaTITING pa iyan. Katulad na lang na kapag pinatawad ka niya kaagad agad matutuwa ka sa una dahil maiisip mong napakabait niya dahil sa pagiging maunawain pero ang di mo alam pagtumagal tagal babalikan ka niyan sa lahat ng naging utang mo. Kung saan saan na mapupunta ang usapan mula pagkabata lahat ng kasalanan ko isinumbat nanaman niya kahit kailan ang OA talaga ng bruhang ito
"Anong konek nun sa mga pinabibili mo?"ako
"Oh ayan ganyan Karin nun eh!"siya
"Aayos ka o aayos ka?"ako
" Eto na nga po boss tingnan mo lang yang bag mo at may makikita ka na diyang naka rolyong papel diyan sa may maliit na zipper dun mo tingnan. Makikita mo yung listahan ng bibilhin maliwanag ba?" siya
"Tsh! yun lang pala ang rami mo pang sinabi" singhal ko kay kath
"Aish! Bilisan mo na nga lang gutom na itong baby version mo!" Sabi niya dahil bukod sa kulang na ang pagkain namin sa ref este wala na ay meron kaming bagong alagain. Para maging specific si minions ang tinutukoy ko.
"Opo Nay!"Sabi ko habang tumatawa at saka pinatay ang tawag .
"Asan ko nga ba yun inilagay?" ako habang hinahalukay yung aking gamit
Thud!
"Ahhh! Shit ano bayan matuto ka namang tumingin sa dinadaanan mo " Impit ko dahil nasagi ng di kilalang tao ang bag ko. ano bayan di manlang tumingin sa dinadaanan itong kupal na ito.Pero pinagpatuloy ko parin ang paghahanap, kung kaya't saka ko naman nahanap ang papel
"Gotcha! Kala ko pahihirapan mo pa ako eh." Habang kinakausap ang papel kung saan nakalista and mga bibilhin.
kung kaya't napapatingin sakin ang mga nadadaanan ko.
"Oh anong tinitingin tingin nyo ngayon lang kayo nakakita ng maganda ano?" Sabi ko sa mga napapatingin sa gawi ko. At saka ko pinagpatuloy ang paglalakad.
Parang nagiiba talaga ang itsura ng mga bahay at mga tindahan sa tuwing gumagabi na. Kaya kailangan ko naring sigurong bilisan. Saka ako pumasok sa isang store at ng mabili ko na lahat ng mga dapat na kakailanganin.
"Welcome Ma'am" cashier
"Hi" ako
d^_^b
ETHAN'S POV
Ang lamig naman ngayon ng gabi masyadong malakas ang ihip ng hangin. Parami narin ng parami ang mga taong dumaragsa kailangan ko ng bilisan.
Hangang say may bigla along naalala.
"Don't touch me" usal ko sa isip
Kailan nga ba ang huling beses na naging komportable ako sa pakikipaghalubilo ?
" Boo! Boo Di Naman siya masayang kasama iwanan na nga lang natin siya. Let's go." Sabi ng mga kaklase ko
"Hindi, hindi niyo naiintindihan"
"Hindi ko rin ito ginusto huwag kayong umalis"
"Ang totoo ay...
"Ako'y...
THUD
"Ahhh! Shit Ano bayan matuto ka namang tumingin sa dinadaanan mo " Sabi ng nadasig ko ngunit di ko siya binigyang pansin at pinagpatuloy lang ang paglalakad
Sigh!
At least makakabili na ako ng makakain. Kailangan ko ng bilisan di na masyado maganda ang aking pakiramdam. Ang gusto ko lang naman ay ang makauwi ng makapagpahinga na agad ako.
One cup noodle. Hindi ito sapat kya kumuha ako ng maraming cup noodles .At kumuha narin ako ng mga ready to eat food. Kaya dumiretsyo agad ako sa cashier.
"That'll be 120.00 sir"cashier
saka ako naglabas ng pera.
"Sir! Sir! Sukli niyong 380" Pahabol na sabi ng cashier pero hindi ko na siya binigyang pansin pa.
"Pero ayos narin ito mas malaking kita" rinig ko pang sabi ng cashier mga tao nga naman.
HAJI's POV
Eto, Eto, Eto at saka eto ayos tapos na.
"Hello!"ako
"Oh good evening"cashier
" Eto bayad" saka tinangap ng cashier and bayad at...
at
.....
.....
.....
d-_-b
"Miss sukli ko" usal ko sa cashier ng may kasamang pagpitik. Kung kaya't nabalik siya sa huwisyo. Kasi naman nakangiti lang siya sakin ang creepy lang. Anong kala niya (keep the change) tsh! Sira ulo pala ito eh!ano akala niya sakin tumatae ng pera.
"
Ah sorry! Here it is Ma'am"
"Salamat" akala ko di na ako susuklian sayang din itong dalawang piso alam mo bang walang isang daan kung walang dalawang piso.
"Thank you please come again"
Okay oras na para umuwi