Chapter 18

Leather Jacket

Matapos kaming kumain sa isang fastfood chain. Umalis na rin kami at dinala niya ako dito sa tabi ng dagat. Ang lamig ng hangin dito. Ramdam na ramdam na talaga ang pasko.

"Hey, why you become silent?" tanong niya.

Tinignan ko siya. Nakahalukipkip siya ngayon, tinitignan niya ako. Sino ka ba talaga? Bakit ayaw mong hubarin 'yang mask mo? Sa isip ko.

"Wala lang, may naalala lang ako."

Umupo siya sa tabi ko sabay akbay sa akin. "Hey, you don't need to secludes that forever. Come on, spill it."

I sighed. "I just remember my family. Don't mind me,"

He placed my head to his shoulder. "You know what? I remember my first love with you. If can I bring back the time I'd waste for, hinding hindi ko talaga sasayangin iyon."

"Bakit? Ano bang nangyari?" tanong ko.

He sighed. "She's with his boyfriend right now and I don't know why I'd waste her. She's pretty, kind, and loving but I was too jerk at that time. I cheated on her that's why universe didn't want to conspire us again,"

I patted his back. "It's okay, madami pa namang ibang babae diyan eh."

"Yeah, you're right. Madami pa." Tinignan niya ako.

Maya-maya binalot kami ng katahimikan. Kinuwento niya sa 'kin lahat ng nangyari sa kaniya. Kawawa naman pala siya. 'Yong babaeng mahal niya, linoko niya kaya ngayon siya na naman ang nagdudusa.

Naka sandal pa rin ako sa balikat niya. Hindi ko alam kung bakit 'di ko magawang itulak siya. Para ko siyang kuya, he's thirty-two. Ka edad sila ni kuya.

"Mahal, tignan mo sila oh. Ang sweet nila, 'di ba? Sana ganyan din tayo mahal." Tinuro kami ng matandang babae.

Nagkatinginan kami sabay tawa. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kaniya. Siguro dahil para ko na rin siyang kuya. Pero natigilan ako sa pagtawa ng niyakap niya ako. Mahigpit iyon at parang may pinaghuhugutan siya.

"Kung puwede lang sana..." bulong niya.

"Kung puwede lang sana ano?" tanong ko.

"Wala," sagot niya.

Lumipas ang ilang minuto, nakaramdam ako ng ginaw. Ang lamig ng hangin at bumabalot ito sa katawan ko.

"Hey," pagtawag niya sa akin.

Lumingon ako sa kaniya. Nakita kong nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'to. Una, ang pagsagip sa akin. Pangalawa, itong ginagawa niya sa 'kin ngayon.

"Giniginaw ka ba?" tanong niya.

Tumango ako. "Medyo."

Hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Hinubad niya ang leather jacket niya at isinuot sa akin. Hindi na ako nakaramdam ng ginaw.

Bumaling siya sa akin. "Giniginaw ka pa ba?"

Umiling ako. "Hindi na."

Tumingin siya sa kawalan. "You know what? If you're with someone's arms, don't let the time split you on each other."

"Bakit?"

"Because you're lucky to have that someone, but you're surpassing his existence. Don't do that gal. Each of us can feel the pain in it. Don't make him fool. He deserves the love he'd wanted for. In case lang naman kung may magmahal sa 'yo. Tandaan mo, fooling a man are the same as you fooling yourself."

Wala naman akong linolokong tao, ah. At saka bakit ko naman gagawin 'yon? We deserve the love we're wanting for. If I can fly to the moon. I were include the man that I'd love. We fly together as we can.

"Hindi ko naman gagawin 'yan eh."

He sighed. "You canno't so sure gal. You can't say that once destiny is in there, making us troubled and thorn,"

Natigilan ako sa sinabi niya. Tama naman siya eh. Hindi ko hawak ang oras at panahon. But once it'll happen. I'll face it no matter what.

Sasagot pa sana ako nang biglang tumunog ang telepono ko. Tinignan ko siya saglit sabay kuha sa telepono ko. Pagkakuha ko, sinagot ko ito.

"Hello."

"Amasia, nasaan ka na ba? Kanina pa kami nag-aalala dito. Halika na, naghihintay na si mama," sabi ni kuya sa kabilang linya.

"'Wag na kayong mag-alala dahil papa-uwi na ako. By the way kuya, pumunta ba si Herrick diyan?"

"Oo, bakit? Teka, nasaan ka ba? Bakit parang may naririnig akong tunog ng alon. Are you going to take your life, Amasia?"

Ang OA talaga ni kuya. Hindi puwedeng nasa tabing dagat kami kaya may alon. Kahit kilan talaga napaka over protective niya.

"Amasia, hey!"

"Hello, kuya, hindi ako magpapakamatay, okay? Nandito ako sa may Felez mall. Ah— gilid ng Felez mall. 'Wag na kayong mag-alala, uuwi na ako."

Sa hindi inaasahan, umubo ang kasama ko. Nako naman, bakit ngayon pa 'to umubo? Sa isip ko.

"Amasia, sino 'yong umuubo? Amasia, 'wag mong sabihing... may kasama kang lalaki ngayon?"

Mukhang naamoy nga ni kuya na may iba akong kasama ngayon. Pero hindi niya puwedeng malaman ito.

"Kuya, napaka lawak naman ng imagination mo. Wala akong kasama dito. O, sige na, uuwi na ako."

"Sige, uwi ka, ha? Siguraduhin mo lang talaga na wala kang kasama diyan ngayon Amasia. Ayoko sa lahat ang sinungaling."

Pumikit ako. "Wala akong kasama, okay? Sige na, bye."

Pinatay ko ang telepono sabay baling sa kasama ko. Simaan ko siya ng tingin. Narinig ko namang ngumisi siya.

"Mukhang kailangan na nga kitang ihatid sa inyo. Baka sugurin pa ako ng kuya mo dito."

Ngumiwi ako. "Bakit ka ba kasi umubo kanina? Wala ka naman sigurong cough 'no? Wala 'yan kanina eh."

"Ang lamig kasi dito eh," sabi niya sabay tingin sa dagat.

Tumingin ako sa dagat. Na realize ko na ang buhay ay parang alon. Minsan malaki, minsan mababa. Kung nasa taas ka man ngayon 'tas mapagmataas ka pa. Tiyak ma mapupunta ka rin sa baba.

"What you are thinking?" sabad niya.

"Wala, na realize ko lang na ang buhay ay parang alon."

Kumunot ang noo niya. "'Yon lang?"

Tumango ako. "Oo."

Ngumisi siya. "O, sige na, ihahatid na kita sa inyo."

Tumayo siya at pumunta sa motor niya. Hahakbang sana ako nang biglang may nag park na itim na kotse sa tapat namin. Isa itong ford mustang. Kung hindi ako nagkakamali, kay Herrick 'to.

Lumabas si Herrick at pumunta sa gawi ko. I saw his thick eyebrows and celestial nose that you cannot overlook. Anong ginagawa niya dito? Sa isip ko.

"Amasia, let's go."

Hindi ako sumagot.

Nagulat ako nang bigla niya akong binuhat. Hindi na ako nagpiglas. Naka tingin ako ngayon sa kaniyang mga mata na kay gandang tignan.

"Stop staring. I'm tempted."

— —

ShineInNightt