Chapter 19

Ice cream

Pagka-uwi namin sa bahay nagulat ako sa mga inasta ni Herrick. Hindi daw siya uuwi at pumayag naman si mama at kuya na sa kwarto ko siya matutulog. Kainis talaga, wala akong choice.

"Hoi," tawag niya sa 'kin.

Hindi ko siya pinansin bagkus nag tipa na lang ako sa telepono ko. Halikan ba naman ako sa labi kanina, kainis.

Lumapit siya sa 'kin sabay upo sa tabi ko. "Hoi, hindi mo ba ako kakausapin?"

Tumayo ako. "Bahala ka diyan."

Hahakbang pa sana ako nang bigla niya akong niyakap. Hindi ko na naman inasahan 'yon. Ano bang nangyari sa lalaking 'to?

"Sorry na, hindi na mauulit 'yon. Promise. Kaya patawarin mo na ako, please..."

Humarap ako sa kaniya. "Alam mo ba na exclusive lang 'tong labi ko para sa taong mamahalin ko at mamahalin ako. Hindi sa kaibigan na sobrang delusional."

Nag pout siya. "I'm just protecting you. Ayaw mo 'yon? All I want is you— you're safety."

Niliitan ko siya ng mata. "Talaga ba? Eh bakit mo ako hinalikan sa labi? Ikaw Herrick, 'wag mo akong ma chansing-chansing ha. Oo, I know you're rich and handsome but for pete's sake hindi ako kagaya ng iniisip mo. You're my friend and I'd respect you."

Yumuko siya. "Sorry na, hindi na mauulit. Ikaw naman kasi eh, bakit ka naman kasi sumama sa lalaking 'yon? Alam mo ba na delikado ang sumama sa 'di mo naman kilala?"

Ngumiwi ako. "Yes, we didn't know each other but I like him."

Umangat ang tingin niya sa 'kin. "What?!"

Tumawa ako. Napaka OA rin ng isang 'to. Yes, he's Herrick Altrante and he's kinda rich and handsome but we're just friends. Maraming nagtatanong kung bakit ayaw ko daw kay Herrick pero I wanted all best for him. At hindi ako 'yon.

"I like him."

Mas lalong kumunot ang noo niya. "Did you say what?!"

I rolled my eyes. "I like him."

"Are you out of your mind, Amasia? Hindi mo nga kialla 'yong tao tapos gusto mo na. You're making me headache, Amasia."

Tumawa ako. "You're funny hunk bunny."

Lumaki ang mata niya sa sinabi ko. "Ano?!"

Umiling ako. "Nothing."

"Umayos ka nga Amasia. Oo, wala akong karapatang pagsabihan ka kasi 'di naman tayo pero as being a friend, Amasia. Umayos ka."

I sighed. "I like him, because of his perceptions in life."

Nawala ang pagkunot ng noo niya. Ang arte, napaka seloso pero 'di naman kami. Sa natatandaan ko, may pinormahan siyang anak ng senator. Bigatin ang mga naging girlfriend niya.

Matagal na kaming magkaibigan since kindergarten days until now. Pina-alala niya kasi sa 'kin no'ng nagkita kami. No'ng pumasok nga ako sa kompanya niya hindi ko inakalang makikita ko siyang muli. First love niya ay anak ng ambassador.

"Good, akala ko... gusto mo siya. I won't let that happen."

"Alam mo, napaka seloso mo. Eh hindi naman tayo."

"Eh ano naman ngayon? Eh sa ayaw kong may umaaligid sa 'yo eh. Gusto ko, ako lang."

Kumunot ang noo ko. "Ano bang pinagsasabi mo diyan?"

Ngumiti siya sa 'kin sabay halik sa noo ko. Palagi niyang ginagawa 'yan. Wala namang problema sa 'kin 'yan eh. Pero 'yong sa lips, ibang usapan na 'yon.

"Kung may manliligaw man sa 'yo, ako ang una nilang makakaharap. Hindi sa overprotective ako, pero para lang rin ito sa 'yo."

"Whatever Herrick the handsome CEO."

Inakbayan niya ako at sabay kaming naglakad pababa. Close talaga kami ni Herrick since before. Wala siyang kahit isang kaibigan noon, tanging ako lang. Pero ngayon marami-rami na.

Pagkababa namin ng hagdan, agad kaming pumunta sa mesa. Magkatabi kami ni Herrick tapos makatabi naman sila mama at kuya. Kanina pa ako tinitignan ni kuya, para bang may pinapahiwatig ang tingin niya.

Bumaling si mama kay Herrick. "Hijo, ayos lang ba sa mga magulang mo na dito ka matutulog?"

"Nasa states po ang mga magulang ko tita. Tanging ang kapatid ko lang ang kasama ko sa bahay."

Tumango si mama. "G-Gano'n ba...?"

Hindi sumagot si Herrick. Tinignan ko siya. Nakangiti siya sa 'kin ngayon. Kahit ako nagulat sa sinabi niya. Sino ba namang hindi magugulat kung ang boss mo ay matutulog sa bahay niyo.

"Magdasal muna tayo," si mama.

Tinignan ko si Herrick, naka pikit siya ngayon at nakikinig sa mga sinasabi ni mama. Pumikit na lang rin ako. Maya-maya, natapos na ring magdasal si mama.

"Kain ka hijo," si mama.

"Ma, sir ang itawag mo sa kaniya kasi CEO 'yan," sabad ni kuya.

"Ay oo nga pala, pasensiya na po kayo sir."

Napa-iling na lang ako sa mga sinasabi nila. Napansin ko namang ngumiti si Herrick. Hindi kasi 'yan pikonin eh, seloso lang.

Nginitian ni Herrick si mama. "Ayos lang po, wala naman po tayo sa office eh."

Ngumiti si mama kay Herrick. "Ang bait mo talagang bata. Siguro sobrang saya ng magulang mong makitang may kompanya ka na ngayon."

"Siguro po."

Nagulat ako sa sagot niya. Hindi ba sila okay ng mga magulang niya? Bakit parang nag-iba 'yong timpla niya no'ng sinabi ni mama iyon? Sa isip ko.

"Bakit? May tampuhan ba kayo ng mga magulang mo?"

Ngumiti lang si Herrick. "'Wag na po nating pag-usapan 'yon."

Alam kong may hindi sinasabi si Herrick sa 'kin at 'yon ang gusto kong malaman. Sinabi niya kasi sa 'kin may alitan daw sila ng kuya niya pero hindi ko natanong 'yong tungkol sa ama at ina niya.

Maya-maya, natapos na rin kaming kumain at ang moko nag yaya na pumunta daw kaming Windys. Sinunod ko naman siya. Actually nakarating na kami sa pupuntahan namin.

"Nandito na tayo," sabi niya.

Huminga ako ng malalim. "Bakit dito mo ba ako dinala? May ice cream naman sa fridge ah."

"Kasi... masarap ang ice cream dito. Ibang-iba sa ice cream na natikman mo."

Hindi na ako umagal. Bumaba ako ng sasakyan. Pagkababa ko, bumaba na rin naman siya. Sabay kaming pumasok sa loob.

Totoo nga, masarap ang ice cream nila dito. Hindi nga nagsisinungaling hunky bunny ko. 'Yan kasi ang tawag ko sa kaniya pag inaasar ko siya.

"Ano? Masarap, 'di ba?"

Tumango ako. "Yup."

Ngumiti siya sa 'kin. "Sabi ko sa 'yo eh. Alam mo ba kung anong favorite flavor ko?"

Kumunot ang noo ko. "Ano?"

Hinawakan niya ang ang kamay ko. Nakaramdam ako nang pagka-ilang sa paghawak niyang iyon. Ewan ko, hindi ko alam kung ano 'yong naramdaman ko.

Tinignan niya ako sa mata. "Ano bang favorite flavor mo?"

— —

ShineInNightt