Well, tama si Jaime, nilalansi nga sya ng anak nyang si Kate at ayaw nyang aminin sa sarili na hindi nya kayang basahin ang isipan nito.
Paano naman nya mababasa ang iniisip ni Kate eh kabisado sya nito, alam ni Kate kung paano magisip ang Daddy nya.
Ibig sabihin bago pa lang naiisip ni Jaime ang isang bagay, may solusyon na si Kate.
"Alamin ninyo kung saan sila nagtungo, pero magiwan ka pa rin ng mga tao dyan para magmaamsid. May kutob akong nandyan pa sila, nagtatago lang!"
Utos ni Jaime.
Sigurista si Jaime.
Ito ang unang beses na nagkaron sya ng lead sa whereabouts ng anak, after three days kaya hindi sya papayag na matakasan sya ulit.
Alam nyang genius ang anak pero hindi alam ni Jaime kung gaano katalino at kagaling si Kate.
Hindi rin nya alam na hacker ito.
Kaya ang mga pictures nila ni Mel na nagpakasal at nagkalat sa internet ay sadyang hinayaan nyang kumalat para makita ng Mommy nya.
"Maging masaya ka anak! Maging masaya ka kasama ng mahal mong si Mel!
Huwag kang magalala, akong bahala sa tatay mong praning!"
May luhang sabi ni Nadine habang pinagmamasdan ang mga larawan sa computer.
Kaya habang napa praning si Jaime sa paghahanap sa anak nya .... sila Kate at Mel naman ay masayang masayang nakarating sa isang private resort kalapit probinsya ng pinagmulan nila.
"Wow! Ang gandaaaa!"
Bulalas ng dalawa.
"At walang tao!"
Sabi ni Mel
"Yes, Melabs, tayo lang ang tao dito! Ito ang wedding gift sa atin ni Mommy!"
Binitiwan nito ang dalang bag at saka inilagay ang mga kamay sa leeg ni Mel.
"Kaya ngayon wala ng makakapigil sa atin na maglabing labing. Halika na Melabs, bilisian mo! Grrrrrr!"
"Y-yes dear Kate MyLabs!"
Pagdating sa silid agad na sinunggaban ng halik ni Kate si Mel.
Wala ng hiya hiya ito, hinalikan din sya ni Mel.
Maya maya habang naglilipstulips, unti unti namang hinuhubad ni Kate ang damit ni Mel.
'Hindi ako makakapayag na matapos ang gabi na 'to na walang nangyayari!'
Samantalang si Mel.
'Jusko eto na 'to! This is it! Pero ano bang gagawin ko? Paano ba ito ginagawa? Hanggang kiss lang ang alam ko!'
'Oh, Jusko, bakit ba hindi ko natanong ang tatay ko tungkol dito?'
'Jusmiyo, ano bang gagawin ko?'
"Bakit Melabs, bakit nagaalinlangan ka? Ayaw mo ba?"
Nagtatampong tanong ni Kate ng nakitang tumigil si Mel at inabot ang cellphone.
"Hindi MyLabs! Hindi sa ganun! Ginugoogle ko lang ang susunod na gagawin ko!"
Kate: "....."
'Grabe, napaka inosente talaga ng Melabs ko!'
Sa huli, sabay nilang pinanuod ang isang for adult only site.
***
Oh, bakit ka umiiyak dyan? Ako nga 'tong sinaktan mo!"
Tanong ni Kate pagkatapos ng ginawa nila.
"Kaya nga ako umiiyak kasi, nasaktan kita! Nangako ako sa'yo na hindi kita sasaktan!"
"Melabs, huwag ka na cry, masaya naman ako at finally, I'm yours! Saka hindi na naman sya masakit!"
Sabi ni Kate para hindi na umiyak si Mel, kahit na medyo may nararamdaman pa rin syang kirot sa parteng yun.
"Talaga? Promise Kate MyLabs mula ngayon hindi hindi na kita sasaktan at ngayong asawa na kita hinding hindi ko hahayaan na muli kang saktan ng Daddy mo!"
At muli nyang hinalikan si Kate na nagpaalab muli ng damdamin nya.
"Kate MyLabs, eh ... since na sabi mo hindi na masakit ..... pwedeng bang .... isa pa? Promise I'll be gentle! Hehe!"
This time si Kate naman ang kinabahan.
'Jusko, bakit ba nasabi ko yun?'
'Did I wake up the monster in him?'
Napatingin sya sa alaga ni Mel na nakasaludo na agad hindi pa nagsisimula.
'O.M.G.! Yelp!'
At sa pangalawang pagkakataon, nagulat si Kate dahil alam na alam na ni Mel ang gagawin.
*****
Aalis tayo? Saan naman tayo pupunta?"
Gulat na tanong ni Mel.
"Sa Australia!"
Sagot ni Kate.
"Australia? Diba malamig dun? Hindi ba pwedeng dun sa hindi malamig?"
"Masasanay ka rin! Hindi tayo pwedeng magtagal dito. Napapansin ko kasing dumadalas na may umaaligid aligid na bangka sa paligid. Baka may kutob na si Daddy na narito tayo!"
Napansin din ito ni Mel. Madalas silang nagigising sa ingay ng motor ng bangka.
Buti na lang private property ito, hindi sila basta basta pwedeng pumasok.
Five days pa lang sila dito, one month ang nirentahan ni Nadine sa private resort na 'to.
'Sayang naman!'
Buntong hininga ni Mel.
"Kelan tayo aalis, MyLabs?"
"Mamya after lunch, because I'm cooking!"
Proud na sabi ni Kate.
"Talaga, anong lulutuin mo?"
"Mechado!"
"Marunong kang magluto ng mechado?"
Gulat na tanong ni Mel.
Sanay sya sa kusina dahil sya ang panganay kaya marunong syang magluto.
Pero si Kate, hindi nya sure kung nagluluto ito. Never pa nyang nakita o narinig man lang na nagluto ito.
"Oo naman! Ba't parang duda ka? First time kong ipagluluto ang hubby ko!"
"Ngayon ko lang kasi nalaman na nagluluto ka! Kahit sa condo hindi ka naman nagluluto!"
"Ako lang naman ang nasa condo, saka madalas ako sa TAMBAYAN kumakain kaya hindi na ako nagluluto. Madali lang naman magluto basta alam mo ang ingredients at ang lasa nito!"
"Talaga? Sige nga, anong ingredients ng menudo?"
"Menudo .... bawang, sibuyas, meat salt and pepper at tomato sauce!"
"Wow ang galing ni Kate MyLabs ko! Eh, Mechado?"
"Mechado .... bawang, sibuyas, meat salt and pepper at tomato sauce!"
Napaisip si Mel.
Muli syang nagtanong.
"Eh, Afritada?"
"Afritada .... bawang, sibuyas, meat salt and pepper at tomato sauce! Oh diba ang galing ko!"
Sabay kiss kay Mel na nagiisip at umalis na ito patungong kusina.
"Bakit parang feeling ko iisa lang yung sinabi nyang ingredients?"