"Carl, sabihin mo sa akin ang totoo, kinontak ka ba ng anak mong si Mel?
Umamin ka, saan dinala ng anak mo ang anak ko?"
Tanong ni Jaime sa kaibigan nitong si Carl, ang ama ni Mel.
Niyaya nyang makipag inuman si Carl dahil stress na sya sa anak nya at anak ni Carl.
Si Carl ang maituturing ni Jaime na matalik kaibigan dahil nasasabihan nya ito ng personal nyang problema gaya ngayon.
"Jaime, nagsasabi ako ng totoo, hindi ko alam kung nasaan ang dalawang anak natin! Saka .... bakit ba ayaw mo pa ring tigilan ang mga bata, KASAL na sila!"
Sagot ni Carl.
Napataas ang kilay ni Jaime.
'Paano nya nalaman na nagpakasal na ang dalawa?'
"Akala ko ba hindi ka kinontak ng anak mo?"
"Oo hindi nga! Hindi pa kami naguusap ni text wala! Ang huling text na nareceive ng asawa ko kay Mel ay nung sabihin nitong nagtanan sila ni Kate!"
"Kung ganun, bakit alam mong nagpakasal na sila?"
Tanong na may pagdududa ni Jaime.
"Sinabi sa akin ng Balae kong si Nadine! Nagpunta sya dito nung isang araw at inaya kaming lumabas, para daw icelebrate namin ang kasal nung dalawa!"
Paliwanag ni Carl na ikinabigla ni Jaime.
'Alam ni Nadine na nagpakasal yung dalawa?'
'Marahil ay nakita rin nya ang mga pictures nila sa internet!'
"Carl, nasabi ba ng asawa ko sa inyo kung nasan ang anak ko .... ang mga anak natin!"
Tila nakaramdam ng pagasa si Jaime.
"Natanong ng misis ko sa kanya at sabi lang ni Balae Nadine, na huwag daw kaming magalala dahil nasa ayos naman daw ang mga bata!"
'Sabi ko na, alam ni Nadine kung nasaan yung dalawa!'
"Napapansin ko feel na feel mo na ang pagtawag ng Balae sa asawa ko!"
"Kasi naman Balaeng Jaime, kasal na kaya ang mga anak natin! Natural lang na magbalae na tayo diba?"
Hindi masabi ni Jaime na hindi pa nakarehistro ang kasal ng dalawa .... dahil napigilan nya.
"Bakit kasi, hindi mo na lang tanggapin na mag asawa na ang dalawa?"
"Dahil sa anak mo!"
"Ano bang diperensya ng anak ko at hindi sya makapasa pasa sayo?
Ginagawa naman ni Mel ko ang lahat para maimpress ka! Tingnan mo nga ang ganda na at ang ayos ng buhay namin! Nakabili na rin sya ng sarili nyang bahay at marami na ring pera ang anak ko!
Hindi man kasing dami ng pera nyo pero tyak kong hindi gugutumin ng anak ko ang anak mo!"
Sabi ni Carl.
"Hindi ito tungkol dun!"
"Eh, kung ganun tungkol saan? Bakit hindi mo matanggap ang anak kong si Mel para sa anak mong si Kate?"
"Dahil sundalo ako at marami akong nakaaway!
Ang iba sa kanila ay nagtanim ng galit sa akin! Paano kung ... paano kung gantihan nila ang anak ko?
Maipagtatanggol ba ng magaling mong anak si Kate ko, eh, lalamya lamya yang anak mo?
Kaya ba nyang protektahan ang anak ko? O baka naman sa huli, ang anak ko pa ang poprotekta sa anak mo?
Alam kong iniisip nyong makitid ang utak ko at selfish ako dahil sa pagtutol ko sa relasyon ng dalawa pero ..... masama bang isipin ko kung ano ang makakabuti sa anak ko?
Pasensya na Carl, magkaibigan tayo, pero para sa akin, hindi karapatdapat si Mel mo sa anak ko! Wala syang kakayahan na ipagtanggol si Kate pag nalagay ito sa alanganin!"
Mahabang paliwanag ni Jaime.
"Pareng Jaime, may nakapagsabi na ba sa'yo na napapraning ka na?"
Tanong ni Carl.
At isa lang ang pumasok sa isip ni Jaime sa tanong ni Carl .... ang asawa nyang si Nadine!
"Ano ba ang mga pinag gagawa mo at feeling mo, babalikan ka ng mga naging kalaban mo? Bakit ang Papa mong si General Gene, general din sya at may dalawang anak din syang babae pero, hindi naman sya napapraning kagaya mo!"
Jaime: "....."
'Bakit ba feeling ko iniinsulto na nya ako?'
*****
Sa Little Manor.
"Ate, napaparaning na rin ako sa pinaggagawa ng asawa mo kila Kate at Mel! Sobra na sya! Hindi na ba sya naawa sa mga bata, lalo na sa anak nyong si Kate?"
Sabi ni Nicole sa Ate nyang si Nadine ng ikwento ng huli kung ano ang totoong nangyayari, bakit biglang naglayas si Kate.
"Kaya nga tulungan nyo akong magsabi kay Papa Gene! Sya lang ang makakapigil sa ginagawang manhunt dun sa dalawa!"
Sagot ni Nadine.
"Bakit hindi ikaw ang magsabi kay Tiyo Gene? Anak nya yun at apo nya si Kate, dapat lang malaman nya ito! Huwag mong sabihing, nagaalala ka kay Jaime kaya hindi mo madispadispatsa yang gungong na yan?!"
Tanong ni Edmund na naiirita na rin sa pinagagawa ni Jaime.
"Tatay pa rin sya ng mga anak ko! Pero sinabi ko na sa kanya na huwag na huwag na syang babalik sa bahay dahil sa ginawa nyang pananakit kay Kate!"
Sabi ni Nadine.
"Ano ba kasing nakita mo dyan sa lalaking yan?"
Iritang sabi ni Edmund.
Napataas ang kilay ni Nicole at tiningnan ng matalim ang asawang si Edmund.
"What? Anong ginawa ko?"
Tanong ni Edmund.
Napangiti na lang si Nadine sa inasal ni Nicole alam nyang may kirot sa puso ni Nicole kapag naaalala nyang minsan SYA ang unang minahal ng asawa nya.
At minsan hindi maiwasang maisip ni Nicole na may posibilidad na nagkatuluyan sila kung hindi dumating sa buhay ni Nadine si Jaime.
"Baliw ka kasi BAYAW! Sa'yo pa talaga manggaling yang tanong na yan at sabihin mo pa talaga sa harap ng asawa mo?"
"Teka, Honey, wala akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko!"
"Saka, crush ko lang yang si Edmund hindi ko sya love. Si Jaime pa rin ang mahal ko at aaminin kong mahal ko pa rin sya hangang ngayon pero ..... hindi ako magpapakatanga sa kanya! Mas mahal ko pa rin ang mga anak ko kesa sa kanya!
And to answer your question kung bakit sya? .....Well, I like man in uniform, parang feeling ko ipagtanggol nya ako anytime gaya ng ginawa nya sa akin nuong una kaming magkakilala!"
*****
Sigurado na si Jaime na may alam si Nadine kaya inimbestigahan nito ang mga financial transaction ng asawa.
Tyak na tutulungan nito ang mga bata somehow.
And true enough nagbunga ang pag inimbestiga nya, sigurado na sya ngayon na sila Mel at Kate nga ang naroon sa private resort.
"May dahilan na ako para pasukin ang resort na yun!"
Pero nagulat na lang sya ng hindi na nya makontak ang mga tauhan nya.
"Sorry General, kasi ... pinagbawalan kami ni General Gene na sundin ang utos nyo. Labag daw ito sa karapatang pantao dahil hindi naman daw kriminal ang tinutugis namin kundi anak nyo!"
"Pag daw nagpatuloy kami ipapa court martial daw nya kami!"
Walang nagawa si Jaime, hindi nya kaya ang lakas ng tatay nya. Kahit retired general ito, malaki pa rin ang respeto ng buong militar dito.
Pero hindi ibig sabihin titigil sya. 'Marami pang ibang paraan para mahanap sila!'
At sila Mel at Kate, nagulat na lang ng makita ang isang helicopter na kulay light green ang bumaba sa harap ng resort nila.