Green Na Green

"Hubby ko, anong masasabi mo sa luto ko?"

Buong paglalambing na tanong ni Kate.

"Wifey dear, ang sarap nya!"

Buong ngiting sabi ni Mel kahit na hindi nya mahuli ang lasa ng kinakain nya.

'Naman, Mechado ba talaga 'to, bakit lasang menudo na maraming sabaw?'

"Maalat ba?"

Tanong ulit ni Kate.

"Hindi naman, tama lang ang lasa Kate MyLabs!"

"Haaay naku akala ko maalat, kasi kanina ng tikman ko maalat kaya dinagdagan ko ng tubig!"

'Ahhh, kaya pala masabaw hehe!'

"Okey lang Wifey sa kabuuan ganun pa rin naman ang lasa kahit malabnaw! Hehe!"

"Hmp, baka naman sinasabi mo lang yan para utuin ako?"

"Asus, nagtampo naman sya! Halika nga dito!"

Sabay hatak kay Kate at iniupo sa kandungan nya.

"Wifey ko, dahil ikaw ang nagluto ng main course ako naman ang bahala sa dessert!"

At binigyan nito ng halik si Kate.

"Hubby kung ikaw ang dessert ko, hindi ako kailanman mauumay! Ikaw ang pinakamasarap na dessert na natikman ko at wala ng sasarap pa sa'yo!"

Sabi ni Kate.

Binago nya ang pwesto nya, ayaw ni Kate ng nakaupo sa lap ni Mel na parang lady like. Mas gusto nito na nakaupo sa lap ni Mel na napapagitnaan nya ang mga binti ng hubby nya at nakaharap sa kanya.

At saka nya ito binigyan ng kakaibang halik na nagpainit sa katauhan ni Mel lalo na ng kagatin nito ang dila nya.

Pakiramdam ni Mel, nagtayuan lahat ng buhok nya na parang may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan nya.

'OMG! Ang wild ng Wifey ko!'

Sa isang iglap wala na silang saplot na dalawa at muli, ninanamnam na nila ang isa't isa.

Sa bawat araw, laging tila may bagong ginagawa si Kate sa paglalabinglabing nila na labis na ikinatutuwa ni Mel.

Wala silang pakialam kung nasaan man sila. Tutal sila lang naman ang nandito sa resort.

At bawat sulok ata ng private resort na ito, nabulabog na ng labinglabing ng dalawa.

After a while, may narinig silang nagpatigil sa ginagawa nilang paglalabinglabing.

Tunog ng helicopter.

At papalapit sa kinaroroonan nila ang tunog nito.

"OMG! Hindi kaya nalaman na ng Daddy mo na andito tayo sa resort?"

Kinakabahang sabi ni Mel.

"Hindi ako sure! Pero kung sino man yan iniistorbo nya akong magdessert!"

"Mel: "....."

"Hindi ka pa ba sawa? Pang apat na seving mo na 'to?"

"Hindi pa bitin pa ko!"

Sagot ni Kate kay Mel.

'Juskolord, kailangan ko ata ng isang baldeng energy drink!'

'Lintek naman kasi itong si utoy ko, sa tuwing naririnig ang boses ni Kate MyLabs ko nagpapansin!'

"Oh, kita mo Melabs, kahit si yumyum bitin pa rin!"

Sabi ni Kate.

'At pinangalanan pa si utoy ko!'

'Alangya ko utoy, wala kang pakisama! Magbehave ka naman!'

*****

Pagkatapos nila, saka lang tumayo ang dalawa, kumuha ng bathrobe at saka nagtungo sa pinto para tingnan kung sino ang kanina pa kumakatok.

"Kate MyLabs, kinakabahan ako, baka Daddy mo yan! Ako ng magbubukas!"

At nauna na si Mel kay Kate. Hindi nya hahayaang saktan ulit ni Jaime ang Wifey nya.

"I don't think so! Kung si Daddy yan kanina pa nya giniba yang pinto!"

Sagot ni Kate.

Pero hindi pa rin hinayaan ni Mel na si Kate ang magbukas ng pinto.

"Pag Daddy mo 'to, tumakbo ka na agad at tumakas! Haharangin ko sya para makalayo ka agad!"

Sabi ni Mel na halatang nagaalala.

Kumapit ng mabuti si Kate sa braso ni Mel.

Kung sakaling Daddy nya ito, hindi nya iiwan si Mel kaya kumapit sya ng mahigpit dito.

Kinakabahan, dahan dahan pinihit ni Mel ang door knob.

At laking gulat nya ng makita kung sino ang kumakatok.

"Mabuti naman at pinagbuksan nyo na ako! Kanina pa ako kumakatok, mauupod na ang baston ko!"

"Grampy!"

Salubong ni Kate sabay akap sa Lolo nya ng buong lambing.

Inakap din sya ni Gene dahil sobrang na miss nya ang apo nyang ito na sobrang kulit at lambing.

Dalawang lalaki lang ang nilalambing ni Kate, Si Mel at ang Grampy Gene nya.

Nahimasmasan naman si Mel ng makitang hindi si Jaime ang nasa likod ng pinto, pero kinakabahan pa rin sya dahil baka galit ang matanda sa ginawa nyang pagtanan sa apo nya.

"Magandang araw po General!"

Bati ni Mel.

Tiningnan ng matalim ni Gene si Mel.

"Anong General ka dyan? Hmp! Mula ngayon, tawagin mo rin akong Grampy ang that's an order!"

Utos ni Gene.

Wala syang problema kay Mel, mabuting tao at napaka responsable, saka, tyak nyang mahal na mahal nito si Kate, bagay na mahirap ng hanapin ngayon.

Malakas ang personality ni Kate at maraming naiintimidate sa kanya.

Imagine beauty and brain.

At yung ibang kalalakihan naman gusto lang syang maging trophy wife.

Hindi katulad ni Mel, tanggap nyang mas magaling si Kate sa kanya at handa syang mag pa alipin dito.

Gaya nya, sa asawa nyang ginigiliw nya.

"Yes po Grampy!"

Sabay saludo ni Mel na ikinatuwa ni Gene.

"Grampy, paano nyo po nalaman na andito kami?"

"Sa Mommy mo! Nagaalala sya kaya pinapunta nya ako! Gusto nyang sumama kaya lang may kutob syang, pinapasubaybayan ni Jaime ang bawat kilos nya!"

Nakaramdam ng lungkot si Kate at uminit ang mga mata.

Napansin ito ni Mel kaya binago nya ang topic.

"Wow, Grampy, ang ganda ng chopper nyo, ang lamig sa eyes!"

Sabi ni Mel.

"Nagustuhan nyo ba?

Para sa inyo yan, pinabibigay ni Eunice! Pero.... ipangako nyo sa akin na hindi kayo lilipad ng madilim, delikado!"

"Wow, galing kay Sissy ko yan? Ang ganda ng color .... green as in green na green!"

Bulalas ni Mel.

"Pink nga yan nung unang ibinigay, may ribbon pa! Pinapalitan ko!"

"Hahahaha!"

Tuwang tuwa si Kate sa kanila.

"Papasukin nyo nga ako at kanina pa ako nakatayo!"

Sabi ni Gene.

Pinatuloy nila si Gene pero nagulat ito sa nakita.

"Whoa! Naabutan ba kayo ng bagyo? Bakit anggulo?"

Napatingin sya sa dalawa na parehong nahihiya at sa bathrobe na suot nila.

'Tyak nyang yung bathrobe lang ang suot ng mga ito?'

'Haaay, nakakamiss talaga ang maging bata!'

"Hmmm, mukhang panay ang excercise nyo kaya ganito kagulo!"

'Excercise?'

'Ahhh, yun pala ang ibig sabihin ng exercise!'

Sabi ng isip ni Kate ng maalala ang mga araw na nakatira pa sila ni Eunice sa Old Mansion.

"Girls, go to your bed at walang lalabas! Mageexercise kami ng Granny nyo!"

Yun ang laging sinasabi sa kanila ni Gene.

Hindi na inantay ni Gene na sumagot ang dalawa.

"Bueno, bilisan nyo na at magayos na kayo! Mukhang marami pa kayong aayusin!"

Tumalima naman ang dalawa.

At habang nagaayos, nakikipagkwentuhan naman si Gene sa kanila sa mga nangyari simula ng nagtanan sila.

Samantala.

Habang busy sa pakikipagkwentuhan si Gene sa dalawa, si Jaime palabas na ng airport at sinalubong sya ng taong magdadala sa kanya papunta sa private resort kung saan naroon ang tatlo.