"Brod, ilang oras ba mula dito yung private resort?"
Tanong ni Jaime sa inupahan nyang lalaki na sumalubong sa kanya.
"Mga apat na oras po Sir nasa pantalan na tayo tapos 20 to 30 minutes pa po ang lalakbayin natin sa bangka!"
Sagot sa kanya.
'Medyo may kalayuan pa pala!'
"Brod, pwede bang makarating tayo dun ng mas mabilis?"
"Pwede naman po siguro, Sir!"
"Good!"
'Konti na lang makikita ko na rin kayo, Kate at Mel. Mag handa na kayo!'
'Pupulbusin ko yang lalaki na yan sa harapan mo Kate, para makita mo na walang silbi yang at hindi lalaki yang tao na yan na gusto mong pakasalan!'
'Ipaiintindi ko sa'yo ang dahilan kaya hindi sya karapat dapat sa'yo!'
*****
Sa resort.
"Grampy maliligo lang po kami ni Melabs ko!"
Sabi ni Kate.
"Sabay kayo?"
Tanong ni Gene.
"Eh, opo! Para po mas mabilis!"
Sagot ni Mel.
Napataas ang kilay ni Gene.
'Sinong niloko ng dalawang 'to! Mapapabilis daw!'
"Hindi! Lalo kayong magtatagal pag nagsabay kayo! Maglalandian lang kayo!
Kate, mauna ka na at ikaw naman lalaki, tulungan mo akong magligpit ng mga kinalat nyo!"
'Lintek na dalawang ito, akala nila maiisahan ako!'
'AKO PA! Si Gene yata ito!'
'Mas malandi ako sa inyo, anuh!'
Walang nagawa ang dalawa kundi nagkatinginan na lang at saka sumunod!
'Haaaisst! si Grampy talaga kainis!'
'Akala ko pa naman makakapag dessert ulit ako! Hmp!'
Napakamot na lang sa ulo si Mel.
*****
"Eh, Sir, may itatanong lang po ako!"
Tanong ng inupahang lalaki ni Jaime sa kanya, habang binabagtas nila ang kahabaan ng main road papuntang pantalan kung saan naroon ang bangkang sasakyan nila.
"Diba sabi ko, ayaw ko ng maraming tanong!"
Sagot ni Jaime.
"Pasensya na po Sir, pero gusto ko lang pong sabihin na sobrang higpit po ng may ari ng private resort na yun, baka po kasi ...."
Naintindihan ni Jaime ang ikinababahala ng lalaki. Kinakabahan itong baka makasuhan ng trespassing kung walang pahintulot ng may ari ng property.
"Natatakot lang po ako Sir, ayaw ko pong makulong! Kawawa po ang pamilya ko, maliliit pa po ang mga anak ko!"
Halata sa tinig nito ang sobrang kaba.
Batid nyang walang permiso ang pagpunta nila sa private resort. Wala kasing nagaarkilang bangka papunta dito dahil may sariling yate at speedboat ang resort.
Tinanggap nya lang ang trabahong ito dahil sa may sakit ang isa sa mga anak nya at kailangan, kailangan nya ng pera pampa ospital ng bata.
"Huwag kang magalala, hindi kita isasama pagpasok ko ng resort. Ako lang magisa ang baba, at maiiwan ka sa bangka!"
Nakahinga naman ng maluwag ang lalaki at nag concentrate na sa pagmamaneho para makarating agad sila sa pantalan.
*****
Sa resort.
"Ano 'to? Soup?"
Tanong ni Gene kay Mel ng makita ang niluto ni Kate.
"Uhm... "
Ito lang ang naisagot ni Mel
"Sinong nagluto, si Kate?"
Tanong pa ni Gene.
'Grabe 'tong si Grampy General, tanong nya sagot nya!'
Tumango lang si Mel at nakangiti habang tinitingnan ang niluto ni Kate.
"Ito ba ang lunch nyo? Masarap ba?"
Tanong pa ulit ni Gene, na halatang naghahanap ng mapapagusapan ng dalawa.
Hindi kasi masalitaing tao si Gene. Man of few words, ika nga.
"Opo Sir Grampy General! Masarap po!"
Buong pagmamalaking sagot ni Mel.
"Sigurado ka?"
Tanong na may pagdududa ni Gene.
"Opo naman, Sir Grampy General, sigurado po ako! Si Kate MyLabs po kaya ang nagluto nyan!"
"Eh, bakit hindi naubos kung masarap? Mukha pa ngang hindi pa nababawasan oh!"
"Eh, kasi po Sir Grampy General, nilantakan po kasi ni Kate yung ..... dessert! Hehe!"
"Ano bang dessert yan at mukhang saksakan ng sarap? Pahingi nga ako ng matikman!"
Napalunok si Mel.
"Eh, sinaid na po kasi ni Kate MyLabs! Hehe!"
Namumulang sabi ni Mel.
*****
Pagkatapos maligo ni Kate, si Mel naman ang sumunod.
Maayos na ang mga kalat at naligpit na lahat kaya ang mga gamit na lang nila ang aayusin ni Kate.
"Siguraduhin mong wala kayong maiiwan!"
Bilin ni Gene.
"Yes, Grampy!"
"Sa mga ngiti mo, hindi maikakailang masaya ang apo ko!"
"Opo Grampy, sobrang saya po ako, thank you po at hindi kayo galit sa ginawa namin!"
"Hindi ako galit dahil alam kong mahal na mahal ka ng batang yun! Yun naman ang mahalaga, ang nagmamahalan kayong dalawa!
At isa pa, alam ko naman ang dahilan kung bakit nyo kailangan gawin ito.... dahil sa praning na tatay mo!
Hamo pag nagkita kami hahambalusin ko ng baston ng matauhan ng konti!"
Naintindihan ni Kate ang ibig sabihin ng Lolo nya.
Kabisado nya ang Daddy nya at alam nyang takot ito sa anino ng nakaraan nya kaya napapraning.
"Saan ba kayo tutuloy ngayon, pag alis nyo dito?"
"Sa Australia po sana, for honeymoon!"
"Hindi pa ba honeymoon ang ginagawa nyo dito?"
"Grampy naman eh!"
"Well, magiingat kayo at babalitaan nyo ako pag dating nyo dun! Ikaw na ang magmaneho ng chopper papuntang airport!"
"Pero paano po kayo, Grampy? Akala ko po ihahatid nyo kami papuntang airport!"
"Hindi na, may kailangan pa akong ayusin dito bago umalis, kaya mauna na kayo. Yung bangka nyo na ang gagamitin ko paalis dito!"
Nakaramdam ng lungkot si Kate, inakap ang lolo nya.
"Oh, hindi pa kayo umaalis nalulungkot ka na dyan, hindi pa nga tapos itong nililigpit mo!"
Pero lalong siniksik ni Kate ang mukha nya sa dibdib ni Gene. Hindi nya mapigilan ang maiyak.
*****
"Sir, andito na po tayo sa pantalan!"
Masayang masaya ang lalaki dahil nakarating sila ng mas maaga. Tatlong oras lang ang byahe nila.
"Tara na!"
Sabi ni Jaime.
Akala ng lalaki ay matutuwa si Jaime sa kanya.
'Mukhang nagmamadali talaga ang taong 'to!'
Hindi nya kilala si Jaime, ni hindi nito alam na sundalo ito.
"Dito po tayo Sir! Andito po ang bangka ko!"
Ang bangkang tinutukoy nya ay hindi kanya, hiniram nya lang.
Pagkaraan ng 20 minutes, nakarating na sila ng private resort pero hindi sya dinala ng lalaki sa harapan, sa may pampang, bagkus ay sa likod sya dinala kung saan matarik at mabato.
"Andito na po tayo Sir!"
"Bakit dito? Andun pa yung pampang sa harap!"
"Sir, hindi po ako pwedeng makalapit sa pampang bawal na po duon, hanggang tubig lang po ako. Kaya mas minabuti pong dito ko kayo dinala. Bihira po ang nagbabantay dito, matarik po kasi mahirap akyatin!"
Bumaba na si Jaime sa isang bato.
"Sir, maiwan ko na po kayo baka po may makakakita sa akin dito. Mamya po, senyasan nyo na lang po ako, andun lang po ako sa tubig magaantay sa inyo!"
Walang nagawa si Jaime dahil umalis na ang bangka para magtago.
*****
"Masarap din pala itong soup!"
Sabi ni Gene ng makitang ang dalawa, ibinababa ang mga gamit nila.
"Grampy, Mechado po yan hindi soup!"
"Okey, Mechado soup! Hehe!"
Biglang tumunog ang phone ni Gene, may nag text.
"Mukhang kailangan na nating mag madali. May nakakita sa Daddy mo sa may pantalan!"
Nataranta bigla ang dalawa.