DHOG! DHOG! DHOG!
"Kate MyWifeyLabs, baka masira mo na yang pinto."
Paalala ni Mel sa asawa.
"Ayaw kasi nilang buksan HubbyLabsKo. Kanina pa ako kumakatok."
Sagot ni Kate.
Nang sabihin ni Nurse Chen kung saan naroon ang Head Director, natyak na nya na iisa ang iniisip nya at ang tinutukoy ng nurse.
Agad itong lumusob kasama si Mel para alamin kung bakit tila wala itong pakialam sa sitwasyon ng lolo nya.
Mainit na ang ulo ni Kate pero nagagawa nyang kumalma dahil nasa tabi nya si Mel ang HubbyLabs nya.
Pagdating sa sinabing silid, nakarinig sila ng ingay at halakhak sa loob kaya tyak nilang may mga tao kaya kumatok agad sya.
Pero biglang nawala ang ingay.
Kumatok ulit sya, ngunit walang nagbubukas.
'Bakit kaya?'
Nagtatakang tanong ni Mel pero mukhang alam na ni Kate ang sagot.
Nagtatago ang mga nasa loob at ayaw syang harapin.
Makailang ulit na syang kumakatok pero hindi pa rin sya pinagbubuksan, kaya paa na ang ginagamit nyang pangkatok. Masakit na kasi ang mga daliri nya.
"Kate MyWifeyLabs, kung may tao dyan sa loob, ibig sabihin ayaw nila tayong pagbuksan? Ibig sabihin ayaw nila tayong kausap?"
"Tama, HubbyLabsKo, kaya there no other way but to do this! Pero urong ka ng konti baka matamaan kita HubbyLabsKo."
Pagka urong ni Mel malapit sa likod ng asawa, sunod sunod na sinipa ni Kate ng malakas ang pinto hanggang sa bumigay ang lock nito.
"Ayan bukas na! Hehehe!"
Tuwang tuwang sabi ni Kate.
'Halah sya, nabuksan nga nya!'
'Jusmiyo 'tong WifeyLabs ko, ang lakas sumipa!'
"What the hell are you doing?!"
Singhal ni Dr. Gonzales ng magiba ang lock ng pinto at bumukas ito ng kusa.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong nyan?
What the hell are you all doing here, while there's an emergency patient that needed your care?"
Tanong ni Kate sa tatlong duktor na parepareho ang expression ng mukha.
Inis.
Napakunot ang kilay ng tatlo sa sinabi ni Kate.
'Sinong bastos na 'to na akala mo kung sinong basta basta na lang maninira ng gamit at saka kumukwestyon kami?'
"Teka lang Miss...."
Sabi ng isang heart doctor.
"Misis!"
correction ni Kate
"Huh?"
"Mrs. Kate de Guzman."
Tila kinikiliti si Mel ng magpakilala si Kate gamit ang apelyido nya.
'Ayeeeiii! Kakilig naman. Bagay sa name nya ang apelyido ko. Hihi!'
"...Mrs. Kate de Guzman. But who gave you the right to just get in without permission?"
"Permission? Why?
Is this how you welcome your new boss?"
Sagot ni Kate sa nagtatanong
Napataas ang kilay ng tatlong duktor.
'Anong pinagsasabi nitong new boss?'
Napatingin ang dalawang heart doctor sa Head Director.
Nagkunwari itong walang alam at nagkibit balikat lang.
"Isa ka ba sa heart doctor na ipinatatawag ni Dr. Santiago to assist the patient? Doctor Santy or Dr. Alonso?"
"Kilala mo kami?"
"Natural, boss nyo ako alangan namang hindi ko kayo kilalanin?"
'Wow, ang cute ni Wifey ko!
Boss na boss na talaga! Hihi!'
"Nagpapatawa ka ba Miss .... I mean Mrs. de Guzman?"
"Do I look like I'm joking to you?"
At ipinakita nito ang kwintas na ibinigay ni Don Miguel sa kanya.
"Ang kwintas na ito ang simbolo ng Elite Group. Ipakita mo ito sa kanila para makilala ka nila."
Sabi ni Don Miguel habang isinusuot kay Kate ang kwintas.
Dalawa lang ang alam ng mga naroon na may ari ng kwintas, si Don Miguel at Donya Isabel.
Kaya paano ito napunta sa babeng ito?
Tanong ng isip nila.
"Totoo ba yan?"
Tanong ni Dr. Alonso.
"Aba malay ko!"
Sagot ni Dr. Gonzales.
'Mga bwisit na 'to tumatakbo ang oras at kailangan na sila ni Grampy pero ang iniisip pa rin ay kung totoo ito o hindi!'
"Wala akong pakialam kung naniniwala kayo sa authenticity ng kwintas na ito. Isa lang ang tanong ko, may plano ba kayong sumunod sa operating room para iassist si Dr. Santiago o wala?"
Nagkatinginan ang dalawa.
Alam nilang negligence sa part nila pag hindi sila tumugon pero, anong magagawa nila kung mismong Head Director ang naguutos sa kanilang huwag bigyan pansin ang request ni Dr. James?
"Kung ano man ang dahilan namin wala ka ng pakialam dun Mrs. Kate de Guzman. Busy kami kaya makakaalis ka na!"
Sabi ni Dr. de Guzman.
"Saka..... sigurado ka ba na original yang kwintas mo?"
Dugtong pa nito.
Napatingin si Kate sa kwintas.
'Sabi ni Lolo Miggy ipakita ko lang daw 'to at mapapasunod ko na sila!'
'Haaay si Lolo Miggs talaga!'
Pero ngayon pa ba sya susuko?
Nasa panganib pa rin ang buhay ng lolo nya at tumatakbo ang oras.
Tiningnan nya ng matalim ang tatlong duktor.
Mukhang kahit anong gawin at sabihin nya hindi sya pakinggan ng mga ito.
Useless ng makipagusap.
"I'm giving you one last chance and this is the last chance I'm giving you. Pag hindi ko kayo nakitang nag assist kay Dr. Santiago, huwag nyo akong sisisihin sa gagawin ko sa inyo."
Sabi ni Kate sa tatlong duktor sabay talikod.
Humabol naman agad si Mel kay Kate, at ng maabutan hinawakan nito agad ang kamay ng asawa.
Batid ni Mel na umuusok na sa galit ito.
Ikinatuwa ni Kate ang ginawa ni Mel, tila binuhusan sya ng tubig, napakalma nito ang nagaalburuto nyang damdamin.
*****
Kate what are you doing here?"
Nagulat si James ng biglang pumasok ang kapatid nya sa operating room na naka surgical gown.
"Assisting you."
Sagot ni Kate.
"Wala kang alam sa surgery."
"Kuya James, duktor din ako!"
"Pathologist ka hindi ka surgeon!"
"Duktor pa din ako Kuya at may alam pa rin ako sa ginagawa mo!"
Toktoktok!
Gulat sila ng may tumutuktok sa pinto ng surgery sa parteng salamin nito.
"Pwede ba mamaya na kayo magbangayan dyan, baka magising sa inyo si Grampy General, batukan kayo pareho!"
Sigaw ni Mel para marinig nila.
Napa buntunghininga ang magkapatid.
"So, mukhang wala ka ding nagawa dun sa tatlong duktor."
"I'll deal with them later. Meron ka bang ibang heart doctor na pwedeng tumulong sa'yo? Wala kasi akong tiwala sa dalawang yun!"
"Meron, pero wala sya dito sa IDS nasa labas."
"Magiging okey ba si Grampy? Mahihintay ba nya ang duktor?"
"Huwag kang magalala, gagawin ko ang lahat para maging okey sya."
Pangako ni James.
Naging matagumpay ang operasyon sa brain ni Gene at ang sa puso na lang ang problema.
Pero ni isa sa mga tatlong duktor, walang dumating.