Tapos na ang operasyon at saka lang nagpakita ang Head ng ospital na si Dr. Gonzales.
"Hmmm, mukha namang okey ang resulta ng operasyon."
Sabi nito habang binabasa ang chart ni Gene.
Nasa isang ICU room si Gene para mamonitor maigi ang kundisyon nito.
Hindi pa rin sigurado si James sa lagay ng puso ng lolo nya, minsan na rin kasi itong inatake at ngayon mukhang nahihirapan ng husto ang puso nito.
Mabuti na lang at dumating si Kate at kahit papaano ay na iguide sya para hindi lumala ang sitwasyon.
Hindi man surgeon si Kate, pero may karanasan ito sa pag autopsy ng bangkay gawa ng trabaho nya sa special task force. Kaya kahit papaano may alam sya sa kundisyon ng puso ni Grampy Gene.
'But still kailangan pa rin syang matingnan ng specialista sa puso. Iba a rin ang kundisyon ng buhay na puso.'
'Ano kayang gagawin ni Grampy pag nalaman nyang si Kate ang tumingin sa kanya?'
'Malamang mabubulyawan kami pareho ni Kate. Hehe!'
Nangiti si James ng maisip ito.
"Director Head, nice of you to drop by."
May pagka sarkastikong sabi ni James ng makita si Dr. Gonzales sa ICU.
Alam nyang sinadya nitong pigilan ang dalawang heart doctor na iassist sya sa operation.
Kung ano man ang dahilan ng taong ito, malalaman din nya.
"Ako ang Head ng ospital na ito, alangan namang pabayaan ko ang espesyal na pasyenteng ito."
Sabi ni Dr. Gonzales.
"Ganun ba, kaya pala wala pareho sila Dr. Santy at Dr. Alonso sa operation kahit ilang beses kong pinatawag."
Halatang may pagka inis sa tinig ni James. Nanunumbat.
"Well, wala akong kinalalaman sa actions nila. It's their choice."
Sabi ni Dr. Gonzales
"Meron ka man kinalalaman o wala, still, they are your responsibility. O baka naman nakalimutan mo na ang responsibilidad mo, Dr. Gonzales dahil busy ka sa pag fefeeling boss?"
Sabi ni Kate na kararating lang kasama si Mel at nadinig ang usapan ng dalawa.
"Oh, ikaw pala Mrs. Kate de Guzman."
Bati ni Dr. Gonzales.
"Mrs. Kate ....de Guzman?"
Nagtatakang tanong ni James sabay tingin kay Mel.
"Oy, Kuya Bayaw! Kamusta? Hehe!"
Sabay lapit ni Mel kay James at ipinapakita ang singsing nito.
'Seryoso, asawa na ito ni Kate?'
Masaya syang kinausap ni Mel habang si Dr. Gonzales ay lumapit kay Kate.
"Mabuti naman alam mo kung sino ang boss dito sa ospital, tandaan mo yan at isapuso mo, Mrs. Kate de Guzman."
Halos pabulong na sabi nito, siniguradong hindi madidinig ni James.
"Sa tono ng pananalita mo, obvious na may alam ka sa pagdating ko. Marahil ay nasabi na sa'yo ni Don Miguel ang tungkol sa promotion ko."
Sabi ni Kate
"Tama ka, nabanggit nga nya, pero .... isa kang outsider. Anong alam mo sa pamamalakad ng ospital?
So don't expect na basta basta ka na lang namin tatanggapin dito."
Sabi ni Dr. Gonzales
"Alam mo? Ibig sabihin sinadya mo ang lahat?"
Tama ka, pero may ebidensya ka ba? Kahit magsumbong ka kay Don Miguel, walang magpapatunay na sinadya ko lahat ito. Alam mo ba kung bakit Mrs. Kate de Guzman?
Dahil dito sa ospital na 'to ako ang dyos!"
At nakangiti nitong iniwan si Kate.
'Nagkakamali ka Dr. Gonzales, dahil hindi ko kailangan si Lolo Miggy para magdesisyon sa gagawin ko sayo dahil simula ngayon, ako na ang bagong boss mo!'
"Kuya, nakontak mo na ba yung heart doctor na kaibigan mo?"
Tanong ni Kate.
Hindi nya napansin si Kate dahil naaliw ito sa pakikinig kay Mel na ikinukwento ang nangyari kung bakit sila nagpakasal agad.
"Hindi pa Kate, kailangan ko pang makausap si Don Miguel para humingi ng permiso na makapasok sya dito."
Sagot ni James.
"Kuya Bayaw, no need!"
Sabi ni Mel.
"Anong no need?"
"Andyan naman si Kate MyWifeyLabs kaya na nya yan!"
Naguguluhan si James.
At nahihiya namang magsalita si Kate kaya ipinakita na lang nya ang kwintas na simbolo ng pagiging Pinuno ng Elite Group.
"Ikaw ang bagong boss? Since when?"
"Since today."
Hiyang sabi ni Kate
"Hahahaha!"
Napahalakhak si James sa tuwa.
"Bakit hindi mo sinabi agad? Kaya pala!"
Sabi ni James.
"Kaya pala?"
Tanong ng dalawa
"Kaya pala natataranta ngayon si Director Head! Alumpihit eh. Hehe!"
***
Samantala, nagiguilty naman ang dalawang heart doctor sa hindi nila pag assist kay James.
"Tama ba ang ginawa natin? Sabi sa aking assistant ko na espesyal daw ang pasyenteng dumating. Mismong si Doña Isabel ang nagpadala sa kanya dito!"
Sabi ni Dr. Alonso na gulong gulo na sa iisipin.
Hindi nila parehong alam na napaka espesyal ng pasyente dumating at ganun kalubha ito.
Busy kasi sila sa pagsipsip kay Dr. Gonzales at isa pa, hindi naman sila sinabihan ng Director Head tungkol sa pasyente kaya paano nila iisiping ganun pala ito kaespesyal.
Nakarating kasi ang balita sa IDS Hospital na may malubhang sakit si Don Miguel at malapit na itong mamatay kaya binabahagi na nito ang ariarian nya.
At maraming nagsasabi na may posibilidad na ipamana ni Don Miguel ang ospital kay Dr. Gonzales.
Malaki kasi ang tiwala sa kanya ni Don Miguel.
At dahil dito kaya marami ang sumisipsip kay Dr. Gonzales at ang dalawang duktor na ito ay isa sa mga iyon.
"Pero anong gagawin natin kung mismong si Director Head ang ayaw na makialam tayo!"
Sagot ni Dr. Santy.
Hindi na kailangan sabihin ng head ng ospital ang intensyon nito, naintindihan nila ang dahilan kaya sila pinatawag ni Dr. Gonzales kahit na sinabi nilang may operasyon sila.
Obviously ayaw nitong makialam sila at syempre dahil kailangan nilang sumipsip kaya nanatili sila sa opisina nito.
Kaya nagulat sila ng malaman na malala pala ang kundisyon ng pasyente. Naguilty tuloy sila.
"Paano kung makarating kay Don Miguel ang nangyari. Nakakahiya! It's a negligence in our part!"
Sabi ni Dr. Alonso.
"Buti pa puntahan natin ang pasyente, pwede pa natin maayos ang negligence na ito."
Sabi ni Dr. Santy.
Pero hindi nila magawang makapasok sa buong ICU floor dahil ipinagbabawal.
*****
Sa isang abandonadong pabrika.
Walang kamalay malay ang mga sindikato na pinalilibutan na sila ng mga tauhan ni Jaime.
Hindi sya pumayag na sumama ang grupo nila Chief Morales matapos malaman ni Jaime ang ginawang trato ng tauhan nito sa asawang si Nadine.
"General, sabi ni Dave, pangatlong lipat na raw ng hideout ang mga sindikato at mukhang may plano na na namang lumipat."
Sabi ni Capt. Suarez.
At itinuro nito ang mga naghahandang vehicle na nakahelera.
"Ibig sabihin, wala na tayong oras, so men, get ready!"
Utos ni Jaime.
Sa hudyat ni Jaime, tahimik nilang napasok ang hideout.
Nagkagulo ang lahat.
Nataranta ang mga member ng sindikato na naroon dahil sa biglaan nilang pagpasok.
Hanggang sa masupil ng mga sundalo lahat ng mga naroon na member ng sindikato.
Pero, hindi nila makita si Khim.