Tita Mo Sya?

Galit na hinarap ni Jaime ang kasama ni Capt. Suarez na syang naiwan para bantayan ang sindikato.

"Anong nangyari, Gomez, bakit wala duon ang anak kong si Khim? Akala ko ba mahigpit mong sinundan ang mga kilos nila?"

Hawak ni Jaime ang kwelyo ni Gomez sa sobrang inis nito.

"W-Wala duon si Ms. Khim? Paanong .... "

Nagtataka sya, nagiisip sa mga nangyari simula ng sundan nya ang mga sindikato.

Tatlong beses lumipat ng hideout ang mga sindikato. Pangatlo na ito.

Bawat lipat ibinababa nila ang mga babae, after two hours isasakay ulit nila yung mga babae sa van para lumipat ng panibagong hideout.

Paulit ulit itong nirerewind ni Gomez sa isip. Iniisip kung saan sya nalusutan.

"Gomez, sigurado ka ba?, nakita mo ba si Khim nung naglilipat?"

Tanong ni Capt Suarez.

Napatingin si Gomez, hindi sya sigurado dahil hindi naman nya nakikita ang mga babae sa dami ng nakapaligid na nagbabantay. Basta alam nya lang isinasakay muli ang mga babae sa van.

"Ibig mong sabihin may posibilidad na naiwan sa isa sa mga hideout ang anak ko?"

Tanong ni James.

"General, may kailangan kayong makita."

Sabi ng isang subordinates nya.

Agad itong sinundan ni Jaime dahil mukhang napaka halaga ng gustong ipakita nito.

Dinala sya ng subordinate nya sa isang silid na may magandang dekorasyon at may computer at camera.

"Bakit nyo ako dinala dito?"

Nagtatakang tanong ni Jaime sa subordinate nya.

"General, meron kayong dapat malaman tungkol sa babaeng niregalo namin sa inyo."

"Pwede ba Major, this is not the right time for that!"

Pakiramdam ni Jaime inaaksaya ng subordinate nya ang oras nya.

"General, makinig muna kayo, itong setting na 'to, ganitong ganito ang background nung araw na namili kami ng babae para iregalo sa inyo!"

"A-anong ibig mong sabihin ....?"

"Sir, malamang ang kumidnap sa anak nyo ay ang mismong sindikato rin na kinontak namin nuon sa internet. At kaya wala rito ang anak nyo ay malamang napili na sya!"

Binalot ng takot si Jaime.

Naalala nya ang babaeng iniregalo sa kanya.

Napaluhod si Jaime.

'Jusko, huwag naman po sana. Nakikiusap po ako, huwag nyo pong hayaang ang anak ko ang magbayad sa kamalian nagawa ko!'

Naiiyak na dasal ni Jaime.

Ito ang unang beses na nakaramdam sya ng pagsisi sa nangyari dun sa babaeng iniregalo sa kanya.

Nuon, hindi sya nagsisisi dahil wala naman syang kinalalaman sa kidnapping sa babae. Inihain lang ito sa kanya.

Kung meron man syang kasalanan yan ay sa asawa nya dahil naging unfaithful sya.

Ngunit ngayon ..... ngayon na may posibilidad na mangyari kay Khim ang nangyari sa babae, nakaramdam sya ng pagkainis sa sarili.

*****

Samantala.

Nagmamadaling umuwi si Nadine sa Little Manor para makausap ang pamangkin nyang si Eunice.

Si Eunice ang kasalukuyang mayor ng bayan na iyon, ang bayan ng San Miguel.

"Eunice, baby girl, I need your help!"

Nangingiyak na sabi ni Nadine sa pamangkin.

'Grabe 'tong Tita ko, 'baby girl' pa rin talaga?'

"Tita Nadine, bakit po? Ano pong problema, bakit kayo umiiyak?"

"Eunice, si Khim! Huhuhu! Kinidnap si Khim at kailangan ko ang tulong mo para mahanap sya so please! please! pleeeaaase!"

"What? Bakit hindi nyo po inireport sa pulis?"

"Kanina pa nireport ni Ken pero hindi sya pinansin kahit na dala nito ang lalaking nag stalk sa pinsan mo! Tapos ang sabi baka naglakwatsa lang daw ang anak ko kaya hindi nila hinahanap!"

Hindi makapaniwala si Eunice.

'Ganito ba ka iresponsable ang mga pulis sa San Miguel?'

'Sayang naman ang ibinibigay kong bonus sa kanila!'

Agad na lumusob si Eunice, nagtungo sya mismo sa presinto para personal na alamin kung ano ang development ng kaso ni Khim.

Nang mga sandaling iyon ininterogate ni Chief Morales ang manugang nitong si Corporal Joaquin.

Gigil na gigil ito sa inis sa manugang nyang ito dahil sa kanya nasira ang pangalan nya at ng presinto.

"Robert, anong masasabi mo sa ginawa mo?"

Tanong ni Chief Morales

"Papa, hindi ko naman po alam na asawa pala ng general yung babaeng yun."

"Ang ibig mong sabihin, kung alam mong asawa sya ng general saka mo lang sya aasikasuhin?"

"Syempre naman po, general yun eh! Hehe! Kaya huwag na po kayong magalit, hindi ko naman po talaga sinasadya. At yung tungkol sa picture .... hangang picture lang po talaga yun, hindi po ako seryoso sa babaeng yun. Never ko pong niloko ang asawa ko. Wala po akong kasalanan, biktima lang po ako ng pagkakataon."

Ani Corporal Joaquin.

"Talaga? Biktima ka lang? Pero sabi nung lalaking binitbit ng bodyguard, inabutan ka raw nya pera kanina para hindi mo sya ipasok sa selda at sa sobrang tuwa mo daw ay IKAW pa daw mismo ang nagturo sa kanya kung paano sya makakaligtas sa kidnapping case na 'to.

Ito ba ang dahilan kaya binalewala mo ang hinaing reklamo ng bodyguard?"

Sabi ni Chief Morales.

"Papa, hindi po ako nanghingi ng suhol, kusa nya pong inabot ang pera sa akin. Maniwala kayo, hindi ko kinuha ang pera.

Pero mapilit po sya, katunayan, sya pa mismo ang naglagay sa bulsa ko ng pera.

Saka .... nagsabi lang ako ng pwedeng mangyari sa kanya dahil nagtatanong sya pero, hindi ko sya tinuturuan!"

Pagdadahilan ni Corporal Joaquin.

Pakiramdam ni Chief Morales, matutuyuan sya sa manugang nyang ito.

"Papa, palabasin nyo na po ako, inaantay na po ako asawa ko, ng anak nyo."

Nanggigil na sya sa manugang nya gusto na nyang sapakin buti na lang bumukas ang pinto.

"Chief, andito po si Mayora, hinahanap kayo."

"Si Mayora? Bakit? Anong ginagawa ni Mayora dito?"

Nagtatakang tanong ni Chief

"Andun po sya sa opisina nyo."

Nagmamadaling lumabas ng silid si Chief Morales at hindi nya namalayan na nakasunod pala sa kanya ang manugang nya.

Walang sumita kay Corporal Joaquin dahil kasama ito ni Chief Morales. Nagkaroon tuloy sya ng pagkakataong makalabas ng presinto.

Nagmamadali itong lumabas habang busy ang biyenan hindi nya tuloy namalayan ang paparating na si Nadine.

Nabangga nya ito dahil hindi sya nakatingin.

"Ano ba Miss, huwag ka ngang hahara hara sa daan, tumingin ka nga sa dinaraanan mo!"

Singhal nito.

"Ikaw itong hindi tumitingin sa dinaraanan mo tapos ikaw pa ang galit? Anong klase kang police officer? Wala kang respeto sa mga tao higit sa lahat sa mga babae!"

Sabi ni Nadine.

Nagulat si Corporal Joaquin ng makitang si Nadine pala ang nakabangga nya.

"Ikaw na naman Misis ng general, pasensya na hindi ko kayo maiistima at off ko na."

Sabay alis ni Corporal Joaquin.

'Pasalamat sya at nagmamadali ako. Kailangan kong makarating agad sa Bebeko!'

Hindi na binigyan ng atensyon ni Nadine ang taong ito at nagmamadali syang puntahan si Eunice..

Iniwan kasi sya ni Eunice sa bahay, kabilin bilinan nito na huwag ng sumunod at manatili sa bahay pero ..... nagaalala sya kay Khim.

***

"Chief, alam nyo po ba kung saan yung sinasabing hideout ng mga sindikato?"

Tanong ni Eunice.

Hindi maintindihan ni Chief Morales kung bakit ganito ka interesado si Mayora sa kaso na ito.

"Opo Mayora alam ko, pero nadinig kong lumipat daw ng hideout bago sila umalis."

Sabi ni Chief Morales.

"Alam nyo po ba kung saan lumipat ang mga ito?"

Tanong ulit ni Eunice.

Simula ng dumating ito, sunod sunod na ang mga tanong sa kanya ni Eunice.

"Nadinig ko lang po na pinaguusapan nila General yung lugar sa may Cavite."

Sagot ni Chief

"Kung ganun, tipunin nyo ang magagaling nyong pulis! Lulusob tayo sa hideout!"

"PO?! .... pero, utos po ni General Santiago na ayaw nya kaming mainvolve."

Biglang bukas ng pinto.

"Eunice, ano ng balita? Hinahanap na ba nila si Khim ko?"

Puno ng pagaalalang tanong ni Nadine sa pamangkin.

"Yes Tita, may lead na po at papunta na po kami duon."

'Tita?'

'Kami?'

Naguguluhan na si Chief Morales.

"Syanga po pala, Chief Morales, Tita ko po si Nadine Santiago."

"T-Tita mo sya? Paanong ....?

Kelan pa?"