Hindi alam ni Eunice kung nagpapatawa ba o hindi si Chief Morales sa tanong nya, pero sinagot pa rin nya ito.
"Since birth."
"Marahil ay sa katarantahan ng makita muli si Nadine at malamang tyahin pala ito ni Mayora, kaya naitanong iyon ni Chief Morales.
'Syet, ang istupido ko!'
'Bakit ko ba naitanong iyon?'
Hindi nya kilala si Nadine at sure syang ngayon lang nya nakilala ito. Malamang yung tatay nyang dating Chief dito nakilala sya.
Saka, hindi naman napagkikita ang ibang family member ni Eunice sa kampanya nya, usually ang mother at father lang nya.
"Alam nyo na kung nasaan ang anak ko? Magaling! Tara na, puntahan na natin. Sasama ako!"
Puno ng pag asang sabi ni Nadine.
'Sasama?'
Nagulat si Eunice at si Chief
"Pero Tita Nadine, hindi po pwede! Hayaan nyo na lang pong ako ang sumama sa kanila, delikado po!"
Nagaaalalang sabi ni Eunice.
"At anong gusto mamatay ako sa pagaalala? HINDI! Sasama ako sa ayaw at sa gusto nyo!
At isa pa, ikaw ang mayor diba mas delikado sa'yo kung sasama ka!"
Singhal ni Nadine
May katwiran naman si Nadine.
'Anggulo ng magtyahin na 'to. Anong sasama sila? Saan?'
Gulong gulo si Chief Morales.
"Teka, teka lang po!"
Sabat ni Chief sa magtyahin.
"Bakit?"
Sabay na tanong ni Eunice at Nadine.
"Ang ibig nyo po bang sabihin, gagawa tayo ng sarili nating rescue mission?"
Tanong ni Chief Morales.
"Alam mo Eunice, may pagka slow ang mga pulis mo."
Sabi ni Nadine
Medyo na hurt si Chief sa sinabi ni Nadine
"Napansin ko nga po Tita. Mukhang kailangan nila ng training para tumalas ang isipan nila."
Sang ayon ni Eunice.
Mas lalong na hurt si Chief Morales sa sinabi ni Eunice.
'Grabe naman si Mayora, in my face talaga, sabihin na slow kami!'
"Eh, Mayora, hindi naman po sa mabagal, kaya lang po kasi mahigpit po kaming pinagbawalan ni General na sumama sa rescue mission para sa anak nyang si Khim."
Pagpapaliwanag ni Chief Morales.
"Chief Morales, hindi naman tayo sasama, gagawa tayo ng sarili nating rescue mission!"
Paliwanag ni Eunice
"Tama, Chief, wala akong tiwala sa asawa ko!"
Sabi ni Nadine
"Okey po, pero kailangan nyo po ba talagang sumama? Both of you?"
Tanong ni Chief Morales.
"Syempre Chief, balita ko tatamad tamad daw ang mga pulis sa station na 'to kaya gusto kong sumama. Gusto kong masiguro na hindi totoo ang nabalitaan ko!"
Sabi ni Eunice.
"Tama at isa ako sa witness sa katamaran na yun kaya ako sasama. Gusto kong makasiguro!"
Sabi ni Nadine.
'Naman, bakit hindi na lang nila sinabing wala silang tiwala sa mga pulis dito.'
Nang hindi sumagot si Chief Morales, muling nagtanong si Eunice.
"So ano Chief, sasama ka ba sa rescue mission o kami na lang ang susugod duon sa hideout?"
"Huwag kang magalala Chief, akong bahala sa asawa ko!"
Sambit pa ni Nadine.
'Bakit ba mas lalo akong nagaalala sa sinabi nya?'
Walang nagawa si Chief Morales, galing kay Mayora ang utos sino ba sya para humindi?
*****
Kasama ang limang magagaling na tauhan ni Chief Morales, si Mayora at ang dalawang bodyguard nya, pati si Nadine at ang bodyguard nito, nagtungo sila sa hideout sa isang luma at abandonadong pabrika sa Laguna.
Syempre, kasunod nila ang mga shadow guard ni Eunice.
Pagdating duon, nagtataka sila kung bakit wala duon ang mga rescue team nila Jaime.
"Chief, sigurado ka ba na dito yung hideout? Bakit wala ang ibang rescue team?"
Tanong ni Mayora.
"Ito po yung nadinig kong lugar at mukhang dito lang naman may ganitong pabrika."
Pinagmasdan nila ang paligid. Tahimik. May tatlong nagbabantay sa labas at mukhang isa lang ang daraanan papasok.
Ang malaking pinto na binabantayan ng tatlo.
"Mayora sa tingin ko, nagkamali ako ng dinig baka hindi rito. Mukha pong walang tao sa loob o bakas na ginawa itong hideout.
Mas mabuti po sigurong umatras na tayo bago nila tayo mapansin."
Sabi ni Chief Morales.
Hindi agad sumagot si Eunice nagiisip.
"Chief, gusto kong makasiguro. Kailangan natin malaman kung andyan nga sa loob si Khim o wala."
Hindi nya maintindihan pero masama ang kutob nya.
Naiinis ang isang pulis sa sinabi ni Mayora.
"Anong gusto nya, pumasok tayo sa loob at makipag hello para malaman natin kung andun nga ang hinahanap natin? Hindi ba nya nakikita, ang dilim sa loob!"
Naiinis ito na sadyang gustong iparinig kay Mayora.
"Bakit kasi pumayag si Chief na sumama yang mga yan wala naman silang maitutulong, mapapahamak pa tayo sa mga yan!"
Reklamo pa ng isa.
Nagpintig ang tenga ni Nadine.
"Chief, ano ba yang mga pulis mo, ang daming reklamo. Pauwiin mo na nga yang mga yan, mukha naman napipilitan lang sa operasyon na 'to!"
Sabi ni Nadine.
Tiningnan ni Chief ng matalim ang mga tauhan nya para manahimik.
Nanahimik naman sila pero halata pa rin sa mukha ang pagka dismaya.
Napansin ito ni Eunice.
"Okey Chief Morales, ipull out mo na ang mga tao mo at magsiuwi na kayo."
Mahinahong sabi ni Eunice.
"Yes Mayora!"
"Men let's go!"
Agad na utos ni Chief sa limang tao nya.
Hindi na ito nagdalawang isip, umalis na agad sila ng mga tao nya.
Ni hindi inalam kung sumunod ba sa pag alis nila si Mayora.
***
Pagkaalis nila Chief Morales, saka naman hinarap ni Eunice ang mga naiwan.
"Hindi tayo sigurado kung nariyan nga si Khim pero kung sakali, kaya ba natin syang irescue? Handa ba kayo?"
Tanong ni Eunice.
"Handa po kami Mayora sa lahat ng utos nyo, pero delikado po sa inyo. Hindi po kami makakapayag na lumusob kasama nyo!"
Sagot ni Lester ang isa sa kanila.
"Hindi nyo ako isasama sa paglusob, gusto nyo akong iwan dito? Hindi ba delikado rin yun?"
Sabi ni Eunice.
"Pero Eunice, paano natin matityak na nandyan nga si Khim?"
Tanong ni Nadine.
Kanina pa pinagaaralan ni Eunice ang lugar at isa lang ang naisip nya.
"Drone!"
"Huh?!"
"Simeon, pakikuha nga sa loob ng kotse yung kahon."
Utos nito sa isang bodyguard nya.
Pagbalik dala na nito ang isang maliit na kahon.
Binuksan ito ni Eunice at inilabas ang tila isang laruan na parang insekto at inilagay sa palad nya.
"Ano yan at saan galing yan?"
Tanong ni Nadine
"Ginawa po namin ni Ate Kate bago po sya naglayas. Minsan ginagamit ko po ito para makita ko kung nagtatrabaho nga ang mga staff ko.
Drone bee po ang tawag dito, may kamera sya na naka konekta sa tablet ko."
Paliwanag ni Mayora
Nakaramdam ng creepiness ang mga bodyguard nya.
'Kaya pala alam nya kung natutulog kami sa trabaho.'
Pinaandar ito ni Eunice at saka pinalipad.
Mabagal pero dahil maliit, hindi mahahalata. Para din kasing bubuyog ang tunog nito.
"Ang galing!"
Naghanap si Eunice ng mapapasukan at nakakita sya ng bintana na may basag na salamin. Duon sya pumasok.
Nagulat sila sa loob dahil hindi naman ganun kadilim ang loob.
May konting liwanag ang loob na nagmumula sa isang ilaw.
Nababalutan pala ng itim na tela ang paligid para magmukha itong madilim at walang tao.
Dalawang lalaki ang nakita nila sa loob. Ang isa ay busy sa computer at ang isa ay nasa lamesa parang may hinahandang inumin.
May inilalagay itong gamot sa inuming inihanada.
May nakita syang dalawang silid. Naghanap ng mapapasukan pero wala syang nakita.
Natapos na ang lalaki sa ginagawa nyang inumin at mukhang dadalhin nya ito sa silid.
Sinabayan sya ni Eunice pero agad na isinara ang pinto at nahagip ang drone bee.
Pero sapat na yun para magreact si Nadine.
"Juskupo!"
Nirewind ni Eunice ang video.
May babae nga sa loob ng silid pero, hindi nila nakita ang mukha.
"Si Khim! Juskupo ang anak ko!"
Bulalas ni Nadine.