Umakyat na yung dalawa ni Ley. Nonsense naman kasi talaga pakinggan ang pagtatalo ng dalawang ito eh. Jusko! Anggugulo talaga nitong mga ito oh. Saad ni Kyra sa isipan with an internal facepalm.
"Can't you stop this nonsense argument?" Nakairap na sabi ni Kyra kasi nakakairita talaga sila minsan.
"Oo nga. Magsitahimik kayo at pag-usapan na lang natin ang enrollment." Suggestion naman ni Tintin.
"Kasi tong si Jura eh!" Naka-crossed arms na maktol ni Batchi/LA.
"Ano na naman ba?" Nakasibangot namang tanong ni Jora.
"Taragis! Hindi pa pala kayo tapos?" Si Tintin naman ang nag-reklamo.
"Wow ah! May pake ka?" Tugon ni Batchi dito.
"Tsk! Mga gago talaga kayo! Ewan ko sa inyo!" Nasabi na lang ni Kyra saka padabog na umakyat. Hindi pa man siya nakaka-abot sa kalahati ng hagdanan patungong second floor ay nakarinig sila ng sunud-sunod na pag-pindot sa doorbell na tila may galit doon ang gumagawa nito. 'Takte naman oh!' angil niya sa isipan.
"Buksan niyo nga yun. Apaka-ingay. Tangna!" Reklamo ni Jora.
"Bungaga mo gago." Saway naman ni Tintin.
"Isa ka pa." Saway naman ni Batchi sabay hampas kay Tintin.
"Andyan na! Hintay!" Sigaw ni Batchi habang naglalakad patungo sa front door.
Kyra decided na huwag na munang umakyat para makita ang talipandas na nag-du-doorbell. Pagkabukas ni Batchi ng pinto ay isang malakas na sigaw mula sa gate ang narinig nilang lahat.
"SURPRISEEE!!" Masayang bati nito sa kanila.
"ROBIN?" Tila gulat na gulat na gilalas ni Jora at may pagtakip pa sa bibig niya. 'Napaka-OA talaga nitong gagang ito.' Sambit ni Kyra sa sarili.
"Anak ka ba ni OA, Jura? Kuhang kuha mo eh." Nakasibangot na saad ni Kyra sa kanya.
"Ay wala ba tayo sa teledrama?" Sabi naman nito na tatawa-tawa.
"Huy gaga! Walang ganyan. Wag kang ano!" Singhal naman ni Tintin.
"Sorry! Akin, isa. Kalma guys, kalma. Limang letra." Tumatawa niya pa ring sambit.
Hindi na itinuloy ni Kyra itinuloy ang pag-akyat at hinintay na lang makarating sa salas si Robin na kakapasok lang ng front door.
"Miss you girls!" Tili nito ng makalapit sa mga kaibigan.
"We miss you too bakla!" Sagot naman ni Batchi habang hila-hila ang luggage nung isa. Niyakap nila siya isa-isa bago sila nag-decide na maupo.
"Whose that bastard who keeps on pressing that fuckin' doorbell?" Narinig nila ang reklamo mula sa second floor kaya nilingon nila ito.
"Oops! Sorry Ley!" Naka-peace sign at nakangiting sagot ni Robin.
"Robin?" Ley asked as if confirming what she saw while raising a brow to Robin.
"Yezzum! Kakarating ko lang and I'll be here for good?" Basta dito na ako mag-aral. Sabi naman nito.
"That's great! Hirap kayang magbyahe pa ng matagal bago kami makadalaw sayo sa Paris. Jusko!" Kumento ni Batchi.
"Anyway we're talking about the enrollment earlier, right? Tanging tanong naman ni Kyra.
"Pagpahingahin niyo muna yang bata and also, help her to bring her luggages on her room." Bilin pa ni Ley bago siya nawala sa paningin nila.
"You heard the tiger. We must obey." Tatawa-tawang sabi ni Jora.
"Tumahimik ka nga. Anyway, about the enrollment. Kelan nga tayo mag-enroll?" Tanong naman ni Tintin sa kanila.
"Diba'y bukas na yun? Sandali nga! Alam niyo naman na kung saan tayo mag-e-enroll no?" Tanong naman ni Kyra sa kanila na naninigurado.
"Ay oo nga! Saan ba?" Tila walang muang na dugtong ni Jora.
Lahat sila ay hindi naiwasang titigan si Jora as if she is an insane person. Lagi talagang lutang ang walangya!
"Diba't napag-usapan na natin na sa Woollim University which is our school yung papasukan natin." Naka-irap na sagot ni Tintin.
"Talaga ba? Hala! Kailan yan?" Nagtatakang tanong ni Jora kaya napasapo na lang si Kyra sa noo niya.
"Alam mo Jura, hindi ko alam kung minsan lang ba o araw araw ka talagang tanga!" Maarteng sabi ni Batchi dito.
"Hoy Batchi magtigil ka dyan ah! Nahawaan mo lang naman ako ah?" Depensa pa ni Jora.
"Aba't! Anong Batchi ka dyan?" Iritang tanong ni LA/Batchi.
"Same as batchoy parang baboy. Tatanong ka pa eh antagal ka na naming tinatawag nun." Tumatawang sagot ni Jora.
"Kingina ka! Hampasin kita kung san dumadaong yung eroplano eh." Angil naman ni Batchi na ang tinutukoy ay ang noo ni Jora. 'Malapad naman kasi talaga ang noo ni bakla buti nga may bangs siya eh.' Natatawang sambit ni Kyra sa sarili. Natawa na lang sila pero pag nagsimula na ang bangayan nila hindi na naman sila mapipigilan.
Sigh.
"Magsisimula na naman kayong dalwa. Magpahinga na nga lang tayo." Sabi na lang ni Kyra sa kanila.
"And since both of you kept on arguing, you're both in-charge of Robin's luggages." Utos ni Tintin sa dalawa matapos nilang magtinginan at saka sila nagpaalam at sabay na tumakbo pataas.
"Mga gagong tunay." Narinig pa nilang reklamo ni Jora.
"Jura, nuna? Hampas ko itong mga to sayo eh." Reklamo naman ni Batchi sa kasama.
Mula dito sa taas ay sinilip nilang dalwa ni Tintin at Kyra ang tatlo at nang makita nilang malapit na sila ay saka nila naisipang magsipasok sa mga kwarto nila.
~•~
'Buti na lang talaga anak ako ng mayari ng school kundi medyo matatagalan kami magpa-enroll since we're all third year college/juniors already tas transfer students pa kami', saad ni Tintin sa isipan. And since they're all done, napagpasyahan na muna nila ang mag-mall saglit.
Lahat silang lima maliban kina Ley at Ice na may sariling mga mundo ay nakasakay sa BMW ni Batchi. Buti nga at kasya sila. Marunong naman kasi silang mag-drive kaso wala silang sasakyan. Exception lang si Jura sa marurunong mag-drive because she's yet to overcome her trauma which is the result of her previous car accident kung san namatay ang parents niya.
"Sama ba kayo later? Pupunta ako sa bagong bukas na bar later. Yung Stop&Clap ba yun?" Aya ni Batchi.
"G ako! Sana maraming papabols." Nakangiting saad ni Jora habang magkasalikop ang mga palad at tila kinikilig na ewan.
"Opkors kami rin. Right, girls?" Nakangiti namang sagot ni Tintin sabay ngiti sa iba niya pang mga kaibigan. Nag-thumbs up din naman ang mga ito bilang pag-sangayon bago nila sinimulang muli ang pagkain.