DEMONS X: Encounter 2.0

Pagkatapos umalis nina Ice at Ley ay itinuloy na lang nila ang pagkain ngunit bigla namang nakaramdam ng tawag ng kalikasan si Kyra. 'Bwisit naman tong pantog ko at hindi man lang nakisama,' bulong niya pa. Dali-dali siyang umalis dun sa table nila at pumasok sa mansion. 'Aish! Naliligaw pa ata ako. Ang hirap naman kasing maghanap kung kasabay nun ang pagpipigil mo ng ihi. Jusko! San ba dito ang restroom? Tanga talaga! Bakit ba di na lang ako nagpasama kay Jora!?' Patuloy na litanya ni Kyra sa sarili.

May binuksan siyang pinto pero hindi naman yun restroom. Nakarating pa siya ng second floor paghahanap. 'Aish! Wala bang CR ang bahay na to o sadyang ambobo ko maghanap? Sasabog na ang pantog ko eh!' Asar niya nanamang bulong.

May binuksan siyang room, malaki ito. Pumasok na lang siya then hinanap ang restroom ng room na yun. 'No choice aba! Bahala na kahit makita ako ng may-ari ng room na ito', sa isip-isip niya pa. Hindi niya na nga naisara ng ayos ang pinto at hinayaan itong slightly open sa kakamadali niya.

'"Uhm, sorry kung basta na lang ako pumasok? Wala kasi akong makitang restroom sa baba eh. Aish ano ba dapat kong sabihin sa may-ari ng kwarto?" Napasabunot siya sa buhok niya habang nag-mo-monologue. "Sana ito yung kwarto ni Jora para walang problema. Ang kaso pag sa parents niya ito, patay ako!" Sabi niya pa.

Kyra sighed heavily and right after finishing her business, there's someone who suddenly entered. Sabay silang napasigaw sa gulat. 'Pota! Buti nalang naitaas na ang dapat itaas. Kakahiya kung nakita niya pa ako habang hindi pa ako tapos no', saad niya sa sarili.

Nakita niya itong lumabas ng banyo kaya't naghugas siya ng mga kamay bago lumabas. Naabutan niya pang nakaupo sa kama ang hinayupak.

"Hoy bastos! Sinong may sabi sa'yo na basta ka na lang pumasok dito ha?" She yelled at him dahil sa pagka-inis. Peste!, mura niya sa isipan.

"H-ha?"Tanong nito na tila naguguluhan.

"Lumabas kana nga! Ang kapal ng mukha mong pervert ka! " Dagdag niya pa.

'He seems shocked or amazed? I don't know. Basta he seems speechless. Dapat lang! Manyak siya.' Takang pagkausap niya sa sarili.

"Look, missy. You know what, I should be the one getting angry to you right now." Nakangising niyang sabi.

"Ha! And why is that?" Taas kilay na tanong ni Kyra dito.

"Because  I can sue you for trespassing. You are here in my own room without my permission." Sagot nito. 'Tangina naman!', mura ni Kyra sa isipan. Nag-init ang mukha niya sa kahihiyan ng marinig ang mga sinabi nito.

"W-what?" Di makapaniwalang tanong niya.

Nakita niya ang pagtayo nito sabay dahan dahang lumapit sa kamiya kaya't umurong naman siya. Kura kept stepping backwards until she felt herself leaning on the wall. Nilingon niya pa ang likuran niya only to find that she's really trapped.

And when she was about to escape ay inilagay nito ang mga braso sa magkabilang bahagi ng ulo niya. Tiningnan niua pa ang mga kamay nito then pagharap niya, he's just an inch away. Nahigit niya ang paghinga dahil sa lapit ng mukha ng lalaki.

"You can't escape from me." He said in a husky voice while grinning.

"P-please. L-let me go." Kainis! Bat ako nag-stammer?, sita niya sa sarili.

"I have an effect on you honey." He grinned widely.

"Effect mo mukha mo! Let go." Nakairap niyang tugon.

"You have to be punished." Sagot naman nito habang nakatitig sa mukha ko.

"What are yo-----hmp!" Nanlalaki ang mga mata niya sa ginawa nito. Ni hindi siya pinatapos magsalita ng gago.

Before she knew it. His lips we're on hers and he's kissing her right here, right now. His lips was just put unto hers at first then she felt it moving slowly. It was her first kiss for pete's sake! But then she felt herself responding to his kisses. What the bullshit am I doing? Mura niya sa sarili.

"You responded to my kisses." Nakangisi niyang sabi when his lips left hers.

"Ha?" Nakatulala niyang tanong.

"Tangina! I've given my first kiss to a stranger?" Tanging tanong niya sa sarili.

"So it was your first kiss?" Tila na-amuse na tanong nito.

"Did you read my mind?" Tanong niya naman.

"Nope. You've said it aloud. Before I forgot, my name's Woohyun so I'm not a stranger anymore." Nakangiti pa nitong sagot habang magkalapat ang mga noo nila.

"And so?" Mataray niyang tanong.

"Your name, honey?" Tanong rin nito.

"I'll never tell you my name. You k-kiss stealer!" Maktol niya saka niya ito malakas na itinulak sabay takbo palabas. 'Bwisit! Sobrang pathetic ko naman! Nakakahiya yung ginawa ko', paglilitaniya ni Kyra sa sarili.

"Hoy! San ka galing?" Tanong sa kaniya ni Batchi.

Nagitla pa siya sa pagsulpot nito at hindi niya napansin na nasa table na pala nila siya. Nasan na kaya si Ley?, tanong niya sa sarili.

"Ah wala naman. Labas lang ako, gusto kong matulog sa car mo. Nasan pala si Ley?" Pagsisinungaling niya dahil ayaw na niyang makita ang manyak na yun sa lugar na ito.

"Ang alam ko nagpaalam na siya kay Jura kani-kanina na uuwi na siya. Try mo lumabas baka maabutan mo pa siya." Sagot naman ni Tintin.

"Thanks!" Simpleng saad niya saka nagmamadaling lumabas.

Wala pa balak umalis dito ang mga kaibigan niya but she badly need to go home. Hindi na lang siya mag-stay sa sasakyan ni Batchi. Kyra decided na habulin si Ley para makisabay pauwi. Hinanap niya kaagad ang sasakyan nito at nang makita ay dali-dali siyang humarang sa daanan dahil nakita niyang paalis na ito. It comes to a halt then Ley opens the drivers window.

"What's wrong Kyra?" Ley asked habang nakadungaw sa bintana ng kotse.

"Makikisabay lang sana pauwi?" She asked hesitantly kasi never pa naman sila nakasakay sa mga sasakyan nito. Si Ice lang kasi ang palagi nitong angkas.

"Get in." Simpleng sabi nito kaya nakangiti siyang dumiretso sa passengers seat. Buti na lang at pumayag ito.

Tahimik lang ang byahe pauwi at nang makarating sila sa bahay ay dumiretso lang si Ley sa kwarto niya at ganon din ang ginawa ni Kyra.

~•~

The party's boring saka wala naman silang masyadong kakilala, sa isip-isip ni Ley kaya after ng eighteen treasures and such ay nag-decide na siyang umuwi. Then there's Kyra who happens to have a ride with her. Well, she don't care anyway. She's already sleepy so as they got home ay dumiretso na siya sa room niya. But first she texted him that she's gonna sleep.

To: Puno

I'll sleep now Puno. You should too, and stop bothering me 'bout your issues.

From: Puno

Psh! Daya mo nman eh! Anyways gudnyt Dev.

To: Puno

Yeah goodnight.

Matapos niyang mag-reply ay pinatay na ni Ley ang phone niya not because she'll charge it. She just have a habit of turning off her phone kapag ayaw niyang naiistorbo ang tulog.

Mag-a-alas sinko na ng umaga nang magising siya. She get up from bed and did her morning rituals. And if you're wondering why she's getting up this early, well she was just used to it. Ley jog around the area then rest for a while before taking a shower.

Matapos yun ay nag-prepare na siya ng breakfast nila. It was a habit of her since she don't want anyone doing her breakfast. She was just kind enough to even made theirs. When she's done, she ate by herself because everyone is too lazy to get up this early. Hinugasan niya lang ang pinagkainan niya saka umakyat sa kwarto niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone saka ito binuhay only to find 9 missed calls and one voicemail. The time interval of the missed calls and the voicemail is 12:44 AM - 2:51 AM. It's not usual for Iscelle to do this kaya pinakinggan niya ang voicemail.

"Hello? You're the only registered number on Nielle's phone. She have a bone fracture on her left arm so andito siya sa Jang Medical Institute. If you're going to look for her motorcycle, it was parked at the hospitals parking area."

'Bakit lalaki and whose Nielle? And he really sounds familiar. Di ko lang maalala san ko narinig ang boses niya.' Turan ni Ley sa isipan.

Ley immediately changed into a violet with black linings shirt and a ripped jeans partnered with her highcut converse shoes right after hearing the voicemail. Dinala niya lang ang phone niya saka ang sling bag niya. Nag-decide din siyang mag-commute na lang para maiuwi ang motor ng gaga niyang kaibigan. Naghanda na rin siya ng breakfast para kay Iscelle.

At nang makarating sa information desk ay sinabing nasa private room na raw si Iscelle. Anyway, Ley's already having a guess who left the voicemail and who brought her here.

Naabutan niya pang natutulog si Iscelle and she looked tired plus she have a cast on her left arm. Inilagay niya lang ang dala niyang pagkain sa side table and before Ley can even sit, Iscelle woke up.

"You're into a fight last night." Saad agad ni Ley stating a fact not a question.

"Sort of." Iscelle simply answered.

"What actually happened?" Nakangisi niyang tanong.

"I was just wandering around the city near our new school then out of stupidity I helped a stupid person fight with several mens. So this happens." She explained.

"Oh~ you're a hero now, eh?" Pang-asar ni Ley sa kanya.

"Tsk! Don't mention it." Sarcastic nitong sagot sabay irap sa kanya na tinawanan niya naman.

"Teka! At paano mo nalamang nandito ako?" Biglang tanong nito.

"Someone left a voicemail to me using your phone. Who's he anyway?" Tanong naman ni Ley.

"From what I've heard from those ugly creatures, he's Dung--mo? I don't know." Tila nagiisip  pa ring sagot ni Iscelle.

"You mean Dongwoo?" Paglilinaw ni Ley.

"Right! How'd you know?" Tanong nito sa kanya.

"Lucky guess." She shrugged.

"Your bill is already settled. Kainin mo na lang itong breakfast na dala ko then we'll go home." Sabi pa ni Ley na sinang-ayunan naman ni Iscelle.

"By the way, he called you Nielle. Why is that? Did you tell him your name?" She then asked Iscelle.

"Malay ko dun. Abnoy siya kaya bakit ko ibibigay ang pangalan ko dun!" Maktol na sagot nito sa kanya na ikinatawa niyang muli.

Bandang alas nuebe sila nakarating sa bahay at nasa gate pa lang sila ay naririnig na nila ang boses ng mga kasama nila sa bahay.

"Hey what happened to Ice?" Takang tanong ni Tintin nang makapasok sila.

"Accident." Sabi nalang ni Ley saka naupo sa single sofa. Lahat naman sila ay naupo na rin including Ice.

"Ayos kana ba?" Tanong naman ni Louie kay Iscelle.

"Kita mong may cast siya, edi hindi okay! Bobo talaga, Batchi." Singhal naman ni Jora. 'I don't know when did she went home, maybe she got here right after the party.' Sa isip-isip ni Ley.

"Mas bobo ka! Eh pano kung walang cast si Ice, hindi mo na tatanungin? Besides tinanong ko siya kasi baka naalibadbaran siya sa pagmumukha mo!" Counter naman nung isa.

Tumayo nalang si Ley saka umakyat sa taas kasabay ni Ice sa dahilang matagal bago matatapos ang pagtatalo ng mga ito.

"Guys you're not helping. Look umakyat na si Ice dahil sa bangayan ninyong dalawa." Narinig pa ni Ley na pangaral ni Kyra.

"Oo nga! Wala na kayo sa pagtahimik eh." Maktol naman ni Tintin.