DEMONS XLI :

Lahat sila ay kanya-kanyang kuha ng dagger bago nila napansin ang dalawang target board na nasa lima at sampung metro ang layo mula sa kanila. Sapat lamang ang ganong layo para sa mga baguhang tulad nila.

"Okay~ kailangan niyo lang gawin ay ang asintahin ang mga target boards na yan. No need to be bulls eye sa ngayon, basta mapatama niyo ang mga daggers niyo." Saad ni Ley habang naglalakad sa harap ng mga kaibigan saka ibinato ang dalawang dagger na hawak niya na tumama sa dalawang target board na naroon.

"Sana all bulls eye kahit hindi nakatingin." Nakamanggang saad ni Tintin na nginitian lang ni Ley.

Pinalitan niya na ang target boards ngunit dalawang pares pa rin na magkaibang distansya.

"Your turn ladies. Bahala na kayo kung alin sa dalawang target board ang balak niyong patamaan." Anunsyo nito sa mga kaibigan bago naglakad sa isang tabi saka sumandal sa dingding para panuorin sila.

Iscelle decided to try it first. Agad siyang pumwesto at saka inasinta ang 10-meter target board. Ang naunang dagger ay tumama lamang sa gilid samantalang ang pangalawang dagger ay muntik ng mag-bullseye. Finally, the last dagger is a bullseye.

"Sana all nalang talaga." Natatawang sambit ni Robin.

"Haist. Sana ako rin." Sambit naman ni Kyra habang naka-pout.

Matapos ni Iscelle ay sumunod agad si Batchi. Sadly, her first two trials didn't even reach the target board but atleast the last dagger made its way kaya't tumama ito sa bandang ibaba ng 5-meter target board.

"Bakit? Inasinta ko naman yun ah!" Nakasimangot na maktol ni Batchi.

"Pangit ka daw kasi, Batchi! Bleh!" Nangaasar na sagot ni Jora.

"Tse! Manahimik ka dyan, Jura!" Inis na sabi ni Batchi.

"Ang ingay niyo." Reklamo ni Tintin saka naglakad papunta sa shooting area. Nagsimula na rin siyang asintahin ang 5-meter target board. Ang unang dalawang try niya ay halos umabot sa target board samantalang ang huling tira ay tumama sa bandang ibaba lamang ng target board na kagaya ng kay Batchi.

"Buti mayroong tumama kahit isa. Lintek sa hirap paabutin yang ano nga ba yan dun sa target board ha." Tila nagrereklamong usal ni Tintin.

"They're daggers and the other kind of knives here are swiss knives and we'll try to use that one later." Saad naman ni Ley.

"I'll go next!" Robin beamed na may pagtaas pa ng kamay. Sinimulan niya na ang pagtira at gaya nung dalawa ay yung 5-meter target board din ang inasinta niya. Ang unang dagger ay hindi man lang umabot sa target sa board habang nasa bandang ibaba naman ang pangalawa. Ang pangatlong tira niya naman ay nasa bandang ibaba ng target board ngunit compare sa pangalawang tira niya ay mas malapit ito ng kaunti sa gitnang parte ng target board.

"Perfection ka diyan, Robin. Ako naman haha." Saad ni Kyra.

"Ang hirap niya ibato. You really need to focus and add force to it para mas maayos ang tira mo. Haist." Sambit naman ni Robin sa mga kaibigan which made Ley smirk.

"Yieee! May tumamang isa hahahaha." Tuwang-tuwang saad ni Kyra dahil ang pangalawang tira niya ay halos kagaya ng last try ni Robin.

"Ako naman!" Nakangiting sambit naman ni Jora.

Though malakas ang saltik nito ay mayroon itong attitude na may pagka-competitive siya kahit sa mga bagay na bago niya pa lang na nasusubukan. Instead of targeting the 5-meter target board ay ang 10-meter target board ang kaniyanh inasinta. Ang unang dagger na ibinato niya ay halos umabot lamang sa target board. Ang ikalawang tora niya ay medyo malapit na sa gitna ng target board at ang huli ay mas malapit sa gitna nito.

"Yes!" Nakangiting pagdidiwang ni Jora na may pagtalon pa.

Napangiti lamang si Ley dito. "Good job guys." Saad pa nito saka inanunsyo na tuturuan niya sila ng tamang pagbato ng daggers. She taught them how they should throw the dagger and how to insert force on their throw to make sure it'd hit the target board. She also taught them how to focus and the proper posture para mas maibato ng maayos ang daggers though sa katulad niyang well-trained assassin ay hindi na mahalaga ang posisyon/pwesto dahil sinanay silang umasinta ng moving targets kung saan pati sila ay dapat na gumagalaw rin.

Matapos silang turuan ni Ley ay gumamit naman sila ng swiss knives ngunit dahil sa magkaibang hugis at bigat ay nanibago sila kaya't halos kaparehas lamang ng kanina ang kanilang napatamaan.

"Nubayan! Ang hirap naman niyan!" Reklamo ni Tintin.

"Jusme! Kala ko basta maibato ayos na eh." Segunda pa ni Batchi.

"Well, big achievements comes from small things." Nakangiting turan naman ni Robin.

"Basta kailangan natin ng focus and determination para naman perfectionang kalabasan ng training na ito." Masiglang sambit ni Kyra.

"Truthfully, besh!" Sangayon naman ni Jora.

"Well said. Then tara na sa third division, ang darts division." Anunsyo ni Ley saka siya naglakad palabas na sinundan naman ng lahat. Nakarating sila sa darts division at naabutan nila ang sandamakmak na darts na nakalagay sa isang parang container na nakalapag sa isang mesa. Meron ding target na iba't iba ang distansya sa kanila.

Kumuha si Ley ng tatlong darts at tinarget ang pinaka malayong dart board na naroon. Nagulat naman sila dahil sa iisang parte lamang ang tinamaan ng darts.

"Bull's-eye." Nakangising bulong ni Ley.

"Sanaol nalang talaga. Nyeta ka, Ley." Natatawang saad ni Kyra.

"Thanks for the years of difficult training." Sagot ni Ley dito.

"Training to be an assassin?" Tanong ni Jora na tinanguan niya lang.

"Parang cool. Gusto ko rin." Dugtong pa ni Jora.

"Nope. Hindi mo naman siguro gustong mamatay ng maaga?" Seryosong tanong ni Ley na agad ikina-iling ni Jora.

"Don't frighten them, biatch." Seryoso at malamig na turan ni Iscelle habang nakatitig kay Ley na ikinatawa nito.

"I'm not, Iscelle." Natatawa pa nitong saad saka niya itinaas ang dalawang kamay as if she's surrendering.

"Tsk! Let's just start this fuckin' dart game of yours, Gleya." Nakangising sambit ni Iscelle.

"Sureness, Iscelle." Nang-aasar na sagot ni Ley habang nakangisi rin.