DEMONS XLII

TIME: Around 6 o'clock in the afternoon

DATE: November 13th

~•~

Kyra Nerisse

It's been a week since the class resumed again and it's almost two weeks since we've started the training led by Ley. It's a good thing that everyone are showing improvements especially Ice, Jora and Robin. They seem to really enjoy everything that we've done and practiced tapos ang competitive pa nina Jora at Robin. Anyway, naglalakad kaming lima papunta sa parking lot to go home. Luckily, sabay sabay natapos ang klase namin and unfortunately, kanina pa umalis sina Ley at Ice. Mga hinayupak talaga!

Lahat kami ay may dalang sasakyan maliban kay Jora na hindi pa maka-get over sa trauma niya after the accident with her parents, atleast hatid sundo naman siya ng hamster niya unlike ngayon dahil nga sa amin siya sasabay. Anyway, we are all aware that she's been inlove with Namu but she is not against the two of us because she respect us though I feel empathy for her dahil mahirap ang sitwasyon niya.

Nung pasakay naman na kami sa mga sasakyan namin ay naka-receive ng tawag si Jora at ang gaga mukhang takot na takot sa kung anumang sinabi ng kausap niya sa kabilang linya. Tila nanginginig pa siya at malapit ng maiyak kaya't nilapitan namin siya matapos niyang maibaba ang cellphone niya para itanong kung anong meron at nagkaka-ganon siya.

"Si.. si Hamster, someone took him. He was kidnapped." Garalgal na saad ni Jora saka tuluyang tumulo ang nangingilid niyang luha.

"Akalain mong mangyayari yan? Akala ko ba malalakas ang mga hinayupak na yun?" Tila nagtataka kong tanong sa kanila.

"Ingay mo. Everything is possible kaya! Pero bago natin pagusapan yang kidnap kidnap na yan, kailangan mo munang umamin sa amin, Jura." Seryosong sambit ni Batchi.

"Oo nga! Oo nga! Inlab ka na no?" Hyper na dugtong ni Tintin.

"She is, obviously." Nakangiting singit naman ni Robin.

"I'm not.. yes, I think I am. I may not notice that I've fallen in love with that hamster." Tila natitigilan niyang sagot as if realization hits her before she can finish her original answer.

Napangiti na lang kami sa sagot ng luka luka saka namin siya niyakap. Matapos yun ay tinanong namin siya kung anong address ang dapat niyang puntahan base sa sinabi ng kidnapper ng hamster niya but we found it very suspicious na ang mismong address ng bahay naming pito ang sinabi ng kidnapper.

"Shit! Baka kung napano na pati sina Ice at Ley." Saad ni Robin.

"Oo nga pala. Abnormal pa naman ang mga yun." Sambit ko naman.

Hinayaan na lang muna namin ang bagay na iyon at saka kami nagmamadaling nagdrive pauwi sa bahay. We were welcomed by armed men whose wearing black mask and shades. Itinanong ng lider nila kung sino sa amin si Jora at alanganin namang sumagot si Jora na may pagtaas pa ng kamay.

Inutusan niya ang mga kasama niyang dalhin kami somewhere saka niya kinaladkad papasok si Jora. Ngunit bago siya umalis ay may iniwan siyang mga salita.

"Siguradong masisiyahan kayo sa mga mangyayari." Saad nito na tila nakangisi. Eww! Kadiri naman ng kidnapper ng hamster ni Jora! Pero paano kayang nakapasok ang mga hayupak na mga to, eh sobrang secured ng subdivision namin?

~•~

Third Person's

The four of them obediently followed the armed men until they arrived at the pool area kung saan nakita nila si Ley na busy sa kaniyang laptop at si Iscelle na mukhang nakikipagtalo kay Woo. Ipinaalam ng mga kidnapper diumano ni Sunggyu na kasama na nila ang mga kaibigan ni Jora saka sila tumayo sa gilid ng mga ito.

"What the hell is going on?" Hindi makapaniwalang tanong nina Tintin at Robin.

"Tsk! Ba't andito pati yang si Kyra? Eh andun si Puno at naghihintay diyan?" Nakataas ang kilay na tanong naman ni Ley sa mga tauhan ng D.A. gang.

"Hala! Kasama pa nga pala yung Kyra. Pasensya na po, magkatunog kasi akala ko nagkamali lang yung unang pangalan na sinabi nina boss." Tila natatakot na sagot nung tila lider ng mga kidnapper kuno.

"Tss! Nonsense." Sagot ni Ley kaya napayuko na lang ang kausap, saka naman siya bumaling sa katabi. "Yeol, kaladkarin mo yang si Kyra dun kay Puno. Ngayon na!"

"Hoy, Ley! Anong kaladkarin ka dyan?" Reklamo naman ni Kyra.

"I-blindfold mo na din. Baka umiyak pa si Namu kapag nalamang epic fail ang pinagplanuhan nila." Saad naman ni Hoya sabay bato ng isang panyo kay Yeol na sinunod naman ang sinabi ng mga kasama.

Wala ng nagawa si Kyra ng piringan siya ni Yeol saka siya kinaladkad patungo sa kinaruroonan nina Namu at Gyu. Mayroong tatlong pavilion ang pool ng bahay nila at naroon sa dalawang pavilion sina Gyu at Namu kung saan sila naghanda ng candle light dinner. Maganda ang ambiance at sakto lang ang liwanag ng gabi pati na rin ng mga ilaw sa paligid kaya naman kinikilig ang ilan sa mga kaibigan ng dalawa habang nanunuod sa nangyayari.

Naririnig din nila sa background na mayroong nagpapatugtog ng kantang "Deeper" ni Julie Ann San Jose. Mangiyak-ngiyak si Jora ng tanggalin na ang blindfold niya habang nanlilisik naman ang mga mata ni Kyra at Namu kay Yeol dahil sa ginawa nitong pagkaladkad dito.

"Empress makes the rules." Yeol just shrugged before going back to where Ley and the rest are sitting.

"Napakadaya niyong dalawa! Hindi niyo man lang sinabi to sa amin?" Ungot ni Batchi sa dalawang kaibigan ngunit hindi man lang siya nilingon ni Ley.

"I'm not aware of this-- bullshit stupid, get off me! Now!" Naiinis na wika ni Iscelle saka tinadyakan si Dongwoo palayo sa kaniya.

Kaagad namang sinalubong nina Gyu at Namu ang dalawa at saka sila iginiya sa magkabilang pavilion na naroon. Sa hindi malamang dahilan naman ay kusang tumulo ang mga luha ni Jora saka niya niyakap ng mahigpit si Gyu.

"Walanjo ka talaga! Sa sobrang kabobohan ko hindi ko naisip na imposibleng ma-kidnap ka kaya nag-over-react ako. Akala ko talaga.." Humihikbing saad nito habang nakayakap kay Gyu.

"I know, you'll get mad, but I'm happy to hear that. It gives me the hope. So, I'll tell you my real intention behind this." Saad ni Gyu habang nakatingin sa mga mata ni Jora at marahang pinupunasan ang mga luha nito.

"I want you to be my girlfriend." Sinserong usal nito na siyang mas lalong ikinaiyak ni Jora saka siya tumango at yumakap ng mahigpit kay Gyu.

"I bet it's a yes." Usal ng nakangiting si Gyu saka niyakap rin ng mahigpit si Jora.

Meanwhile...

"Ang epic fail naman nung saken. Ako pa nga nakaisip nitong surprise na to, tas saken pa yung hindi okay ang result?" Tila batang nagmamaktol na sambit ni Namu habang iginigiya sa pavilion si Kyra.

"Nangyari na eh. Wala naman na tayong magagawa." Saad naman ni Kyra.

"You're right. It's not about the surprises and such anyway. I'll just let you know about my feelings, again, because I never had this kind of opportunity." Saad ni Namu saka siya nqglabas ng isang box na may lamang dalawang bracelet. Kinuha niya ang isa saka iyon isinuot sa kamay ni Kyra and he gave her the other one.

"I love you and if you agree to be mine, then please help me wear the other one." Nakangiting sambit ni Namu kaya't nakangiti ring tumango si Kyra saka niya isinuot kay Namu ang kapares ng suot niyang bracelet.

"Sshhh, stop crying na, pig. Papanget ka niyan, sige." Nagbibirong pangaalo ni Gyu kay Jora na narinig nila.

"Lintek ka! Mas panget ka saken! Hmp!" Maktol naman ni Jora kaya natawa na lang silang lahat.

At mas natawa sila ng biglang magbago ang kanta sa background during their moment. Bigla na lang kasing tumugtog ang kantang "Tropa" ng Siakol.

"Abnormal ka talaga, Devi." Sambit ni Sungjong kay Ley. He just voiced out everyone else's thoughts dahil alam naman nilang ito ang may kagagawan nun saka sila nagtawanan when she acted innocent of her crime.