Kartero

Hindi pa kita nakikilala ngunit ang liham na ito'y para sa iyo,

Siguro'y nahihirapan ka lang sa mga nagdaang panahon,

Inuuna ang pamilya, ang pagbuo sa sarili

Alam mo bang sabik na 'kong kumatok sa pintuan niyo?

Nasa salamin at hinahawi ang aking buhok,

Nagpabango, bihis, sa bisikleta ko'y nakaupo

Kailan kaya bubuti ang lahat at tayo'y magtatagpo?

'Yung araw na ako'y uuwi't bitbit na ang sagot mo.