Maulan noon at ika'y aking hatid-sundo
Sumisiksik ka pa nga sa ilalim ng payong ko
Di alintana kahit tila basa na ang buong katawan,
Sapagkat kay sarap ng init kapag ika'y aking tangan
Matumba-tumba pa nga tayo dahil sa baha
Ang hirap kayang maglakad habang inaalalayan ka
Tapos bigla kang hahatsing dahil sa lamig
Yayakapin ka't madarama ko rin ang iyong pintig.