1-4-3 5

Napakasarap sigurong umibig, ano?

Parati kang may kamay na mahahawakan

Taong palaging masasandalan

Makapaglalakbay at sasamahan

Kaso alam kong 'di pa ako handa

Oo't naranasan ko na,

Ngunit ngayo'y tila may pinagkaiba

Narito't nabibighani, namumula

Ngunit wala na 'yong tulak gaya dati

Di kaya't napagod lang at natanga sa pagibig?

O mas naging matalino na wag maghabol

at umasa nang kapalit.

Kakatuwa lang.