Melissa's POV
Hi guys!! my name is Melissa Scott and nandito ako ngayon sa bahay namin kasama ang boyfriend ko... si Jay Mendoza. 5 years na kaming magkasama at ngayon ang anniversary namin. Pero hindi niya ata naalala dahil hindi manlang niya ako binabati. Napansin ko din na palagi na siyang umaalis kaya naiiwan ako dito sa condo namin.
" Babe alis muna ako mag paguusapan lang kami ng kaibigan ko."
Sabi sakin ni Jay.
" Sige babe ingat ka."
Sabi ko pero hindi na siya nagsalita at umalis nalang.
Pano kung sundan ko kaya siya? Wala namang sigurong masama dun eh. At hindi naman niya ako masisisi kung nagkakaganito ako ngayon.
Pumunta ako sa kuwarto namin at nagbihis para sundan siya. Nag suot ako ng mask at cap para hindi niya ako mahalata. Dinala ko Yung susi ng condo namin at lumabas na.
Pagkalabas ko nakita ko si Jay na nag lalakad. Sinusundan ko naman siya pero hindi ko pinahalata. Habang nag lalakad ako napansin ko na parang papunta siya sa isang Cafe.
Pumasok na siya dun pero hindi muna ako pumasok at pinagmasdan kung saan siya uupo. Nakita ko na umupo siya at may kaharap siya na babae. Hindi ko nakita yung mukha ng babae dahil nakatalikod siya. Kaya si Jay lang talaga yung nakikita ko.
Sino naman kaya yun? Baka kaibigan niya lang naman.
Napansin ko na parang may pinaguusapan sila. Hanggang may kinuha si Jay sa bulsa niya at binigay ito dun sa babae. Isa siyang maliit na box. Binuksan naman ito ng babae at napahawak siya sa bibig niya. Naramdaman ko na may tumulo ng luha sa aking nga mata.
Sana mali ang naiisip ko
Binuksan ito ng babae at kinuha niya ang laman nito. Halos mapaupo ako sa kinatatayuan ko ng makita ang isang...
SINGSING
Tumango naman yung babae at niyakap si Jay. Nakitang kong ngumiti si Jay at niyakap niya pabalik yung babae. Pagkatapos nun dumating na yung pagkain nila, kaya kumain na sila. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, naglakad na ako pauwi sa condo namin.
Few minutes later....
Pagkabalik ko sa condo namin ang nagwala ako. Hinagis ko lahat ng bagay na nakikita ko. Hanggang sa napagod na ako kaya napaupo ako sa sahig habang umiiyak.
"Kaibigan pala hah? Kaya pala alis siya ng alis dahil may bago na siya!? Ganon nalang ba yun!? After all this years ng pinagsamaham namin, ganito nalang ang magiging kataposan nun!? Naka hanap na pala siya ng iba.. ANG SAKIT SOBRA! Sana sinabi nalang niya sakin ng mas maaga para hindi ako nasaktan ng ganito."
Ring Ringg Rin--
~ On the phone ~
"Hello?"
"Ikaw ba si Melissa Scott?"
"Ako nga bakit?"
"Hawak ko ang kaibigan mo na si Iris"
"ANO!! Paano ako nakasiguro na hawak mo talaga ang kaibigan ko? At anong kailangan mo sakin?! "
"Ayaw mo maniwala? Sige ito siya oh pakinggan mo.. BESSY TULOGAN MO AKO!"
"BESSY!? wag na wag mong sasaktan ang bessy ko! Ano bang gusto mo? Pera!?"
Hindi pera ang kailangan ko kundi ikaw. Pumunta ka ngayon sa xxxx Street dapat magisa ka lang naiintindihan mo? Kung hindi mamamatay ang kaibigan mo.
Wag na wag mo siyang gagalawin! Pupunta ako diyan ngayon na kaya hintayin niyo ako!
~End call~
Agad ako tumayo ako sa kinauupuan ko at umalis ng condo namin. Malapit lang naman yung xxxx street dito kaya tumakbo nalang ako. Isa pa traffic ngayon kaya kailangan ko talaga mag lakad. Tumakbo ako dahil baka ano ang gawin nila sa bessy ko.
Few minutes later.....
Hingal na hingal ako dahil ilang minuto din akong tumatakbo. Hindi ako tumigil sa pagtakbo dahil baka ano pang gawin nun sa kaibigan ko. Naka dating nadin ako sa wakas. Nandito ako ngayon sa isang lumang bahay. Medyo may ilaw dito sa baba dahil open siya. Pero sa taas mukhang madilim.
Huminga ako ng malalim at pumasok sa loob bago umakyat sa taas. Habang paakyat ako napansin ko na ang tahimik. Medyo kinabahan ako bigla kaya dahan dahan akong naglakad.
Nandito na ako ngayon sa itaas, ang dilim talaga eh nag hahanap ako ng switch para magkailaw. Hinawakan ko yung mga nasa gilid ko na wall. Kanina pa ako nag hahanap buti nalang may nakahawakan na ako. Agad ko itong binuksan kaya nagkailaw na.
Nung bumukas na lahat ng ilaw namangha ako, dahil ang ganda ng paligid. May mga taong nag va violin kaya ang romantic talaga niya. May mga color red and pink hearts sa wall at napahawak ako sa aking bibig ng makita na kada heart sa wall ay may picture namin ni Jay na magkasama. Napaluha na ako dahil sa mga nakikita ko.
Hanggang sa may nakita akong isang lalaki na hindi kalayuan sakin, nakatalikod siya kaya hindi ko masabi kung sino siya. Nakasuot siya ng tuxedo at mukhang ayos na ayos. Lumapit ako ng unti papunta sakanya bago magsalita.
" Sino ka? Ikaw ba yung tumawag sakin? Nasan na ang bessy koh?"
Sunod sunod kung tanong.
Hindi siya nagsalita at humarap sakin. Nagulat naman ako ng makita si Jay. Yayakapin ko sana siya ng maalala ko yung nakita ko kanina. Nagbago ang expression ng aking mukha bago magsalita.
" Anong ginagawa mo dito? "
Sabi ko in a cold tone.
" Hindi ba obvious? It's our anniversary today. Kaya bumali ako ng flowers at inayos lahat ng toh. Sorry kung pinagalala kita kanina dahil sa bestfriend mo. So happy anniversary babe! Nagustuhan mo ba lahat ng toh? "
Sabi ni jay sakin.
" Break na tayo."
" A-ano? Babe wag ka naman ganiyan. Ano ba nangyayari sayo? "
Nagaalala niyang tanong sakin.
" Hindi mo alam? HINDI MO TALAGA ALAM!? Nung umalis ka kanina, sinundan kita. Diba nasa Cafe ka nun? At nakita ko na may kasama kang babae! At alam mo anong masakit? Nakita ko pang binigyan mo siya ng singsing! Mukhang pumayag naman siya dahil nagyakapan pa kayo! At ang sarap siguro ng kain niyo noh? Habang ako.. Nasasaktan!"
Mahaba kong sabi sakanya habang tumutulo na ang aking mga luha. Nakita ko na parang natatawa pa siya kaya nainis ako.
" Anong tinatawa tawa mo diyan!? Ano masaya ka? Dahil nasasaktan ako?! "
Sigaw ko sakanya pero tumawa lang siya ng malakas. Tinignan ko kang siya hanggang sa natapos na siyang tumawa.
" Pftt hahahaha babe hahaha kahit kailan talaga haha. Ok sa ganito yan let me explain first. Diba sabi mo nakita mo na may kasama akong babae sa cafe? Babe pinsan ko yun at yung singsing hindi yun para sakanya dahil.... Para sayo yun."
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
" P-para sakin? Ibig bang sabihin nun ay... "
Bigla siyang lumapit sakin at lumuhod sa harap ko. Yung luhod na nag popropose. Pagkaluhod niya ay nag silabasan ang mga magulang at kaibigan naming dalawa. Lahat sila nakangiti samin, tinignan ko si mommy at si daddy. Si mommy medyo naiiyak pero tumango naman siya sakin. Si daddy naman nag ok sign sakin at ngumiti.
Binalik ko na ang tingin ko kay jay. Hindi ko mapigilang maluha dahil hindi ko toh ineexpect.
" Babe 5 years na tayong nagsasama at nagmamahalan. At ang masasabi ko lang ay wala na akong hihilingin na iba... Dahil makasama lang kita... Masayang masaya na ako. Kahit na minsan nagaaway tayo, naayos din naman natin toh. I wanna spend the rest of my life with you babe. So... Melissa Scott * binuksan yung box* will you make me the happiest man on earth by marrying me? "
Napangiti naman ako bago sumagot sakanya.
" Yes a million yes babe! "
Natutuwang tumayo si Jay at sinuot sakin yung singsing. Nagsigawan at nag palakpakan naman yung mga magulang at kaibigan namin. Nagulat ako ng bigla akong halikan ni jay kaya hinalikan ko siya pabalik. Ramdam ko na yung mga halik niya ay punong puno ng pagmamahal. Pagkatapos niya akong halikan ay niyakap niya ako.
" Thank you so much babe. For making me the happiest man on earth. I love you so so much. Happy anniversary."
" I love you too babe this is the best anniversary gift i ever had."
-----------
And that's how daddy mommy met...
" Ang sweet naman ni daddy mommy"
" Narinig ko ba ang pangalan ko?"
"DADDY!"
" Oh musta naman ang princess namin?"
" Ok lang po daddy kinukwento lang sakin ni mommy kung paano kayo nagkakilala."
" Welcome home hon."
" Hey hon *kisses chick*"
"Mommy daddy pwede pa ako pumunta ng playground? Nandoon na kasi yung iba kong friends."
" Sige princess basta mag ingat ka ok?"
" Yes mommy bye na poh aalis na akoo."
" Ikaw talaga hon kinuwento mo na naman sa princess natin yun."
" Ehh bakit ba? Gusto koh eh may problema ba? "
" Wala po haha by the way gutom na ako hon may niluto ka ba? "
" Ay oo niluto ko yung mga favorite food mo punta ka nalang dun sa kitchen."
" Sige hon magbibihis lang ako. "
Nung umakyat na si Jay ay sumilip ako sa labas. Nakita kong naglalaro si princess kasama ang mga kaibigan niya. Napangiti naman ako ng makitang masaya siya. Wala na talaga akong hihilingin pa. Dahil masaya na ako kasama ang pamilya ko....
THE END