Friendship (Part 1)

Aziel Collins...

Kenji Lee...

Annalise Valdez...

Gemma Lim...

Letitia Jones...

Priscilla Smith...

Silang anim ay matalik na magkaibigan. Simula pag kabata hanggang sa paglaki, sila ay magkasama. Minsan man ay nagkakaaway ngunit naayos din naman agad. Ngunit pano kung biglang umiwas ang isa sakanila?

Umiwas ng hindi nila alam ang dahilan? Ano ang magiging reaksyon nila? Dahil ba dito, tuluyan ng masisira ang kanilang pinagsamahan at pagkakaibigan?

Priscilla's POV

Hi everyone my name is Priscilla Smith. Nandito kami ngayon ng barkada ko sa favorite spot namin. Dito kami laging tumatambay kapag wala kaming magawa at dito nadin kami nagbobonding minsan.

"Guys may joke ako."

Sabi samin ni Aziel.

"Ano Yun?"

Sabay sabay naming tanong sakanya.

"Anong isda ang sigurado?"

"Ano?"

"Edi SEASURE hahahaha."

"Ang corny pre hahahahah."

Saad ni Kenji habang tumatawa.

" Hahahahhahaha kahit kailan talaga Aziel."

Hindi na mapigilan ni Gemma ang tawa niya.

" It's ok my childsrens marami pa akong joke mamaya hahahah."

"Childsrens new word by Aziel Collins hahaha."

"Pati ba naman sa salita nagkakamali pa ng sabi haha."

Habang nagtatawanan kami dahil sa joke ni Aziel, ay bigla akong napatingin sa aking orasan.

"Uhm guys tara na baka malate pa tayo sa klase natin."

Sabi ko sakanila bago tumayo at ganon din ang ginawa nila. Maglalakad na sana kami ng bigla akong tumakbo ng mabilis papunta sa aming classroom. Kaya sumunod na din silang lahat at nagpaunahan kaming anim.

Hanggang sa dumating na kami sa classroom namin. Hingal na hingal kami ng umupo kami sa mga upuan namin. Nagkatinginan kaming anim at tumawa.

Tumigil kami sa pagtawa at umayos ng upo ng dumating ang aming math teacher.

TIME SKIP (RECESS)

Umupo na kaming anim isang lamesa at nilapag ang mga pagkain namin.

"Gusto niyo ba maglaro ng isang game? May dala akong mga candies pero hindi siya ordinaryong candy dahil may mga iba't ibang flavor ito."

Sabi samin ni Kenji at nilibas ang isang lalagyanan na may laman na mga candies.

"Sige anong klaseng laro ba yan?"

Tanong ko kay Kenji.

"Ganito yan ang mga flavors ay sweet, sour and spicy. Hindi natin alam kung saan dito sa mga candy na toh ang sweet, sour, at spicy. Dahil kung titignan niyo ang mga candies dito, ay magkakaparehas silang lahat. Pati sa mga kulay at itsura ay magkakapareho sila. Para malaman natin kung anong flavor ang mga candies na kuha natin, kailangan natin ito kainin."

Mahabang paliwanag samin ni Kenji.

Binigyan niya muna kami ng tig iisang candy. Gusto namin sabay sabay kaming susubo nito.

" Handa na ba kayo?"

" Ready! "

" In 3... 2... 1... NOW"

Sinubo na namin ang mga candy na hawak namin. Tinignan ko mga reaction nila at medyo natawa ako.

"Anong favor sainyo guys? Sakin sweet."

Tanong ko sakanila.

Gemma: Sakin sour.

Kenji: Same here.

Aziel: Sweet sakin.

Letitia: Me too.

Annalise: Me three.

"Ano bayan walang nakakuha ng spicy? Isa pa nga guyss last na toh."

Sabi ni Kenji samin.

Pumayag naman kami dahil nageenjoy din kami. Binigyan niya ulit kami ng tig iisang candy at sabay sabay ulit kaming kakain nito.

"OK in 3... 2... 1... GO"

Pagkatapos namin isubo yung mga candy ay tumingin kami sa isa't isa para tignan ang mga reaction namin.

Mukhang sour ang na sakin ngayon ah. Dahil medyo maalat yung lasa pero ang sarap ng pag ka sour niya. Buti nalang hindi spicy napunta sakin.

"Anong flavor sainyo guys? May nakakuha ba ng spicy? Sakin sweet."

Tanong samin ni Carl.

Me: Sour nakuha ko.

Letitia: Sweet naman sakin.

Aziel: Same lang kami ni Priscilla.

Annalise: Hmm sour.

Gemma: Me too sweet din sakin.

"Ano bayan kala ko ba may spicy toh? Hays hayaan niyo na nga nag enjoy naman tayo diba? Hahaha"

"Oo naman pre."

Nakangiting sabi ni Aziel.

"Ang saya kaya buti nalang walang spicy haha."

Sabi ko at tumawa.

"Sana next time may spicy para mas masaya haha."

Saad naman ni Letitia.

"Of course."

Sabi ni Annalise.

"Next time mag ganito ulit tayo ang saya haha."

Nakangiting sabi ni Letitia.

"Hindi na tuloy natin nakain yung mga pagkain natin haha. Pero ok lang my lunch pa naman mamaya eh."

Sabi ni Gemma kaya inayos na namin yung mga pagkain na hindi namin nakain. Dahil kakainin namin ito sa lunch.

RINGGGGG RINGGGGG

"Ohh bell na guys? Ang bilis haha masyado tayong nageenjoy dito. Tara na baka pagalitan pa tayo."

Sabi samin ni Aziel.

Saming magbabarkada talaga si Aziel at Gemma ang tumatayong nanay at tatay namin. Dahil pag may mga problema kami lagi sila nandiyan at yung iba din. We always help each other no matter what. Kaya nga hindi lang magkaibigan ang turing namin sa isa't isa, kundi magkakapatid.

Walang makakasira sa pagkakaibigan namin. Pero mukhang mali ako... Hanggang sa dumating ang araw na toh...

Papunta palang ako sa tambay namin. Pagkadating ko doon ay nagulat ako dahil si Aziel at Gemma lang ang nakita ko.

Nakakapag taka dahil si Kenji, Aziel at Gemma lagi ang nauuna samin dumating. Lumapit nalang ako sakanilang dalawa at umupo sa tabi ni Aziel.

"Good morning Aziel and Gemma."

Nakangiting bati ko sakanila.

"Good morning din Priscilla."

Sabay nilang sabi at ngumiti ng tipid.

"May problema ba? At nasan si Kenji? Bakit hindi niyo siya kasama?"

Nagtataka kong tanong sakanila.

"Kasi nung hinihintay namin kayo dumating, nag kuwentohan muna kami. Pero napansin namin si Kenji, hindi siya umiimik at nakatingin lang siya baba. Sinubukan namin siyang kausapin pero, nagulat kami nung bigla siyang tumayo at umalis."

Paliwanag sakin ni Gemma.

" A-ano? Baka may problema lang siya. Kilala natin si Kenji, hindi siya mag kakaganiyan ng walang dahilan. "

Sabi ko sakanila.

"Kailangan natin alamin ang dahilan kung bakit nagkakaganiyan si Kenji."

Sabi ni Aziel samin at tumayo.

Sumangayon naman kami ni Gemma dahil nag aalala na kami kay Kenji. Lumipas ang ilang minuto dumating na sina Annalise at Letitia.

Sinabi namin sakanila kung anong nangyari kanina. Nagulat at nag alala din sila para kay Kenji, kaya pumayag din sila sa plano ni Aziel.

Ilang beses na naming sinubukan na kausapin si Kenji. Pero iniiwasan niya lang kami. Halos mawalan na kami ng pag asa dahil iniiwasan niya kami araw araw.

Hanggang sa siya na yung lumapit samin...

"KENJI!"

Sabay sabay naming sigaw at niyakap siya agad. Pero nagulat kami ng lumayo siya at tumingin samin.

"K-kenji? Bakit mo kami iniiwasan? May nagawa ba kaming mali?"

Malungkot na tanong ni Letitia.

"Tigilan na nating tong pagkakaibigan natin."

Malamig na sabi ni Kenji samin.

Nagulat naman kami sa sabi niya dahil hindi namin akalain na nasasabi niya yun samin.

"Ano? Kenji ano bang pinagsasabi mo?"

Nagtatakang tanong ni Aziel.

"Kalimutan niyo na ako, at wag na wag niyo na akong kakausapin."

Yan ang huli niyang sinabi samin bago siya umalis.

Halos mapaupo kaming lahat dahil sa sinabi ni Kenji. Hindi namin akalain na gagawin niya toh samin. Nilapitan kami nina Aziel at Gemma at niyakap kaming tatlo.

One week later...

Naglalakad kaming lima ngayon dahil namamasyal lang kami. Naiisipan naming kalimutan muna yung nangyari dahil masyado kaming nasaktan.

Habang nag lalakad kami ay nakita namin ang mga magulang ni Kenji. Pumasok sila sa isang hospital. Tumigil kami sa paglalakad at tumingin sa isa't isa.

Naisipan naming sundan ang mga magulang ni Kenji. Pag pasok namin sa hospital nakita namin na nakaupo. Nilapitan namin sila.

"Hi po tito at tita."

Bati namin sakanila.

Nagulat naman sila ng nakita nila kami pero ngumiti nalang sila at binati din kami.

"Ah tita ano nga palang ginagawa niyo dito sa hospital? May sakit po ba kayo?"

Tanong ko kay tita.

"Wala kaming sakit iha. Nandito kami para bisitahin si Kenji."

Pagsabi ni tita nun ay natulala kaming lahat.

"P-po? Anong ginagawa ni Kenji dito tita?"

Nagtatakang tanong ni Annalise.

"Hindi ba niya sinabi sainyo? My brain cancer si Kenji stage 3. "

Malungkot na wika ni tito samin.

A-ANO?!

Sabay sabay naming sabi.

To be continued...