ASH POV
"Iyan na 'yon? Hindi ka na mag e-effort?" Tanong ni Lenon ng bitbitin ko ang aking silver beaded purse matapos ko mag lagay ng nude red lipstick.
"Yup!" Kumpiyansa kong sagot.
"Kaya mo na ba siya harapin?" Nag aalalang tanong ni Lenon habang nakasandal sa pinto.
"Sana. Sa tingin ko kaya ko naman." Sagot ko saka tipid na ngumiti.
"What if hindi pa pala?" Nakanguso niyang tanong saka ako pinagbukas ng pinto.
"I think, kayang kaya ko na. Tsaka 'di ba siya dapat ang tanungin kung kaya niya na ba ako makita?" Sagot ko habang tinatahak ang elevator ng seventh floor hotel.
"What if may feelings pa siya para kay Spencer?" Malumbay niyang tanong dahilan para mapaisip ako.
"What do you mean?" I asked as we entered inside the elevator.
"Um, what if mag back out siya sa kasal niya kapag na-realized niya na si Spencer pa rin pala?" He replied.
Medyo nakaramdam ako ng bagabag at agam-agam matapos Marinig ang sinabi ni Lenon.
"I don't know?" Sambit ko saka bumukas ang elevator.
Mula sa labas ng simbahan ay natatanaw ko ang mga bisitang naka suot ng gown na blue para sa mga babae. Bigatin ang mga bisita at gaya ng inaasahan, narito rin ang ilang celebrity at mga modelo mula pa sa iba't-ibang panig ng mundo.
"Dito na lang ba tayo sa kotse at mangungumpisal?" Usal ni Lenon ng mapansin ang pananatili ko sa loob ng sasakyan.
"Lenon, napansin mo na ba si Spencer?" Tanong ko habang ginagala ang aking paningin.
"Eh kung bumaba na kaya tayo? Malay natin kung nasa loob?"
"Oo nga. Wala pa naman yung bride pero ilang minuto na lang naman ay mag sisimula na ang kasalan." Huminga muna ako ng malalim bago nag pasyang bumaba.
Pinasadahan ko pa ang suot ni Lenon at ang kaniyang tindigan na hindi na mababakasan ng pagkalamya. Bumagay din sa kaniya ang pagkaka brush up ng kaniyang buhok idagdag mo pa ang natural na mapula at makapal niyang labi.
"Oh tititigan mo na lang ba ako o papasok tayo?" Usal niya dahilan para bumaling ako ng tingin sa pinto ng simbahan.
"Sabi ko nga papasok tayo." Sagot ko saka humakbang patungo sa loob ng simbahan.
"Parang wala yata si kasand-- I mean Tita kasandra." Pag tataka ko dahil wala siya sa labas para salubungin ang anak kung darating man.
Habang pumapanaog kami ni Lenon ay ilang bulung-bulungan at usisa ang sumasalubong sa amin. Para bang napako sa akin ang tingin at pakiramdam ko ay napaka lagkit ng pag titig nila sa amin ni Lenon.
"Is that your dad?" Bulong ni Lenon habang nakatingin sa bungad ng pinto ng simbahan sa may bandang kanan kung saan masinsinan na nakikipag usap sa lalaking nakatalikod.
"Yes. Sino kaya yung kausap niya?" Sambit ko habang sinisipat ang direksiyon nila.
"Nasaan kaya si Tyrone?" Tanong ko habang ginagala ang paningin sa loob ng simbahan.
"Baka naman nag c.r?" Nakangiting sabi ni Lenon saka ako kinindatan.
Hinagip ko ang braso ni Lenon at lumakad patungo kay Papá.
"What do you mean ipo-postpone ang kasal?" Tanong ni Papá sa kausap.
"That's why I'm--"
"Papá." Tawag ko dahilan para talikuran ang kaniyang kausap.
"Tyrone?" Taas kilay kong tanong ng mapagtanto na siya pala ang kausap ni Papá.
Kita ko ang pamimilog ng kanilang mga mata ng makita ako.
"Hindi tuloy ang kasalan niyo?" Tanong ko kay Tyrone na agad nag lihis ng tingin.
"Of course tuloy! Kailan ka pa nakabalik?" Maligayang sabi ni Papá na yumakap sa akin.
Sinulyapan ko si Tyrone saka bumaling ng tingin kay Lenon na parang nangungusap ang mga mata.
"Kahapon pa po Papá. Dumalaw lang kami sa pinapatayong bahay ni Lenon para kay Vanessa." Saad ko saka ngumiti ng pilit.
"I'm glad you came Ash. Akala ko talaga hahayaan mo na mag tampo kami sa iyo ng wife ko." Natatawang sabi ni Tyrone saka sumulyap kay Papá.
"Ayoko lang mangako dahil may responsibility din ako sa france. And isa pa, ayokong paasahin kayo o si Spen."
"Speaking of Spencer, asan na pala siya?" Kunot noo na tanong ni Tyrone na sumulyap pa sa kaniyang swatch.
"Baka naman na-traffic lang." Sambit ni Papá saka kami iniwan para mag-entertain ng iba pang guests.
"Try mo na kaya tawagan? Baka kasi akala niya hindi ka pupunta kaya baka hindi na rin siya pupunta?"
"Imposibleng hindi siya darating. Kasal ito ni Tyrone at Trixie!" Kalmado kong sabi habang nakatingin sa pag scroll ni Lenon sa Phone.
"Try ko rin tawagan sandali." Paalam ni Tyrone saka lumakad palayo.
"Wait lang Ash ah! Naubusan na pala ako ng load. Magpapa load lang ako saglit." Paalam niya na tinanguan ko lang.
"Ash!" Tawag ni Ann na kakapasok lang ng simbahan. Kasama niya si Roman na nakalingkis sa kaniya.
"Ann!" Nakangiti kong bati sabay yakap sa mag-asawa.
"Sabi mo hindi ka darating?" Tanong ni Roman na pinasadahan pa ng tingin ang aking dress.
"Well, Gusto ko talaga kayo i-surprise." Nakangiti kong sabi.
"Nasaan si Spencer? Nagkita na ba kayo?" Nakangiti niyang tanong saka sumulyap kay Roman.
"Hindi pa kami nagkikita. Si Lenon lang ang kasama ko." Saad ko na nagpadilim ng mukha ni Ann.
"Bb-bakit Ann?" Tanong ko ng mapansin ang pananahimik niya.
"Ash, Alam ko na yung about kay Lenon at Roman..." sambit ni Ann saka sinulyapan ang asawa niya natatawa sa reaksiyon ni Ann.
"Ahh! Iyon ba? Kailan ko lang din naman nalaman." Natatawa kong sabi sabay kamot sa aking batok.
"Ann.. Ito na naman ba tayo? Tapos na iyon di ba?" Mahinang sambit ni Roman saka siya hinalikan sa pisngi.
"Oh why? May masama ba kong sinabi?" Depensa ni Ann na halatang na badtrip na.
"Guys nag-aaway ba kayo?" Natatawa kong tanong habang salitan silang tinitignan.
"No!" sabay nilang sagot.
"Hindi? Eh bakit parang--"
"Sus! Kilala ko na itong si Ann. Kunwari galit-galitan pero ang totoo gusto lang mag palambing niyan..." Bulong ni Lenon dahilan para humalakhak kami ni Ann.
"Si tita kasandra ba nasaan?" Tanong ko habang palinga-linga.
"Si tita kasandra? Ayon oh! Nasa harap siya kasama ang dad mo." Turo ni Ann sa babaeng naka upo sa wheel chair na abala sa pakikipag usap kay Papá at sa iba pang bisita.
Tinitigan kong mabuti ang babaeng naka upo sa wheel chair. Hindi ko magawang maniwala na si kasandra nga ang nakaupo doon dahil parang sobrang laki ng ipinayat at ilang taon na ang itinanda ng kaniyang itsura.
"Siya na ba iyan?" Tanong ko kay Ann ng di nag aalis ng tingin kay tita kasandra.
"Yes. Iba din talaga kapag cancer no?" Usal ni Roman saka nagkibit balikat.
"Cancer? May Cancer si Tita kasandra?" Gulat kong tanong kasabay ng pag dating ni Lenon.
"Stage 2 brain tumor daw sabi ni Tyrone." Sambit ni Ann habang nakikipag titigan kay Lenon.
"Hi Ann. Hi Roman." Malambing na bati ni Lenon sa mag asawa bago bumaling ng tingin sa akin.
"Hello. Buti nakarating ka." Nakangiting sabi ni Ann saka kami iniwan ni Lenon.
"Ano nangyari doon?" Tanong ni Lenon habang sinusundan ng tingin ang dalawa.
"Buking na kayo ni Roman! Kaya umayos ka ah!" Banta ko sa kaniya saka naupo.
"So? May Vanessa na ako at di hamak na mas pogi ako kay Roman." Mahina niyang sambit habang nakikipag ngitian kay Roman.
Mula sa aking direksiyon, pinagmamasdan ko si Tita kasandra na mukhang nanghihina ang pangangatawan. Nasa kaniyang tabi naka alalay si Papá. Nakaramdam ako ng pag sisisi dahil naiisip ko na baka dahil sa mga masasama na sinabi ko laban sa kanila ni Trixie noon ay nagkatotoo. Naawa akong tignan siya. Naaalala ko tuloy ang itsura ni Mamá bago siya tuluyang mamayapa, nabulag na ang dalawa niyang mata. Sobrang hirap na makita ko siyang ganon ang kalagayan.
"Marco!" Tawag ni Tyrone dahilan para lingunin ko siya. Agad siyang sinalubong ni Tyrone saka niyakap.
Tumayo ako dahil naisip ko na baka mgkasama sila ni Spencer.
"Marco?" Tanong ko ng makalapit ako sa kaniya.
"Natasha?" Gulat niyang sambit na para bang nakakita ng multo.
"Kasama mo ba si Spencer?" Nakangiti kong tanong.
"No?" Sagot niya saka sumulyap kay Tyrone.
"Spencer? Nasa parking lot di ba?" Sabat ni Clare na kasunod lamang ni Marco.
Kita ko pa kung paano pandilatan ni Marco ang asawang si Clare. Parang may mali at pakiramdam ko ay may tinatago sila sa akin.
"Yun naman pala ash. Puntahan natin! Baka balak ka niyang i-surprise?" Mataray na sabi ni Lenon habang nakatingin kay Marco.
Mabilis kaming pumunta sa parking lot at una kong hinanap ang kotse ni Spen. Pero kakababa lang niya at halatang bad mood.
"Oh! Iyan na pala siya!" Kinikilig na sabi ni Lenon sabay sundot sa aking tagiliran.
"Musta yung bangs ko? Okay ba?" Kinikilig kong tanong kay Lenon na tila nakakita ng multo ng mapako ang tingin sa kinalalagyan ni Spencer.
"Oh my!" Ungol ni Lenon ng makita ang pag lingkis ng babaeng may katangkaran sa braso ni Spencer.
Napamura ako sa hangin sabay hawi sa aking bangs. Mabilis siyang pinalayo ni Spencer na tinawanan lang ng babae at pinilit pang habulin si Spencer.
"Nako! Mukhang na surprise ka nga Ash? Don't tell me susugurin mo sila?" Sambit ni Lenon saka ako hinila pabalik ng simbahan.
"Lenon ano ba? Gusto ko silang sugurin!"
"Seryoso? Sisirain mo ang kasal ng kapatid mo?"
"Anong gusto mong gawin ko?"
"Pag usapan niyo mamaya kapag tapos ng kasalan okay?" Sagot niya habang hinahabol ang pag hinga.
Ilang mura ang pinakawalan ko sa hangin habang pabalik sa loob. Sumasabay pa ang ulo ko sa init ng panahon.
"Oh nag kita ba kayo?" Tanong ni Clare kaharap si Marco at Tyrone.
"Hindi eh. Baka na traffic?" Sagot ni Lenon habang ako naman ay pilit na kinakalma ang aking sarili.
"Nariyan na ang bride!" Hiyaw ng mga bisita habang papasok sa simbahan. Huminga ako ng malalim habang patungo sa aming upuan. Anong paliwanag pa kaya ang sasabihin mo Spencer?
"Wow! Is that Janice Vigo?" Usal ng mga guests na nakaupo sa harap namin kasabay ng pag flash ng camera nila sa babaeng kakapasok lang.
Napataas ang kilay ko ng lingunin ko iyon.
"Yeah! Model ng mossimo at Amarah's Cosmetic!"
"Nako! Mukhang hindi maganda ang mangyayari?" Sambit ni Lenon nang sulyapan ang babaeng Janice ang pangalan na nakahawak sa braso ni Spencer hanggang sa loob ng simbahan.
Kumakaway ito sa mga guests. Halatang nagulat naman si Spencer ng makita ako at napako ang paa sa gilid namin ni Lenon. Inayos ko ang aking bangs at suminghal ng pagkalalim lalim.
"Surprise!" Sambit ko habang nakatingin ng diretsyo sa altar.
"Sweetheart?" Gulat niyang sambit.
Tumunog ang kampana. Naupo si Spencer sa bandang kaliwa katabi ang babaeng may perpektong pangangatawan.
"Janice? Narinig ko na ang pangalang iyon!"
"Janice?" Namilog ang aking mga mata ng maalala ko na rin sa wakas ang pangalan niya.
"Shit! Siya kaya? Yung babaeng nakakuha sa viriginity ni Spencer?"
"Yung babaeng kasama ni Spencer sa mens room?"
"Excuse me." Paalam ni Lenon ng mapansin ang pag titig ni Spencer kay Lenon dahilan para makipag palit siya ng upuan.
"Ash I thought, hindi ka darating?"
"Sana nga hindi na ako dumating!"
"Sweetheart Let me explain--"
"Explain what? How you two had s*x on your car?" Mahina kong sambit ng di siya nililingon.
"Nothing happened!"
"I don't know."
"Believed me!"
"Malalaman ko rin Spencer. Malalaman ko rin. At sa oras na malaman kong nag sisinungaling ka sa akin, may kalalagyan kayo ng babae mo." Inis kong sabi habang nakikipagtitigan kay Janice na ngumunguya ng chewing gum habang malagkit na nakatitig kay Spencer.
"I swear to God. Hindi kita ipagpapalit sa panandaliang kaligayan lang Ash. Ngayon pa ba na tayo na ang susunod na ikakasal?" Sambit niya sabay suot sa akin ng diamond necklace na nawala ko sa eiffel tower.