CHAPTER 11

Beast mode Turtle!

-------------------------------

ASH POV

"Friends. Dito tayo nag-simula." Panimula ni Tyrone matapos ang vows.

"Never kong naisip na ligawan ka dahil ayoko sa model at sabi mo noon, ayaw mo rin sa athlete." Nanginginig na sabi ni Tyrone habang hawak ang mic.

Nag tawanan ang mga guests habang ako naman ay pinagmamasdan ang maligayang mukha ni Trixie.

"Tapos na-realized ko..." Huminga ng malalim si Tyrone saka diretsyong nag angat ng tingin kay Trixie na walang humpay ang agos ng luha.

"Kahit pala anong ayaw mo sa isang tao, once na tumibok yung puso mo sa kaniya..." Saglit siyang tumigil saka hinawakan ang kanang kamay ni Trixie.

"Wala ka ng magagawa kundi sundin ito." Pakanta niyang sabi with action dahilan para mas lalong matawa ang guests.

"Thank you for bringing Austine Elijah in this world. I will always loved you Trixie." Bagamat nakangiti, hindi rin nakaligtas ang luha na kumawala sa maligayang mata ni Tyrone matapos mag salita.

Matapos ang sandaling pananahimik, sunod naman inabot ni Trixie ang microphone. Lumunok ng laway at nag punas ng pisngi gamit ang tissue.

"Tulad mo, never ko rin naisip na ikaw pala ang makakasama ko sa habang buhay Tyrone. Imagined, dati-rati ikaw yung takbuhan ko kapag may problema ako?" Natatawa niyang sabi bago nag patuloy.

"Ikaw yung nariyan kapag kailangan ko ng makakausap. Yung dating takbuhan ko para iyakan kapag nasasaktan ako..." malumbay niyang saad saka lumingon sa kinaroroonan namin ni Spencer.

"Umiiyak ako sa harap mo dahil akala ko tama yung ipinaglalaban ko." Nakangiti niyang saad bago muling bumaling ng tingin kay Tyrone.

"Sa dinami-rami ng panahon na umiyak ako, ikaw yung deserving. My love for you is worthy. Thank you for saving my heart. For fixing my broken heart. I loved you Tyrone. My man, My Bestfriend."

*APPLAUSE*

"Nag sisisi ka ba na pinakawalan mo siya?" Tanong ko kay Spencer habang pumapalakpak.

"I'm so happy to the both of them. Looked at her. She's so happy with his man. Ganon din si Tyrone." Bulong niya ng di nag aalis ng tingin kay Tyrone at Trixie.

"Ako din." Tipid kong sabi habang pinagmamasdan si Trixie.

"Bakit parang hindi naman?" Tanong ni Spencer saka ako hinarap.

Ngumiti lang ako dahil hindi ko masabing naiinggit ako kapag may nakikita akong ikinakasal lalo na kapag kakilala ko.

"Siguro kasi nasira yung mood ko." Bagot kong sagot saka kinuha ang aking phone para picturan si Tyrone at Trixie.

"Nasira? Because of me?" Tanong niya na inignora ko lang. Inayos ko ang lente ng camera ng aking i-phone. Saglit akong napatigil ng pumagitna si Papá karga ang sanggol na sa tingin ko ay nasa 3-4 months lang. Nasa kanilang gitna din si tita kasandra kung saan nakangiti sila.

Aksidente kong na-click ang cam. Dahan-dahan bumaba ang aking braso at natagpuan ko ang aking sariling sinasalo ang luha habang nakatingin sa harap.

"Family picture muna!" Hiyaw ni Trixie saka nag posed. Ilang shots mula sa iba't-ibang cam ang kumawala na para bang wala ni isa man lang sa kanila ang nakaalala na narito rin ako. Bilang anak ni Engineer Arturo at Kapatid ni Trixie.

"Ash? Why are you crying?" Gulat at nag aalalang tanong ni Spencer.

"Nothing. Excuse me." Paalam ko saka lumabas ng simbahan.

"Ash bakit?" Salubong sa akin ni Lenon habang sinasabayan ako sa pag lalakad.

"Lenon, nakita mo ba 'yon? Nakita mo ba kung paano ako ma out of place?" Maktol ko habang patuloy sa paglalakad.

"Ash, intindihin mo na lang. Baka naman kasi iba yung pagkakaintindi mo." Mahinahon na sabi ni Lenon habang hinahagod ang aking likod.

"Mali? Family picture nga 'di ba? So dapat andon ako! Nakakahiya naman kung basta na lang ako sisingit sa cam. Baka lumabas na sinisiksik ko pa yung sarili ko sa kanila." Inis kong saad habang pinupunasan ang aking nabasang pisngi.

"Oh easy lang Ash! Yung bangs mo baka ma stress kukulot iyan!" Biro ni Lenon saka tumawa.

"Lenon! Sorry pero hindi ko kayang sakyan yung joke mo. Nakita mo naman kung paano tayo tignan ng mga tao di ba? Mukhang hindi nga nila alam na may kapatid yung bride eh! At ang nakakainis pa, andon naman si Papá!"

"Oh tama na. Huwag mo naman sirain yung araw na ito. Sayang naman kasi kung magpapalamon ka sa negative vibes. Paano ka naman mamaya?" Nag aalalang tanong ni Lenon habang inaayos ang aking bangs na nagulo.

"May date kami ni Vanessa kaya sorry kung hindi kita masasamahan sa reception. Alam mo na! Kailangan ko patunayan sa sarili ko na lalaki na talaga ako!" Natatawa niyang sabi sabay hampas sa aking braso.

"Natasha!" Magiliw na tawag sa akin mula aking likuran.

"Madam Mervie?" Gulat kong sambit ng mapansin ang bagong hair style niya.

Inilahad niya ang palad sa ere saka ako niyakap ng napakahigpit. Mula sa kaniyang bisig ay muling nabuhay niyon ang aking pagkasabik sa isang ina.

"Kumusta po Madam?" Tanong ko matapos niya akong yakapin.

"So good Natasha. Sabi ni Spencer hindi ka darating? But I'm glad kasi narito ka na." Usal ng ginang saka sinulyapan si Lenon na naka tayo sa aking tabi.

"Hello po madam. I'm Lenon po. Kaibigan ni Ash." Pagpapakilala ni Lenon saka nag lahad ng kamay sa Ginang

"Hello Lenon. Nabanggit ka na sa akin ni Spencer." Sunod ay bumaling sa akin ang ginang. "Kumusta pala kayo Ash? Nag kita na ba kayo?"

"Kasama niya po si Janice Vigo." Singit ni Lenon na agad ko naman siniko.

"What?" Kunot noo na sambit ng ginang.

"Ah.. yes madam. Um, baka palabas na rin sila?" Saad ko saka lumingon sa pinto ng simbahan.

"Medyo na late kasi kami ni Gener. Hindi ko alam na magkasama pala sila ng business partner niya?" Pag tataka ng ginang na kinabigla ko.

Kung ganon pala, Hindi lang sila basta f*ck buddy? Dahil business partners na sila ngayon? Pasimpleng umismid si Lenon na agad din nag paalam na aalis nang tumunog ang kaniyang phone.

"Nice to see you madam. Ash, goodluck sa inyo." Nakangiting sabi ni Lenon na may mapanuksong tingin sa akin. Muli akong bumaling ng tingin sa ginang saka sumunod sa kaniya sa paglalakad.

"Hindi ko alam na partner pala sila?" Usisa ko.

"Yes. May restaurant kasi na itinayo si Janice. Grilled House bale si Spencer ang supplier niya ng Chicken and pork." Paliwanag ng Ginang.

Sakto naman at natapos na ang kasalan. Bawat eksena ay detalyadong kinukuhanan ng video. Mula sa aking kinaroroonan, naabutan ko si Papá na kumakaway kay Tyrone at Trixie na sumakay na sa kotseng puti. Nasa kaniyang tabi si tita kasandra at ang Personal assistant nito. Nang humakbang ako palapit sa kanila, hindi ko magawang alisin ang aking tingin sa anak nilang si Austine Elijah. Kamukhang kamukha niya nga si Austine. Kung sana nabubuhay pa siya, sana masaya rin siya na malaman na may pamangkin na siya sa panganay na anak ni Papá.

"Sweetheart? Mom?"  Napasulyap ako ng tingin kay Spencer na hindi ko man lang napansin ang presensya sa aking tabi.

"Oh Spencer! Isabay mo na si Ash papuntang reception." Saad ng Ginang saka kami iniwan ng anak.

"Spen--" Mag tatanong pa lang sana ako ng bigla kaming lapitan ni Janice.

"Hey!" 

"Oh Hi." Nakangiti niyang bati sa akin bago bumaling ng tingin kay Spencer.

"So, tuloy ba tayo sa unit ko?" Malandi niyang himig saka hinawakan ang kamay ni Spencer.

Napakunot ang noo ko matapos iyong marinig. At ano naman kaya ang meron sa condo niya?

"What?" Gulat na tanong ni Spencer sabay waksi ng kaniyang kamay.

"About sa --alam mo na 'yon!" Kagat labi niyang sabi sabay kindat kay Spencer.

"Excuse me?" Mahinahon kong sabi dahilan para tantanan niya si Spencer.

"Yes darlin'?" Tanong niya na may tipid na ngiti.

"I think you're lost? Auntie." Saad ko saka sinulyapan si Spencer.

"Ha?!" Ungol niya.  "Did you called me Auntie? I'm just twenty nine and--" Pag tataka niya.

"Oh sorry! Mukhang kailangan mo na mag pa botox dahil sa wrinkles mo? Akala ko nasa mid fourties ka na eh. Napagkamalan pa tuloy kitang Tita ng BOYFRIEND ko. Konting puyat pa malapit ka ng pagkamalang sugar momma!" Malambing kong sabi saka hinagip ang braso ni Spencer papunta sa sasakyan.

Iniwan namin si Janice na laglag ang panga na parang Grade one na hindi makapaniwala sa narinig.

"That's cool sweetheart. I never saw her like that!" Nangingising sabi ni Spencer ng ipag bukas ako ng pinto ng sasakyan.

"We. Need. To talk." Seryoso kong sabi habang inaayos ang aking seatbelt.

"Talk?" Sambit niya ng maupo sa driver's seat.

"Yes. And I want you to be honest. Mushroom!"

"Okay! So what is it?"

"Kailan pa kayo naging partner ni Janice?"

He let out a sigh.

"Three weeks pa lang..."

"Ayoko sa kaniya!"

"So what do you want me to do?"

"Hanapan mo siya ng bagong supplier." Sagot ko ng di siya tinitignan.

"What? Ash? More than Fifty branches meron ang restaurant niya at lahat ng iyon, supplier ng company! Malaki ang mawawala kapag binitiwan ko iyon!" Paliwanag niya habang sinusulyapan ako.

"Oh really? Baka naman siya ang hindi mo kayang bitiwan? Dahil siya! Siya kasi! Siya yung first experience mo!" Hiyaw ko kasabay ng pag agos ng aking luha.

Napaigting ang kaniyang panga at balagbag na pinarada ang sasakyan sa tapat ng karinderia.

"Ash nag seselos ka ba?" Kalmado niyang tanong habang naka yuko.

"Dapat ba hindi? Nakita namin kayo ni Lenon na sabay bumaba sa kotse mo! Siya yung first mo at sabi mo beterano siya di ba? Oo nag seselos ako! Kasi bumigay ka sa kaniya at ngayon partners pa kayo!" Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin at basta na lang ako nilamon ng inggit at selos.

"Ash, nasiraan siya ng sasakyan sa daan. Nagkataon na nakita niya ako at iisa ang way namin kaya naman sinabay ko siya..."

"Pero bakit ganon siya ka-attached sa iyo? Parang linta!"

"Sweetheart?"

"Don't touched me!" Protesta ko ng akmang hahawakan niya ako.

"Ash, sorry. I don't think kung enough na ba yung sorry... Past na yung kay Janice. Wala na tapos na 'yon!" Paliwanag niya saka kinalas ang kaniyang seatbelt.

"Past? Kaya nga gusto kong putulin mo na yung connection niyo! Ayoko na maging partner kayo!" Hiyaw ko kasabay ng pag-yakap niya sa akin.

"Sweetheart, business is business. Labas ito sa personal na buhay--"

"Okay! Sige. Just make sure na hindi magiging lason sa relasyon natin ang babaeng 'yan Spencer. Dahil yung gaya niya, hinding hindi titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto." Seryoso kong sabi saka kumalas sa pagkakayakap niya sa akin.

"Oo naman. Promise Ash. Walang something sa amin--"

"Sa oras na magkamali ka, kahit kailan hindi mo na ako makikita pa Spencer..."

"Just trust me. Okay?" Sambit niya saka ako hinalikan sa noo.

"I'll trust you. Pero sa Janice na 'yon? Hindi!" Inis kong sambit ng muling pumasok sa isip ko ang ginawa nila sa mens room sa art exhibit.

"Ikakasal na si Janice sa Anak ni Senator Valdez. Kay Rico Valdez. At isa pa, hindi naman kita niloko para pag dudahan ako ng ganito. Nag lihim ako sa iyo noon pero, hindi kita pinagpalit sa iba Ash."  Paliwanag niya na mayroong paglalambing.

"Ikakasal na pala siya pero kung makapulupot sa iyo parang ahas! At hindi ba niya alam na may girlfriend ka?"

"I told her already Ash. Hayaan mo na siya. Don't worry coz we're just talking about business and nothing more." Sambit niya habang hawak ang aking baba at diretsyong nakatingin sa aking mga mata.

Tumango ako saka ngumiti.

"Nakalimutan ko na nga na siya pala yung first experience ko kundi mo pa pinaalala. At sorry dahil doon." Nakayuko niyang sabi habang hawak ang aking namamawis na kamay.

"Alright. But Promise me na hindi na mauulit pa 'yon. Dahil akin ka na. Right? Ikaw na lang yung meron ako Spencer. Ayokong pati ikaw mawala sa akin..." Saad ko habang yakap siya ng mahigpit.

"Huwag ka ng matakot. Hindi kita lolokohin. Hindi ko sisirain yung tiwala mo at pangako ko sa iyo. Para saan pa na hinanap kita kung lolokohin din naman pala kita? Hm? Smile sweetheart."

"Okay." I replied then I smiled.

Fast forward:

"Where are they?" Tanong ko habang umiikot ang paningin para hanapin sina Ann.

"Oh there!" Usal ni Spencer  saka ngumuso sa kinauupuan nina Marco.

Hinagip niya ang aking bewang saka naupo sa round table na may twelve maximum chairs. Naupo kami ni Spencer sa tapat ng mag asawang si Marco at Clare kung saan katabi naman nila sa kanan si Ann at Roman.

"Hey Guys!" Tinig ng isang pamilyar na lalaki mula sa aming likuran.

"Oh Bro! Bakit wala ka sa church kanina?" Tanong ni Spencer kay Fourth Damien na naupo sa left side ni Clare."

"Sino nag sabing wala ako sa simbahan? Pumunta naman ako pero sa iba ako nangumpisal." Prangkang sagot ni Fourth saka kumindat.

"Hindi nga? At sino naman yang victim mo?" Usisa ni Marco na natatawang sinulyapan ang barkada.

"Clue, celebrity!" Sagot niya sabay turo sa kaniyang leeg na may hickey.

"Oh my! Iba talaga mga watts! Walang makaka awats! Kahit saan pang simbahan!" Hiyaw ni Marco dahilan para pingutin siya ng asawang si Clare.

"Kumusta?" Tanong ni Trixie na mayroong matamis na ngiti sa akin. Sa gulat ko ay hindi ako agad naka imik. Saglit akong sumulyap kay Spencer bago siya muling balingan ng tingin.

"Okay naman." Seryoso kong sabi saka pinasadahan ang kaniyang gown na halatang mamahalin at di basta-basta.

"Buti nakarating ka Ash. Bakit bigla kang nawala sa church kanina? Hindi tuloy tayo nakapag pa picture. Pero di bale! Mamaya mag pa picture tayong lahat para may family picture tayo." Malambing niyang sabi ng di nag aalis ng tingin sa akin.

"Oo naman. Walang problema." Sagot ko.

"Sabi ni Tyrone dadaan ka sa bahay bago bumalik sa france? Akala ko bibisita ka sayang dahil nagluto ako ng menudo." Malumbay niyang sabi saka hinawakan ang aking kaliwang kamay na nasa ibabaw ng mesa.

"Pasensiya ka na kung hindi ako nakadalaw. Ang dami ko pa kasing pinaghahandaan..."

"It's okay Ash. I know naman na hindi ka pa handa na makausap ako after all I've had done. Sorry talaga Ash."

"It's okay. Tapos na yun." Tipid kong sagot saka hinaplos ang kaniyang kamay na nakahawak sa kaliwa kong kamay.

"Wow! Nakakatuwa kayong tignan dalawa." Sambit ni Tyrone ng maabutan kami ni Trixie na nag uusap.

"Yeah. Sobrang saya ko talaga Hon." Sambit ni Trixie saka hinalikan si Tyrone bago nakiupo sa amin.

"Ow Hi Trixie!" Bati ni Ricky na isang sikat na fashion designer. Kasama niya si Janice na taask kilay kaming nilapitan.

"Baka naman balak pa nilang maki share ng table?" Bulong ko kay Spencer.

"Ash it's okay. Uh?" Usal ni Spencer saka inayos ang aking bangs.

"Hi Mamita! Hi Janice!" Maligayang bati ni Trixie sa dalawa saka tumayo at niyakap sila.

"Trixie! Binigla mo ang mundo sa kasal na ito. Sinong mag aakala na may anak ka na pala sa katawan mong iyan? Super model ka pa rin talaga Trix!" Puri ni Ricky bago mapako ang tingin sa akin.

"Oh wait, is she your sister?" Taas kilay na tanong ni Ricky nang di nag aalis ng tingin sa akin.

"Yes. Natasha Amorine." Pag papakilala ni Trixie na halatang kinagulat ni Janice.

"Oo! Natatandaan ko nga siya." Ani Ricky.

"Sister? So may kapatid ka pala?" Tanong ni Janice saka naupo sa tabi ni Fourth at Ricky.

"Yes." Tipid na sagot ni Trixie.

"Wait, so ano ba ang nangyari sa inyo ni Spencer? I thought kayo ang ikakasal?" Natatawang usisa ni Janice na siyang kinainis ko.

Ngumiti si Trixie bago sagutin ang tanong ni Janice. Maging siya ay halatang nainis sa punto ng pananalita ni Janice.

"Well, yung sa amin ni Spencer, it is all just for a show. Remember Ford Devour? Isang hollywood  producer na na-link noon sa akin?"

"Yes. Niligawan ka pa di ba?" Dagdag ni Janice.

"Yup. Ayoko sa kaniya kasi makulit at desperado. Kaya pinalabas ko na ikakasal na ako."

"Pero madalas kayo mag out of town ni Spencer di ba?" Gatong ni Janice saka ngumiti sa amin ni Spencer ng mapanukso.

"Ah... yes! Natural friends kami ni Spencer. Kaya palagi namin siyang kasama ni Trix." Sagot ni Tyrone saka kumindat kay Janice.

"Oh I see. Nalilito tuloy ako sa speech niyo kanina sa church..." sambit ni Janice habang nakaturo sa kaniyang baba.

"So ikaw fourth? Kailan mo kami ipapakilala sa girlfriend mo?"  Nakangising tanong ni Marco na halatang niligaw ang usapin.

"Mm... Wala pa sa isip ko yun! And isa pa, wala pang isang taon buhat ng mawala si Liam. Mukhang mas posible pa na bumangon ang bangkay kaysa sa ikasal ako!" Sagot ni Fourth saka tinitigan si Janice ng mapang akit.

"Single ka?" Tanong ni Fourth kay Janice.

"Yes." Sagot ni Janice na sumulyap pa kay Spencer.

"Hm.. Wanna play with me?" Nakangising tanong ni Fourth na kinagulat ng lahat. Lalo na ako.

"Sure! I think gusto ko yun?" Sambit ni Janice saka hinalikan si Fourth.

"Ganiyan ba talaga siya?" Bulong ko kay Spencer na nakanguso at pasimpleng natatawa dahil sa ginagawa ni Fourth at Janice.

"Well, parehas lang naman sila na laro ang gusto." Sagot ni Spencer saka kumindat.

"Fourth? Tumatanda ka na pero laro pa rin ang hanap mo? Baka naman gusto mo bigyan ng kalaro ang mga magiging anak namin ni Trixie?" Biro ni Tyrone habang sinasalukan ang sarili ng wine.

"Bakit ako? Tingin niyo ba sino ang susunod na ikakasal?" Saad ni Fourth dahilan para bumaling sa amin ang tingin ng kasama namin sa table.

"Malapit na guys. Konting panahon na lang." Sagot ni Spencer na namumula habang nakatitig sa akin.

Medyo nahiya tuloy ako dahil sa sagot niya. Hindi pa kasi siya nag po-propose ulit simula ng magkahiwalay kami.

"Oh my! Kaya ba ang blooming mo Ash?" Nakangiting sabi ni Clare na nakasandal sa balikat ni Marco.

"Oo nga ang blooming mo Ash. Ganiyan na ganiyan din ako noong bago ako ikasal eh!" Sambit ni Ann habang salitan kaming tinitignan ni Spencer.

"So kailan naman ang kasal niyo? Invited ba ako diyan?" Tanong ni Janice nang di nag aalis ng tingin kay Spencer.

"Ah. Family and friends lang ang invited." Sagot ni Spencer bago sumimsim ng wine.

"Darating ako diyan." Tipid niyang sagot saka kinagatan ang lemon sa inuming non-alcohol drinks.

"I repeat. Friends and relatives lang ang invited. Wala ka sa nabanggit." Saad ni Spencer saka pinunasan ng tissue ang bibig.

Mukhang napahiya si Janice dahil sa sinabi ni Spencer.

"Ganiyan mo ba tratuhin ang business partner mo?" Mataray niyang tanong saka bumuga ng hininga.

"Coming from you. Business partner tayo at hindi friends."  Bagot na sabi ni Spencer dahilan para taasan siya ng kilay ni Janice.

"Bakit Spencer? Natatakot ka ba?"  Mariing tanong ni Janice dahilan para dumilim ang mukha ni Trixie.

Sandaling humagikgik si Spencer bago siya sagutin.

"Seryoso? At bakit naman ako matatakot?" Taas kilay na tanong ni Spencer.

"Janice? Puwede ba?" Kalmadong awat ni Trixie na binalewala lang ni Janice.

"I don't know kung bakit ayaw mo ko papuntahin sa kasal mo. But it's okay. Baka naman kasi hindi okay kay Natasha?"

"Hindi pa kami nakakapag usap about sa kasal. Pero kung ako lang ang tatanungin, ayos lang kahit ilang magdalena pa ang pumunta sa kasal namin. Baka sakaling mahimasmasan kapag nabuhusan ng holy water." Nakangiti kong saad dahilan para mabilaukan si Fourth sa kinakain. Maging si Ricky ay hindi napigilan ang sariling hindi matawa kaya agad din nag paalam at nag walk out ng matalim siyang titigan ni Janice.

"Hm? Oh Spencer, Iba na pala ang taste mo pag dating sa babae ano?" Nakangising usal ni Janice saka kinagatan ang lemon sa inumin.

"What do you mean?" Spencer asked.

"Ibang-iba kasi si Natasha compared sa mga naging babae mo like Me!" Saad niya saka humagikgik.

Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi saka dahan-dahan siyang nilingon ng taas noo. Hinawakan ko ang kamay ni Spencer sa ibabaw ng mesa bago nag salita.

"I'm not just his girl. Auntie. And don't you dare compared yourself in me. We are absolutely opposite." I muttered then I flashed a smile.

"Oh yes! Mag kaiba talaga tayo. Hindi ko nga akalain na tipo na pala ni Spencer ang mga babaeng lalambot-lambot at V*rg*n? And stop calling me Auntie--"

"What? I'm not a v*rg*n anymore. Auntie. As a matter of fact, I was ten years old while Spencer was only fifteen when we had s*x experiment." I spoke while raising my left brows.

Matapos kong sabihin iyon ay naubo si Spencer na para bang may bumara sa kaniyang lalamunan. Napatakip si Ann sa bibig at nanlaki ang mata ng salitan kaming tignan ni Spencer. Si Trixie at Tyrone naman ay parehong nakatikom ang bibig. Habang si Clare at panay ang hagikhik sa bisig ng asawang si Marco.

"Seriously?" Ungol ni Fourth na naka uwang ang bunganga.

"Yes! That's why I never enjoyed my teen-aged life kasi maaga akong ginawang dalaga ni Spencer." Pag papatuloy ko saka ngumisi.

"What? Fifteen and ten years old? I don't believed you...." mahina niyang sambit saka ako tinitigan ng husto.

"You don't have to. And I don't even care." Sagot ko saka sinulyapan si Trixie.

"Childhood friend pala kayo. Pero bakit nakikipag date pa siya sa iba noon?" Tanong ni Janice na halatang gusto akong asarin.

"Because man is man! Titikim at titikim ng iba lalo na kapag grasya na mismo ang lalapit. But at the end of the day, sa iisang babae pa rin ang uuwian at bagsak niyan." Sagot ko saka sumimsim ng Pineapple juice.

"Yeah. Agree ako sa iyo Ash." Sabat ni Clare saka pasimpleng inirapan si Janice.

"Impressive! Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Spencer sa iyo. Maliban sa bangs mong mukhang kailangan ng ruler para pumantay ang gupit."

Akmang tatayo na sana si Spencer nang bigla kong pisilin ang kaniyang kamay.

"Oh ito ba? This is mushroom bangs. Si Spencer mismo ang gumupit nito. At kung ako man ang nagustuhan sa akin ni Spencer iyon yung bagay na malamang hindi niya nagustuhan sa iyo."

"Guys what if mag palamig muna kaya kayo?" Singit ni Fourth sabay abot ng alak kay Janice na agad din niyang nilagok.

"I know Spencer. Gusto niya sa mga celebrity o model. Hindi sa poste ng meralco." Sagot niya na sobrang nakapag painis sa akin pero dinaan ko sa lakas ng tawa.

"Poste ng meralco? Ako?" Natatawa kong ulit habang nakaturo sa sarili.

"Sweetheart enough." Bulong ni Spencer.

"Iba din pala ang epekto ng kung anumang likido at sobra-sobrang estrogen sa dibdib mo. Mukhang nasobrahan ka sa turok at nabobo ka na kaya hindi mo na alam ang kaibahan ng tao sa poste." Natatawa kong sabi dahilan para mag sipag-hagikgikan ang mga kasama namin. Si Trixie naman ay nananatiling tahimik.

"Oh my! Grabe! Sabihin mo kinulang ka sa dibdib."

"Janice!" Sita ni Spencer dahilan para matahimik siya.

"Hindi ako kinulang sa dibdib. Sabihin mo, sa sobrang turok mo hindi mo na alam kung ano ba ang normal size ng breast ng isang normal na babae." Kalmado kong sagot saka sinulyapan si Spencer.

"Alright! I think mas ayos siguro kung mag sayaw na lang tayo?" Ani marco pero ni isa ay walang kumibo.

Sandaling katahimikan.

"Well, kakatapos lang namin sumayaw ni Spencer sa kotse niya kanina. I don't think na may energy pa siya para isayaw ang Girlfriend niyang hindi pantay ang bangs."

Napakunot ang noo ni Spencer saka matalim na bumaling ng tingin kay Janice.

Nag pantig ang tainga ko matapos iyon marinig. Alam ko na gusto niya lang akong mabaliw sa pag iisip.

"Wait? Aalis ka na?" Taas kilay na tanong ni fourth habang hawak sa balakang ni Janice.

"Excuse me. May importante pa akong pupuntahan." Mariing sabi ni Janice saka tumayo.

"You are free to leave. Alam naman namin na kanina ka pa hinihintay ni Doctora Vicky Belo." Saad ko nang di nag aalis ng tingin sa kaniya.

"Ikaw din Ash. Hinahabol ka ng gunting." Saad niya saka humagalpak ng tawa.

"Janice please just leave?" Inis na sabi ni Trixie.

"Oh it's okay. I guess boring ang lovelife niya kaya niya nilalait ang bangs ko. Right Sweetheart?" Nakangisi kong sabi saka pinandilatan si Spencer.

"Aham! Sweetheart do you want something to eat?" Spencer asked.

"I'm fine." Tipid kong sagot saka umayos ng upo.

"So ano ba talaga ang nagustuhan mo kay Natasha ha Spencer?" Usisa ni Marco ng makaalis na si Janice.

"Yung pagiging maldita niya. Yung natural na siya. Hindi ko ma-explain eh! Siguro dahil sa pinakain niya sa aking toblerone?" Sagot ni Spencer kasabay ng pag haplos ng kaniyang kamay sa aking likod pababa sa aking bewang.

"Gaano katotoo na nag s3xperiment kayo?" Natatawang usisa ni Fourth habang nakatakip ang palad sa bibig.

Medyo nahimasmasan na ako at ngayon pa lang ako nakakaramdam ng hiya.

"Iba din pala kayo Ash! When I was ten years old, Batibot pa yung pinapanood ko noon! Tapos kayo---" Hindi na natuloy ni Ann ang sasabihin dahil biglang kumawala ang kaniyang walang humpay na tawa. Gayon din sila Trixie na nakikisaya sa amin.

"That's Ash! Hindi nag papatalo kahit na alam niyang dehado siya." Natatawang sambit ni Trixie.

"I can't imagined yung batang Ash at batang Spencer na nag S3xperiment? Parang ang hirap paniwalaan?" Natatawang sabi ni Tyrone saka hinampas ang mesa.

Buong oras akong nakayuko dahil sa kahihiyan. Habang si Spencer naman ay ngi-ngisi ngisi at panay ang sulyap sa akin.