CHAPTER 12

ASH POV

"Gusto mo ba sumayaw?" Tanong ni Spencer habang pinapanood sina Trixie at Tyrone sa pag sayaw.

"Buti may energy ka pa?" Ani ko ng di siya tinitignan.

"Huh?"

"Akala ko kasi inubos na ni Janice yung lakas mo kanina sa kotse." Nangingisi kong sabi at pinipigil ang tawa.

"Inubos niya yung pasensiya ko at hindi yung lakas ko." Bagot niyang sagot saka idinikit ang kaniyang bangko sa akin.

"Sa bagay, hindi basta basta mauubos ang lakas mo dahil kayang kaya mo umabot ng three to four rounds." Bulong ko sa kaniya dahilan para umismid siya.

"Ash, ngayon lang kita nakitang ganiyan. Parang nakikita ko na naman yung salbaheng batang Ash." Nangingisi niyang sabi at bigla ko na lamang naramdaman ang kaniyang kamay sa aking tuhod. Hinihimas paakyat ang aking hita na natatakpan ng mahabang tela na panakip sa mesa.

Hinayaan ko lamang siya sa kaniyang ginagawa dahil wala naman akong lakas para umiwas. Lalo pa at ginugusto ko ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto niya sa akin. Parang may kakaibang mahika sa bawat kuryenteng dulot niya.

"Bakit mo nga pala sinabing nag s3xperiment tayo?" Bulong niya habang patuloy sa ginagawa.

I heaved a sigh.

"Dahil gusto kong malaman niya na mas nauna ako--"

"Mahalaga ba yun?" Tanong niya saka isinandal ang baba sa aking balikat.

Diretsyo lamang ang tingin ko saka sumagot.

"Of course! Mahalaga ang virginity Spencer." I muttered.

"I know. And I really felt bad--"

"Shut up!" I snapped.

Humagikgik pa siya at lalong inangat ang kamay sa aking bikini na umiinit dahil sa ginagawa niya. Pasimple akong luminga sa paligid para siguruhin na walang nakakapansin ng ginagawa niya. Gamit ang isa pang kamay, nilalaro niya ang aking buhok at paminsan minsan ay sinisinghot.

"Pero nung sinabi mo na may boyfriend ka at may nangyari sa inyo, hindi naman ako nainis sa iyo. Coz I loved you."  Sambit niya saka pinitik ang garter ng aking panty.

Sa gulat ko ay nasanggi ko ang stand ng mesa. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na ng maramdaman ko na mas lumalim na ang pag dampi ng kaniyang palad sa aking sensitibong parte.

"Spencer please. Stop it!" Mahina kong sabi habang nilalabanan ang init. Init na binibigay niya sa akin.

"Stop what?" Nakanhisi na tanong niya sabay ayos sa aking bangs habang ang isa niyang kamay ay patuloy sa ginagawa. 

"Ito ba?" Sabay pisil sa aking koronang nanlalambot.

"Bakit ko naman ititigil ang ginagawa ko kung obvious naman na gustong gusto mo din?"  Aniya saka kinagat ang ibabang labi.

Mariin kong binanat ang aking ibabang labi dahil sa medyo nahiya ako sa sinabi niya.

"Gusto ko. Pero hindi dito!" I mumble.

"See? Ang tapang mo pero marupok ka pag dating sa akin?" Nakangisi niyang sambit saka tumayo. Pumuwesto sa aking likod at hinalikan ako sa pisngi. Dinig ko pa ang pag hagikgik niya bago lumakad palayo.

"Damn! Iniinis niya ba ako o ano?" I utter as I rolled my eyes.

I know marupok ako pag dating sa kaniya. And I don't even know why?!

"Ash?" Tinig ni Papá karga si Austine. Nasa kaniyang tabi si Tita kasandra na naka suporta sa baston.

Tumayo ako at tinitigan ang batang kamukhang kamukha ni Austine.

"Puwede ko po ba siyang kargahin?" Tipid kong ngiti bago bumaling ng tingin kay--

"Tita kasandra?"

"Oo naman. Anak." Sambit niya na nag bigay kurot sa puso ko ng tawagin niya akong anak. Medyo nakaka ilang dahil hindi ako sanay na tawagin siyang tita.

"Hello baby." Sambit ko ng tuluyan ko ng kargahin ang sanggol.

"Iyan na ba ang apo niyo kasandra?" Himig ng isang matigas na boses mula sa aking likod. Kakaibang lukso ng dugo ang aking naramdaman. May kung anong inggit ang kumalabit sa akin ng titigan ang sanggol.

"Yes Gener." Mahinang sagot ni Tita kasandra na halatang nanghihina.

Mabilis kong hinarap ang ginoo. Agad kong binigay si Austine kay Papá. Ngumiti ako kay Madam Mervie at gayon din kay Ginoong Gener. Nasa kanilang gitna si Spencer na nakangiti sa akin.

"Nako! Mabuti ka pa Arturo at may apo ka na, na puwedeng makalaro. Samantalang ako, mukhang hindi ko pa na masisilayan ang magiging apo ko." Biro ng Ginoo saka bumaling ng tingin sa akin.

Ngumiti pa rin ako saka inabot ang kaniyang kamay para makapag mano.

"Good afternoon po." Bati ko saka ako nilapitan ni Spencer. Lumipat ang tingin ko sa kaniyang kamay na nakahawak sa aking bewang.

"Kumusta ka naman Natasha?" Tanong ni Ginoong Gener sa akin.

"Ayos naman po. Tito." Tipid kong sagot.

"Napag usapan na ba ninyo ang kasal? Naiinggit ako kay kasandra at Arturo. Gusto ko na sana makita ang tagapagmana ng aking hundred year legacy." Biro ng Ginoo.

Nagkatitigan kami ni Spencer. Bakas sa kaniyang mga mata ang pag aalala. Ngumiti ako saka sumagot si Spencer.

"Yes dad. After three mont--"

"Hindi pa." Sagot ko at di na pinatapos pa si Spencer.

Napataas ang kilay ni Ginoong Gener ng balingan ako ng tingin.

"Bakit naman Natasha? Ang akala ko ba ay tatapusin mo ang contract--" ani Madam Mervie.

"Am... kasi ang totoo, pinag iisipan ko pa kung pipirma ako ng contract renewal. Napalapit na rin sa puso ko ang mga batang nakilala ko sa france and--"

"What?" Spencer asked.

"Babalik ka pa sa France?" Tanong ni Papá.

"Ah.. yes Papá. May pinapatayo na rin kasi akong sariling art gallery sa france."

"Pero akala ko ba okay na yung pag uusap natin?" Taas kilay na tanong ni Spencer saka suminghal ng malalim. Nakapamewang pa ito habang nakatitig sa akin.

"Six months. It's okay Spencer. Ano ba naman yung almost ten years na nagkahiwalay kayo?" Nakangiting saad ng ginoo saka kumindat sa anak.

"Excuse." Sambit ni Spencer saka umalis.

Hinawakan naman ako ng kaniyang Ina sa aking braso at sinenyasan na habulin ang anak. Nahanap ko si Spencer sa parking lot ng reception. Nakatayo sa kaniyang mustang at naninigarilyo. Mabilis ko siyang nilapitan at nasaksihan ko pa ang pag buga niya ng pagkakapal-kapal na usok bago niya mapansin ang presensiya ko.

"Sweethea--"

"Get in!" Utos niya sabay abot sa akin ng susi ng kaniyang kotse.

"Ano?" I asked.

"Narinig mo. Ayoko ng inuulit." Seryoso niyang sabi habang kagat ang sigarilyo. Hinubad niya ang tuxedo saka inabot sa akin ng hindi man lang ako tinitignan. Kinuha ko iyon saka lumakad papunta sa kaniyang harap.

Nag lihis siya ng ulo nang bumuga ng usok. Sandali pa siyang sumulyap sa akin at agad din naman nag lihis ng tingin.

"What?" He asked.

"May sasabihin sana ako." Mahinahon kong sabi.

"Hindi ba 'yan makakapag hintay?" Bagot niyang sagot saka hinulog sa sahig ang sigarilyo at tinapakan.

"Kasi--"

"Dito ka lang ba? O sasabay ka sa akin pauwi?" Tanong niya saka binuksan ang pinto ng sasakyan at nagpahid ng hand sanitizer sa kamay.

"Dito muna ako. Masyado pa naman maaga. Gusto ko lang muna makasama si Papá at ang pamangkin ko." Saad ko saka sumulyap sa loob ng kaniyang sasakyan.

"Okay. Dito lang din muna ako." Bagot niyang sabi sabay kuha ng kaniyang coat na hinagis lang basta sa sasakyan. Inagaw niya rin ang susi ng kotse saka ibinalik sa bulsa.

"Ano yung sasabihin mo?" Tanong niya ng harapin ako.

Inayos ko muna ang aking bangs. Sandali ko siyang sinulyapan bago nag salita.

"Sorry kung nagalit ka--"

"I'm not mad." He snapped.

"You are. I know." I muttered.

"Hindi ako galit. Iniintindi ko Ash! Pinipilit ko!" Medyo nag taas ang kaniyang tono kaya naman bahagya akong napa atras.

Agad din niya akong nilapitan at niyakap.

"Sorry. Hindi ko sinasadyang sumigaw." Mahinahon niyang sabi habang hinahagod ang aking likod.

"It's okay. Sabi ko naman sa iyo, galit ka." Sambit ko saka kumalas sa pagkakayakap niya.

"Ash, Hindi ako galit. Maayos tayong nag usap bago ka umalis. Hindi ka na tatagal sa France at gusto ko mag pakasal na tayo. O baka naman kasi ako lang yung gustong makasal tayo?"  Taas kilay niyang tanong ng nakatagilid ang ulo.

"Ako din!"

"Then choose!"  Mariin niyang bigkas.

"Pinapapili mo ba ako?"

"Ayokong gawin ito Ash! hanggat maaari ayokong papiliin ka kasi parang lumalabas na ako ang hadlang sa pangarap mo at At parang option mo lang ako..." Tumalikod siya sa akin at sinandal ang ulo sa kotse.

Pakiramdam ko ay masyado ko siyang binigo. Ngayon, nahihirapan na talaga akong mag isip.

"Hindi kita option. At nag papasalamat ako dahil sa sinusuportahan mo 'ko. kaya lang kapag kinasal tayo, alam mo na hindi kita mabibigyan agad ng an--"

"iyon ba talaga? o baka naman may iba pang dahilan kaya hindi mo maiwan ang Paris?"

"Seryoso? Kanina pinapapili mo ako tapos ngayon naman pinag dududahan mo 'ko?" I spoke with moisture in my eyes. *I sigh with frustration*

"I didn't say anything like that!"

"Nag aaway ba tayo?" maluha-luha kong tanong saka tinikom ang bibig.

Umigting ang kaniyang panga saka sinuklay ang kaniyang buhok bago sumagot.

"Sorry Sweetheart. Sorry." saka hinila ang aking braso palapit sa kaniya kasunod ng pag yakap niya sa akin ng mahigpit.

"Ayoko ng ganito tayo. Ayokong bumalik sa france na magulo yung isip ko at inaalala ka..." I said in a crack voice.

"Hindi tayo nag aaway 'kay?" ani spencer.

"Gusto ko ikasal. Pero sobra akong nape-pressure dahil ang taas ng expectation ng daddy mo sa iyo. umaasa siya na magkaka baby tayo agad. Natatakot ako Spencer. Nahihiya ako. Minsan nga dumating na sa point na kinu-question ko yung sarili ko kung Babae ba talaga ako?" Bumuhos ang mainit na luha sa aking pisngi.

"Ash.. enough!" awat niya pero mas lalo kong sinubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib.

"Sorry. Ayoko ng nagtatalo tayo." sambit ko.

"Ako din. Ayoko ng ganito tayo. Sobra lang talaga akong nalulungkot Ash. Kapag namimiss kita, madalas kong pag buntungan ng init ng ulo yung mga empleyado ko. At kahit pa hindi mo ako mabigyan ng anak, ikaw pa rin ang pipiliin ko..." Mahina niyang sambit saka inangat ang aking mukha.

"Kahit ilang Janice pa ang mag sabi na kinulang ka sa dibdib, babae ka Ash. Kahit hindi tayo biyayaan ng anak, babae ka at Ikaw lang ang Mahal ko. Kahit pa mawalan ka ng matres, Mahal pa rin kita at hindi magbabago yun. Dahil tanggap kita." Tipid siyang ngumiti at inangat ang aking mga kamay saka hinalikan ng hindi nag aalis ng tingin sa aking mga mata.