ASH POV
March 1, 2021
--------------------------
"Gaano naman kaya katagal bago ka bumalik dito?" Tanong ni Madre Immaculada sa akin habang tahimik naming pinag mamasdan ang mga batang masayang kumakain ng agahan.
"Ang totoo, hindi ko pa alam. Sa ngayon, gusto ko muna makasama ang mga mahal ko at pamilya ko." Sagot ko habang mabuting pinagmamasdan ang mga bata.
Hindi ko magawang kumurap man lang. Napalapit na sila sa akin kaya naman isipin ko pa lang na iiwan ko sila, napupunit na ang puso ko.
Narito kami ngayon sa Art Gallery na ipinatayo ko para sa mga batang tinuturuan ko sa arts. Talagang pinaghandaan ko ang araw na ito para sa nalalapit kong pag alis.
"Masyado ka ng maraming naitulong sa mga bata Ash. Ipanatag mo na ang kalooban mo dahil aalis ka naman na ibinigay ang higit pa sa kakayahan mo." Turan ng Madre saka bumuntong hinga.
Isa-isa kong kinakabisa ang kanilang mukha. Nais kong baunin sa aking Pag-uwi ang kanilang mga ngiti. Mga ala-ala ng masasayang karanasan at nakakapagod na araw mula pa noong mag simula ako.
"Buhat ng may kauna-unahang artist na tumagal sa pag stay sa mga batang iyan, malaki ang pinag bago nila..." May dalang bilib sa tinig ni Madre Immaculada ng sabihin iyon.
Ilang sandali pa ay isa-isang nag sipag pasok sa Silid ang lahat ng Madre. Tatlo sa kanila ay Pilipina kabilang si Madre Immaculada. Kasunod ng pag palakpak ng mga bata na may kasamang pag sayaw at pag kanta ng Glowing Inside.
Hindi ko alam kung saan ako dapat mag tuon-pansin. Kung sa mga batang umaawit o sa mga staff at officials na umiiyak habang pumapalakpak.
Ang buong akala ko ay ako ang nag handa ng surpresa para sa kanila. Iyon pala, sila ang may pinaghandaang surprise para sa akin. Kusang tumulo na ang aking luha habang pinagmamasdan silang lahat. Nang maiyak ako, doon ay nag sipag iyakan na ang mga bata ng lapitan ako. Nag uunahan sila ng yakapin ako habang patuloy sa pag awit.
Hindi ko magawang mag salita. Tila may malaking bara sa aking lalamunan. Ang tanging nagawa ko na lamang ay halikan at yakapin sila isa isa at iparamdam ang aking buong pag mamahal. Ng mag punas ako ng luha, napako ang aking tingin sa batang si Hillary James. Ang batang pinaka mailap at galit sa pintura. Isa sa pinaka mahirap turuan pero humusay din katagalan.
Hahakbang na sana ako palapit nang bigla siyang tumayo. Nauna ng bumagsak ang kaniyang luha bago pa man siya tumakbo palapit sa akin. Sinalubong ko siya ng yakap. Damang-dama ko ang pangungulila niya sa tunay na magulang.
Sunod ay isa isa nila akong inabutan ng sulat. Liham pasasalamat. Kung may ayaw man ako na maging dahilan ng pag-iyak ko iyon ay ang dahil sa Pamamaalam at dahil sa Pag-tatagpo. Nag patuloy ang sayawan, kainan, at iyakan namin sa huling sandali ko sa france.
Kung bakit makulay ang naging buhay ko sa france halintulad sa isang pinta ay dahil sa mga bata na may malaking bahagi sa aking buhay dito. Ang mga batang nangangailangan ng kalinga. Mga batang uhaw at gutom sa pag-mamahal ng tunay na pamilya.
Nasa pangangalaga ng Orphanage ang aking Art Gallery. Hindi ako mangangamba dahil alam ko na balang araw, babalik at babalik ako dito sa france. Ang Paris France na una kong pinangarap na marating.
"Tawagan mo ako agad kapag nasa Maynila ka na ah." Malungkot na sabi ni Mitch habang inaayos ko ang aking gamit.
"Oo naman. Okay ka lang ba dito?" Tanong ko at sandaling nahiga sa malambot na kama.
"Malulungkot ako. Wala ka na eh." Malumbay niyang sabi saka umayos ng upo.
"Huwag ka ng malungkot. Makakasama mo naman ang family mo." Nakangiti kong sabi saka kumindat sa kaniya.
Napakunot ang kaniyang noo saka inilig ang ulo na para bang mali ang narinig.
"Matagal pa ako bago babalik---"
"Inayos ko ang papeles ng family mo. Alam ko naman na gusto mo na sila makasama..." saad ko saka bumangon.
"Talaga Ash? Ginawa mo yun para sa akin?" Maligaya niyang tanong at inilapit pa ang mukha niya sa akin.
"Oo. Kasi alam ko naman na mahal na mahal mo sila. At deserved mo maging masaya." Nakangiti kong sagot saka tumayo.
"Ash Grabe! Hindi ako makapniwala!" Naiiyak niyang hiyaw. Tumayo siya at niyakap ako.
"Mahirap na pag broken hearted. Baka maisip mong mag pa tegibells." Biro ko.
"Ash! Sobrang saya ko kaya! Alam mo ba na umiyak ako noong ako ang pinagkatiwalaan mo para ipagpatuloy ang flower shop? Sobrang thankful ako sa iyo Ash! Sobra sobra na ito!" Nangingiwi niyang sabi sabay yakap sa akin.
"Tapat ka sa akin Mitch. At ang samahan natin ay hindi matutumbasan ng anumang halaga. Kaya sa ganitong paraan, sana mapasaya kita." Turan ko saka kinuha ang aking maleta na una ko ng hinanda.
"Sobrang thank you talaga! Noon pa man tinulungan mo na ako para maging legal ako dito. Ang bait mo kaya Sana lang maging masaya ka na Ash!" Aniya saka ako muling niyakap.
"Sus! Parang tanga ka. Pinapaiyak mo naman ako eh!" Naiiyak ako at agad ko rin pinigilan ang sarili.
Dinaan ko na lang sa tawa iyon. Pero aminado akong mamimiss ko talaga siya ng sobra-sobra. Buhat pa noong binabalak ni Spencer na manatili ako sa Pinas, naisip kong mas magiging magaan siguro ang trabaho ni Mitch kapag nakasama niya ang kaniyang pamilya. Kaya noon pa lang ay personal kong nakausap ang pamilya ni Mitch para kausapin sila. At hindi naman ako nabigo dahil napapayag ko sila. Ilang buwan pa ang hinihintay para sa processing ng Visa at passport, makakasama niya na rin ang kaniyang mga mahal sa buhay. Gustuhin ko man matupad ang pangarap ko ma madala dito ang pamilya ko ay hindi na mangyayari pa. Kaya tinupad ko para kay Mitch.
Lilisanin ko ang france ng may baong pag-asa at inspirasyon. Katulad ng una kong pag dating dito. Ayokong lisanin ang isang lugar na may baong bigat sa dibdib. Dahil baka hindi ko na kakayaning balikan pa ito katulad na lamang ng Pag lisan ko sa Probinsiya sa Cagayan Tuguegarao. Puro pasakit ang natitirang ala-ala ko sa bayan na iyon. Kaya naman hindi ko na nais pa na bumalik doon. Kahit kailan.
Dumating na ang driver na maghahatid sa akin sa airport. Bago ako tuluyang sumakay sa taxi kumaway muna ako kay Mitch na ngayon ay naka sandal sa pinto ng bahay habang naka ngiti sa akin. Kumaway siya pabalik at panay ang punas ng luha.
Tahimik ang biyahe habang tinatahak ang daan pa Airport. Minabuti kong mag relaxed kaysa paliparin ang isip ko sa mga negatibong bagay. Isinalpak ko ang earphone sa aking tainga. Saka pumili ng tugtugin sa aking play lists.
Payapa ang bawat sandali habang tahimik akong nakikinig sa musika. Binuksan ko bahagya ang isang bag na nag lalaman ng mga chocolate saka kumuha ng isa. Napangiti naman ako ng maalala kong muli ang kabataan namin ni Spencer. Binuksan ko ang isang piraso saka kinagatan. Bawat pag kagat ko ay bumabagal marahil sa musikang "On this Day"
"On this day, I promise forever.
On this day, I surrender my heart."
Sandali akong napatigil ng maalala ko ang itsura ni Ann noong ikinakasal siya kay Roman. Ganon din kay Trixie na lalong gumanda ng ikinasal kay Tyrone. Yung saya ng isang babae kapag kinasal sabi nila minsan at natatangi lang na masilayan sa buong buhay.
Ano nga ba ang pakiramdam ng ikasal?
Sa awiting On this Day, nakikita ko ang sarili kong ikinakasal kay Spencer. Sa katunayan lang bago ako matulog ito ang pinaka una kong pinapatugtog. Dahil yung imagination ko kapag ninanamnam yung liriko ng kanta, napupuno ako ng pag-asa. Pag-asa na sa hinaba haba ng panahon, mararating ko ang dulo at matatagpuan ang aking nawawalang bahagi.
Makalipas ang trenta minutos, narating ko na ang airport. Ngumiti ako ng makababa ako.
"Malapit na..."
"Sa Piling mo..." Sambit ko na mayroong matamis at may kasamang pangungulila na pag ngiti.
Bago 'ko tuluyang pumasok ay sandali ko pang kinuha ang aking phone ng tumunog iyon. Nalimutan kong i-off ang data. Naka ngiti ako ng mag Heart react sa post ni Ann habang hawak ang kaniyang ultrasound copy. Nasa kaniyang tabi si Roman na bahagyang naka tiklop ang tuhod habang hawak ang tiyan ni Ann tapos naka nguso pa dito.
"Buntis na rin pala si Ann." Tipid akong ngumiti ng sambitin iyon.
Saglit akong nag tigil ng makita ko sa larawan ang nahagip na larawan ni Spencer na nakatutok sa phone habang si Janice naman ay naka hawak sa pisngi ni Spencer na para bang may kasamang pang aakit ang paraan ng pag titig niya habang kagat ang ibabang labi.
Humugot ako ng malalim na pag hinga na may kasamang pag pikit. Nang mag mulat ako, pinilit kong kumalma. Ibinalik ko ang aking phone saka diretsyong pumasok sa airport. Hindi ngayon ang tamang panahon para sa bigyang diin ang nararamdamang inis. Ayokong mapahiya na naman ako dahil sa mali kong pag iisip.
Bawat malisya ay gawa gawa lang ng aking pag hihinala. Ayokong pangunahan si Spencer tulad na lamang ng pag dududa ko sa kaniya noon at nagawa kong mag record ng ungol at ginawa kong ring tone. At sa huli ay wala naman akong napatunayan.
"Harot!" Inis kong sambit salat ang aking noo.
Naupo ako sa first class. Nanginginig pa ang aking kamay nang tignan ang aking ayos sa salamin. Ayokong mag mukhang haggard kapag nag kita kami ni Spencer. Kaya naman tatlong beses kong in-apply-an ng nude cherry lipstick ang maliit ngunit may kakapalan kong labi. Dahil sa pagod, agad na rin akong nakatulog. Idagdag mo pa ang napaka lamig na klima ngayon.
"Pag gising ko, mahahawakan na kita muli."
Hindi ko mapigilan ang ligayang nararamdaman. Pag ka sabik at pagka miss ko kay Spencer ngayong malapit na kaming mag kita. Walang lugar ang selos at galit sa akin. Basta ang alam ko lang sa mga sandaling ito, lumilipad ako sa labis na pananabik sa aking pinakamamahal na si Spencer.