CHAPTER 18

ASH POV 🌹

Niyakap na ako ng lamig at hamog. Ngunit hindi man lang magawang umangal ng aking katawan. Nais ko na sana mag pahinga dahil sa pagod na ako. Ngunit sa pag kakataong ito, hindi mapigilan ng isip ko na hindi alalahanin ang aking natanggap na mensahe.

Mas pinili kong sumalampak sa labas ng apartment. Pakiramdam ko ngayon ko kailangan ng dilim. Dilim upang masilip ang kahit kaunting liwanag na mag bibigay linaw sa aking haka-haka. Ramdam ko na ang pag bagsak ng aking mata. Ilang pag hikab na ang aking pinakawalan ngunit hindi ko pa rin makuhang matulog.

Bumaba na rin ang alcohol sa aking sikmura. Hindi na ganon kalabo ang paningin ko. Pero nananatili pa rin ako sa labas at walang katapusang nag iisip.

March 5 2021 Ang naka takdang araw ng pag uwi ko sa Pilipinas. Sa kalagitnaan ng aking pag mumuni-muni, muli kong naalala ang sinabi sa akin ni Mitch. Na mas mainam kung agahan ko ang pag balik sa Pinas. Ng hindi alam ni Spencer. O ng kahit na sino.

Dalawang linggo na lang naman ay babalik na ako ulit sa Pinas. Pero wala pa rin yatang balak na mag paramdam sa akin si Spencer. Litong-lito na talaga ako. Hindi ko na alam kung paano ko ikakalma ang sarili ko. Sa tuwing pipikit ako, ang daming negatibong tumatakbo sa isipan ko. Kaya naman agad din akong nag mumulat.

Sandali akong nanumbalik sa wisyu ng mayroong motorsiklo ang pumarada sa tapat ng apartment. Doon ay nakita kong bumaba si Mitch. Tumayo ako at inayos ang aking buhok. Ginusot ko ang aking mata bago salubungin si Mitch na papasok pa lang sa bakuran.

Pasuray-suray itong pumasok sa bakuran at sandaling huminto para kawayan ang taong nag hatid sa kaniya. Nang makalapit ako, doon ay malinaw kong nakita ang mukha ni Gray. Wala siyang suot na shades. Itim na itim ang kaniyang mata at may pagkaka hawig sila ni Enrique Gil.

"Thanks." Sambit ni Mitch.

Tumingin pa ako dito ng sandaling iyon. Nakikita ko ang itsura ko sa kaniya noong inlove ako. At alam ko na in love talaga siya.

Humarurot na ang motorsiklo at doon ay siniko ko si Mitch. Masyadong malambot ang tuhod niya marahil sa alak at kalasingan, muntik pa siyang masubsob buti at nasapo ko agad ang bewang niya.

"Ano?" Ungol niya ng titigan ko siya ng mapanukso.

"Akala ko ba si Sebastian ang ka-eye ball mo?" Tanong ko saka siya hinampas sa braso.

Sandali pa siyang tumingala sa langit at pumikit na may kasamang malapad na ngiti.

"Hindi naman eye-ball... ano lang meet meet. Yun lang! Tsaka speaking of Sebastian, mukhang ikaw ang type non?"

Natatawa naman ako dahil nakakahawa ang kilig niya na halatang halata sa kilos at awra niya. Umiling lang ako sa sinabi niya about Sebastian dahil hindi ako interesado sa ibang lalaki.

Alas dos na ng umaga. Pumasok na kami at sa halip na kama, kusina ang bagsak naming dalawa para mag timpla ng gatas.

"Kumusta si Gray? Nililigawan ka ba?" Tanong ko matapos niyang maupo at sumimsim ng gatas.

"Agad-agad?" Natatawang ungol niya.

"Kung kiligin ka nga agad-agad! Sus! Iyang ganiyang galawan, alam na alam naman natin kung ano ang patutunguhan." Saad ko saka ipinatong ang aking paa sa isa pang upuan.

"Teka! Dapat ako ang nagtatanong ah? Bakit bigla kang nawala?" Nilapag niya ang baso at nanliit ang mata ng titigan ako.

"Naiingayan na kasi ako masyado. Nakakahiya nga pero ayoko naman talaga sa bar. Napilitan lang ako." Nakanguso kong sabi bago uminom muli ng gatas.

"Hinanap ka nga nila Sebastian at Rob. Ayaw nilang sabihin na mag kapatid sila. Dahil hindi daw uso iyon sa bahay nila..." Naiiling niyang sabi at salat ang noo.

"Mukhang komplikado ang pamilya nila. Alam mo ba kung anong name ng panganay nila?" Usisa ko.

"Hindi eh. Si Gray lang kasi ang pinapakinggan ko." Sagot niya saka diretsyong ininom ang gatas.

Sandali akong nag tigil ng maalala ko ang plano kong maagang pag uwi. Sa halip na March 5, Balak ko sanang March 2 na lang ako babalik sa Pinas.

Sumandal ako sa aking kinauupuan at sandaling pumikit bago nag salita.

"Uuwi na ako sa Pinas ng mas maaga ng ilang araw. Gusto ko sana i-surprise si Spencer. What do you think?" Tanong ko pero wala akong nakuhang sagot.

Nag mulat ako at Agad siyang nilingon. Napa singhal naman ako ng makita siyang naka nganga matulog. Mukhang sa aming dalawa, siya ang mas nalasing. Siguro nga sinulit niya na ang gabing ito. Tumayo na ako nang bigla siyang mag salita.

"Lenon..." dinig kong tawag niya.

Nag angat ako ng kilay ng marinig ang pangalan ni Lenon. Nilapitan ko siya at inayos ang buhok niya na naka harang sa mukha.

"Lenon... please dito ka lang..." Lumuluha niyang sabi habang hawak ang aking kamay.

"Nananaginip ba ito o ano?"

"Ikakasal ka na agad... kailan mo lang naman nakilala si Van--essa..."

This time, na bothered ako ng sobra ng makita ko ang miserableng mukha ni Mitch. Inayos ko ang mukha niya at tinapik tapik ang kaniyang mukha upang mag mulat. Ilang sandali pa ay nag punas na siya ng pisngi.

"Mitch, hinahanap mo si Lenon? Nananaginip ka yata?" Nag aalala kong sabi habang hawak ang kaniyang braso.

Ngumiwi ito at humagulgol. Ilang beses pa niya nagawang buntungan ng tikom na kamao ang dibdib habang sinasabi sa sariling...

"Ang tanga-tanga ko kasi! Sana noon pa ako umamin..."

Confirmed! May feelings siya para kay lenon! Kailan pa kaya?

"Alam ko naman na bisexual siya eh! Pero gusto ko siya!" Umiiyak niyang maktol saka yumuko sa mesa.

Hindi ko makuhang pagtawanan ang itsura niya dahil, kita ko ang sakit sa mukha niya. At nararamdaman ko rin ang bigat ng dinadala niya sa bawat salita at pag tawag sa pangalan ni Lenon. Nawala ang kalasingan ko dahil sa nalaman. Kaya pala ang lakas ng loob mag pakalunod sa alak ay dahil may pinag dadaanan. Tulad ko din itong si Mitch. Masaya lang pero deep inside, she's dying in so much pain.

"Mitch! Masaya naman na si Lenon with Vanessa..."

"At masaya naman kami ni Lenon dati! Not until that Vanessa came in the picture. Alam mo ba, pinipilit kong sumaya pero ang hirap." Kumirot ang puso ko ng sabihin niya iyon.

Pakiramdam ko kasalanan ko rin dahil ako ang nag push kay Lenon. At dahil doon, ito si Mitch nahihirapan na pala. Wala akong maibigay na payo. Pinanood ko lang siya habang kinukuha ang phone. Dinayal niya ang numero ni Lenon at wala akong lakas para pigilan siya sa ginagawa kahit pa alam kong mali na tawagan niya si Lenon dahil may iba na...

Inilapag niya ang phone sa mesa habang nag ri-ring iyon. Ilang saglit pa ay sinagot na ang tawag.

"Hey Mitch?" Matigas na panimula ni Lenon. Ni walang bahid ng landi o pag ka lambot ng tinig babae.

Matagal bago sumagot si Mitch. Parang nag aalangan pa siya kung mag sasalita o hindi.

"Hey! Mitch sana okay ka?" May pag aalala sa tinig ni Lenon mula sa kabilang linya.

Tumingin sa akin si Mitch at ngumiti.

"Kung sasabihin ko bang di ako okay, may magagawa ka ba?" Diretyong tanong ni Mitch.

"What? May nangyari ba?"

"Wala naman. Sana okay ka." Balik ni Mitch.

"Oo naman! Happy ako with Vanessa. Actually mag katabi kami ngayon. Pagod sa pag manage ng business ni Ash pero sulit naman."

May ligaya sa bawat bigkas ni Lenon. Salungat sa naging ekspresyon ni Mitch na ngayon ay yumuko at takip ang bibig habang umiiyak. Luha na sumisigaw ng sakit. Nakatikom na bibig na ibig sabihin ay ubos na ang lakas dahil masyado ng masakit ang pinag dadaanan niya.

"Good for you! Huwag mo sana akong kalimutan sa kasal mo ah!" Maligayang bigkas ni Mitch kahit pa lukot na ang mukha niya at punit punit ang puso niya. Pakiramdam ko, pati puso ko ay nawawasak na.

"Oo naman! Ikaw pa ba? Mahalaga kayo sa akin. Lalo ka na kahit suplada ka sa akin."

Biro ni Lenon bago tapusin ang tawag.

Matapos iyon, ang tinik sa dibdib ay dinaan niya sa paghagulgol. Wala akong magawa kundi aluin siya at hagudin ang kaniyang likod upang ipabatid na narito lang ako at karamay niya.

"Makaka move on ka rin." Turan ko saka siya tinapik sa balikat.

Natawa siya dahil sasinabi ko bago nag salita.

"Nag salita ang martyr. Akala mo naman hindi namom-roblema sa love life." Natatawa niyang sambit dahilan para itulak ko siya.

Muli siyang tumayo at nag bukas ng champagne. Mukhang kinulang pa ang mga nainom niya at nag babalak na naman lunurin ang sarili sa champagne. Kumuha ako ng dalawang baso habang siya naman ay binuksan ang speaker saka nag patugtog. Naka ere sa radio ang tugtugin na timing lang at kakasimula pa lang. Habang sinasalukan niya ako, sinasabayan namin ang tugtog ng pag sayaw. Sa saliw ng musikang "Hit Me Baby One More Time" ni Britney Spears.

Kaming dalawa na lang ang nakatira ni Mitch simula noong february. Kaya ayos lang kahit abutin kami ng umaga dito. Sumayaw kami na para bang mga baliw. Si Mitch naman ay may nalalaman pang pag ikot ng ulo sa ere na parang si Michael Jackson.

Umakyat naman ako sa bangko habang nag sasayaw. Halos matapon na ang champagne sa sobrang ligalig ko. Masaya lang kami habang nagsasayaw. Nag tatama pa ang balakang namin at nag tatawa. Masaya naman pala kahit walang ibang kasama. Kahit kami lang pala ay ayos na. Kung sana nag lakas loob lang siya na sabihin sa akin ang mga hinanaing niya, baka hindi na kami pumunta sa bar. Siguro kasi dahil may pinag dadaanan ako kaya hindi na siya sumabay. Nagawa niya pa akong payuhan samantalang siya, nasa parehas na posisyon ko.

Kaya pala ganon na lang niya ako pilitin kanina na mag punta sa bar. At yung luhang namutawi sa mga mata niya para lang mapapayag akong sumama ay ito ang kahulugan. Nais niyang sumaya at hinanap niya sa ibang paraan.

Napapaisip tuloy ako kung sa labis na kalungkutan ni Spencer sa mahabang panahon na wala ako sa piling niya, baka sinubukan niyang sumaya at hinanap iyon sa iba?

"Kaya pa?!" Natatawang hiyaw ko kay Mitch.

"Kaya pa! Wooooh!" Hiyaw niya saka tinungga ang bote ng champagne.

"Ang Panget mo umiyak!" Natatawa kong sabi saka humalakhak.

"Hoy Ash! Ang haba na ng bangs mo! Mas panget kayang tignan yang bangs mong paalon alon!"

Tukso niya sabay hawak sa kaniyang tiyan na namimilipit sa sobrang lakas ng pag tawa.

Humaba na ang bangs ko kaya naman pahati sa gitna ang ayos nito. Ayoko na pakialaman ang buhok ko. Nasanay na ako kay Spencer na taga gulo at taga pudpod ng aking buhok.

Lumipas ang oras. Sa pagod ay natulog na lang kami sa sala. Hinayaan lang namin na tumutugtog ang radio sa pinakamalakas na volume. Wala ni isa man sa amin ang nag kusang loob para patayin iyon. Kesa naman love song, puro pop music ang nagpa hele sa amin ni Mitch.

Lunes na naman. Panibagong araw para sa mga anak ko sa bahay ampunan. Mararanasan ko na naman makipag habulan at sigawan ng mga batang sadyang mailap sa tao.

Minsan ang sobrang lungkot natin parang nakakamatay. Sinusubukan natin sumaya at madalas hanapin sa ibang bagay. Pero sapat na ang sumaya ka sa totoong nag mamalasakit sa iyo. Hindi sa mga bagay na panandalian lang. Ngayon, nauunawaan ko na ang kahulugan ng kaibigan.

Hindi bumabase kung Cupcake lady o ano mang estado ng buhay. Basta ang mahalaga, may kaibigan ka na hindi ka hahayaan sumaya kahit mali na. Minsan sa buhay natin akala natin tayo ang sentro ng bagyo. Pero subukan mong buksan ang isip mo, hindi ka nag iisang dumaranas ng sakit at pag hihirap.

Akala ko subok na ako ng tadhana dahil mag isa akong tumayo mula sa paghihirap. Pero ang totoo, gusto ko lang naman talagang ipamukha sa mundo na kaya ko mag isa. Kahit hindi naman talaga. Masyado kong ninamnam ang lungkot para makalimutang kumustahin ang ibang taong nasa paligid ko...