CHAPTER 17

ASH POV 🌹

"Bakit ka naman tulala?"

Marahan kong nilingon ang pinag mulan ng tinig mula sa aking tabi. Nag balik muli ako ng tingin sa eiffel tower at hindi umimik pa. Ilang linggo na akong ganito. Palaging lutang at hindi na ako makapag focus ng maayos sa pag pinta at pag tuturo sa mga bata.

Palaging laman ng isip ko si Spencer. Hindi ko na rin magawang makausap siya ng matagal. Sa tuwing tatawagan ko siya, palaging may mga sumisingit. Madalas siyang busy at hindi na siya tulad ng dati na malambing sa tawag. Pakiramdam ko, ako na lang ang nag mamahal.

"Ash, puwede ka naman kasing mag tanong sa kaniya. Bakit hindi mo siya diretsyuhin?" Mahinahon na tanong ni Mitch sabay abot sa akin ng burger.

"Hindi ko alam. Siguro natatakot ako sa puwedeng marinig..." malumbay kong sagot na nananatiling naka tulala sa eiffel tower.

"Takot na ano? Na marinig na ayaw niya na at--"

"Siguro ganon na nga." Sagot ko bago papakin ang letuce sa burger.

"Kung ako lang ikaw, mas gugustuhin ko na rin ang marinig ang totoo kaysa naman ipaglaban yung taong una ng sumuko..." kalmado niyang sabi.

"Sumuko? Hindi ganon yun. Siguro si Trixie ang humalik sa kaniya at hindi si Spencer. Kilala ko si Spencer, mahal niya ako."

"If I were you, aagahan ko ang pag balik sa Manila. Mas magandang wala siyang alam. Malay mo don mo pa siya mahuli sa akto na niloloko ka. Kung totoong niloloko ka ni Spencer." Saad niya bago kagatan ang burger at nag kibit balikat.

Hindi na ako umimik pa. Sa totoo lang, nawala yung excitement ko sa pag balik-Pinas dahil sa mga nangyayari sa amin ni Spencer. Kanina lang habang hinihintay ko si Mitch, ilang beses kong sinubukan na tawagan si Spencer. Pero hindi niya sinasagot. Hanggang sa tuluyan ko na siyang hindi matawagan.

Ano man ang pilit kong intindihin na mahirap ang trabaho niya dagdag mo pa ang krisis na kinaharap ng kompaniya nila, Hindi excuses iyon para bigla niyang ibaba o i reject paulit ulit ang tawag ko.

Wala akong maisip na puwedeng maging dahilan para saktan at lokohin ako ni Spencer dahil naging tapat at totoo naman ako sa kaniya. Sa tuwing magkasama kami, pinaparamdam ko naman sa kaniya kung gaano ko siya ka miss. Yung lungkot ko kapag tinititigan siya kasi magkakahiwalay na naman kami at saglit lang kami magsasama, ang hirap. Sobrang hirap ng pinagdadaanan ko kaya parang nawawalan na ako ng pag-asa...

"What if sumama tayo kay Veron sa night bar? Puro Pinoy ang naroon--"

Kunot noo kong binalingan ng tingin si Mitch na mayroong kumikinang na mga mata. Para bang nais niyang sang ayunan ko siya. Malapad ang ngiti habang hinihintay ang aking sagot.

"Nag iipon ka di ba? Hindi porket lumalakas ang kita ng flower shop, gagatos ka na. Alam mo ako, inuna ko mag invest kesa sa mga ganiyan..." saad ko habang binubuksan ang soft drinks.

"Nako! Nung birthday ko nga hindi ka dumating. Hinintay kita at sobra akong nag tampo sa iyo Ash..." naka nguso niyang sabi at naluluha.

Medyo natawa naman ako sa reaksiyon niya dahil nagiging kahawig niya na naman si suneyo.

"Oh! Kinu-konsensiya mo pa ako. Feeling mo naman mapapa Oo mo 'ko." Naka ngisi kong sabi saka dumila.

"Sige na! Minsan lang naman tayo mag punta sa bar!" Pag pupumilit niya.

"Sorry. Hindi ko kayang mag dala ng alak. Mababa ang alcohol tolerance ko. At isa pa, hindi maganda ang huling experienced ko noong nag punta ako diyan. Muntik ko na ikapahamak 'yan!"

Akmang kakagat pa lang sana ako ng burger ng bigla niyang hawakan ang aking kamay.

"Hindi naman tayo iinom o magpapaka lasing noh! Shot lang tapos makiki pag friends lang tayo sa iba pang pinoy! "

Ilang beses pa niyang tinaas ang kilay na may kasama pang ngiting tagumpay.

Ngumisi lang ako at umiling.

"Sige Na! Para naman mawala naman yung stress mo. Mukhang need mo muna mag break para sa sarili mo. Ikaw! Mag paka stress ka para pag balik mo sa Manila, ma turn off sa iyo yung sweetheart mo..." mataray niyang sabi saka umirap.

"Ang dami mo naman sinasabi! Sabi ko nga sasama ako!" Naka ngiti kong sabi dahilan para mag tatatalon siya sa tuwa.

"Okay! Sabi mo 'yan ah? Aasahan talaga kita. Sunday naman kaya free tayo parehas." Kinikilig niyang sabi na may kasama pang pag hawi sa buhok.

"Siguro may ka eye-ball ka sa bar?" Naniningkit kong tanong.

Tinikom niya ang kaniyang bibig saka umayos ng upo bago sumagot.

"Well, pinsan ni Veron." Pag amin niya na mayroong matamis na ngiti.

"Sus! Sabi na ba!"

"Minsan lang naman 'to. Hindi naman ako papasok sa relasyon..." Turan niya saka kumindat.

"Cheap!" Sambit ko.

Kinagabihan,

------------------------

"Nasaan yung Veron?" Tanong ko kay Mitch nang maupo.

Hindi naman ganon kaingay sa bar. Kaunti lang ang mga banyagang naririto at gaya nga ng inaasahan, may iilang lalaki ang lumapit sa amin pero hindi namin inimik ni Mitch.

"Drinks?" Tanong ng waiter na halatang pinoy. Salitan kami nitong tinignan na para bang nangingilala.

"Tropical sunset." Sambit ko.

"Vodka with lemonade sa akin." Ani Mitch.

"Libre ko na." Turan ni mitch bago luminga linga sa paligid.

"Hey ladies.." Usal ng isang banyagang may kulay almond na mga mata. Halintulad kay Spencer.

Ilang sandali pa ay biglang sumulpot ang mga kasama nito.

Nag katitigan pa kami ni Mitch bago siya tumugon.

"Hello." Simpleng sagot ni Mitch.

"We're actually looking for our cousin. Veron. Do you know her?" Turan ng lalaking may balbas saradong bigote. Kahawig niya si Brad Pit. Pinabatang Brad Pit.

"Veron?" Mahina kong sambit ng maalala ang pangalan niya.

"Yes! I know her. She's my friend." Nanginginig pa ang boses ni Mitch at kapansin pansin ang pagiging conscious niya ng mapag tanto kung sino ang kaharap niya.

"Ikaw? I'm Sebastian Colton and these two men are my friends.

"Napa ngiti ako ng madinig ko ang pagka slang niya sa tagalog. Pero nakaka impress ang isang ito.

"Oh, Hi." Pabebe na sagot ni Mitch saka inabot ang kamay ni Sebastian.

"Excuse me." I interrupt.

Agad binawi ni Mitch ang kamay saka ako nilingon.

"Ahm, nasaan ba si Veron? Baka mamaya sindikato pa 'tong kausap natin.." Mahina kong turan at kunwari ay nangingiti.

"Hindi ko din alam. Baka may dinaanan lang." Sagot ni Mitch saka muling hinarap ang pinsan ni Veron.

"Ahm, girls if you want you can join with us?" Paanyaya ng kasama nitong mukhang bida sa men in black. Naka all black at may shades pa gayong madilim naman sa bar.

Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Mitch. Hindi ako ganon ka komportable sa kanila kaya sandali ko pa itong kinausap.

"Wag mo sabihing.." Pinandilatan ko siya para ipabatid na hindi ko nais ang ideyang iyon.

"God! Nandito na tayo." Nakangising sabi ni Mitch saka ako hinila.

"Sure." Sagot niya saka kami sumunod sa table nila. U-shape sofa at may katamtamang kitid ang mesa.

Tahimik kaming naupo sa katapat na puwesto nila. Hindi ako komportable na kasama sila kaya naman hindi ko makuhang mag enjoy. Alas nuwebe pa lang ng gabi at hindi pa ganon kadagsa ang mga tao dito.

"Ash? Okay ka lang?"

Tanong ni Mitch ng mapansin ang pananahimik ko.

"Oo naman. Hindi lang ako komportable sa suot ko." Sagot ko saka inayos ang aking suot na bahagyang niluluwa ang aking dibdib dahil V-shape ang suot kong Tube semi-dress na kulay beige.

"O baka naman hindi ka komportable na kasama kami?" Malamig at napaka suwabeng himig ng inaakala kong purong banyaga.

Sabay namin siyang tinitigan ni Mitch matapos niyang sabihin iyon. Umayos ako ng pag upo saka umiling.

"Hindi naman." Sagot ko saka tipid na ngumiti.

"Mahusay ka mag tagalog..." Ani mitch na parang gulat sa nalaman.

Ngumisi muna ito saka binalingan ang kaniyang mga kasama bago nag salita.

"Well, Pilipina ang mother ko. Ang dad ko naman ay isang Brazilian..." Maayos at puno ng pag papakumbaba niyang pag papakilala.

Pinasadahan ko ang kaniyang pananamit at itsura. Mukhang may pinag aralan at halatang mayaman.

"Talaga? Kaya naman pala. Paano mo naging pinsan si Veron?" Usisa ni Mitch bago nito sulyapan ang dalawa pa niyang mga kasama.

"Mag pinsan ang mother namin. Tumira sa Olonggapo ang Dad ko noon at doon sila nag kakilala ng mom ko. And yung mother naman ni Veron ay nakilala ni Uncle Ramond dahil Pinakilala siya ni Dad sa kapatid ng mother ko..."

Aniya saka ako sinulyapan. Agad din siyang nag lipat ng tingin kay Mitch na mukhang interesado sa istorya ni Sebastian.

"If you don't mind, anong business ng Family niyo?" Tanong ko.

Ibinaba niya ang kaniyang baso na may alak at kaunting yelo. Lumiit ang kaniyang mata ng ngumiti sa akin bago sumagot.

"Mag bibigy ako ng isa sa mga business ni Dad. Dad ko ang may-ari ng Moonstone Pearl Resort sa Pinas..."

"I know exactly that place! Na featured dati sa isang Sikat naTime Travel Magazine ang Resort na 'yan?" Turan ko habang inaalala kung kailan ko nga ba nabasa ang about doon.

"Yes! Iyon nga. Napasama na rin ang Moonstone Pearl Resort sa Explore edition Magazine like SEVEN WONDERS IN THE PHILIPPINES." Singit ng kasama niyang mukhang bida sa men in black.

"By the way, may I know your friends name?" Tanong ni Mitch kay Sebastian.

Hindi na nito hinintay na mag salita si Sebastian dahil agad naman nag pakilala ang dalawang lalaki sa amin.

"I'm Gray Grey. That's my real name." Seryosong pag papakilala niya saka nilahad ang kamay kay Mitch.

"Gray Grey..." naka ngiting ulit Mitch.

Sinubukan kong pigilan ang pag tawa ko para hindi ma offend ang mga ito pero hindi kinaya ng powers ko. Sa kakapigil ko ay naubo na lang ako.

"And may I know the name of this Pretty Lady?" Tanong ni Gray sabay lipat sa akin ng kaniyang kamay.

Sandali akong napatitig don. Kundi pa sana ako siniko ni Mitch ay hindi ko pa aabutin iyon.

"Ash." Tipid kong sagot saka ngumiti kay Gray Grey at sa dalawa niyang kasama.

"Maliban sa mukha kaming sindikato, ano pa ba ang nakakatawa sa amin?" Baritono ngunit may kasamang pag angat ng itaas ng kaniyang labi ng tanungin ako.

Oo nga pala. Pinag kamalan ko silang Sindikato. At isang malaking kahihiyan iyon lalo na at hindi maalis ang titig sa akin ng tatlo.

"Nako! Nag bibiro lang si Ash!" Sambit ni Mitch ng mapansin ang pag tigil ko.

"Hindi ako nag bibiro." Giit ko saka tinitigan si Mitch. Nilakihan niya pa ako ng mata at parang sinasabing bawiin ko ang sinabi ko.

"So may nakakatawa ba?" Tanong ni Gray saka sumandal sa sofa. Ipinatong pa nito ang dalawang kamay sa ibabaw ng sofa.

"Gray Grey. Right?" Tipid akong ngumiti bago nag patuloy.

"Mukhang pinag isipang mabuti ang name mo." Seryoso kong sabi at pilit na kinukumbinsi ang sariling huwag na tumawa.

Napalingon ako kay Mitch ng pasimple niyang tinapakan ang aking sandals. Kita ko ang pagka inis sa mga mata niya. Hindi ko na makita ang dating Mitch na palagi akong tinatawag ni Ma'am. Natatawa na lang ako dahil alam ko na mukhang nasisira ko ang gabi niya.

Napahagikgik ang katabi nito sa kaliwa gayon din si Sebastian na halatang nag pipigil sa pag tawa. Ngumisi lang si Gray matapos ay bumulong ito kay Sebastian nang di nag aalis ng tingin sa akin.

"And you are?" Tanong ni Mitch sa kasama nilang tahimik lang na nakikihalu-bilo sa amin. Agad ko rin binalik ang tingin sa isa pa nilang kasama.

"I'm Robert Colton. Rob for short." Tipid at walang ekspresyon nitong sagot.

Ni hindi man lang nag lahad ng kamay sa amin. Nalipat ang tingin ko sa waiter na sinasalukan kami ng alak. Napansin ko ang pag dagsa ng mga tao at habang tumatagal, ay paingay na ng paingay ang bar. May iilang nag sasayaw at may iilang trip paliguan ng alak ang mga kasama nila. Bumukas na ang neon lights at medyo dumilim na sa aming kinalalagyan. Ilang sandali pa ay naupo sa aking tabi si Sebastian.

Bahagya akong umusod kay Mitch na ngayon ay masinsinang nakiki pag usap kay Gray.

"Ayos lang ba na tabihan ka?" Magalang na tanong nito. Sa paraan ng pananalita at kilos niya, mukhang nakaharap mo na rin ang anghel sa langit. Maliban sa maamong wangis niya, napaka dalisay sa pandinig ng boses niya.

"Sure." Sagot ko saka tumingin kay Robert Colton.

"Mag pinsan din ba kayong dalawa?"

Tanong ko habang salitan silang tinitignan.

"No." Sabay nilang sagot.

So, mag utol pala ang dalawang ito.

"Sino ang panganay?" Usisa ko habang sinasalukan ni Gray ang aking baso ng alak.

Napangisi ito habang si Gray naman ay napa hagikgik. Mukhang may mali sa tanong ko.

"Tatlo kaming mag kakapatid sa Dad namin. Tatlo kaming panganay ni Mr. Colton sa tatlong babae na kapwa Pilipina." Kuwento ni Rob at sa wakas ay ngumiti na rin ito sa akin.

"Ah, nabanggit na nga sa akin ni Veron na may mga kapatid ka. Pero hindi ko alam na puro panganay. And I find it cool!" Turan ni mitch saka naki pag cheers sa akin.

"Speaking of Veron, nasaan na ba siya?" Tanong ko kay Mitch na abala sa pag contact kay Veron.

"Mukhang hindi na siya darating. Dapat kanina pa siya dumito." Kunot noo na sabi ni Rob.

"Baka may dinaanan." Ani Gray.

Itinungga ko na ang aking inuming alak. Wala pa man sa kalahati ang nainom ko ng makaramdam ako ng pag alon sa aking puson. Sandali akong napatigil ng bumaligtad ang aking sikmura ng maamoy ko ang aking inumin. Naalala ko na hindi pa pala ako nag hahapunan. Gayon pa man pinilit kong ubusin ang unang baso na agad din naman nasundan ng pangalawa, pangatlo, pang apat hanggang sa umabot na kami ng Alas dose ng gabi.

Sobrang ingay na sa bar at halos namamaos na rin ako habang nakiki pag kuwentuhan sa mga kasama namin para lang masigurong nag kakarinigan kami. Lumalim ang kuwentuhan namin at sa sandaling oras ay para bang nakilala na namin ng husto ang isa't-isa. Nalaman ko na tinakbuhan pala si Robert Colton ng kaniyang bride. Mukhang naka move on na siya dahil hindi ko siya makitaan ng pain. In fact, ang saya saya niya pa nga habang nag kukuwento.

Si Sebastian naman ang siyang humahalili sa kanilang business. Pangalawa si Sebastian at si Robert ang pinaka bunso. Bigo akong malaman ang kaunting detalye tungkol sa panganay dahil mukhang iniiwasan nila pag usapan ang panganay nilang kapatid. Ni wala silang anumang komento tungkol doon.

Sandali kong natagpuan ang sariling nakikitawa sa kanila. Kahit paano ay nawala sa isip ko si Spencer. Nang makaramdam ako ng pag tawag ng pantog, maingat akong tumayo saka binaybay ang comfort room.

Hindi ko na inabala pa si Mitch dahil minsan lang naman siyang mag pakasawa sa ganitong break. Ilang hakbang pa lang ay tila natutumba na ako. Umiikot na ang paningin ko kaya sandali akong huminto. Sinubukan kong diretsyong tumindig bago nag simula sa pag lalakad patungo sa comfort room. Pumasok ako sa pinaka unahang espasyo. Bakante naman at palabas na rin ang iba pang nauna dito.

Mainit na ang singaw ng aking katawan. Namamawis na ako kaya naman minabuti kong itali ang aking buhok saka binasa ang aking bangs. Tipsy na ako at sobrang namumula na ang aking mukha. Ilang sandali pa ay muling kumulo at bumaligtad ang aking sikmura.

Sumuka ako sa sink na halos isumpa ko ang alak. Pinaka ayoko talaga ang part na susuka ako matapos kong mag pakalunod sa alak. Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko na lang na pilitin sumaya kasama ang ibang tao. Kinuha ko ang aking phone habang nag hihilamos ay nakapa ko agad iyon.

Sandali akong huminga ng malalim bago i check kung may tawag galing kay Spencer pero wala. Kahit simpleng message ay wala. Dahil sa sama ng loob ko ay naiyak na lang ako. Lumabas ako ng bar at nag pasyang uuwi na lang. Hindi na ako nag pakita pa kanila Mitch dahil ayokong makita nilang ganito ang itsura ko.

Nang makasakay ako ng taxi doon ay nag padala ako ng mensahe kay Mitch na uuwi na ako. Ilang sandali pa ay tumunog na ang aking phone. Ang mensaheng inaakala ko na galing kay Mitch ay mula pa pala sa isang taong hindi ko inaaasahan. Mensahe mula kay Trixie na sobrang nag dulot ng pangamba at bagabag sa akin...

"Ash, kailan ka babalik? Ayos lang ba mag stay kami sa Bahay ninyo sa province? With Spencer?" -Beatrixie

Ilang sandali pa ay agad kong binuksan ang isa pang message mula sa dummy account.

Mga kuhang larawan ni Trixie na pumasok sa Office ni Spencer. At ang iba ay mukhang sa Mall pa o other establishments. Pero ang pinaka pumunit ng puso ko ay ang larawang karga ni Spencer ang anak ni Trixie at Tyrone. Habang si Trixie naman ay nakangiti na pinag mamasdan si Spencer at baby Austine.

Parang Isang larawan ng masayang pamilya. Pamilya na kahit kailan hindi ko kayang ibigay...