CHAPTER 16

ASH POV

"Hihintayin kita. Babalik ka ha?"

Yakap at mainit na halik ang ipinabaon sa akin ni Spencer nang marating namin ang airport.

"Babalik ako. Hintayin mo 'ko ha?" Sambit ko habang yakap siya pabalik.

"I will. Pakasal na tayo pag balik mo." Saad niya saka kumalas sa pag yakap.

Hawak niya ang aking mga kamay, bumugso ang luha mula sa kaniyang mapungay na mata.

"Kasal? Basta ba at mas mayaman na ako sa iyo!..." biro ko habang pinupunasan ang kaniyang pisngi.

"Aasahan kita. Three months more... tapusin mo lang at huwag ka na mag renew. Sana makatulong yung pera na ipinamahgi ko sa charity mo."

"Babalik naman ako. Basta be a good boy!" Turan ko habang naka turo sa kaniyang mukha. Matapos ay bumaba ako ng tingin sa kaniyang umbok at ngumuso doon na may pag babanta.

"Dito ka na lang. Papasok na ako." Maluha luha kong sabi saka siya muling niyakap.

Tumalikod na ako sa kaniya pero nagawa niya pa rin akong habulin saka niyakap. Dahilan para lapitan kami ng body guards. Sumenyas ako sa mga body guards ng *okay lang* habang ninanamnam ang mainit na yakap ni Spencer.

Tuluyan na nga bumuhos ang pinipigilan kong luha buhat pa nang pag gising ko. Ayoko man na muli kaming mag kalayo pero kinakailangan tapusin ang huling tatlong buwan ko pa na kontrata.

Malalim ang luha ni Spencer. Hindi siya basta iiyak lang para sa maliit na bagay. Kaya ngayon na nakikita kong walang humpay na kaniyang pag iyak, batid kong napaka hirap na desisyon ito para sa aming dalawa. Tila nag kakaroon ako ng pag dadalawang isip kung aalis pa ba ako o hindi. Kapag hindi ako umalis, mag babayad pa rin naman ako ng multa maliban pa sa ibang taxes ko.

Pero dapat kong tapusin ang contract. Siguro ay kukumbinsihin ko na lang si Spencer na tumira sa france. Kung papayag si Papá, isasama ko siya. Si Papá na lang ang meron ako at ayokong lumampas ang panahon habang kami ni Papá ay nananatili sa sakit ng nakaraan.

"I have to go sweetheart." Nahihikbi kong sabi saka kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.

"Turtle!" Tawag niya dahilan para huminto ako.

"Ayayatin taka!" *I love You*

Binitiwan ko ang hawak kong maleta. Gamit ang dalawang hintuturo, gumuhit ako ng hugis puso sa hangin saka nag flying kiss sa kaniya.

Ilang saglit pa ay tumunog ang aking telepono. Nasa sling bag ko lamang iyon kaya naman agad kong narinig at naramdaman ang pag vibrate non. Napa ngiti naman ako ng mag appear sa screen ang name ni Spencer. Incoming call My Mushroom.

I immediately answered the call.

"May chocolate akong pinabaon sa iyo. Huwag kang mag papagutom..."

"Talaga? Salamat." I smiled.

"Aalis ka pa rin? Hindi ba puwedeng huwag na?"

"Babalik naman ako. Sandali na lang naman at mag kakasama ulit tayo. Babalik ako Spencer. Pag balik ko, magiging Alipin na ulit kita." Biro ko habang naka ngisi.

"Oo ba. Kung mahihigitan mo ang yaman ko. Dahil walang mayaman ang nagiging alipin." Sagot niya saka tinikom ang bibig.

Napangisi ako sa sagot niya. Alam ko naman na hindi siya mag papatalo. Pero ako pa rin naman ang dating Natasha na hindi basta basta nag papatalo.

"Sige. Pero ikakasal lang ako kapag napunta sa akin ang seventy percent ng yaman mo. Dahil kahit kailan, hindi luluhod ang isang Natasha Amorine Vahrmaux para lang sa kaniyang Alipin. SPV!" Taas noo at mayabang kong bigkas. Napa igting ang kaniyang panga at nagingisi ng ibaba ang tawag. Halos sabay kaming tumalikod at tinahak ang kaniya-kaniya naming mga landas...

*TWO MONTHS AFTER*

----------------------------------------

Natapos na rin ang aking pinatayong art gallery. Ilang hollywood celebrity na rin ang tumangkilik sa aking mga obra. Mas lalong nakilala ang aking obra ng mismong Si United States President Donald Trumph ang tumangkilik ng higit sa labindalawa kong obra na may halagang 100,000$.

Malaking bagay at nakapag pundar ako ng sa Pilipinas ng "Chocolate full house." Balak ko na lang mag business kapag nag stay na ako sa Manila. Sa ngayon kasalukuyang pinamamahalaan ni Lenon at Vanessa ang Full house. So far, may iilang franchise at branches na rin ang CFH. Umabot ng eight hundred thousand pesos ang kabuuang capital na nilaan ko para sa puwesto, utensils, furnitures and other services including business permit.

Nag-simula ako sa maliit hanggang sa lumawak ng lumawak at unti-unting nakilala at mabilis na nag click ang CFH?sa Pinas. Pop ang CFH sa mga Students, call center agents lalo na sa midnight at night shift. Open kasi ang CFH 24/7. Ngayon, ako na ang may-ari ng puwesto na dati ay nirerentahan ko lang.

Mainit na kape, aroma ng black brewed coffee at mainit init na toasted sandwich lang ang umagahan ko habang nilalakad ang siyudad. Hindi na bago sa paningin ko ang mga nadaraanan kong kakaiba para sa mga baguhan lalo na sa mga pinoy na walang alam sa iba pang kultura ng Paris,France.

Babae sa babae, bulgaran na naghahalikan kahit pa sa daan. Hindi uso ang PDA sa lugar na tinatahak ko. Minsan mabibigla ka na lang kapag may mga nakita kang naka two piece na babae habang pumapara ng mga magagarang sasakyan. Nariyan na rin ang basta na lang may mandudura sa mukha mo o di kaya hahagisan ka ng basura o tatapunan ng inumin.

Habang nag lalakad, nakasalampak sa aking tainga ang earphone na naka connect sa aking phone. Pili lang ang nasa Playlist ko at lahat ng iyon ay dedicated kay Spencer. Mga awitin na kapag naririnig ko, siya ang unang pumapasok sa isip ko.

Ilang beses ko pa na nahuhuli ang sarili ko na ngumingiti. Nang matapos ko ang aking pag kain at inuming kape, sinabayan ko ang chorus habang nag lalakad.

"..kay sarap naman mabalikan ng ating ala-ala.."

" 'di ba't ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari?"

"Ako yung Prinsesang sagip mo palagi..."

"Ngunit ngayo'y marami ng nag bago at nangyari. Ngunit hindi ang pag-tingin na gaya pa rin ng dararatda-dati--"

"Dararatda-dati... na gaya pa rin ng..ng Dati---"

SPENCER POV

-------------------------

"What if mag tanong si Ash? Anong sasabihin ko?" Tanong ni Trixie habang tinitignan ang photo album. Mga larawan ng kaniyang kasal.

"I don't know! But Just make sure na wala siyang alam. Mas okay na yung ganito." Sagot ni Spencer saka sumimsim ng kape.

"Spencer, ibahin mo si Ash. Hindi rin mag tatagal, malalaman at malalaman niya rin ito..."

"Hindi puwede! Ayokong masira lahat ng pinaghirapan ko. Trix." Sagot ni Spencer saka sumandal sa sofa.

Kasalukuyang nag uusap sa sala ang dalawa. Sa bahay ni Trixie at Tyrone.

"Kailan tayo uuwi sa probinsiya? Spencer ayoko ng eskandalo. Alalahanin mo ang papparazzi. Mainit ang mata nila sa akin lalo pa ngayon na babalik ako ulit sa pag rampa." Saad ni Trixie ng di nag aalis ng tingin sa photo album.

"Yeah I know. Mag iingat naman tayo. Don't worry Trixie, after this hindi na kita guguluhin pa." Naka ngising sabi ni Spencer saka kumindat.

"Dapat lang. Kung ayaw mong ako ang guluhin ni Natasha. Yung babaeng 'yon pa naman----sobrang tapang!" Turan ni Trixie saka ngumuso.

"Masyado siyang maldita kaya mukha siyang matapang." Natatawang sabi ni Spencer saka umayos ng upo.

"May pinag sabihan ka ba? May iba pa bang nakaka alam?" Mahinang tanong ni Spencer bago muling uminom ng kape.

"Wala. Wala pa! Basta't ako na ang bahala kay Ash. Gawin mo na lang yung sinabi ko..." Naka ngiting sabi ni Trixie saka sinara ang photo album.

"Tingin mo ba mapapaniwala siya?" Kunot noo na tanong ni Spencer.

"Well, knowing her masyado siyang mabilis mag tiwala sa isang tao. I think nakuha ko na ang loob niya. Kaya madali na lang sa akin ito. But the problem is, napakabait ni Tyrone para mag lihim tayo sa kaniya."

"Ako na ang bahala kay Tyrone. Kasama naman siya sa plano. Once na maayos na ang plano, sabay tayong uuwi sa probinsiya." Saad ni Spencer saka tumayo.

"Aalis ka na?"

"Hindi na ako mag tatagal. May kikitain pa akong client..." Sagot ni Spencer.

"Hindi na ba talaga mag babago ang isip mo?" Pahabol ni Trixie bago matunton ni Spencer ang pinto palabas.

"Hindi. Hindi na ako ang dating Spencer na nakilala ni Natasha. Sorry na lang siya! Dahil kahit kailan, hindi na ako mag papaka alila sa kaniya." Seryosong sabi ni Spencer at diretsyong tinahak ang daan palabas.

ASH POV

Nanginginig pa ako habang nag tatype. Hindi ko na initindi ang pinturang natapon sa sahig ng makita ko ang mensahe sa akin ni Ann. Kumukulo ang aking dugo at biglang uminit ang aking ulo matapos mabasa iyon. Pumapatak ang aking luha sa mismong screen ng phone.

Knowing Ann, hindi siya makaka pag lihim sa akin. May malasakit sa akin si Ann at napatunayan ko iyon. Ilang saglit pa matapos kong ipadala ang mensahe ko sa kaniya, muli siyang nag reply.

Ann: Nakita ko si Trixie na sumakay sa kotse ni Spencer. Sa labas ng sunrise hotel. I asked Tyrone at ang alam niya raw ay nasa bahay ang wife niya. Ash alam mo ba kung bakit sila mag kasama?

Ash: Weh? Baka naman naki sabay?

Ann: See the photo! Nag hahalikan sila...

Ash: that's not true! I know it's a big lie Ann!

Ann: I got more... Hugging each other!

Ash: The hell! I need an explanation!

*phone ringing*

Sa oras na mag sinungaling si Spencer, hindi ko na alam kung anong mangyayari sa amin. Pero anong paliwanag ang gugustuhin ko pang marinig kung sapat naman ang ebidensiyang nag sasabing niloloko nila ako? At si Tyrone?

Pinilit kong isantabi ang galit ko. Tumayo ako saka huminga ng malalim. Masyadong matagal bago niya sinagot ang tawag ko. Binuksan ko ang bintana ng kuwarto saka lumanghap ng hangin. Nang sa wakas ay sinagot niya ang tawag ko, medyo gumaan ang dibdib ko.

Spencer: Sweetheart? Bakit hindi ka pa natutulog? 11:00 pm na diyan right?

Gusto ko sana ibalik ang tanong na iyon sa kaniya. Pero gusto ko munang patunayan na niloloko niya ako.

"Hindi ako makatulog. Inaalala kasi kita. Ikaw nasaan ka?" Mahinahon kong tanong saka umismid.

Spencer: Ah.. nasa office ako ngayon sweetheart. Medyo busy ako...

"Busy? Gaano ka naman ka busy? Parang hindi ka masayang marinig ang boses ko?" Malambing kong sabi kahit pa nahihikbi na ako.

Spencer: I miss you a lot. Ayokong mapuyat ka kaya matulog ka na. Okay?

"Okay lang naman..." Hindi pa man ako tapos mag salita ng pinatayan niya ako ng tawag. Sa galit ko ay binuhos ko ang lahat ng pintura sa canvas.

Hindi ko alam kung ano ang lumalason sa isip ko para udyukin ang sariling tapusin na ang lahat ng meron kami ni Spencer. Pero sa kabilang banda, masyadong mababaw na ebidensiya ang larawang iyon para maging basehan ng pang aakusa ko at sabihing niloloko nila ako.

"Kasinungalingan!"

"I need to know the truth. Pero paano? Isang buwan pa ang dapat kong hintayin..."

"Pero hindi puwedeng wala akong dapat na gawin."