NOTE

Gabi gabiy hanap ka

Pagising koy isa ka nalang ala-ala

Ala alang ayaw ko nang mabura

Dulot man nitoy kalungkutang nadarama.

Gusto kong ipaglaban ka

Ngunit tugon moy pagluha

Ganon na ba ako kasama?

Nasa piling koy para sayoy isa ng sumpa?

Anong saysay ng buhay ko?

Kung ikay wala na sa piling ko?

Buong puso akong nangako sayo

Na syang kamatayan lang ang sanhi ng ating paglayo.

Pagmamahal ko bay di na sapat?

Na ang pag ibig mo sakiy nagkalamat?

Intensyon ko bay di na tapat?

Na ako sayoy di na karapat dapat?

Araw araw man kitang hintayin

Gabi-gabi man kitang isipin

Ngunit sa umaga, pagkagising

Ang katotohanang wala ka parin saking piling.

Nasan na ang mga pinangako mo

Na hangang sa ngayoy pinanghahawakan ko!

Lahat ng yong nakatatak sa pusot isip ko.

Lalong lalo na ang I DO na binitiwan mo.

Luha may tinatago

Dulot nito'y tuluyang pagkawasak ng puso

Paano ko ba mawawakasan ang paghihirap nato?

Sobrang sakit na kasi ang sa aki'y dulot mo.

Sawa na akong patuloy na naghihintay

Ayaw ko ng sa kasinungalingay mabuhay

Mali mang isipin, ngunit pusoy gusto ng humimlay

Baka sakaling dahil don, akoy iyong madalaw na saking hukay.