HNGNG

Hanggang sulyap nalang ba?

Hanggang abot tanaw nalang ba kita?

Ang lapit mong tila kilometro ang pagitan

Na siyang distansyang pumipigil sating hangganan.

Hindi tayo itinadhana para sa isat isa

Ngunit pareho tayong di kayang magmahal ng iba

Isipin ko palang na masaya akong wala ka

Tila isang pagkukunwaring pilit kong inuunawa.

Balakid ang oras sa di tamang panahon

Pagmamahalang nabuo ngunit pilit hinihiwalay ng pagkakataon

Pusong mandirigma para sating hangganan, Sanay marapating ipaglaban.

Dahil ikay para sakiy ang simula ng dulo kong wala ng hangganan.

Dalangin ng pusong may pighati

Ang kaligayahang sabay nating mawari

Ang pagasam sa pag ibig na bigyan ng laya

Ang pusong puyat ng magapi ng ilang libong kalungkutan

At ng tuluyan ng tayoy wakasan ng malupit na kapalaran

At bigyang laya nasa huli'y sabay tayong dalawa'y makamit na ang ating walang hangganan..