PAGSUKO

Sana noong sinabi mong ipaglalaban mo ako

Sana naman yung hanggang dulo

Hindi yung basta ka nalang tatakbo

Pag alam mo nang ikaw na ang dehado.

Ipaglaban? Isang mong kasinungalingan

Isang salitang sa unay ang sarap lang pakinggan

Ngunit ng lumaoy ang sakit, dahil akoy naniwala

ngunit bigla ka nalang nawalan ng paninindigan.

Guloy akala ko bay sabay nating susuungin?

Labang dapat sabay nating lulupigin?

Labanang dapat sana tayo ang magakakampi

Ngunit bakit sa huliy ikaw pa  pala ang kalabang matindi?

Na sa sobra kong tiwala

Ikaw na pala sakin ang pumapana

Na ang mga binitawang salitay sakin pala ang patama

At ako naman naniwala. Heto sa pighati lumuluha.

Hindi ko alam kung bat ako umiiyak

Pero luhay ayaw umampat sa pagpatak

Umiiyak ako hindi dahil sa talunan

Iiniyakan ko lang panahong sayo ko sinayang.

Na kung sanay hindi ko sayo nilaan,

na kung sana sa iba nalang

Doon sa taong handa akong ipaglaban

hanggang sa dulo ng hangganan.