CRUSH

Hi crush, Una sa lahat

Gusto ko muna sayo'y magpasalamat

Kung hindi dahil sa iyo

Hindi ako magiging ganito kahenyo este kainspirado.

Ikaw ay matagal ko nang inaabangan

Ikay palihim kong hinahangaan

Apat na taon kitang sinubaybayan

Apat na taon nadin sayong may lihim na nararamdaman.

Hindi ko gustong umamin

Kasi dinadaga ang aking damdamin

Ayokong sagot moy alamin

Kayat ang patago kang mahalin ay aking titiisin.

Okey na kong nakikita ka

Sanay naman na akong hanggang abot tanaw lang kita

Marinig at makita lang kitang masaya

Okay na ko, kahit hindi ako ang dahilan kung bakit ka masigla't tumatawa.

Kaya naman ngayong magtatapos na tayo

Mamimiss talaga kita ng SUPER at TODO-TODO

Kahit hindi ko man naipagtapat ang pagibig ko sayo

Okay lang, Ginawa mo namang EXCITING ang aking buhay KOLEHIYO.

#dearcrush; hi baby jaky....👋👋👋