MAARI BA

Maaari bang bumalik kana?

Hindi ko na kayang nagiisa

Pusoy nagmamakaawa na

Taon ng sayo'y ako'y nangungulila.

Ilang butil na ng luha ang tumulo

Ilang pag agos pa ba ang kailangan danasin

Upang tuluyan ng matuyo

At ng sa gayoy muli na kitang makapiling.

Hinihintay ko ang iyong muling pag balik

Nang sa gayo'y mapunan na etong pananabik

Ang makita ka't mayakap ng mahigpit

Ay pangarap ko sa bawat tuwina at saglit.

Ang hirap pala ng wala ka

Buhay koy nawalan na ng tunay na sigla

Ikaw lang ang dahilan kong bat ako masaya

Kaya sana kahit malabo, sana bumalik kana.