AASA

Hangang kailan ko hihintayin?

Kailan ulit kita makakapiling?

Hangang saan kita  hahanapin?

Nang ika'y maibalik na sa akin....

Hanap ka sa bawat sandali

Sa twina'y sa isip ikay sumasagi

Lumbay ng pusong nagdadalamhati

Mapapawi pag ikay, akin na nakitang nakangiti....

Kailan ka babalik?

Isiping narito kay nananabik

Nang sa gayoy pagdurusay maibsan

At mapangungulila sayoy tuluyan ng mapunan....

Lumipas man ang taon

Maiwanan man ako ng takbo ng panahon

Taandaan mo, mahal kita mula pa noon

At mas mamahalin sa bawat araw, bukas at dapit-hapon...

Ps: hinihintay ko ang iyong pag balik kasi miss na miss na kita. Sana pede pa, pwede pang ibalik ang dati na tayoy magkasama.😭